Chapter 8

3675 Words
Phase I stood in front of them, reminding them what are the next steps just to make sure that their dance is going to be perfect. Ilang beses akong napapangiti habang pinapanood silang isinasayaw sa perpektong paraan ang lahat ng itinuro ko. The loud roar and cheers from the audience made my heart beat louder. I am so proud watching them and giving their best. Sa ilang linggo naming practice ay talagang nakakapagod pero worth it. Sure win na 'to. "Congratulations!" Bida-bida kong sigaw pagkatapos na pagkatapos ng last step at tugtog kaya naman nangibabaw ang boses ko. Nasundan iyon ng sigawan at mahihinang 'boo' na natakpan na rin agad ng masasayang cheer para sa grupo na tinuruan ko. Naghiyawan din ang mga pawisan kong alaga at dinumog ako habang nagsisigawan. I grinned and congratulated them, kahit may last group pa na sasayaw para sa competition. Kahit may isa pa ay sure na ako na panalo na kami. "Good job!" I proudly said. "Okay ba, Salacia?" tanong ni Cath. I nodded. "Sure win na talaga! Ang galing ni'yo!" Humalakhak ako pagkatapos. "O tabi-tabi na diyan, sasayaw na kami para mapahiya na 'yong nagki-claim na panalo na sila!" "Akala mo naman magaling. Isinabak sa competition ang sayaw na 'yon? Parang zumba!" Napangiwi ako at tinignan ang dalawang choreographer ng huling grupo. Isang babae at isang bakla. Inismiran ko lang sila at umalis na kami roon para bumalik sa nakalaan na pwesto ng grupo ng tinuruan ko. "Bakit 'di mo sinagot ang mga chaka na 'yon, Goddess?" tanong ni Sally. Pinasadahan ko ng mga daliri ang aking buhok bago umiling. "Hayaan mo na lang. Mamaya, isasampal ko sa kanila 'yong trophy. Zumba pala, ha?" I crossed my arms and watched the last group dance. Panay ang tingin sa akin ng dalawa kada may ipinapakitang sa tingin nila ay bongga ang mga sumasayaw. I watched them with my bored expression. My lips twisted into a grin when I saw obvious mistakes. Tuluyan akong napatawa nang magkabanggaan ang ilan sa dancer dahil nakalimutan ang mga tama nilang pwesto. I shook my head and tried to stop from laughing. Mukhang sa kanila ang zumba. Natapos ang sayaw at rinig na rinig ko ang imbyerna na boses ng bakla na choreographer. Nagkibit-balikat ako at pinagmasdan na lang ang mga bata na nagsasayawan na sa gitna. The judges must be choosing now if which group should win. Malaki talaga ang tiwala ko na kami ang mananalo. "Kaya pala napakagaling ng grupo niyo, si Salacia pala ang gumawa ng choreo!" Napalingon ako at ang grupo ko sa dumating na tao. "Mayor Edmond!" I greeted the man wearing a kinda formal attire. "Narito pala kayo!" saad ko. Bumati na rin sila kay Mayor. He is a widowed man on his 40's. Medyo bata pa at nawalan agad ng asawa pero hindi na naghanap ng iba. We knew each other because he was the one who helped me when I escaped from hell. Palaboy-laboy na kasi ako no'n at hindi alam kung saan pupunta. Pinulot niya ako at pinasakay sa van niya noon. Nagsinungaling ako na may kamag-anak ako rito kaya dito niya ako dinala imbes na sa DSWD. At kaya naman pamilyar ako sa lugar dito ay dahil dito ipinanganak noon si Mama pero agad din silang lumipat ng mga magulang niya. Ang kubo na tinitirhan ko ay dating kinatitirikan ng dati nilang bahay ngunit nasira rin. May nagpatayo lang daw ng kubo muli makalipas ang ilang taon hanggang sa namatay na ang may-ari kaya ako na ang tumira nang mapadpad dito. We are not that close because we did not keep in touch but I will be forever grateful to him. "Isa ako sa judge, naimbitahan ni Ashton." He laughed like Santa Claus. Napangiti ako at natawa na rin. "Ngayon na lang muli kita nakita, Salacia. Kumusta ka naman?" "Ayos lang naman, Mayor. Ito nga, lalong gumaganda. Pansin mo ba?" Hinawi ko ang buhok at maarteng pinikit-pikit ang mga mata. Ang mga kasama ko ay napangiwi na at napailing, tila sila na ang nahihiya para sa akin. Mayor laughed again. "Oo na lang, Salacia. Pero ang ganda ng sayaw ng grupo niyo, ha? Bakit nagturo ka lang? Bakit hindi ka sumali sa kanila?" I scoffed. "Wala ng silbi ang kompetisyon kung kasali ako. Charot! Joke, totoo naman." He laughed again. Nanatili pa siya ng ilang minuto bago na tuluyang umalis para bumalik sa desk ng mga judges. Agad na nagsitanungan ang mga kasama ko sa akin. Napairap ako. "Close pala kayo ni Mayor?" "Parang wala naming hindi ka-close 'yan si Salacia. Ay, meron pala. Dami ring may galit sayo, madalas mga kaedaran niya." "Oo nga pala, 'yung kapitbahay namin ang init ng ulo kay Salacia pati mga tropa no'n. Bakit gano'n mga 'yon?" Nagpatuloy sila sa kwentuhan tungkol sa mga kakilala nila na may galit sa akin. Ako naman ay biglang natahimik at parang bumigat ang loob sa dami ng nabanggit nila na hindi ko naman mga kilala 'tsaka nakasasalamuha. Bakit nga ba maraming galit sa akin? Sanay naman na ako, lalo na roon sa mga na-basted ko at doon sa mga babae na 'yong crush nila o jowa ay nagustuhan ako. Pero minsan, katulad ngayon, napapaisip ako na kung bakit lagi sa akin nakadirekta ang galit nila kahit wala naman akong kasalanan? Bakit nga ba ayaw nang marami sa akin? "Tara na! Awarding na!" Nagpatianod na lang ako sa kung sino ang humila sa akin. We gathered in front of the decorated stage. Tinitingala naming ang emcee at ang mga judge. Sa harap nila ay ang apat na trophy na palaki nang palaki ang sukat. Dance competition is a big event here. Kaya naman pinaghahandaan at dinarayo ng mga taga-ibang barangay. This year, fifteen na grupo ang naglaban-laban at sigurado ako na mananalo kami. There are four winners. The third place, second place, first place, then the champion. And everyone is aiming for the champion. I gathered all of my confidence and tried to smile, pushing away the negative feeling. Kami ang champion, I have made sure of that when I was doing the choreography. Nagsimula ng i-announce ang panalo. Sa tuwing natatawag ang number ng kanilang grupo ay medyo nadidismaya ang iba. Siguro ay inaasahan nila na sila ang champion. I raised my brow and shook my head. Better to be third or second, than nothing, right? Medyo naawa naman ako sa eleven na grupo na uuwing luhaan. May consolation prize naman silang maiuuwi. But we are all wanting to win, aren't we? Better luck next time. "And the champion is group number...." The drum rolls made everyone's heart feel heavy. Tinignan ko ang reaksyon ng bawat isa at maraming nagyayabang na mga mata ng choreographer ang sumalubong sa akin. I just smirked and brushed my long wavy hair with my fingers. Inayos ko ang aking suot na off-shoulder at mas tumayo ng tuwid. "Congratulations group number 7!" Halos mabasag ang eardrum ko sa sigawan. Nagtilian ang mga kasama ko sa tuwa. I encouraged them to go up the stage to claim their prize. Malakas ang ginawa kong palakpak at isinigaw ang cheer ko sa kanila. "Congrats mga bilat!" I shouted as loud as I could. They laughed at the stage when they heard me. Napatawa ako nang naiiyak pa ang isang loka-loka sa grupo. First time yata makaranas ng panalo. "Akyat ka, Salacia!" They called me. Agad naman akong tumakbo paakyat ng stage para i-feel ang pagkapanalo. The judges greeted and congratulated me. "Siya ang choreographer nila," Mayor Edmond proudly said. The older lady smiled at me widely. "Then for sure you are a great dancer, huh? Congratulations! Why not try joining big competitions? Or..." she eyed me from head to toe. "Maglakad-lakad ka lang sa Maynila ay siguradong may kukuha na sayong modeling agency. You look amazing!" Napahagikhik ako at medyo nag-blush dahil sa papuring natanggap mula sa matandang mukhang elegante at sosyal. Proven na, hindi lang mahihirap ang nagagandahan sa akin. My beauty is universal! "Thank you! Pero ang hirap tumawid papunta sa Luzon. Wala bang modeling agency rito sa Visayas?" I joked, sinasakyan na lang ang mga sinasabi niya. She laughed softly. "Hahanapin kita kapag may nasagap ako na may opportunity, hija!" Kinuhanan kami ng pictures. I really feel so happy at that moment. I miss feeling this way. Siguro mararanasan ko ulit ito kapag nag-aral na ako? The feeling of happiness because of great accomplishment and achievement. I will strive hard to feel this again. "Inuman tayo bilang celebration!" aya ni Jen habang naglalakad na kami pauwi. I smiled widely. "Gusto ko 'yan! Tapos super dami ng pulutan!" masayang sabi ko. "Aysus, mukha ka talagang pagkain!" "Huwag na lang inuman. May isa pa tayong seventeen years old dito. Kainan na lang!" Ngumisi ako. "Kahit ano, basta may pagkain! Pero bago 'yon, daan muna tayo sa site. Base sa bilang ko ng araw, ngayon ang uwi ni Poypoy ko mula sa Maynila." Agad umugong ang tuksuhan. Ako naman ay kinikilig at tuwang-tuwa kasi inaasar nila ako kay Poseidon. Umuwi kasi siya ng Maynila last last week. Ten days ko na siyang hindi nakita kaya miss na miss ko na ang aking irog. Naglakad nga kami papunta roon. In our way, we met the last group earlier. Lakas magparinig sa amin, wala namang napanalunan. Wala na sana akong balak na pansinin pa sila ngunit ang dalawang choreographer ay humarang sa amin. I crossed my arms and raised my brow to them. "Oh, ano'ng ganap niyo now?" nanunuya kong saad. "Oy, Louie, parang mang-aaway ka na naman, ah? Huwag kami," saad ni Jen doon sa bakla. Matangkad ako pero mas matangkad pa rin 'yong Louie. Medyo chubby rin. Naka-ponytail ang blonde niyang buhok at ang kilay ay on fleek. Taray! Ang kasama niya ay pamilyar sa akin. Maliit lang na babae at hindi kaaya-aya ang mukha kaya ayaw ko ng tignan. "Ilang gabi mo pinaligaya si Mayor para grupo niyo ang ipanalo niya?" tanong ng babae. "Hindi ganiyan si Salacia! Sadyang magaling lang talaga siya magturo!" I nodded. "Kaya nga, sadyang magaling lang. Magaling din ang mga dancers ko. Ganiyan ba talaga? Kapag hindi nanalo, sasabihin na luto ang laban. Dinaya, gano'n? Why not accept your defeat na lang kaya?" maarte kong sagot. "Kitang-kita ng lahat kanina ang pag-uusap niyo ni Mayor. Grabe ka nga manglandi, girl. Kaya pala unang kita ko palang sayo, ang init na ng dugo ko! Iyon pala kasi basura," sabat no'ng Louie. Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa. "Bitter naman sobra. Kaya ba 'di matanggap ang pagkatalo ay dahil tinalo kayo ng sinabi niyo na pang-zumba lang? Iyong tinuro niyo yata na steps ang pinapanood niyo kaya nasabi niyo 'yon. Galingan niyo na lang next time. Don't worry, baka hindi ako magtuturo next year, e'di kapag gano'n, may chance na kayo manalo." I smirked. "Yabang mo! Inakit mo naman si Mayor para manalo kayo! Low class bitch." Pulang-pula na ang mukha ni bakla, kagagamit lang yata ng eskinol. Nagtkibit-balikat ako. "Bahala kayo kung ano ang gusto niyo paniwalaan basta..." I stepped forward and smiled to the two of them. "Kami panalo, kayong dalawa... talo," I whispered. Akma ko na silang lalampasan pero hinila ng babae na maliit ang buhok ko papunta sa gilid. I am sure that I can handle her until the gay slapped me so hard. Halos mahilo ako sa lakas ng sampal niya at ilang segundo yata akong namanhid. Natauhan na lang ako na pinagsasabunutan na ako ng dalawa. Umingay ang paligid at alam ko na sinusubukan ako iligtas ng mga kasama ko pero sa laki ni Louie ay mahirap siyang pigilan. I tried to fight back. Sinipa ko sa pagitan ng hita niya si Louie dahil gaano man ka on fleek ang kilay niya ay may itlog pa rin siya. I felt him weakened for a bit kaya tinutukan ko na ang pandak na babae at nginudngod ang mukha niya sa maalikabok na sahig. Gigil na gigil ako at hindi pinakinggan ang mga sigaw niya. Pero nabitawan ko siya nang may humila sa buhok ko mula sa aking likod. Ramdam na ramdam ko ang pagkabanat sa malambot na parte ng anit ko. And it f*****g hurts! "Walang-wala ka sa akin! Ang yabang mong makating babae ka!" gigil na gigil na saad ni Louie. Pilit ko inabot ang kamay niya na nasa may likod ko para pigilan siya ngunit 'di ko naabot. "I respect gays, but you are an exception, loser! Wala kang pempem!" I shouted. Sinakop ng palad niya ang mukha ko at agad kong naramdaman ang kuko niya. I also saw the small and ugly woman ready to attack me again. Agad ko siyang sinipa sa tiyan para 'di na dumagdag pa sa sakit na nararanasan ko. Nilamukos ni Louie ang mukha ko at pabaon na nang pabaon ang kuko niya. Then I saw a built, even bigger than Louie, in my peripheral view. Sa isang iglap ay bumagsak si bakla at tumahimik ang paligid matapos ang napakalakas na tunog ng suntok. Natumba rin ako dahil hawak niya ang aking buhok. His fingers on my hair loosened and I grabbed that opportunity to escape. Pagtingin ko sa pwesto niya ay nakita ko ang pamilyar na pigura na sunod-sunod na sinusuntok sa mukha si Louie. My eyes widened when I realized who he is. "Atlas, tama na 'yan!" I saw Colt tried to stop him but he did not listen. Nang makita ang may dugong mukha ni Louie ay napahawak ako sa balikat niya para hilain siya palayo. He needs to stop! "Poseidon, stopped!" I shouted nervously. Nilingon niya ako. I thought that I already saw the darkest shade of his blue eyes, but I was wrong. Ang pagiging asul ng mga iyon ngayon ay halos maging itim na, sa sobrang dilim. Storm on the middle of the sea is not enough to be compared with it. It looks like the abyssal zone of the ocean, the deepest part of the sea where there is no light. Unfathomable and dangerous. The anger cannot be traced on his face, but I know, with just the look from his eyes, he is infuriated. "T-tama na 'yan." Pilit kong ginawang mahinahon ang boses kahit pa gustong manginig noon sa takot. I don't know, there something on his eyes that made me scared. His jaw clenched. Nakita ko ang paghinga niya na pilit niyang kinokontrol. He inhaled deeply then exhaled like he is calming himself. I swallowed hard and I slowly reached for his fist. Pulang-pula iyon at dahil sa sobrang kuyom ay halatang-halata ang mga ugat. Hinaplos ko iyon nang maramdaman ang panginginig no'n, tila gusto pa rin sumuntok. He stared at me and he controlled his breathing.Dahan-dahan siyang tumayo at naramdaman ko rin ang dahan-dahan na pagkalma ng kuyom niyang kamao. "Louie! Gumising ka!" saad ng babae habang inaalog ang mukha ng tulog na kaibigan. Then she looked at us with her sharp glare. "Kakasuhan namin kayo!" she shouted. "I'll be waiting for that," malamig na sagot ni Poseidon. Tinignan ko ang mga kasama ko na pinapanood kami. Ang ilan sa kanila ay magulo ang buhok gaya sa iba sa kabilang grupo. Mukhang pati sila ay nag-away. Everything is a mess now. "Sige na, Salacia. Magpagamot ka na. Ang lala ng lagay ng mukha mo," seryosong saad ni Sally. Noon ko lang napansin na maliban kay Colt ay may dalawa pang kasama si Poseidon. Tinignan ko ang mga ka-grupo ko bago dahan-dahang trumango. "Uuwi na kami. Susunduin ka na lang namin kapag may celebration na. Huwag ka na mag-alala sa nangyari ngayon," ani Jen at pinakita ang cellphone niya. Nakita ko na may recorded do'n na video. She smiled at me. Tinanguan ko siya at nginitian na nauwi sa pagngiwi dahil sa hapdi ng mukha ko. Akala ko ay ihahatid na ako pauwi ngunit dinala ako ni Poseidon sa site nila. Doon kami dumiretso sa mesa sa labas. Inihatid sa kaniya ni Colt ang first aid kit. Na-gets ko na ang gagawin niya at kung bakit siya tumabi sa akin. He carefully mended my wounds. Tinignan ko ang mukha sa salamin na kasama sa kit at napasimangot nang makita na marami akong kalmot sa mukha. May pasa rin ako sa pisngi na malamang ay galing sa sampal ng Louie na 'yon. Ibinaba ko ang salamin at pinakiramdaman ang paggamot niya sa kin. "Ouch," I uttered then pouted while staring at Poseidon's serious face. Napangiti ako nang maliit habang pinagmamasdan siya. Sobrang gwapo niya. Ngayon ay mukhang payapa ang mga mata niya ngunit seryoso pa rin. Our eyes met then he raised his brow. "Masakit?" he asked and dabbed the cotton. Lumabi ako at tumango, nagpapa-cute lang sa kaniya. He nodded then moved the cotton in the softest way that he could. Napangiti na ako nang tuluyan. Miss na miss ko talaga siya. Ang pangit lang ng muli naming pagkikita, naabutan pa na nakikipag-away ako. And I don't know what would happen to me if he didn't come in time. Baka buong katawan ko na ang may pasa. "Salamat," malambing kong saad. He gave me a quick glance and he focused on my wounds again. "Bitter ang mga 'yon kasi panalo kami at talo sila. Nandaya raw," pagke-kwento ko. "Pero kawawa sayo si Louie, duguan mukha. Dapat 'di mo kinawawa nang gano'n. Half-girl kaya 'yon," saad ko. His jaw moved and he glanced at me again. "He is still a man. Ang lakas niya at katawan ay katulad pa rin sa lalake. And he dared to hurt you, a woman with a frail body. He deserved that." Napangiwi ako. "Grabe ka naman sa frail! Tunog sakitin naman 'yon. I am super healthy kaya!" reklamo ko. "Delicate as a fine thing, then. Should be handled with so much care," he said simply. My eyes widened a bit, shocked of his description of me. Those are just simple words from him but it warmed my heart. It has been a long time since I feel like I am someone important and should be protected. Napayuko ako habang nakangiti, hindi makapaniwala na mararamdaman muli ang ganito matapos ang ilang taon. But when I remembered what happened earlier, my smile vanished. "Hindi kaya sa akin talaga ang may mali? Ang daming galit sa akin kahit wala pa akong ginagawa. Lahat...." Malungkot akong napangiti nang maalala kung ilang beses na akong nakarinig mula sa iba na sa unang beses pa lang na pagkakakita nila sa akin ay mainit na ang kanilang dugo.  Hindi ko na mabilang. Too many that I get used to it, not realizing that it is scarring me deep within. Ang daming may galit sa akin. I even experience it from my father and he materialized it into slaps, kicks and other physical abuse. I experienced it from my step-mother in an unimaginable way. I experienced angry stares, words, and treatment from a lot of people even when I am doing nothing to them. Ipinanganak ba ako sa mundong 'to para kagalitan habambuhay? Sana pala... sana hindi na lang ako ipinanganak. I felt soft touches on my face. So soft that is the exact opposite of the harshness. Ang mga daliri niya ay dahan-dahang pinaangat ang aking mukha para magtagpo ang aming mga mata. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na dinala ng hangin at humarang sa aking mukha. He caressed my face softly and his gaze is so tender like a tranquil water. I felt a lump on my throat. I smiled widely that my eyes are almost closing to stop the tears from clouding my eyes. "That is not true. There is nothing wrong with you. Kung sa tingin mo ay lahat galit sayo, how about Kapitana, Diana Rose, the people from the barangay hall, and the other people that surround you? They like you, they love you. And it is just the matter of your vision. Focus your eyes on those people that love you. They are a lot... sila ang mahalaga, hindi ang iba." His fingers traced my cheek down to my chin. Ako naman ay gumaan ang pakiramdam dahil sa mga salita niya at tila nahihipnotismo na sa kulay asul niyang mga mata. "At kung sa tingin mo ay lahat ayaw sayo, then why...why it feels like I like you?" he whispered gently. My eyes widened again. Ang pisngi ko ay uminit nang sobra dahil sa pagkabigla. Napalayo ako sa kaniya at hinampas siya sa balikat. "Hayop ka, Poseidon! Biglaan naman 'yan!" sabi ko sa kaniya habang pinipigilan tumili dahil sa kilig. Ang puso ko ay grabe ang lagabog na pakiramdam ko ay lalabas na mula sa dibdib ko. He chuckled and looked away. Niligpit niya na ang first aid kit. "Namura pa ako," he murmured. Humalahak ako at kinulong ko ang sariling pisngi sa aking magkabilang palad. Ang init! I bit my lips when I remembered something. "Totoo ba 'yan? Eh, nakita ko 'yong gusto mong babae sa cellphone mo! 'Yong pictures niya." Kumunot ang noo niya. "Girl that I like? You don't have a picture here," he uttered and stared straightly at my eyes. Napatili ako at tinakpan ang mukha. "Poseidon, huwag naman biglaan na pakilig!" I giggled. I heard him chucked. Ikinalma ko ang sarili at sinamaan siya ng tingin. "May babae nga sa cellphone mo na sure na gusto mo kasi may sarili siyang album sayo. Iyong itim ang buhok at mata, elegante, kutis-gatas, at mukhang masungit!" saad ko. "Oh, that is Juno Medalyana." My mouth formed into a big 'O' and I nodded. "Ang ganda pala ng pangalan. Crush mo 'yon, 'no? Kaya nalalabuan ako na magustuhan mo ako agad kasi iba ang level ng beauty no'n," saad ko at napalabi. He smirked a bit. "Hindi na ba pwede magbago ang gusto ko?" he asked then glanced at me. I bit my lower lip and looked away because I can't contain the overwhelming feeling in my heart. "I'm done in the phase of liking formal, stiff and quiet girls. I am in a new phase that I would never like to end."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD