Chapter 7

4049 Words
Maid Nagising ako dahil sa malakas na katok. My head hurts like hell. Napasimangot ako at dahan-dahang tumayo saka naglakad palapit sa pinto ko. Pagsilip ko ay nakita ko si Diana Rose. I pouted and opened the door for her. Agad ko siyang tinalikuran at bumalik sa kama ko. "Hoy, babae!" malakas ang boses na saad niya. "Ano ba?" iritado kong tanong at sumubsob sa unan. "Ano 'yong sinabi mo sa akin kagabi? Tungkol do'n sa ginilingan mo si Poseidon tapos nag-standing ovation? Bastos ka!" Halos sumigaw siya. Kinuha ko ang isa ko pang unan saka binato siya. Napaatras siya at pinandilatan ako ng mata. Binato ko pa siya ulit ng isang unan. "Ang gaga mo naman, be? Kagabi ko pa sinabi, ngayon mo lang na-gets tapos binulabog mo pa ako!" I shouted to her. Sinapo ko ang ulo at umupo na. Lumangitngit ang kama ko na gawa sa kawayan dahil sa aking bigat. Nginiwian niya ako. "Eh, ngayon ko lang na-gets!" I rolled my eyes to her. "Ang sakit ng ulo ko. Umalis ka na nga! Baka masabunutan kita!" saad ko at tumayo muli patungo sa may lababo. "Sorry na! Ikaw kasi, masyado kang bulgar magsalita. Bastos nito." Nagsermon pa siya. I brushed my teeth while listening to her rants. Naghilamos na rin ako. "Tapos si Madonna, umalis na paghatid sayo no'ng dalawa. Ang babaeng 'yon. Kung hindi lang talaga magkakagulo, sinampal ko na 'yon," aniya. I chuckled and faced her. Hinilot ko ang sentido habang naglalakad pabalik sa kama ko. "Huwag ka na pumatol do'n. Kami lang ang may hindi matapos-tapos na away no'n." Napanguso siya at umupo sa tabi ko. Tinupi ko na ang kumot at inayos ang mga unan na ginamit ko. "Nakakainis kaya!" Sumimangot pa siya. But her eyes widened when she remembered something. Napahagikhik siya at tinusok ng hintuturo niya ang tagiliran ko. "Pero si Poypoy mo, ha? Parang ikaw lang talaga ang pinuntahan. Pagbalik niya ro'n matapos ka ihatid, nagpaalam na rin at umuwi." Medyo nanlaki ang mata ko at napatitig kay Diana Rose. She giggled and nodded eagerly. I smirked. "Ako nga siguro ang dahilan bakit nagbago ang isip no'n." Hinawi ko ang buhok at pinigil pa ang ngisi. Napawi ang ngiti niya at bigla akong hinampas sa balikat. Sa inis ko ay hinampas ko rin siya. "Ano'ng ginawa ninyo rito, ha? Nauna si Ashton bumalik do'n tapos mukhang badtrip pa! Nahuli si Poseidon. Ano'ng ginawa niyo!?" Tila nanay na handang manermon ang itsura niya ngayon. Inirapan ko siya at humalukipkip. I bit my lower lip when I remembered what we talked about last night. "Sabi niya, patuloy ko lang daw siyang gustuhin..." mahinahon kong saad. Diana Rose squealed like a pig. Inalog-alog niya ako at nanatili naman ako na nakahalukipkip. "Ibig sabihin no'n, nagkakagusto na rin siya sayo. Gusto niya siguraduhin na habang nahuhulog siya sayo ay mananatili ka riyan para saluhin siya!" Tuwang-tuwa niyang sabi. "Gano'n din ang naiisip ko." Nahinto siya at tumitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilang nang makita na mukha siyang nagtatakha. "Bakit mukhang malamya ka? Dapat kinikilig ka na." Napakamot ako sa pisngi at bumuntong-hininga. "I suddenly felt this last night. Parang malaki ang tsansa na magiging sobrang possessive si Poseidon, Diana Rose. Though, naramdaman ko 'yon no'ng sabihin niya na siya lang dapat ang gusto ko at wala naman problema dahil siya lang naman talaga. Pero naiisip ko, paano kung maging kami at lumala 'yon, 'di ba?" Ngumiwi siya. "Advance ka naman mag-isip. Etchosera. Magiging kayo agad!?" I sighed. "Kung nagugustuhan niya na nga ako, hindi malabo. Kapag sinagot niya na ako, e 'di kami na!" Inirapan niya ako at napangisi. "Ayaw mo no'n, possessive! Nakakakilig kaya 'yon. Sa mga nabasa ko na pocketbook, ang saya kapag possessive ang jowa. 'Yon bang ipagdadamot ka niya sa iba, kapag may kumausap sayo magseselos siya, pagbabawalan ka niya sa maiiksing damit at iba pa. Nakakakilig!" She sighed dreamily. I stared at her with my disgusted expression. "Nababaliw ka na ba? Ano ang nakakakilig do'n? Gusto mo bawat kibo kontrolado ka? Ano ka niya, alaga? Hahayaan mong mawala ang sense of individuality mo kasi nakakakilig 'yon? Duh! Umayos ka nga, Diana Rose. Hindi nakakakilig ang possessiveness dahil kapag hindi 'yan napigil, pwede na 'yang mauwi sa abuse!" Napanguso siya. "Masaya naman siguro 'yon. Protective, gano'n..." aniya sa maliit na boses. I rolled my eyes. "Iba ang protective sa possessive, tandaan mo 'yan. Protective kapag inaalagaan ka niya at ayaw ka masaktan o mapahamak. Ang possessive, tingin niya pag-aari ka! Hindi isang indibidwal. Gets mo?" "Pero nice naman sa pakiramdam na gusto ka ipagdamot, 'di ba?" I sighed. "Yeah, minsan. Pero hindi palagi." Napailing ako. "Hindi talaga pwede sa akin 'yan, Diana Rose. Ilang taon sa buong buhay ko na para akong nakakulong. Nakatali at hindi malaya. Ayoko maramdaman ulit 'yon. Kaya nga ako umalis, 'di ba?" Napapikit ako at hinilot muli ang ulo na masakit. Natahimik si Diana Rose. Natahimik din ako at napaisip. Mali naman siguro ako ng naramdaman kay Poseidon kagabi. Masyado lang yata akong anxious. He looks like a dignified man. Maayos ang prinsipyo niya. Pero sinabi niya rin mismo na possessive siya. Baka naman 'yong possessive na hindi sobra-sobra? "P-pero totoo ba 'yong sinabi mo kagabi, Salacia? Kinadena ka dati? H-hindi mo kasi nabanggit sa akin 'yan..." she asked nervously. My lips parted upon hearing her words. Nag-angat ako ng tingin at nilingon siya. "N-nasabi ko 'yon?" tanong ko at nakaramdam ng panlalamig. She nodded with curiosity on her eyes. I inhaled sharply and shook my head in disappointment. Unti-unti ko ring naalala ang tagpo kung saan nasabi ko 'yon. Mariin akong pumikit at muling napailing. "Dumb," I whispered. "Pwede mo naman hindi ipaliwanag, ayos lang," sagot ni Diana Rose. I swallowed hard and straightened my back. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok bago natulala. "Totoo 'yon. Kaya natigil ako sa pag-aaral at hindi ko natapos ang junior high. I was chained at the basement." Rinig ko ang mahinang singhap niya. I smiled bitterly and remembered those days. I was very thin and frail back then. Ngayon ay napupuna pa ang katawan ko na mukha raw mapayat pero ang totoo, mas mapayat pa ako dati. Iniangat ko ang paa sa kama at hinawi pataas ang patong-patong na anklet sa isa kong paa. Nagpakita ang peklat na tanda ng ilang beses kong pagpilit na tumakas mula sa mahigpit na kadena. "Salacia..." "Nakuha ko 'to dahil sa pagpilit na makatakas. Nagsugat dahil pinipilit ko talaga at muntik ko na nga putulin itong paa ko." I chuckled for a bit. "Kaso wala akong makita na matalim na bagay do'n. I was really desperate to be freed. And now that I am free, ayoko ng maulit pa 'yon." "A-ang nasabi mo lang ay hindi mabuti ang pakikitungo sayo ng step-mother mo. Hindi ko alam 'to... I am sorry," she whispered. I smiled bitterly. "Sila ng ama ko ang dahilan nito, Diana Rose. Silang dalawa ang nagdala sa akin sa impyerno." I had a happy family. No'ng buhay pa si Mama, maayos ang lahat. Mama was ten years younger than my father. She is a very beautiful Filipina. Kulot ang mahabang buhok, kayumanggi ang balat, masiyahin at maalaga. Si Papa naman ay isang half-Spanish na may negosyo rito sa Pilipinas. A strict but a very loving father and husband. Mestiso, matangkad, gwapo at kapansin-pansin ang kulay kape na mga mata. They met and had me. We were very happy. Puno ng pagmamahal ang pamilya namin. Pero nagsimulang dumilim ang buhay para sa akin nang nagkasakit si Mama at lalong nanghina nang malaman na may anak sa iba si Papa na mas matanda sa akin ng isang taon. She died when I was 10. Papa and I were devastated. Pero nawalan ako ng masasandalan nang inuwi niya sa amin ang isa pa niyang anak kasama ang ina nito. They became a new family and I was out of place. Biglang nagbago si Papa at nagising na lang ako isang araw, kinakawawa na ako sa sarili kong pamamahay. Sa kamay niya, ng step-mother ko at ng half-sister ko, naging impyerno ang buhay ko. Sa bawat lumipas na araw ay lumalala hanggang sa naging bayolente si Papa at itinatali ako ng babae na 'yon sa basement para ako ang gawing labasan ng galit ng sarili kong ama. I was alone in that cold and dark room. "S-salacia..." Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Diana Rose. Mukha siyang malungkot at nag-aalala sa akin. I smiled to reassure her. Tumayo ako at sinuklay ang medyo kulot na buhok gamit ang mga daliri. "Maglilinis muna ako ng bahay ko. Kailangan ko na mag-general cleaning," I said and followed it with a chuckle. Natataranta siyang tumayo at tumango. "Uh... gusto mo ba na tulungan kita o gusto mo mapag-isa?" she asked. I stared at her. Mukha talaga siyang nag-aalala. I smirked at her. "Dito ka lang at tulungan mo ako kung wala kang gagawin. Para hindi ako mapagod sobra," I answered with a light voice. Alanganin siyang tumango at ngumiti. Tinalikuran ko siya para kunin na ang gagamitin namin. I don't want to be alone for now. Kung anu-ano na naman ang naiisip ko. My days are still normal. Nagtuturo ng sayaw at nagtitinda ng isda kapag may dumarating mula sa laot. Poseidon's presence is making it special. Awtomatiko na mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya. Sa mga practice ay madalas naroon siya kasi may tinitignan daw siya sa likod ng court. Pero feeling ko, nagrarason lang siya para makita talaga ako. "Ano, tapos mo na i-check ang damuhan sa likod ng court?" tanong ko sa kaniya nang pabalik na siya. He raised his brow and shrugged. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya napagaya ako at tinignan ang suot ko. I am on my usual outfit. Off-shoulder top at mahabang skirt. May scarf din ako sa ulo bilang headband. "Ano?" I asked him again when our eyes met. Ang asul niyang mga mata ay kitang-kita ko ngayon. Hindi lang dahil sa kaputian niya, dahil na rin sa liwanag ng paligid. He looks mysterious with those color. Parang dagat na hindi mo alam kung ano ang maaari mong matagpuan sa pinakailalim. Ano nga ba ang mga iniisip niya sa likod ng malamig niyang ekspresyon? "You look beautiful," he uttered. Umawang ang labi ko at natulala sa kaniya. The side of his lips rose before he turned his back. Nakalayo na siya nang matauhan ako. I blinked consecutively before calming myself. Sanay na ako masabihan ng maganda. Pero bakit kay Poseidon, nabigla pa ako? "Cath!" I shouted as I run towards her. "Ano?" tanong niya. "Pahiram nga ako ng salamin!" nagmamadali kong saad. Tinaasan niya ako ng kilay bago kinuha ang powder compact niya. Agad ko 'yon na tinanggap at tinignan ang hitsura ko. I look like my usual face! Ngayon lang ba na-realize ni Poseidon na maganda ako? O sa tuwing nagkikita kami, alam niya 'yon at ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob? Napahalakhak ako at malaki ang ngiti sa harap ng salamin. "Ang ganda ko!" I shouted and laughed again. "May nababaliw." "Sinabihan ka ni tisoy ng maganda, 'no?" nakikiusyuso na saad ng isa. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok habang nakapilantik ang daliri at tumango. "Malapit niya na talaga ako sagutin," positibo na saad ko. "Sus, umayos ka, Salacia. Taga-Maynila 'yan. Baka katawan mo lang habol niyan," nakangiwi na sabi ni Jessa. Sinimangutan ko siya. "Sus, hindi gano'n si Poypoy ko!" "Paano mo nalaman? Taga-Maynila 'yon, ikaw probinsiyana. Maganda ka at maganda ang katawan, pero iba ang type ng mga ganiyang lalake. Madalas 'yong mga maipagmamalaki talaga. 'Yong pareho nila na mataas ang pinag-aralan at socialite din." Napangiwi ako. "Nega mo naman," saad ko. Pero sa kalooban ko ay may natutunaw. I imagined him on a high-end bar with classy women beside him. Tapos naalala ko na naman 'yong babae sa cellphone niya. "Sinasabi ko lang. Ayaw ko lang na masaktan ka sa huli." Ngumuso ako. "Hindi rin naman ako seryoso. Hindi ako masasaktan. Gusto ko lang siya," sagot ko at umalis na sa harap nila. I sat on one of the benches. Binuksan ko ang money bag na nasa bewang ko at tinignan ang pera do'n. But my mind is somewhere else. She's kinda right. Maganda ako pero marami pang iba na maganda rin. Ano ang meron sa akin para mapansin ni Poseidon? Wala, kalandian lang. Natigil ako sa pagbibilang at nangalumbaba. I don't want to be liked just because of my face and body. Gusto ko na magustuhan ako dahil sa ugali ko o kahit ano na mas malalim. Ayoko ng pisikal na atraksyon lamang dahil masyadong mababaw. I want to be liked and loved for who I am, not for what I have.  Matapos ng practice ng sayaw ay umuwi na ako diretso. Lagi kong dinadaanan si Poseidon at kinukulit sa site nila, pero ngayon ay hindi ko ginawa. Ano ba ang gusto ko mangyari sa pagkakagusto ko kay Poseidon? Maging kami? Tapos gano'n na lang? At sa lilipas na mga buwan habang kami, magsisimula akong ma-insecure sa kung anong klase na tao siya kumpara sa akin? Sumubsob ako sa mesa ko at halos pukpukin ang ulo. Gano'n ba ako ka-confident para maisip na magiging kami? Paano nga kung katawan lang ang habol sa akin ni Poseidon, gaya ng sabi ni Jessa? Pero magkakainteres pa ba 'yon sa katawan ko kung kumakalat nga ang mga paninira na hindi na ako virgin at laspag pa? "Ahhh!" I shouted and pulled my hair. Overthinking again! The darkness is enveloping my whole being. Kinuha ko ang lahat ng ipon ko at inilatag sa mesa. May na sa susunod na linggo, malapit na ang pasukan. Sapat na ba 'to para matustusan ko ang pag-aaral ko nang tuloy-tuloy? Why am I overthinking about a man when I have a bigger problem? "Okay, focus, Salacia," I murmured to myself. Ang baon ko, okay na kahit tinapay na lang tapos tubig. Ang problema ko talaga ay ang pamasahe ko lagi, lalo na't nasa may bayan pa ang highschool. Ang malapit lang dito ay mga pre-school at elementary. Lakarin ko na lang kaya at aalis ako rito nang sobrang aga para 'di ako ma-late? Nilingon ko ang pinto nang may kumatok. Tumayo ako at sumilip sa pagitan ng kawayan at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita kung sino ang nasa labas. Agad ko 'yon binuksan at tinitigan siya. "P-poseidon! Napadaan ka?" tanong ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. May dala siyang plastic na 'di ko malaman kung ano ang laman, sa kabilang kamay ay flashlight. Mag-a-alas-siete na rin ng gabi kaya madilim na sa daan, panigurado. "Can I come in?" he asked. Napaatras ako at tumango. "Sige, tuloy ka," saad ko at pinanood ang pagpasok niya. I closed the door behind him. Pinagmasdan ko ang paglinga niya sa loob ng bahay ko. Bumuntot ako sa kaniya nang naglakad siya palapit sa mesa. "Ay, nakakalat," saad ko at agad na sinikup ang mga pera papunta sa may gilid. He cleared his throat and sat on the other wooden chair. Umupo ako sa harap niya at ngayon ay nasa pagitan namin ang kuwadrado na mesa. Maliit lang, sapat para kainan ko kaya ngayon ay mukha itong lalong lumiit dahil sa malaking katawan ni Poseidon. "May bibilhin ka?" he asked when he noticed the money. I shook my head. "Binilang ko lang 'yong ipon ko," sagot ko. Tumagal ang tingin niya roon na tila binibilang. Uminit ang pisngi ko at tinakpan ang karamihan na barya na ipon ko. Hindi ko naman ikinahihiya pero naiilang ako sa pagtitig niya roon. "Bakit ka pala pumunta rito?" I asked as I put the money back in my bag. Inilagay niya ang dala na plastic sa ibabaw ng mesa. I curiously stared on it. Hindi iyon naging sapat kaya hinawi ko ang plastic at tinignan kung ano ang nasa loob. May box sa loob kaya sinilip ko rin at agad kong nalanghap ang mabangong amoy. "Wow, ang daming fried chicken!" I excitedly said. Tumikhim siya. "Diana Rose mentioned to me that you like these flavors. Buffalo, barbeque, garlic and such..." he uttered. Sinulyapan ko siya nang may pagtatakha. Paano napunta ang usapan nila roon at kailan 'yon nangyari? Gusto ko man tanungin but I am too excited and delighted because of the sight. "Salamat!" masayang saad ko. Favorite ko talaga pero matagal na matagal na no'ng huli akong nakakain ng mga ganito. Tumayo ako at lumapit sa aking cupboard. Meron naman akong tatlong plato at tatlong pares ng kubyertos saka mga baso. Nilingon ko siya at naabutan na nilabas niya mula sa isang plastic ang mga canned softdrinks. "Bakit mo 'ko dinalhan niyan, ha?" tanong ko nang may panunukso sa boses. Inilagay ko ang plato sa mesa. I saw him watched my every move. Inilipat ko ang mga chicken wings sa plato para mas maayos. "Pumunta ako sa may bayan and I... remember you," he uttered. Malaki ang ngisi ko at tumango. Naghugas ako ng kamay then I felt his presence behind me. Bigla akong kinabahan at nilingon siya. I caught him staring at me with his mysterious eyes. Ngumiti ako para mabawasan ang kaba saka gumilid. "Maghuhugas ka rin ng kamay?" I asked. He nodded. Dinala ko ang mga kamay niya sa may lababo saka ko binuhusan ng tubig gamit ang tabo. Itinuro ko sa kaniya ang sabon. "You don't have a faucet here? Where is your source of water?" tanong niya habang nagsasabon siya. "Wala, nag-iigib lang ako. 'Di ba sa likod nitong bahay ko may bundok? Merong balon do'n. Hindi naman sobrang taas kaya okay lang, hindi ako masyado nahihirapan." "What?" he asked like he can't believe it. Ang noo niya ay kunot nang lingunin ako. I just smirked at him. "How about your drinking water?" "Bumibili ako. Sinubukan ko kasi dati diyan sa balon, nasira tiyan ko. Hindi kinaya." Binuhusan ko ulit ng tubig ang kamay niya para maalis ang mga sabon. Nang matapos ay winisik-wisik niya iyon tapos natulala sa mga iba't ibang kulay ng towel sa harap niya. "Where shoud I..." "Dito ka magtuyo ng kamay," saad ko. "Ito kasi, pamunas ng mesa, ito sa sink, ito sa sahig, ito sa mga plato at iba pang utensil. Pero malinis 'yan lahat ngayon." I assured him. Matagal niya tinitigan ang mga towel na nakasabit sunod ay ang iba ko pang mga gamit na maayos na nakatabi. Then he glanced at me. Bahagya siyang ngumisi na nagdala na naman ng kaba sa dibdib ko. "You are very organized and clean," aniya. Ngumiti ako at iniwan siya roon. "Really?" "Hmm, yeah. I like it. I really like it." Magkatapat kami ngayon na kumain. Wala nga akong nasaing na kanin dahil wala na akong bigas. Ngunit sa dami ng chicken wings na dala niya na may kasama pang fries, tiyak na mabubusog na kami. "Bakit nga pala hindi ka dumaan sa site kanina?" tanong niya. I glanced at him. Tutok siya sa pagkain. Napangiti ako nang mapagtanto na parang kailan lang ay halos 'di niya ako pinapansin, tapos ngayon ay heto, kasama ko siya kumain. Our eyes met. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain at tumutok do'n. "Wala lang..." sagot ko. "Are you mad at me?" Nabigla ako sa tanong niya kaya napaangat ako ng tingin. Ngayon ay magkatitigan kami habang naghihintay siya ng sagot. I chuckled and shook my head. "Hindi! Bakit naman ako magagalit? Parang tanga 'to." I chuckled and looked down again. "Hmm... You did not visit me so I thought... we have a problem." Nahinto ako sa pagnguya. My heart beat like crazy. Kinikilig ang gaga. "Hoy, Poypoy, 'yang mga linyahan mo, pa-fall," saad ko. Tinitigan ko siya at sinubo ko nang buo ang isang chicken wings, sinadya pa na malagyan ng dumi ang gilid ng labi. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya kung maiinis ba siya o mandidiri sa kawalan ko ng class. But he just stared at me and his lips rose a bit before he looked down. He looks amused! Uminit ang pisngi ko at napasimangot. Nakakabaliw ang lalake na 'to! "Alam mo, nababaliw na ako," I honestly said. Lumagok ako mula sa canned coke na binuksan niya na para sa akin. Pabagsak ko 'yon na inilapag. "Why?" he asked. "Kasi alam mo 'yon, lalo akong nagkakagusto sayo pero ang dami kong what ifs." Binitawan niya ang hawak niya na chicken wing at tumitig sa akin. Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain kahit pa pinapanood niya na ako. "What are your what ifs?" he asked nonchalantly. Uminom din siya ng softdrinks. I watched his adam's apple moved up and down gorgeously. Napasimangot ako. "Kasi pinapansin mo na ako, 'di ba? At sabi mo no'ng nakaraan na nakaraan na linggo, magpatuloy lang ako sa pagkagusto ko sayo. So, nagkakagusto ka na rin sa akin. Pero ang daming gumugulo sa akin." Tumango siya at tumitig sa akin habang umiinom, tila ini-encourage ako magpatuloy. "Katawan ko lang ba ang habol mo sa akin?" diretso kong tanong. Tumaas ang kilay niya at natigil sa paglagok ngunit nanatili ang lata sa may labi niya. "What made you think of that?" he asked and gently put down the can on the table. I sighed. "Kasi nga Manila boy ka tapos ako probinsiyana. Baka nabo-bored ka na rito," sagot ko. "When I'm bored, I swim, take pictures, do scuba diving and other water activities," he uttered. Naningkit ang mata ko habang nakatitig sa kaniya. "So?" Nagkabit-balikat siya. "I am not a man that is driven by his desire. I have never chased a woman and I don't chase them for their body." I raised my brow and nodded slowly. "So... hindi 'yon ang dahilan kung bakit mo 'ko pinapansin?" I asked, just to make sure. He licked his lips, making it appear redder. He leaned closer. "Yeah, your body looks great but I like your character and wit more than that," bulong niya. Unti-unti akong napangiti. He smirked and focused on his food again. "I want to be deserving for you," I uttered. Nahinto siya saglit at sumulyap sa akin bago umiling. "Don't look highly at me, Salacia. I am not a perfect man. No need to make yourself deserving or what." Napanguso ako at lalong napangiti. Humble pa, oh? "Mag-aaral ako. Para naman hindi mo 'ko ikakahiya kapag naging tayo na. Tatapusin ko ang junior high, pati ang senior high tapos maghahanap ako ng scholarship para sa college ko, Poypoy." "Let me take care of your needs, Salacia." "Huh?" Nagkatitigan muli kami. Huminto siya sa pagkain at seryoso na tumitig sa akin. The intensity of the stares of his dark blue eyes sent chills down my spine. "Pag-aaralin kita. I have a good place near the school that you would attend for your junior high." Napakurap ako, tila nabibingi dahil sa mga sinabi niya. "H-ha? Poseidon, ano ang—" "Ako ang bahala." My eyes widened. "Poseidon, sure ka ba sa sinasabi mo? Ano ang kapalit?" "Walang kapalit..." mahinahon niyang saad, pinagmamasdan ang reaksyon ko. Mariin akong umiling. "No, kailangan may kapalit bago ko 'yan tanggapin. Malaking bagay para sa akin ang pag-aaral. Gawin mo na lang akong katulong o 'di ka—" "Okay, you are gonna be my maid." Napangiwi ako. "Ay, pumayag agad." Tumaas ang kilay niya, mukhang nalilito. Napailing na lang ako at humagikhik, masyado ng masaya dahil sa mga sinabi niya. "Thank you, Poypoy!" I happily said. "No problem," simple niyang saad. "Doon ka ba tumitira sa bahay or apartment something mo sa may bayan?" excited kong tanong. Tinitigan niya ako at tila binabasa ang nasa isip ko. "Nope. I am always on the site. May kwarto ako roon." "Ay," dismayado kong saad. He raised his brow. Napalabi ako ngunit muling napangiti nang maalala ang mga pangako niya. "Thank you talaga!" "No worries. Just tell me what you need." Napangisi ako nang may maisip. "Para ka namang sugar daddy ko niyan..." I teased. He glared at me while looking so embarrassed. "Nope. I just want you to be my maid." I grinned. "Okay, Daddy!" I am so happy. When I thought that I am already hopeless, a glint of light came to make me hope for more... to make me stronger and more determined.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD