Chapter 22

1604 Words
“ANONG oras ba darating ang parents mo?” Pabalik-balik sa paglalakad sa kabuuan ng sala ni Carlo si Orange, animo hinahabol ng kung ano. “Hindi ko alam, ang sabi ni Allan ay narito na sila kanina…” “Baka naman niloloko ka lang ng Allan na iyan?” “Hindi niya iyon gagawin, Tasha—” “Eh nasaan na nga kasi sila?” kabado pa rin niyang tanong. Huminto siya at humalukipkip sa harap ni Carlo. “Let’s wait for them. Baka naman—” “Carlo!” Magkapanabay silang lumingon ni Carlo sa pinto at marahil ay nawalan ng kulay ang kaniyang mukha nang sa unang pagkakataon ay makaharap niya sina Mr. and Mrs. dela Peña. “Ma!” bulalas ni Carlo. Tila napipilitan itong humakbang palapit sa mga bagong dating. “Nakausap na namin ang kasera mo kanina,” tugon ng ina nito at saka hinagkan sa pisngi ang anak. “Lumabas lang kami saglit para mamili ng ilang groceries. Aba’y wala man lang akong mailuto sa kusina mo, ang ref naman ay puro tubig yata ang laman!” Luminga ito sa likuran at noon sumungaw ang isang lalaking unipormado. “Ipasok mo sa loob ang mga ‘yan, Allan.” Bahagya siyang nagulat. Hindi yata at ang Allan na tinutukoy kanina ni Carlo ay isang—family driver??? Lalo na siyang nagulat nang isa-isa nitong ipinasok ang mga supot na pinamili ng mama ni Carlo. Kung bibilangin ay tiyak na hindi iyon bababa sa sampu. “Mama, ano ba ‘yan? Hindi ba at sinabi ko na sa inyo na hindi ko kailangan ang mga ‘yan—” “Ito ba ang pinagmamalaki mong buhay, Carlo? Ito ba ang simpleng buhay na sinasabi mo? Ang kahit toothpaste ay tinitipid sa araw-araw?” Noon siya napatingin sa papa ni Carlo na nasa isang panig ng masikip na sala. May hawak itong maliit na animo stick na nang hithitin nito ay saka lang niya napagtantong tabako. “Papa, can you please stop talking that way? Hindi ko sinabi sa inyong dalawin niyo ‘ko rito. Hindi ko rin pinaalam ang kinaroroonan ko sa inyo dahil ayokong maabala kayo dahil sa’kin…” “My goodness, hijo, what are you talking about? Itinuturing mo bang abala ang pag-aasikaso namin sa iyo ng papa mo?” “It’s not that, Mama. Ang sa akin lang naman—well, never mind!” Sumulyap ito sa kaniya at saka nito inilahad ang isang kamay. “Come here, sweetheart…” Kahit nag-aalangan ay inabot niya ang kamay ni Carlo. Lumapit siya rito at hinayaan niyang akbayan siya nito. “Ma, this is my wife, Anastacia…sweetheart, my parents…” Bahagya siyang nakayuko kaya nagulat pa siya nang sa pag-angat niya ng ulo ay masalubong niya ang nanlalaking mga mata ng ina ni Carlo. “Hello po…nice meeting you, Ma’am…Sir,” aniya habang hindi halos makatingin sa mga magulang ng katabi. “Seryoso ka ba sa sinasabi mo, anak? Ang akala ko pa naman ay nagbibiro si Allan…” Halos maiyak-iyak ang mama ni Carlo. “Sinabi ko na sa’yo, Mama! Kung bakit kasi hindi ka naniwala sa akin!” anang papa naman nito. “Ma, Pa…hindi ko gagawing biro ang ganyang bagay. Totoo po ang sinabi ni Allan sa inyo na nag-asawa na ako at si Anastacia nga iyon. You can cell her Orange or Tasha if you want.” “Ah, Tasha na lang po, Mama…Papa,” alanganin niyang sabi. Pakiwari niya ay napakalaking pagkakamali ng nasabi niya dahil lalong nanlaki ang mga mata ni Mrs. dela Peña. “Hijo, what are you trying to prove?” Kung pakikinggan ang tinig nito ay tila ito umiiyak ngunit wala naman ito kahit isang patak na luha sa pisngi. “Noong una ay mas pinili mong kumuha ng Fine Arts kaysa Business Management na siyang gusto namin ng papa mo para sa’yo, ngayon naman ay…oh my God, hindi ko ito kaya, Papa…” Bumaling ito sa asawa at humilig sa braso nito. Ang asawa naman ay agad na umakbay at umalalay rito. “I told you I never wanted to be a businessman. Hindi ko kahit minsan nakita ang sarili kong naghahawak ng malalaking negosyong tulad ninyo, so please understand. Mas nakikita ko ang sarili kong gumuguhit, Mama…at kung magha-handle man ako ng business in the future, it will definitely have something to do with my works.” “At ano, tulad ng mga tiyuhin mong artist ay wala ring mararating? Iiimbak lang ang mga gawa sa attic ng bahay natin o idi-display sa museo ng pamilya? I don’t think—” “Your parents never supported Uncle Paul and Uncle Martin, Mama! Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila nagtagumpay sa pinili nilang karera. Ako, ganoon din ba ang gusto ninyong mangyari sa akin?” “Hijo—” “Tell me, ‘Ma, pababayaan mo bang amagin sa attic ang mga gawa ko kung kaya ko naman silang ipagmalaki sa mga tao? Wouldn’t you be proud of me as your son?” “Ito ba ang dahilan kung bakit mas pinili mong mag-asawa nang maaga kaysa ituon nang buo ang isip mo sa pag-aaral, Carlo? Tell me, ito ba?” “Yes, Ma!” Saglit itong sumulyap sa kaniya na tila humihingi ng pang-unawa. “Iyon nga ang dahilan! Hindi ninyo gustong ibigay sa akin ang kalayaang mamili ng buhay ko. Inalisan niyo ako ng inspirasyon para magbuti sa pag-aaral. Kalabisan bang maghanap ako ng atensiyon at panahon sa iba?” “Hijo…” This time, totoo nang naiiyak si Mrs. dela Peña. Maagap namang hinaplos ng kabiyak ang likuran nito. “Mama, pabayaan na muna nating magpahinga ang mga bata. We can talk about this tomorrow, okay. For now, we all need to rest,” ani Mr. dela Peña na may kombiksyon sa tinig. Matapos ang saglit na paalaman ay niyakap ni Carlo ang ina. Ang akala niya ay uuwi na ang mag-asawa kaya laking gulat niya nang marinig ang sunod nitong sinabi. “Saan kami maaaring magpalipas ng gabi dito, anak?” “Here’s my room, Mama. Sa kabilang bahay ‘muna’ kami matutulog ng asawa ko.” Nagsalubong ang mga tingin nila ni Carlo. Hindi lang niya alam kung nabasa nito ang kahulugan ng tingin niyang iyon. “BAKIT hindi ka man lang nag-suggest sa parents mo na mag-apartelle na lang kaysa sa’yo tumuloy? Nakaka-tense silang kausap, Carlo!” Umangat ang mga kamay ni Carlo at umakbay kay Anastacia. Amused na tumingin dito. “They’re my parents, Tasha. Siyempre, gusto ko rin naman silang makasama nang matagal-tagal lalo pa at alam mo namang naglayas ako sa amin.” Pinukol niya ito ng isang matalim na tingin. “Talaga bang istokwa ka? Bakit—para namang hindi?” “Isang araw na inutusan ako ni Papa noon sa bahay ng kapatid niya ay hindi na ako umuwi. Pinasabi ko na lang kay Tito Bert na pabayaan muna akong magsarili kaya hayun…” “Sandali nga…may atraso ka sa akin eh,” aniya sabay alis ng braso nitong nakapatong ang bigat sa kaniyang balikat. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na mayaman ka? Bakit ang sabi mo ay nagtatrabaho ka lang sa talyer diyan sa kanto? Pinaglololoko mo pa ‘ko!” Bahagya niya itong hinampas sa dibdib. “Sandali lang,” anito habang pigil siya sa mga kamay. “Totoo naman ang mga iyon. Hindi kita niloko, Tasha. Natural, istokwa ako kaya wala akong karapatang gumamit ng credit card na bigay ng parents ko. Pinutol rin nila ang allowance ko dahil gusto nilang sumuko at umuwi na ‘ko pero hindi iyon nangyari hanggang sila na ang unang makipag-usap sa akin.” “Pinuntahan ka nila? Paano ka nila natunton?” “I never stopped communicating with Allan. Siyempre ay concern pa rin naman ako sa pamilya ko. I used to call him every other day para mangumusta until last week, sinabi nga niya na gusto na raw akong makita ni Mama. Humingi siya ng permiso sa akin na ibigay ang address natin but I told him to give me time. Tinawagan ko muna sila bago ko sila papuntahin dito.” “So ibig sabihin, nagkaayos na kayo sa telepono pa lang?” Marahan itong tumango. “You can say that…pero hindi muna ako nagbanggit ng tungkol sa’yo kahit pa nga alam kong sinabi na iyon ni Allan sa kanila.” Saglit na natahimik si Anastacia kaya dinunggol ito ni Carlo sa braso. “Oy, ayos ka lang?” Nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata nila ni Carlo. “Sorry, Carlo ha…kung hindi dahil sa akin…hindi sana naging ganito kakomplikado. Dahil sa problema kong pinasok ay nadamay ka. Pati ikaw—” “Tasha, ano ba! Anong nadamay? Personal kong kagustuhan na tulungan ka kaya ko iyon ginawa.” “Kahit na. Ano ngayon ang iniisip ng parents mo tungkol sa akin? I’m sure, nalulungkot ang mama mo. Mukhang mahal na mahal ka pa naman niya…” “Don’t worry about me, Baby Girl,” he said with assurance. He even touched her chin and cupped her face. “Lahat ng nangyayari sa buhay ko ay resulta ng sarili kong mga desisyon. It was my choice, okay?” “Bad choice, I guess.” “Tasha…” “Thanks, Carlo…maraming salamat sa mga tulong mo…” Hindi matukoy ni Carlo kung paanong sa isang iglap ay nagtititigan na sila ngayon ni Anastacia. Basta namalayan na lamang niyang magkalapit na magkalapit ang kanilang mukha sa isa’t-isa. Her breath fanning his face…his hands on her waist and hers on his chest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD