CHAPTER 39

2431 Words

“CARLO, tulungan mo ‘ko!” ang nakapangingilabot na anas ni Marsha. Dahil sa inis ay lalong nalukot ang mukha ni Orange. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tiyan ni Marsha habang si Carlo naman ay tumakbo upang daluhan ito. “What are you doing, Tasha?” tanong nito na puno ng pag-aalala. Agad nitong inalalayang makatayo si Marsha at ang huli naman ay agad na yumakap sa braso nito. “Carlo, si Angge! Napakasama pala talaga ng babaeng ‘yan!” “Ako pa ngayon?” sikmat niya at muling dumukwang para abutin ito. Agad namang iniharang ni Carlo ang sarili. Si Marsha ay nagkubli rito na daig pa ang batang takot na takot. Halos yakap na rin ito ni Carlo at lalo na siyang nagngitngit dahil doon. “Kumatok ako dito sa silid niyo para itanong kung nakita niya si Carmi pero bigla na lang niya akong hinatak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD