Chapter 24

1278 Words
“HEY, ‘Ma, what are you laughing at?” tanong ni Carlo nang mabungaran ang ina na humahagikgik. Nasa likod ito ng pinto ng dirty kitchen at nakatingkayad pa habang may kung anong sinisilip. Tila gulat na gulat naman ito nang makita siya, inayos ang sarili at saka tumikhim. “H-hijo, nariyan ka na pala! Where’s your father?” Agad itong kumapit sa braso niya at iginiya siya sa sala. “Nagugutom ka ba? Nakaluto na ang asawa mo.” “Nagugutom na nga ako sa amoy ng ulam, Mama. Nagpaiwan si Papa sa talyer pero susunod din naman daw agad. Kayo, kumusta kayo ni Anastacia dito?” “Ayos naman. Hayun, mapilit sa mga gawain kaya pinabayaan ko na. Siguro ay mas gusto pa niya ang maglaba kaysa makipagkuwentuhan sa akin.” Napakunot ang noo niya. Hindi tipo ni Orange ang ganoon. Oo nga at masipag ito, nakita niya iyon sa loob ng panahong nakasama niya ito sa bahay pero kung pamimiliin ito sa pakikipagkuwentuhan at gawaing bahay, walang dudang pipiliin nito ang una. “Are you sure, ‘Ma?” “Of course. Anyway, huwag mo nang sabihin iyan sa asawa mo at baka pag-awayan niyo pang dalawa. Sa akin naman, kung sino ang gusto mo ay hindi mahalaga. Ang importante ay masaya ka, anak.” “Are you sure, ‘Ma? How about Carmi?” Natigilan ang ina. “What about her?” “Ang sabi ni Allan ay isa iyon sa ipinunta niyo rito.” “That bastard…” “Ma?” “I mean, napakadaldal ng lalaking iyan kahit kailan. Kung hindi dahil sa’yo ay wala na talagang trabaho ang kapreng iyan!” “Cool, Ma. So what were you saying?” Nagbuntong-hininga ito. “Okay, fine. Nang magpunta kami rito ay nasa isip ko talagang banggitin ang tungkol sa kaniya. She visited us last week and was looking for you. She’s still gorgeous, hijo…as ever.” Nagningning ang mga mata nito. Why, Carmi was an apple of her eye. Eversince. Bata pa silang maliliit ay wala na itong ginawa at ang parents ni Carmi kundi ang ipares sila sa isa’t-isa. Carmi was indeed gorgeous but she was too boring for him. Kaibigan lang ang turing niya rito kahit pa nga alam naman niyang may gusto sa kaniya ang kababata. Carmi was a year younger. Witty, confident, those were just two adjectives that he could think of her. Malakas kasi ang loob ni Carmi. Very smart. Ginugol nito ang elementary at high school years sa mga extra curricular at sports activites ng school kung saan kapwa sila enrolled ng dalaga. Kung siya ay basketball lang ang hobby, ito ay nilahat na. Aside from volleyball, she was also a softball player. Idagdag pang cheerleader din ito ng team ng klase nito. Bukod doon ay marami pang clubs na member din ang dalaga. She could also sing and dance; talented talaga. Hindi kataka-takang nagustuhan ito ng kaniyang ina. Her mother had been longing to have a daughter. Marahil ay si Carmi ang outlet ng frustration nito. “That’s good to hear, ‘Ma. Regards to her. Balitaan niyo rin siya tungkol sa akin and don’t forget to invite her to my wedding,” biro niya. Napailing ang ina. “There’s no need to rush, hijo; only fools do that. Take your time, better to know her well before you jump into marriage.” “Thanks, ‘Ma. Of course I know that.” “Hi, babe! Kanina ka pa ba?” Nalingunan ni Carlo ang basang-basang anyo ni Orange. Nakatayo ito sa tapat ng pinto at tila pagod na pagod ang anyo. Mabilis siyang napatingin sa ina. “She was too persistent to do the chores, hijo. I told her several times to just look for someone to do the tasks for her but—” “Ayos lang ako, ‘Ma’am…Ma…Gusto ko naman ang ginagawa ko kaya masaya ako.” Lumapit ito sa kaniya at agad naman niya itong inakbayan. Yumuko siya upang hagkan ito pero madali nitong inilayo ang mukha. “Hindi pa ako naliligo,” anito sabay hagikgik. “Maghahain ako ng tanghalian. Babalik ka ba sa talyer?” “Hindi na. Nagpaalam ako kay Sir Andy na hindi muna papasok until tomorrow.” “Kailan mo pala itutuloy ‘yung ginagawa mong masterpiece?” Ang tinutukoy nito ay ang iginuguhit niyang scenery from Davao na isa sa mga kailangan niyang tapusin sa papasok na linggo. It was a sunset view. Gustung-gusto nitong tingnan iyon pero ang sabi niya ay tatapusin muna niya. “Tatlong araw pa siguro at puwede na iyon. Thanks for asking, Babe.” Ngumiti ito nang matamis sa kaniya at pagkuwa’y tumingin sa kaniyang ina. “Babe, your mom is very thoughtful. Ayaw niyang magpapigil kanina sa pagtulong sa akin. Nahihiya naman ako na pagawain siya sa bahay dahil siyempre, alam mo na, hassle naman ‘di ba…” “Really, ‘Ma? But you don’t look tired…” “Ayoko nga kasi siyang pagawain. Ang sabi ko ay minsan lang naman siya dadalaw dito sa atin kaya huwag na siyang mag-abala pa, ‘di ba, Mama?” Sa tingin niya ay may kung anong kulang sa ngiti ng kaniyang ina but he did not bother to ask. Hindi na rin niya isinatinig ang ilang bagay na nasa isip niya at sa halip ay humalik na lang sa pisngi ng ina. “Don’t worry too much, Mama. Ayos kami ni Orange dito. We’re simply enjoying everything hangga’t wala pa kayong mga apo, ‘di ba, babe?” Tila wala sa loob na napatango si Anastacia, pagkuwa’y napangiti. Hindi naman nakaila sa kaniya ang pagkislap ng mga mata ng ina sa kaniyang sinabi. “HANGGANG kailan ba dito ang parents mo?” Napakunot ang noo ni Carlo pero hindi pa man siya nakapagtatanong ay muli nang nagsalita si Anastacia. “Naisip ko lang, hindi kami puwedeng magkasama ng mama mo sa iisang bahay. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko tatagalan ang ganitong setup.” “Why? Mabait naman si Mama, right?” Napangiwi ito pero agad ding sinikap na ngumiti. “May naging problema ba kanina? Saglit na nangislap ang mga mata ni Orange, bumuka ang mga labi pero agad ding naglaho ang tila excitement na iyon. “W-wala naman. Mabait nga siya…saka…saka ano…” “Ano?” “Hmmm…” “Tasha, I’m waiting…” aniya habang totoo nang naiinip sa isasagot nito. “Masayahin siya. Ang husay niya ngang magpatawa eh…” Tinawanan nito ang sinabi pero hindi naman umabot iyon sa mga mata nito. He felt something weird. Minaltrato kaya ito ng mama niya? He knew his mom well at alam rin niyang hindi nito kayang itago ang nararamdaman. Pero wala naman itong sinabing negatibo tungkol sa dalaga liban sa paalalang huwag daw siyang magmadali sa pag-aasawa. Was that a sign that she didn’t like Tasha? Lumingon siya kay Orange, sinenyasan itong lumapit at saka ito inakbayan. “Tasha, Mom is really nice, okay. You just have to give her time to prove her self. I mean, okay siya. Magkakasundo rin kayo noon.” “Of course! Wala naman akong sinabing—” “You’re as clear as water at kahit hindi ka magsalita ay basang-basa kita!” Natahimik ito. He pinched her nose, dahilan para mamula iyon. Hinampas siya nito nang mahina sa braso. “Basta makisayaw ka na lang sa tubig, okay. Alam mo, hindi sanay sa hirap si Mama. Bukas, makalawa, maiisipan na rin nilang magbalot, promise.” Sumilay ang ngiti sa mga mata ni Orange bagaman hindi naman iyon nakarating sa mga labi nito. He was glad she’s always considerate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD