CHAPTER 46

1821 Words

SA KABILA ng pagtatalo ng kalooban ay napahinuhod ni Carlo si Orange na manatili sa mansiyon. Ang sabi nito ay kailangan niya nang mauuwian at wala namang kaso rito na pumirmi muna siya roon. Ituring na lang daw nilang tila walang nangyari. Kinabukasan ay agad na pinuntahan ni Orange si Marsha para kausapin. “Alam mo, Marsha, buhay ka pa ay sinusunog na talaga ang kaluluwa mo sa impiyerno!” asik niya agad rito. “Ano na naman ang ginawa ko sa’yo?” maang nitong sabi. Napakahusay nitong magplano para sa ikalulugmok niya. Inuutusan siya nitong gumawa ng paraan para mahalin ito ng lalaki at hiwalayan siya ni Carlo. Para ano? Para kung magalit ito nang tuluyan ay paalisin na siya sa mansiyon? Nang sa gayon ay masorpresa siya at sa huli ay matuklasang wala na pala siyang bahay na uuwian? “H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD