“HI, mahal. Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko kanina? Kay Manang ko lang nalaman na nandito ka lang sa bahay at hindi pumasok kaya pumatag na ‘ko.” “Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi na ‘ko pumasok,” aniyang walang gana. Bukod sa abala ang isip niya tungkol sa kanyang mga problema, kailangan na niyang sundin ang mga kagustuhan ni Marsha para makita at makausap na niya ang tatay niya. “May dinaramdam ka ba?” tanong ni Carlo. Basta na lang kasi siya humiga at tumalikod dito. “Wala,” aniya. “E bakit ganyan ang mood mo? May problema ba? Si Mama? Inaway ka na naman ba ni Marsha? Sino—” “Puwede ba, Carlo, sinabi ko ngang wala, hindi ba! Bakit ba ang dami mong tanong?” asik niya sa mataas na tinig. Maging ang unan niyang yakap ay naihagis niya sa sahig. Nakita niyang nabigla

