“ANONG oras na, Carlo? Hanggang ngayon ay wala pa rin ang matino mong asawa!” Nagngalit ang mga ngipin ni Carlo sa magkakahalong emosyon. Pasado alas-diyes na pero wala pa rin ni anino ni Anastacia. Ang akala niya ay siya lang ang nag-aabang rito kaya nagulat pa siya nang kumatok ang ina at itanong ang kaniyang ‘asawa.’ “May importante lang siyang pinuntahan, ‘Ma. Pauwi na rin iyon.” “Go get your cellphone and call her—ngayon din!” mariin nitong utos. Hindi niya masabing kanina pa niya ito tinatawagan pero off ang cellphone ng dalaga. Gayon man ay sinunod pa rin niya ang ina. “Unattended, tama?” iritadong wika ng ina makalipas ang ilang sandali. “Sinasabi ko na nga ba. Ganyan ang gawain ng mga taong ayaw magpa-contact eh.” “Sirain na po talaga ang cellphone niya, ‘Ma. Medyo luma na

