KINABUKASAN ay napatunayan ni Orange na hindi nagbibiro si Carlo. Maaga silang lumipat sa kabilang bahay at sinabi nito sa mga magulang na payag na itong umuwi pero dapat ay kasama siya. Hindi kumibo ang mama nito habang nakangiti naman si Mr. dela Peña . Hindi niya magawang basahin ang totoong reaksiyon ng mama ni Carlo sa desisyon ng anak pero hindi na niya iyon masyadong pinagtuunan ng pansin. Sumunod nilang pinuntahan ay ang kaserang si Aling Anna. Mabuti na lang at mabait ang babae; pumayag itong mag-refund sa halip na ipa-consume sa kanila ang kanilang one month deposit. Ibinigay ni Carlo rito ang bayad sa kuryente nila at tubig at nag-iwan pa ito ng isang libo para sa darating na billing statament. Maaga silang nag-ayos ng mga gamit. Habang nag-eempake ang mga magulang ni Carlo

