“CARLO! Carlo, what happened? Tumawag sa akin si Gladys—” Nahinto ang tangkang pagpanhik ni Carlo ng hagdan. Inabot nito ang palad ni Anastacia at saka siya inalalayan. “Oo,” anito. “Nasa silid niya si Mama at ang doctor na tinawagan ni Papa.” “Teka muna,” aniya at saka huminto sa gitna ng hagdan. “Ano ba’ng nangyari?” “Sorry kung hindi na kita nahintay sa school, Tasha. Tumawag kasi sa akin si Allan at sinabi nga ang nangyari. Nakaaksidente sila kaninang pumunta sila ng school.” “Nagpunta ulit sa school ang mama mo?” “Oo. Hindi ko pa alam kung bakit pero ang sabi ni Allan, may tumawag daw kay Mama at sinabing naaksidente ako but I was just in the school since morning.” Napaisip siyang saglit. “Nakita ko rin ngang may missed calls siya sa akin pero may klase ako. Sorry, Carlo.” Hina

