“HOY, ano’ng problema mo?” tanong ni Carlo kay Orange sa ikatlong pagkakataon. Tumalikod siya sa pagkakahiga. Hindi niya gustong kausapin si Carlo sa mga sandaling iyon. Hindi niya magagawang sabihin rito ang sinabi ni Marsha. Tumututol ang kalooban niya. Sumasakit ang puso niya isipin pa lamang na makakasama nito ang kaniyang si Carlo. ‘Si Carlo, sa’yo? Nababaliw ka na ba, Anastacia? Alam mo kung ano ang totoo, huwag kang mangarap.’ “Baby Girl…” “Carlo, please. Masakit ang ulo ko!” “Ang aga pa. Mag-usap muna tayo,” anito sabay kiliti sa tagiliran niya. Hinarap niya ito at saka itinulak ang likod nito gamit ang kaniyang mga paa. Itinukod ni Carlo ang kamay sa sulok ng kama para malabanan ang puwersa niya pero dahil makitid ang kinakapitan ay nakabitiw ito at diri-diretsong nakarating

