"Never have I ever been kiss before." Sabi ni Majesty, Khlay took a shot of tequila.
"As in? Never ka pang nahahalikan?" Tanong ni Khlay.
"Yeah, bantay sarado kasi ako ng mga kuya ko." Paliwanag niya.
"Okay ako naman, never have I ever been ruined someone's vacation." Majesty took a shot this time.
"I've ruined my brother's vacation when I was in college."
"How come?"
"Hindi ko naman kasi alam. Kasama ng kuya ko ng time na yun, yung girlfriend niya sa bahay bakasyunan namin sa Laguna eh pinasunod ako doon ng Lolo ko and I wanted to surprise my Kuya and ako ang nasurpresa, girlfriend niya ang sumalubong sakin at tinarayan niya ako. So may bitchy instinct lumabas nagpanggap akong girlfriend ni Kuya.
Eh malay ko bang magpo-propose na pala si kuya ng dumating ako doon, sinabi ko kay kuya na tinarayan ako ng jowa niya, kaya naman gumanti ako. Buti na nga lang hindi sila nagkatuluyan ng babaeng 'yon." Natatawang sagot ni Majesty.
"It's my turn." Sabi ni Khlay.
"Hey! Madaya ka ako pa."
"Naku lasing na yata ako." Natatawang saad ni Khlay.
Tawa lang ng tawa si Majesty. "Mukha marami ka na rin nainom halos paubos na yang tequila."
"Kaya nga eh. Mukhang ako ang natalo sa laro natin." Tumatawang sagot ni Khlay ng biglang tumunog ang phone nito. "Excuse me, I need to take this call." Sabi nito, tumango lang siya. Agad na umalis si Khlay sa bar counter at lumayo dahil medyo maimgay.
"Oh nasaan na yung kasama mo?" Bungad na tanong ni Dunny.
"May kausap sa phone kaya umalis sandali. Eh si Ryna nasaan na?"
"Ayon oh enjoy na enjoy na kasama si kuya." Nakangusong turo nito kina Ryna na nasa gitna ng dance floor. Sumasayaw sa saliw ng romantikong musika.
"I knew that song!" Sabi ni Majesty.
"Iyan ang theme song nina Mommy at Daddy."
Here we are we've found the day
Like we always prayed
What I see the future bring
To you and me one day
She started singing the song.
Hold onto this day
Keep inside your heart such faith
We'll walk along the path God made
Hindi niya maiwasang maalala ang kanyang lolo at lola.
And our Father's spoken
This life we've chosen
Will help us follow your plan
And I can't profess that I understand it
But I see me holding your hand
Heaven made your hand
To compliment my hand
Like Heaven made my heart
To compliment your heart
Heaven gave you love
To compliment my love
So one day we will love
The way that God intended for us
Parang gusto ng kumawala ang kanyang mga luha.
"Mag-si-CR lang ako sandali Dunny." Paalam niya sa kanyang kaibigan.
"Okidoki." Sagot naman nito na mukhang lasing na.
Naglakad siya sa pasilyo ng bahay papasok na sana siya ng loob ng bahay ng may marinig siyang tila nagtatalo. Hindi niya alam kung lalabas ba siya o tutuloy patungong C.R.
Sumilip si Majesty nakita niya si Khlay at ang isang babae na nakatalikod. Minabuti niyang magtago sa likod ng pader.
"I'm so sick and tired of this Arizza, ilang beses ko bang ipapaliwanag sa'yo na hindi ako nambabae. Oo, isa akong Gynecologist. Pero ni minsan hindi ko pinagnasaan ang mga pasyente ko. Ano bang pumasok sa kukote mo at iyan na lang ang palagi mong bintang sa akin ha!?" Galit na turan ng lalaki.
"Palagi ka na lang late umuwi at ang dami mong rason." Sagot ng babae.
"Heto na naman ba tayo Arizza, natural na late akong umuwi dahil kailangan kong asikasuhin ang mga pasyente ko. At kahit na anong pilit kong umuwi ng maaga hindi ko magawa. Dahil sa lintik na trabaho ko!" Bulyaw nito.
"Halos pare-pareho na lang ang rason mo sakin Khlay, sawang-sawa na akong pakinggan ang mga rason mo. Bakit hindi mo na lang kasi sabihin ang totoo sakin ng hindi tayo umaabot sa ganito!" Sumbat ng babae.
"Wala akong babae! Pwede ba! Itigil mo na ang kakaduda mo sakin."
"No! I won't stop until I caught you and your mistress. Huwag kang uuwi sa bahay ngayon bahala ka sa buhay mo!" Pinal na sabi ng babae at mukhang paalis rin ito kaya naman nataranta siya. Agad siya humarap sa pader at pumwesto na tila lango siya sa alak.
Hinintay niyang makaalis ito bago lumabas sa kanyang kinaroroonan. Napabuga siya ng hangin.
"Phew, muntik na ako doon." Sabi niya habang pababa sa hagdan.
"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Khlay.
Napatili siya sa gulat, muntik na siyang mahulog sa huling baitang ng hagdan.
"Hey it's just me." Sabi nito at agad siyang dinaluhan nito.
"Diyos ko naman, h'wag ka namang bigla na lang magsasalita. Aatakihin ako sa gulat." Sabi niya at umupo sa hagdanan.
"Are you okay?" Tanong nito at tinabihan siya.
"Yeah, ikaw ang dapat na tanungin ko niyan."
"Oh so, narinig mo pala." Sabi nito.
"Konti lang." Sabi niya saka ini-larawan ng kanyang dalawang daliri. "Sorry ha? Papunta kasi ako ng CR ng makita ko kayo. Siya ba yung asawa mo?"
"It's okay, Oo siya nga." Tipid na sagot nito. Panay lang ang tango ni Majesty.
"May uuwian ka ba ngayon?" Biglang tanong ni Majesty kay Khlay. Umiling ito.
"Kung gusto mo pwede ka sa bahay?" Nakangiwing tanong niya ulit dito.
Ano ba Majesty bakit mo siya inaalok na doon mag-stay sa bahay mo!? Sabi ng kanyang utak, ni sa hinagap wala pa siyang inalok na lalaki sa tanang buhay niya na mag-stay sa kanyang bahay. Hindi rin alam ni Majesty kung bakit nga ba niya inaalok si Khlay.
"Majesty mali ito, baka mapagkamalan kang mistress." Untag ng kanyang isipan.
"No, it's okay. Kaya ko ang sarili ko, pwede naman akong mag-check in sa hotel." Tanggi ni Khlay.
"No! I insist sa bahay ka na lang. Mapapagastos ka pa." Pagpupumilit niya rito.
"Hindi na nga."
"Sige kung yan ang gusto mo. Sana multuhin ka." Pananakot niya.
"Okay fine, makulit ka eh."
"So it's that a yes na!?" Tila nagdiwang ang kanyang kalooban.
"Oo na."
"Okay, let's go then. It's getting late may pasok pa ako bukas." Sabi niya saka tumayo. Walang pagsidlan ang tuwa ni Majesty ng pumayag si Khlay sa kagustuhan niya.
***********
A/N: Phew another chapter is done.
Enjoy reading
Ito pala yung song na ginamit ko, hindi ako makahanap ng may lyrics hope you like the song