HGTBM 3

933 Words
Maaga siyang sinundo ni Ryna sa kanyang apartment. "Okay na ba itong ayos ko?" Tanong niya kay Ryna. "Oo, ang cute mo kayang tingnan diyan sa dress mo." Sabi nito habang nagmamaneho. She was wearing a short front and long back navy blue one shoulder dress, na pinaresan niya ng red open toe sandals. "Nandito na tayo." Excited na turan ni Ryna. Ryna is wearing a red halter dress with black pumps. "Hey relax. I'm here, don't be to nervous." Untag ni Ryna ng mapansin na tila kinakabahan siya. "Alam mo namang di ako sanay sa mga ganitong party Ry." Sagot niya. "Walang mangangain sa'yo doon." Pagbibiro nito. "Hindi ka nakakatawa Ry." "Just relax okay!" Aniya. Napabuntong hininga na lang siya at lumabas ng sasakyan ni Ryna. "Tara na excited na akong makita si Dunny." Sabi nito at hinila na siya papasok sa bahay malaking bahay ng mga Belleza. "Dunny!" Tawag ni Ryna ng makita nila ito. Dunny is wearing a black mermaid dress. "Ryna, and your Majesty." Aniya saka yumukod kunwari si Dunny. "Sira ka talaga Dunny." Sabi niya rito. "Bakit!?" "Kahit kailan ka talaga, Majesty lang ang pangalan ko, hindi ako rich kid noh!" Sagot niya rito. "Natutuwa lang ako sa pangalan mo, para ka kasing kagalang-galang diyan sa pangalan mo." Bumingisngis ito. "Gaga ka talaga." "Alam ko matagal na." Natatawang sagot ni Dunny. "Hay, ewan ko sayo." Napapailing na lang siya. "Tara na nga sa loob, may ipapakilala ako sa inyo, dali!" Aniya saka sila hinatak nito papasok sa malawak na garden. "Stay here for a while at tatawagin ko lang sila." Sabi ni Dunny at iniwan sila sa bar counter. "Excuse me can I have vodka." Sabi ni Ryna sa bartender. "Ikaw!?" Baling ni Ryna sa kanya. "Can I have sidecar." "A vodka and a sidecar coming up." Masiglang sabi ng bartender. "Mag-si-CR lang ako sandali." Paalam ni Ryna. "Okay." Kakaalis lang ni Ryna ng maiabot ng bartender ang order nila. "Here's the vodka and sidecar." Aniya ng bartender. "Thank you." Sagot niya Naiwan siyang mag-isa sandali ng maramdaman niyang may umupo sa katabi niyang silya kung saan nakaupo si Ryna. "Gin and Tonic please." Aniya ng kanyang katabi. Nagtaka siya tila pamilyar sa kanya ang boses nito, kaya naman nilingon niya ito. Nagulat siya ng lumingon din ito pagharap niya. "Huh! Ikaw!" Sabay nilang sabi. "Oh! You know each other?" Bungad na tanong ni Dunny na may kasamang matangkad na lalaki. "Uhm... W-well, ano kas–" "Yeah I meet her a few days ago." Dugtong nito sa kanyang sasabihin sana. "Oh I see. That's good." Sabi ni Dunny at napa palakpak pa, napapailing na lang siya sa ikinikilos ni Dunny. "Nasaan pala si Ryna?" Tanong ni Dunny. "Nag CR lang sandali, pabalik na rin iyon." Sagot ni Majesty. "Okay, ah Majesty this is my brother Rykho, kuya si Maj. Siya yung kini-kwento ko sa inyo." Sabi ni Dunny. "Nice to meet you Majesty. Nice name, it suits you." Sabi nito at inilahad ang mga kamay. "Thank you." Sagot niya at tinanggap ang pakikipag-kamay. "And this man beside you is my cousin, kuya Khlay." "Nice to meet you, again." Aniya. "Same here." Tinanggap ang pakikipag-kamay nito, ng mga sandaling lumapat ang kanyang mga kamay sa palad ni Khlay ay para siyang nakuryente. Kaya naman nahila kaagad niya ang kanyang mga kamay. "Uy! May spark!" Natatawang turan ni Khlay. "Patawa ka kuya." Sabi ni Dunny. "I'm serious." Sabi nito. "Ay nakalimutan kong sabihin, may asawa na yan si Kuya Khlay." Napatango lang siya. "Kaso hindi ko type yung asawa niya madaming arte sa katawan." Bulong ni Dunny. "Seryoso!?" Tanong ko. Tumango lang si Dunny. "Oh! Ayan na pala si Ryna." Sabi ko ng makita kong paparating na ito. "Ryn!" Tawag kagad ni Dunny para makuha ang atensyon nito. "Yow." Sagot naman nito. "Ryn, kuya Rykho ko nga pala." "Hi nice to meet you."  Sabi ni Ryna. Tinalikuran na niya ang mga ito at hinarap ang kanyang inumin. Hindi na niya masyadong narinig pa ang mga usapan ng mga ito. "Why don't you join them?" Tanong ni Khlay. "Hayaan mo sila." Walang kalatoy-latoy na sagot niya saka sumimsim ng kanyang alak. Nakakatatlong shot na siya ng sidecar pero parang walang epekto iyon sa kanya. "Ayos ka rin na kaibigan ah." "Haha.. wala na akong pakialam sa kanila pag nawala na sila sa paningin ko." Sabi niya saka tumawa. "Luh!" "Ganyan talaga ako, basta wag lang nilang kalimutang ihatid ako sa bahay." Sabi niya at humarap siya kay Khlay. Natawa si Khlay sa sinabi niya. Pakiramdam niya ng mga oras na yun ay bumukas ang langit at nagkantahan ang mga anghel ng tumawa ito. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang lalaking. Hala ka Maj lashing ka na kaya kung ano na ang tumatakbo sa isip mo. Kay sarap nitong pagmasdan na nakangiti. "Bakit!?" Tanong ni Khlay ng mapansin na nakatitig siya rito. "A-ah w-wala." Nauutal na sagot niya. "Asus, baka naman may dumi ako sa mukha ko?" "Wala, ano kasi. Ahm ang ganda kasing pakinggan ang tawa mo." Pag-amin niya. Pakiramdam niya lahat ng kanyang dugo ay umakyat sa kanyang mga pisngi, alam niyang namumula na siya sa hiya. "Thanks." Tipid na sagot ni Khlay. "Aren't you bored?" Tanong nito. "Well medyo." "How about we play a game?" "What game?" "Never have I ever, what do you think?" "How to play that game?" "It's easy if I tell you, never have I ever been arrested, and if you've been arrested before you take a shot." "Oh I think it's a wonderful game." Sabi niya na tila ginanahan. "Excuse me can I have a bottle of tequila and two shot glasses, please." Aniya sa bartender, agad nama tumalima ang bartender at binigay ang hinihingi ni Khlay. "So sinong mauuna?" Tanong ni Maj. Nakatinginan lang silang dalawa tinatanya kung sino ang mauuna sa kanilang dalawa.  *********** A/N: At dahil diyan bibitin ko muna kayo Sidecar Drink: it's a mixture of Cognac, Cointreau, Lemon juice and Simple syrup Gin and Tonic: is a mixture of gin and Tonic water. So Drink Responsibly
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD