Nag-aayos ng gamit niya si Khlaydan sa kanyang opisina. Napahinto siya sandali sa kanyang ginagawa, ng maalala niya ang kanyang huling pasyente kahapon. Ito na yata ang pinaka bata at magandang babae na naging pasyente niya.
Karamihan kasi sa kanyang mga pasyente eh mga nasa mid-thirties na.
Mayroon itong kulot at mahabang buhok na mala olandres ang kulay. Mapagkakamalan itong banyaga dahil sa kutis nitong malasutla, and she got a rosy cheeks na animo'y galing itong Baguio. Mga labing kaibig-ibig hagkan. Habang pinagmamasdan niya ito kahapon ay tila ba bumangon sa mahabang pagkakatulog ang kanyang pagkalalaki.
Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang dalaga. Natawa siya ng bahagya ng maalala niya ang nangyari kahapon. Ito pa lang kasi ang kauna-unahan pasyente niya na pinahinto siya sa kanyang ginagawa.
Napaigtad siya ng magsalita ang kanyang sekretarya.
"Dok, ang misis niyo po nasa kabilang linya." Sabi ng kanyang sekretarya. Doon natigil ang kanyang mga imahinasyon.
Agad niyang iniangat ang telepono.
"Hello."
"Hello my dear husband."
"Ano na naman ang kailangan mo?" Inis na tayong niya rito.
"I'm just going to ask you, if you're coming home for tonight?"
"I can't make it for tonight." Malum-manay niyang sagot sa kayang asawa.
"Okay fine, I know you're always busy. Busy doin' some monkey business again." Pang-uuyam nitong sagot sa kanya.
"Stop it Arizza! I just couldn't make, kasi may pasyente akong manganganak." Galit na turan niya.
"Don't deny it Khlay, I know you're just busy f*****g your female clients." Sagot nito.
"Arizza, can you shut your dirty mouth!! Kung ikaw kaya na magtrabaho ng malaman mo!" Sigaw niya rito.
"Why would I do that! I don't need to work! Kung kaya mo namang tutusan ang mga pangangailangan ko."
"Fine, I know you don't have the ability to work for yourself, palagi ka na lang umaasa sakin." Sagot niya rito.
Lagi na lang ganoon ang eksena nilang mag-asawa simula ng magsama sila dalawang taon na ang nakararaan. Ang akala niyang masayang pagsasama nila ay nauwi lang palagi sa bangayan at tampuhan.
"Honey, can you just deposit some money on my account." Biglang nagbago ang tono ng boses ng kanyang asawa.
"Money again! Kailan lang ako nag-deposito sa bank account mo. Ngayon kailangan mo ulit! At saan mo naman gagamitin ngayon?" Galit na tanong niya sa kanyang asawa.
"God Khlay I need to take good care of myself. Come on Khlay just deposit some."
"Fine." Pabalang niyang sagot at binabaan niya ito ng telepono. Napahilamos siya sa kanyang mukha sa inis.
"Dok okay lang po ba kayo?" Tanong ng kanyang sekretarya.
"Yeah I'm okay, I just need some air." Sabi niya saka iniabot ang ilang libo mula sa kanyang wallet.
"And this can you deposit this money on Arizza's bank account."
"Okay Dok." Nakangiting sagot ng kanyang sekretarya.
Nagtungo siya sa katabing coffee shop ng kanyang clinic.
Panay ang buntong-hininga niya. Ilang buwan ng ganoon ang kanyang asawa minsan madadatnan niya ang kanilang bahay na wala ito dahil palagi nitong kasama ang mga kaibigan nito. Yung akala niya magiging solido ang kanilang pagmamahalan habang tumatagal sila, ngunit bakit ngayon ay tila unti-unti itong natutunaw na parang yelo.
Ano ba ang pagkukulang niya bilang asawa? Halos lahat ng kaya niyang ibigay ay ibinibigay niya rito. Ngunit hindi maibigay ng asawa niya ang kanyang gusto.
*****************
"Maj!" Tawag ng kanyang kaibigan.
"Oh anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ni Majesty.
"Tumakas lang ako sa photoshoot namin, nakakabagot kasi doon." Sabi ng kanyang kaibigan.
"Tara sa bahay baka may makakita pa sa'yo dito." Sabi niya rito at hinila patungo sa kanyang apartment.
"Hey, hindi naman nila ako makikilala."
"Kahit na, mahirap na! Baka mamaya may nakasunod pala sa'yong paparazzi. Mabuti ng nag-iingat tayo."
"Hayaan mo sila diyan." Pagwawalang bahala ng kanyang kaibigan.
Ganoon si Ryna walang pakialam sa mundo. Balewala sa kanya kahit na Isa siyang sikat na modelo.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Majesty pagpasok nila ng kanyang apartment.
"Kahit ano na lang diyan." Sagot nito at sumalampak sa sofa.
"Chitchirya gusto mo?"
"Ah that's better, ilang araw na rin akong hindi nakakatikim ng junk foods." Sabi nito at sinundan siya sa kusina. "Anong meron ka diyan?"
"Wait." Sabi niya at nagbukas sa cabinet na nasa ibabaw ng sink. "Here may Piattos, V-Cut, Potato Chips–"
"Itong Ridges na lang." Sabi nito at kinuha ang malaking chitchirya. "God! I miss this chips." Sabi ng kanyang kaibigan habang binubuksan ang hawak nito.
"Hinay-hinay lang baka mamaya eh pagalitan ka ng manager mo." Paalam niya rito.
"Oo na po 'Nay." Sagot nito.
"Ay ewan ko sayo." Iiling-iling siya habang kumukuha ng gulay sa ref.
"Anong lulutuin mo?"
"Chopsuey."
"Yey! I love that girl." Kinindatan siya nito.
"Dadamihan ko na para may baunin ka." Aniya at saka inilagay ang mga gulay sa sink.
"Thanks Maj. Ay! Oo nga pala may lakad ka ba next Saturday?"
"Wala naman bakit!?"
"Well that's great! Dunny invited me, anniversary daw ng parents niya. And gusto niya kasama ka rin daw." Sabi nito.
"Okay, pero anong oras?" Habang naghihiwa siya ng gulay.
"Mga 8pm susunduin na lang kita."
Humarap siya at ngumiti bilang tugon sa sinabi ng kanyang kaibigan.

****************
A/N: Ta-da ayan natapos ko din ang Chapter na ito.
Enjoy reading
xoxo