chapter 2

2098 Words
"Sigurado po ba kayo?" Hindi ko mapigilang mapalunok nang muling marinig na magsalita ang kaharap. Partida naka-po pa siya sa'kin pero iba pa rin ang dating sa composure ko ng mababang timbre ng kanyang boses. Nang yumuko siya upang mas makita ang mukha ko sa ilalim nang malamlam na liwanag nang papalit-palit na ilaw ng lugar ay tsaka ko lang nabistahang maigi ang hitsura niya. Dala siguro ng nainom ko kaya bigla ay parang nahihipnotismo ako ng maitim niyang mga mata. Kasasabi ko lang kanina na wala pa akong nakilalang lalaki na pumantay sa mga lalaki sa pamilya ko, pero ngayon ay meron nang lumamang pa yata kung hitsura ang pag-uusapan. Maitim na mga mata na parang nanunuot kung tumitig, matangos na ilong na bumagay sa hugis ng kanyang mukha, at mga labing ginagawang makasalanan ang imahenasyon ko. "Ilang taon ka na?" bigla ay hindi ko napigilang itanong. Sa loob-loob ko ay abot-abot ang dasal ko na sana ay legal na siya. Wala naman akong ibang binabalak na gawin, ayaw ko lang magkasala sa isip at salita! Sa halip na sagutin ang tanong ko ay unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mapupula niyang mga labi. Huwag niya akong ngingitian na para bang alam na alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko! "Legal na po akong nakakapasok sa ganitong mga lugar," sagot niya. "Pwedeng pekein ang edad," hindi kumbinsido kong turan. "Ikaw, Miss, ilang taon ka na?" balik-tanong niya sa'kin. Kakitaan ko ng kislap nang pagkaaliw ang nangungusap niyang mga mata. Kanina ay Ma'am pa ako, ngayon ay Miss na at wala na iyong po! Hindi sa nag-a-assuume ako ha, pero parang may ibang kahulugan na ang mga titig niya! Layuan sana ako ng tukso ngayon dahil wala ako sa huwisyo upang labanan ito! "I am way too old for a senior high school student," mapakla kong sagot. Lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Pumitlag ang puso nang masilayan ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. "Would you like to dance?" bigla ay tanong niya sa halip na bigyang pansin ang sinabi ko. Umayos siya nang tayo habang inilahad sa harapan ko ang palad niya. Nalilito akong napatingin sa kamay niya bago ko inilibot ang tingin sa paligid. Parang walang gulong nangyari, bumalik na iyong tugtog at agad kong napansing nalinis na iyong nabasag na bote. Sobrang tutok ko sa kaharap ay hindi ko man lang napansin ang mga nangyayari sa paligid. Nang tumuon ang tingin ko sa pinanggalingang table kanina nitong kaharap ko ay wala na ang mga kabataang umuukopa kanina roon, at pumalit na ang ilang pares ng magkasintahan. Inaasahan kong narito na sa loob si Vivien kaya hinanap ko ito pero hindi ko ito makita at maging si Ace kaya bumalik sa kaharap ang atensiyon ko. Naghihintay pa rin siya sa tugon ko sa paanyaya niya. Inisang lagok ko muna ang laman ng hawak na baso at inilapag at inilapag ito sa mesa bago walang pagdadalawang-isip na inabot ang palad ng kaharap. Ang liit ng palad ko kumpara sa kanya pero wala roon ang atensiyon ko kundi ay naroon sa mumunting kiliting dumaloy sa braso ko pagkalapat na pagkalapat ng mga kamay namin. Wala sa sariling napasunod ako sa kanya at ilang sandali pa ay nasa gitna na kami ng dancefloor kasama ang ilang mga magkapareha na sumasabay sa isang sweet dance. Lihim akong napasinghap nang pumaikot sa baywang ko ang matipuno niyang mga braso. Kusang umakyat sa magkabilaan niyang balikat ang mga kamay ko. Hindi lang pala ito malapad kundi ay matigas din sa ilalim ng malambot kong mga palad. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung ganito rin ba katigas ang dibdib niya. Dahil may parte sa'kin na gusto iyong alamin ay sinadya kong ilapit pang lalo ang sarili sa mainit niyang katawan. Bumigat ang paghinga ko nang maramdaman ang pagdiin nang pagkakahapit niya sa'kin. Ano bang nangyayari sa'kin? Ano 'tong ginagawa ko ngayon kasama itong isang senior high student? Ang mas nakakaloka at naka-uniform pa siya. Kapag may isa sa mga pinsan ko ang makakita sa'kin ngayon ay tiyak uulanin ako ng panunukso. Totoo yata na habang tumatanda ang mga Ramirez ay nahihilig kami sa mga mas bata kaysa sa'min. Pero hindi ko ramdam na bata itong kasayaw ko. May kakaiba sa awra niya na pakiramdam ko ay kayang-kaya niya akong dominahin. "So, what's your name?" Muntik na akong mapasinghap nang ilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ko upang magtanong. Hanggang dibdib niya lang ako at kailangan niya pang yumuko upang gawin iyon kaya pakiramdam ko ay kailangan kong tumingala upang makausap siya. "Bakit ko sasabihin sa'yo gayong hindi mo nga direktang sinagot ang tanong ko kanina?" Pilit kong magtunog sarkastiko ang tono ko at hindi niya maramdaman ang epekto niya sa sistema ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Mula sa baywang ko ay naramdaman ko ang bahagyang pagbaba ng mga kamay niya. Hindi ko maiwasang mapakagat-labi habang pinapakiramdaman ang kapangahasan niya. Kung nagkataong ibang tao ang gumawa nito sa'kin ay natitiyak kong may paglalagyan ito. Pero ewan ko ba kung bakit sa halip na mababastusan ako ay kakaibang antisipasyon pa ang biglang lumukob sa katawan ko. Dala pa rin ba ito nang nainom ko? Mahina akong napabuga ng hangin nang nanatili sa balakang ko ang dalawa niyang kamay at hindi na bumaba pa roon sa inaasahan kong pupuntahan ng mga ito. "You're playing with fire, young man," paos kong usal. "You think so?" paanas niyang balik-tanong sa'kin. Nahigit ko ang hininga nang pumisil ang kamay niya sa balakang ko. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako nang kakaibang pag-iinit ng katawan dahil sa simpleng pagkakahawak sa'kin ng isang lalaki. Parang may kakaibang enerhiya na humihila sa katawan ko papunta sa kanya. Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko sa batok niya kasabay nang bahagya kong pagtingkayad upang mas idiin ang sarili sa kanya. Nang halos wala nang puwang sa pagitan ng katawan naming dalawa ay parang matutunaw ako sa mga bisig niya. Nanginginig ang mga binti ko at anumang oras ay inaasahan kong bibigay ang mga ito. Hindi pa naman ako gano'n katanda upang magkaproblema sa mga buto, pero mukhang walang kinalaman ang edad sa nangyayari ngayon sa'kin kundi ay ang lalaking halos kayakap ko na. Sa totoo niyan ay hindi na kami sumasaway. Hindi ko na nga naririnig ang tugtog dahil mas nangingibabaw ang malakas na kabog ng sarili kong puso. Nang malapit nang bumigay ang mga binti ko ay bigla kong naramdaman ang pag-angat ng mga paa ko mula sa sahig. Malakas akong napasinghap sa gulat, hindi dahil sa walang kahirap-hirap akong nabuhat ng kaharap kundi ay dahil sa matigas na bagay na naramdaman kong nakatutok sa puson ko. I'll be thirty tomorrow kaya alam na alam ko kung ano ang bagay na iyon. Hindi pa man ako nakahawak at nakakita niyon sa personal pero ilang porn videos na ang napanood ko dahil sa curiosity at minsan ay katuwaan! Nakapanood na nga ako ng threesome, foursome, orgy, at kahit gay porn kaya walang rason upang manatiling inosente ang utak ko at hindi ko malalamang tinitigasan ang kasama ko ngayon. "Let's get out from here," mahina pero mariin niyang bulong sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero malinaw ang kagustuhan kong makita kung tama ba ang hula ko tungkol sa size ng bagay na nakatutok sa puson ko at kumikiliti sa malikot kong imahenasyon. "f**k!" Narinig ko ang marahas niyang mura kasabay nang pagdiin nang pagkakapit niya sa balakang ko. Hindi ko pa rin umabot sa sahig ang mga paa ko at buhat-buhat niya pa rin ako. Mula sa baywang ko ay bumaba ang isa niyang kamay sa pang-upo ko. Kung hindi lang nakakaeskandalong gawin ay inilingkis ko na ang mga binti ko sa baywang niya pero hindi pa ako gano'n kalango sa umaalipin sa'king init upang tuluyang makalimot kung nasaan kami. Malinaw pa naman ang isip ko dahil malinaw kong nararamdaman ang init na nagmumula sa katawan niya. Ang problema nga lang ay iyon at ang sensasyong hatid ng mga haplos niya sa'kin ang tanging laman ng isip ko. Umawang ang mga labi ko nang maramdaman ko ang dalawa niyang kamay sa mismong pang-upo ko. Ngayon ko lang tuluyang napagtanto kung gaano kalaki ang mga palad niya nang padiin niya akong kinabig palapit sa kanya hanggang sa sumentro sa'kin ang matigas niyang umbok. Literal na parang nakasampay na ang buo kong katawan sa kanya. Kulang na lang talaga ay ang partisipasyon ng mga binti ko upang mas maramdaman ko ang buo niyang kahandaan sa mismong tapat ng kumikislot kong kaangkinan. Ano kaya ang hitsura ko ngayon? Siguro ay para akong sugar mommy na nakalingkis sa isang batam-batang estudyante. Hindi pa nga ako sigurado kung nasa tamang edad na ba ito. Gusto kong magprotesta nang maramdaman kong ibinaba niya ako. Nakakahiya mang aminin sa sarili ko pero ayaw ko pang matapos ang kung ano itong ginagawa namin. Nagmumukha na akong desperada pero hindi ko kayang pigilin ang sariling katawan kahit na ano pang sabihin ng matinong bahagi ng isip ko. "Naturally, I'm not usually drawn to girls who cling, but with you... well, I might just make an exception." Isang simpatikong ngiti ang binigay niya sa'kin. "Just tell me your age," nagtatagis ang bagang kong tugon. Hindi na ako nagtatanong, nagde-demand na iyong tono ko. Bago pa ako tuluyang magpakabaliw ay kailangan ko munang malaman kung wala ba akong nilabag na batas. Minsan nga lang ako lumandi pero baka sa kulungan pa ang ending ko nito kung sakali. Masyado na akong matanda upang pumasok sa eskandalong tiyak na pagpipiyestahan ng mga pinsan ko at hindi pa kasali riyan ang mga tiyuhin kong Ramirez. Wala pa man ay parang nakikinita ko na ang mukha nina Tito Igop at Tito Tyron. At ang mas nakakatakot ay sa kabila ng mga posibleng mangyari ay balewala iyon sa reaksiyon ng katawan ko para sa lalaking kasama. Hindi ako nalalasing ng alak, mas nalasing yata ako sa natural niyang bango na kanina pa bumubuo ng iba't ibang pantasya sa isipan ko. "Bakit importante pa iyon?" naaliw niyang tanong. Ngali-ngali ko na talaga siyang murahin dahil sa asar. Naasar ako sa kakaiwas niya at idagdag pa iyong mas tumitinding antisipasyon na nararamdaman ko. Sa inis ko ay marahas kong hinila ang kuwelyo ng suot niya upang magkalapit ang mga mukha namin. Wrong move pa yata dahil bigla kong nalanghap ang mabango niyang hininga. "Hindi ka uminom..."kunot-noo kong komento nang wala akong maamoy na alak sa bibig niya. "At mukhang nasobrahan ka naman," nakangiti niyang sagot. "Sinasabi mo bang mabaho ang hininga ko?" mahina pero paasik kong tanong sa kanya. "Mabaho ba?" nakangisi niyang tugon. Nahigit ko ang hininga nang mas inilapit niya ang mukha sa'kin. Konting galawa na lang at maglalapat na ang mga labi namin. "Amoy-alak ka nga," mahina niyang usal sa mismong tapat ng mga labi ko. Napalunok pa ako nang makita ko ang ginawa niyang pagdila sa sarili niyang mga labi at bago pa ako makapag-isip nang tuwid ay kusa kong tinawid ang kakarampot na distansyang namagitan sa'min. Ako iyong unang nanghalik na para bang sanay na sanay ako sa ganitong gawain. Hindi ko mapigilang mapaungol nang tuluyan kong maramdaman kung gaano kalambot ang mga labi niya. He has a firm yet smooth lips, tamang-tama lang para mas lalo akong malango. Pero hindi kailangan ang masuyong halik ngayong gabi at mukhang alam na alam iyon ng lalaking kahalikan ko dahil mabilis na naging mapusok at mapag-angkin ang galaw ng mga labi niya. Hindi lang iyon dahil biglang nakisali ang dila niya at literal ang nangyayaring palitan namin ng laway. I've been kissed before but not as intense and possessive as this one. Bigla kong nakalimutan kung nasaan kami at maging iyong mga tao sa paligid ko ay biglang naglaho at ang tanging natira ay ang lalaking umaangkin sa mga labi ko. "I want more..." paungol kong usal sa pagitan nang paglalapat ng mga labi namin. "I'll give it to you," paos niyang tugon bago mas pinag-igihan ang paghalik sa'kin. Halos hindi na naghihiwalay ang mga labi namin habang nagpapatuloy naman ang malamyos na tugtog sa paligid. Hindi sweet dance itong ginagawa namin kundi ay laplapan sa gitna ng dancefloor. At sa ganitong lugar ay alam kong walang pupuna sa ganitong eksena, pero mas higit pa rito ang gusto kong mangyari kaya kailangan namin ng mas pribadong lugar. Tila naiintindihan naman niya ang gusto kong mangyari kaya iglap lang ay natagpuan ko ang sariling nagpapaubaya sa paghila niya palabas ng bar. Walang pagtutol mula sa'kin hanggang sa sumakay kami sa sasakyan niya at dinala niya ako sa isang hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD