bc

Getting Dirty at Thirty

book_age18+
7.3K
FOLLOW
86.3K
READ
billionaire
one-night stand
HE
arrogant
dominant
heir/heiress
bxg
lighthearted
campus
city
enimies to lovers
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Treinta si Alexandra Carson nang makipag-one night stand siya sa isang binatang mas bata pa sa kanya. Akala niya ay iyon ang una at huli niyang pagpakatanga pero nang umeksena ang ama nito ay napatunayan niyang mas marupok pa siya kaysa misua!Ama at anak, parehong nagpapatibok sa puso niya at nagpapainit sa katawang-lupa niya. Kung kailan siya tumuntong sa thirty ay tsaka pa siya nagiging dirty... dirty old maid! Ano ang gagawin niya? Susundin niya ba ang sigaw ng kanyang puso kahit dalawa ang laman nito? O pipiliin niyang ipagkait sa sarili ang sumaya sa piling ng mag-ama?

chap-preview
Free preview
chapter 1
"Cheers to your another year of being single!" masayang anunsiyo ng kaibigan kong si Vivien habang nakataas ang dalawang kamay na parehong may hawak na kopita ng alak. "Sana ay magka-boyfriend ka na!" Walang epekto sa'kin ang kahit na ano pang sasabihin niya dahil choice ko ang manatiling single at masaya ako, legit at walang halong echus! Sa kakasama ko sa kanya ay nahawaan na niya ako kung paano magsalita, mabuti na kang at hindi ako naging marupok katulad niya. Vivien is a transwoman and married to the love of her life while the poor me is still as virgin as the coconut oil! Bukas pa iyong 30th birthday ko pero naisipan namin ngayong mag-celebrate bago pa kami sasabak sa bonggang party na alam kong inihanda ng pamilya ko. "Let's drink until we drop!" hiyaw ulit ni Vivien na nalunod lang sa malakas na tugtog na kasalukuyang umalingawngaw sa kinaroroonan naming bar. Ganito iyong buhay-single, pwedeng maki-party kahit kailan at kahit saan ko gusto. Walang magdidikta sa gagawin ko at walang pipigil sa wild side ko, maliban nga lang kay Mommy. Lumaki man ako sa puder ni Tito Igop ay malapit pa rin naman ako kay Mommy. Noon pa man ay mas gusto ko lang iyong buhay sa Cebu kumpara sa glamorosong mundo na ginagalawan ng mga Carson sa malaking siyudad. Sa Cebu kasi ay pwede akong mamuhay nang simple lang. Doon ay naranasan kong gumawa ng nga gawaing bahay. Ako ang pumili ng paaralang pinasukan ko, at pinayagan ako ni Lolo Ned na mag-aral sa public school hanggang sa mag-high school ako kaya mulat ako sa kaibahan ng estado ko sa buhay kumpara sa mga nakakasalamuha ko. Gano'n pa man ay natutunan kong makibagay sa kanila. Iyon din ang naging dahilan kung bakit regular sponsor ako ng mga medical mission ni Tito Tyron. Natutunan kong mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. "Alex, balita ko ay may mga nanliligaw na roon triplets ni'yong bunso." Nabaling ang atensiyon ko kay Vivien nang naupo siya sa tabi ko matapos magtanong. "Hindi naman ako nakikialam sa mga pinagkakaabalahan nila," kibit-balikat kong sagot. Hindi ako katulad ng mga kapatid kong lalaki na overprotective sa bunso namin. Naniniwala naman ako na kahit fifteen pa lang ang mga ito ay kaya na nilang harapin ang sakit sa ulong kaakibat nang pakikipagrelasyon. "Mauunahan ka pa yata nilang mag-asawa niyan," sarkastiko niyang saad. "Okay lang." Walang pakialam akong sumandal sa kinauupuan naming couch habang pinapanood ang mga nagkakasayahan sa dancefloor. "Paano kung hindi pala lalaki ang hanap mo?" Kunot-noo akong napalingon kay Vivien dahil sa sumunod niyang tinanong. "Posible naman iyon, 'di ba?" dagdag pa niya. "Tingnan mo iyong kakambal mong si Zandro, kahit sabihing nakapag-asawa siya ng isang babae ay mahal din niya iyong pinsan kong lalaki. Baka gano'n ka rin." "I'm as straight as a ruler, Vivien," natatawa kong sagot. "Masyado na akong matanda para magkaroon ng identity crisis." "Aba malay natin kung late bloomer ka pala," saad niya "Wala pa lang talagang lalaki ang pumasok sa standard ko," balewala kong sagot. "Kung ikaw iyong magkaroon ng mga kapatid, mga pinsan, at mga tiyuhing katulad no'ng sa'kin ay tiyak mahihirapan ka ring makahanap ng lalaking kahit pumantay lang sana sa mga iyon." "Huwag mo na kasing masyadong taasan ang standard mo, dahil thirty ka na bukas! Iyong edad mo na lang ang hayaan mong tumaas. Huwag ka nang choosy!" "Ano bang problema mo sa edad ko?" nakangisi kong tanong. "Lagpas ka na sa kalendaryo," nandidilat niyang wika. "Iyan ang problema dahil maiiwan ka na ng huling byahe!" "I can drive myself, kaya hindi ko na kailangang sumakay ng public transport," paingos kong sagot. "Isa pa, I am Alexa Ramirez Carson, I have all the right to be choosy!" arogante kong pahayag. Napapailing sa'kin si Vivien, at halatang dismayado sa kawalan ko ng pakialam sa kung anong pinaglalaban niya. "Hindi mo pa natikman iyong luto ng Diyos," pabulong niyang sabi sa'kin. "Iyong alam mo na..." makahulugan pa niyang dugtong at pasimpleng ininguso sa'kin ang grupo ng ilang mga kalalakihan. Wala sa sariling napasunod din doon ang tingin ko at napapantastikohan ulit akong bumaling sa kanya. Ang gaga, hindi maalis-alis ang tingin mula sa mga sinasabi niyang luto ng Diyos. Sabay talaga kami nitong lalangoy sa dagat-dagatang apoy. Nadadamay na sa kalokohan niya iyong hindi dapat eh! "Hindi magugustuhan ni Ace kapag malaman nitong tumitingin ka pa rin sa ibang lalaki," nang-uuyam kong paalala sa kanya. Marahas ang ginawa niyang paglingon sa'kin at pinanlakihan pa ako ng mga mata. "Excuse me, tumingin lang ako dahil pinipilian kita," eksaherada niyang katwiran. "Walang halong malisya itong ginagawa ko. Kawang-gawa ko ito para sa'yo bilang kaibigan ko." Nang muli siyang panakaw na sumulyap sa direksiyon ng mga kalalakihang nasa kabilang table lang naman ay sinipa ko na ang binti niya. "Aray!" napangiwi niyang reklamo. "Mga highschool student pa yata iyang mga iyan," mapakla kong sabi sa kanya. "Child abuse o corruption of minor ang kahahantungan mo riyan, gaga." "Ang lalaki na ng katawan ng mga iyan, estudyante?" mulagat niyang bulalas. "At excuse me, may asawang tao ako!" Pero nagawa pa rin niyang tumingin sa bebe boys! "Tsaka paano mo ba nasabing high school ang mga iyan?" kunot-noo niyang tanong. "Tingnan mo ang isa sa mga kasama nila," tugon ko. "Hindi ba high school uniforn iyang suot niya?" Tukoy ko roon sa lalaking nakaupo at tutok na tutok sa hawak na cellphone kaysa mga kaibigang nakakatuwaan. "Wow, Alex, ang pogi!" napasinghap niyang usal. "Senior high naman iyang uniform niya," pagtatama niya sa sinabi ko. "Kahit na, bata pa rin iyan," nandidilat kong sabi sa kanya. "Tsaka, reminder lang, may asawa ka na!" mariin kong dugtong. "Humanga lang naman ako," pairap niyang sagot. "And one more thing, I'm checking them out for you." Malakas akong pumalatak dahil sa palusot niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata upang tigilan na niya ang paggamit sa'kin upang libre siyang mag-sight-seeing ng bebe boys! Pero kahit may pagkaharot itong si Vivien ay subok ko na ang pagmamahal nito para kay Ace. Napapaligiran ako ng mga taong may masaya at matagumpay na love story at isa sa pinakaespesyal doon ay iyong sa kanila ng asawa niyang doktor. Akala ko noon ay kay Zandro, Phil, at Shie iyong pinaka-unique, pero hindi rin pala pahuhuli ang sa kaibigan kong ito. Pakiramdam ko tuloy ay ang taas ng expectations ng mga tao sa paligid ko tungkol sa magiging buhay-pag-ibig ko. Everyone I know are having babies and getting married, habang ako ay heto tamang tungga lang ng alak habang nagre-relax. "Kung ayaw mong mag-boyfriend ay baka gusto mong isuko na muna ang pagiging virgin coconut oil mo," patuloy na pangungulit sa'kin ni Vivien. Cancel na pala iyong nabanggit kong tungkol sa pagre-relax dahil napakalaking isturbo sa peace of mind ko nitong kasama ko ngayon! "Ano bang problema mo sa pagiging 'virgin ko at thirty'?" salubong ang kilay kong tanong sa kanya. "Malapit na kitang dasalan, gaga ka! Hindi bagay ang virgin Alex sa'yo," nakabungisngis niyang sagot. "Gusto ko lang naman na sumubok ka at baka magustuhan mo. Huwag mong hintayin na kakalawangin na iyan, at mahirap nang baonan! Baka mas madulas pa iyong banyo sa'yo niyan 'pag nagkataon!" "May unlimited supply ka naman ng lubricant, I'll just ask for your help then," balewala kong sagot. "Baliw ka talagang, babae ka!" naiiling niyang bulalas. "Kung ako ang may ganda at katawang kagaya sa'yo ay naku! Pinakinabangan ko na ito at pinatikim doon sa mga lalaking halos maglaway sa'yo!" Umasim ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Nasobrahan na siya sa pagiging liberated. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na basta-basta na lang ibigay sa kung sinu-sino ang virginity ko. Hindi man ako iyong klase ng babae na hihintayin munang ikasal bago isuko ang bandila ng kadalisayan ko ay hindi rin naman ako iyong bubukaka na lang kung kani-kanino. Wala pa lang talaga akong nakilalang lalaki na kayang pag-initin ang katawang lupa ko. Lahat ng mga lalaki sa paligid ko ay kulang na lang kumain ng apoy mapansin ko lang. Tiyak na gusto lang nilang magkaroon ng koneksiyon sa pamilya ko. Sa tingin siguro nila ay magagamit nila ako para doon. Iyong iba naman ay alam kong katawan ko lang ang habol. Ang gano'ng mga lalaki ay ginagawa nilang sports ang pagpaparami ng babaeng mahuhulog sa karisma nila. Pare-pareho lang silang lahat. Mga kamag-anak ko na lang yata iyong mga matitinong lalaki kaya siguro binigyan din sila ng masayang love life! May mga pinsang babae naman akong nakapag-asawa ng matitino, pero mukhang limited edition lang ang mga iyon. Hindi nakatulong sa bumibigat na pakiramdam ko ang masiglang tugtog sa paligid at mga nagkakasayahan. Parang gusto ko na lang tuloy magmukmok sa bahay. "Nag-chat si Ace, he's outside!" anunsiyo ni Vivien kapagkuwan. "Sasalubungin ko lang siya. Hintayin mo kami rito." Tinanguan ko lang siya at pinagpatuloy ang pag-inom. Agad namang nawala sa paningin ko si Vivien dahil sa rami ng mga taong paroo't parito. Kalimitan ay hindi naman ganito ka-crowded ang bar na ito, pero ngayong gabi ay marami akong namataang mga kabataan. Sana pala ay sa ibang bar na lang kami nagpunta. O 'di kaya ay umuwi muna ako ng Cebu at pakipag-inunan kay Tita Tiara, ang idol ko sa pagiging single. Mas malala pa nga iyon dahil thirty plus na pero wala pa ring boyfriend. Nayayamot akong napatingin sa katabi naming table nang bigla ay may marinig akong komusyon mula roon sa kabila ng maingay na paligid. Agad sumentro ang atensiyon ko sa lalaking nakasuot ng senior high uniform. Hindi na ito nakaupo kundi ay nakatayo habang pumagitna sa mga kasamahang tila nagtatalo. Mga kabataan talaga ngayon, magkatinginan lang ay agad magkapikunan at magkahamunan na mauuwi talaga sa away! Wala sa sariling napadako ang tingin ko sa malapad na balikat ng lalaking umagaw sa atensiyon ko. Sa kabila ng suot nitong uniform ay nadepina oa rin ang matipuno nitong mga braso. Tama nga si Vivien na hindi ito mukhang estudyante lalo na at sa tangkad nito ay halos nakatingala rito iyong mga nasa paligid. Kahit nga iyong mga bouncer ng bar ay walang-wala sa height nito. Kahit hindi namumutok ang muscles nito ay halatang kayang-kaya niyang makipagtapatan ng lakas sa kahit na sinong gustong humamon sa kanya. Prente pa rin akong nanatili sa kinauupuan ko habang pinapanonood ang nangyayari. Inaasahan kong maaayos ng mga staff at bouncer na lumapit ang kung anong kaguluhan sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kabataan, pero napakurap lang ako saglit ay agad nagsuntukan ang mga ito. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko na nga nakita kung sino ang unang sumuntok basta bigla na lang ay nagkagulo ang lahat. Mabilis na natigil ang malakas na tugtog habang umalingangaw ang tilian ng mga kababaihan. Kahit saan ako tumingin ay may mga nagsusuntukan at nagtatakbuhan. May mga nabasag na mga gamit at lumipad na mga upuan at bote. Ang gulo ng paligid habang para akong itinirik sa kinauupuan ko at hindi ako makakilos. Siguro ay naparami na ang inom ko kaya ayaw na sumunod ng katawan ko sa dikta ng utak ko. Pakiramdam ko ay huminto sandali sa pagtibok ang puso ko bago ito kumabog nang malakas nang may dalawang nagsusuntukang bumagsak bigla sa mismong harapan ko. Nasagi nila iyong bote ng alak sa mesa kaya lumikha ito ng malakas na tunog nang pagkabasag pero hindi iyon alintana ng dalawang parang mababangis na hayop na nagpalitan ng suntok. Di bale nang magkasubsob badta makaganti lang ng suntok sa kaaway. Pero wala nang mas tatanga pa sa akin na audience nila. Steady lang ako sa kinauupuan ko at hawak ko pa rin iyong may laman kong wineglass habang nakatingin sa dalawang halos hindi na naghihiwalay at gumulong-gulong mula sa itaas ng mesa, pababa sa sahig. Pero bago nila ako masanggi ay walang kahirap-hirap silang napaghiwalay ng taong biglang sumulpot sa harapan ko. Napakurap-kurap akong napatitig sa pamilyar na mga braso nang parang papel na binitbit niya ang dalawa sa tig-iisa niyang kamay at ipinasa sa nag-aabang na mga bouncer. Ni hindi nga nakapalag ang dalawa, gano'n kalakas ang naka-school uniform na lalaking nasa harapan ko. Ilang sandali pa muna bago ko napagtantong kinakausap niya na pals ako. Mabilis kong pinilig ang sarili kong ulo upang alisin ang epekto ng alcohol na nagpapalabo sa pag-iisip ko. Nakakita lang ako ng senior high student na may matipunong katawan ay nawawala na ako sa huwisyo. "Okay lang po ba kayo, Ma'am?" "Yes, I'm okay," mabilis kong sagot nang maintindihan ang tinatanong sa'kin ng kaharap. Naikuyom ko ang isang palad nang mapansin ko kung gaano kabuo ang boses niya, bagay sa kanyang katawan pero hindi sa edad niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.8K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
38.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.2K
bc

The Sex Web

read
132.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook