bc

Five Seconds (One Shot Story)

book_age12+
19
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
bxg
friendship
spiritual
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

A one shot story.

Hi! Ang one shot story na ito ay ang aking entry noon sa isang writing contest under The Novel Project. And yes! Isa ito sa mga mapalad na nanalo at nakasama sa kauna-unahang published anthology book ng TNP. ?

chap-preview
Free preview
Every Second Counts
I took a deep breath. Pilit ko mang pakalmahin ang sarili ko’y hindi pa rin mapigilan ang matinding pag-alpas ng kaba sa aking dibdib. Pinagkiskis ko ang aking mga palad saka makailang beses na hinipan ang mga ito. Damn! Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko. Napatigil ako sa ginagawang pagkiskis ng aking dalawang palad nang bahagyang bumukas ang pinto. Napatigil din sa pag-uusap ang mga tao sa loob at sabay-sabay na napatingin sa unti-unting pagbukas niyon. The door made a screeching sound that made my heart beat faster than usual. Then suddenly, the wedding song started to play. My heart skipped a beat when I finally saw the woman gleaming in white as she started walking down the isle. Five seconds. Five seconds na tila naging slowmo ang buong paligid lalo na nang sumilay ang kaniyang matamis na ngiti. The smile that captured my eyes one year ago . . . “Woo hooo! That was awesome!” sigaw ko nang makarating ako sa kabilang dulo. First time kong sumubok sa slacklining. Team building ng kompanya namin ngayon and this was our first day here. Tinatanggal na ang mga nakakabit sa akin na harness nang mabaling ang tingin ko sa direksyon ng isang babae sa ibaba. She’s wearing a black hoodie jacket, gray jeggings, and a white rubber shoes. She got a slender body and a very long, red hair na kahit nakatali ay umaabot pa rin sa kaniyang baywang. “Red hair, huh?” bulong ko habang pinagmamasdan pa rin siya. Tila nagdadasal ito nang taimtim. Nakapikit pa ang mga mata nito at magkadaop ang mga palad sa harap ng kaniyang mukha. Takot yata siya, eh. So, bakit kailangan niya pang pilitin ang sarili niyang gawin iyon? To conquer her fears? Mabilis akong bumaba at naglakad papunta sa babaeng nakita ko kanina. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya nang humakbang siya paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin habang tinutungo nito ang bungee jumping site. Nag-sign of the cross pa nga siya bago umakyat sa hagdan papunta sa taas. “Hooo! You can do this, Ava!” sigaw pa niya saka nagmamadaling umakyat. Parang na-magnet ang mga paa ko na sumunod sa kaniya. Kinakabitan na siya ng staff ng bungee cord na naka-attach sa ankle niya na may harness habang panay ang salita ng bungee jumping instructor sa gilid niya. Dinig ko pa ang mga pagbuga niya ng malalim na mga hininga kaya napapangisi na lang ako habang pinagmamasdan siya. Kung titingnan, siya iyong prim and proper type na babae. Parang hindi makabasag-pinggan. “Ma’am, ready na po kayo?” tanong ng isang staff sa kaniya. Tumingin siya sa staff at tipid na ngumiti. “Okay po, Kuya, I’m ready,” aniya saka dahan-dahan na lumapit sa edge ng platform. Nang hahawakan na siya ng staff para sana itulak pababa ay bigla rin siyang umatras. “Oh, wait. Wait lang pala, Kuya,” iiling-iling pa niyang sabi saka mariing pumikit. Humawak pa siya sa kaniyang dibdib at bahagyang yumuko. Hinintay ko pa rin ang susunod niyang gagawin hanggang sa muli siyang magmulat ng kaniyang mga mata. Ngumiti ito saka bumuga ng hangin. There’s something about her that captured my eyes—her smile. Bakas sa mukha niya ang takot sa gagawin, but she still managed to smile sweetly na kung pagmamasdan ay mapapangiti ka na lang din. Muli siyang humakbang sa edge. Pinagkiskis niya ang mga palad at parang walang kasama sa paligid nang sumigaw siya nang malakas. “Kingina ka, Patrick! Sana nakatutulog ka nang payapa sa gabi, hayop ka!” Napatawa ang mga taong kasama namin dahil sa sinabi niya. Ah, broken hearted pala. “Go, Kuya, itulak mo na ako!” utos niya sa staff na kaagad namang tumalima. Pero bigla na naman siyang umatras. “Wait pala, Kuya, I’m sorry po.” Napapakamot na lang ng ulo ang mga staff. Halatang naiinis na rin ang mga susunod sa kaniya kaya naglakas na ako ng loob na lapitan siya. “You’re really scared, aren’t you?” tanong ko sa kaniya nang malapitan ko siya. Tumingin siya sa akin and damn! Mas maganda pa pala siya sa malapitan. Five seconds. Five seconds akong natulala dahil sa angkin niyang ganda. Ngumiti siya sa akin at dahan-dahan na tumango. “Yes, I am,” sagot niya. “Just don’t look down. Look straight and enjoy the view in front of you. Isipin mo na lang na nasa ibaba ‘yong Patrick na kaaway mo. At para makaganti ka, kailangan mong makababa para masuntok siya sa mukha,” saad ko sabay kindat sa kaniya. Saglit lang siyang natigilan hanggang sa muli siyang lumapit sa edge. “I’m ready, Kuya, go! Itulak mo na ako bago na naman ako umatras!” bulalas niya. Sinenyasan ko ang staff na ako na lang ang magtutulak, pero bago iyon ay inayos muna nilang mabuti ang harness niya. Nang masiguradong okay na ay sumenyas sila sa akin kaya lumapit na ako at itinulak siya. “Waaah! Walang hiya ka talaga, Patrick! I hate you mula ulo hanggang paa! Akala mo kung sino kang gwapo, ang baho naman ng bibig mo!” sigaw niya habang pataas-pababa ang bungee rope na nakakabit sa kaniya. “Feel free and scream your head off!!” sigaw ko sa kaniya. Ilang sandali pa’y natapos na rin siya. Dali-dali akong bumaba sa kinaroroonan niya. Patapos na silang tanggalin ang lahat ng nakakabit sa kaniya nang makalapit ako. “Feels good, right?” tanong ko. Tumingin siya sa akin at malapad na ngumiti. “Oo nga, eh. Thank you, Mr. Stranger,” aniya. “It’s Jayce, not Mr. Stranger,” pakilala ko. “And you are?” “Ava. My name is Ava,” aniya nang nakangiti. Five seconds.  I was mesmerized by her sweet smile for five seconds. That was the start of our love story. Naging call and textmates kami. Ang hindi namin alam ay magkatabi lang pala kami ng apartment na tinutuluyan. Simula noon ay nagkikita na kami kapag may free time kaming dalawa. Niligawan ko siya and after two months, sinagot niya ako. And that was the best five seconds of my life. * * * After a year of being in a boyfriend and girlfriend relationship, I decided to take it to the next level. I proposed to her in the same spot where we first met. Kaya ngayon, we’re officially tying the knot. “You may now kiss the bride,” nakangiting wika ni Father. Itinaas ko ang belo niya saka siya hinalikan nang mariin sa kaniyang mga labi. Five seconds.  Five seconds na lumapat ang aking mga labi sa kaniya. And that was the sweetest kiss we ever shared because finally, she’s now my wife. Ang anim na buwan naming pagsasama bilang mag-asawa ay naging masaya, not until one day, dumating ang isang pagsubok na hindi namin inaasahan. “Pangga, ang taas ng lagnat mo,” nag-aalang sabi ko nang ilapat ko ang kamay sa noo at leeg niya. Palagi na lang siyang nilalagnat these past few days. Nangangayayat na rin siya dahil wala siyang gana sa pagkain at lagi pang nagsusuka. “Ayos lang ako, pangga. Exhausted lang ako sa trabaho kaya ganito. Kaunting pahinga lang ‘to, magiging okay na ako,” sagot niya. She still managed to smile sweetly kahit nanginginig na siya. Naging sunod-sunod ang pagkakasakit niya. On and off fever, palaging nagsusuka, at patuloy na pagpayat. Nagduda na ako sa kaniya na baka buntis siya kaya sinamahan ko na siyang magpakonsulta sa doktor. “Mrs. Gonzalo is not pregnant,” paunang salita ng doktor. Tiningnan niya kami nang salitan saka muling nagsalita. “Upon running some test to Mrs. Gonzalo, we found out that she has chronic lymphocytic leukemia.” Five seconds.  Five seconds akong tila nawala sa aking sarili dahil sa pahayag ng doktor. “Nang sabihin n’yo lahat ang nararamdaman niya ay nag-conduct ako ng complete blood cell test para ma-confirm ang hinala ko. Nakita sa test na abnormal ang level ng red blood cells at platelets niya, wherein there is a presence of leukemic cells in her blood.” * * * Lumabas ako nang tulala sa kuwarto ng doktor. Ni hindi ako makatingin sa asawa ko na parang wala lang sa kaniya ang nalaman naming sakit niya. According to the doctor, mas mabagal daw ang progress ng disease sa chronic kaysa acute leukemia, ngunit mas mahirap gamutin dahil hindi ito nagre-respond sa treatment. Gulong-gulo ako at parang gusto na lamang magpasagasa sa daan. Sa sobrang frustration na nararamdaman ko ay ilang ulit kong sinuntok ang pader sa labas ng apartment namin. Tila manhid ang mga kamao ko dahil hindi ko man lang ramdam ang sakit dito. Five seconds. Five seconds na tila gumuho ang aking mundo. But I had to be strong because she needed me and I wanted to be her source of strength. Pinilit ko siyang mag-undergo sa chemotherapy at pumayag naman siya. Wala akong pakialam kung maubos man ang ipon ko. Ang mahalaga ay ang paggaling niya. Hindi ako papayag na mawala siya. Hindi ko kakayanin iyon. Sa pagdaan ng mga araw at linggo ay lumala pa ang sakit na nararamdaman niya dahil pati ang mga buto niya ay iniinda na rin niya ang sakit. Palagi rin siyang nagkakaroon ng pasa at dinudugo ang ilong. Nasa fourth cycle na siya ng chemotherapy nang bigla na lamang siyang manghina. Tuluyan na ring nalagas ang buhok niya, pero para sa akin, siya pa rin ang pinakamagandang babae sa buong mundo. “Pangga?” tawag niya sa akin. “Yes, my love?” “Puwede mo ba akong dalhin sa bungee jumping site kung saan tayo unang nagkita?” ungot niya sa akin na tila naglalambing. Hinaplos ko ang kaniyang mukha saka tumango. “Of course, love.” * * * Ipinagpaalam ko siya sa doktor niya para ibiyahe and luckily, pumayag naman ito. Matamis ang ngiti niya nang makarating kami sa taas ng bungee jumping site. Para ngang bigla siyang lumakas at tila nawala ang sakit. Pinaupo ko siya sa gilid kung saan kitang-kita ang sunset. “Pangga?” tawag nito sa akin nang hindi ako tinitingnan. Ang mga mata niya ay diretso sa palubog na araw. “Hmmm?” “Puwede bang mag-request?” aniya. “Of course, my love. Ano ‘yon?” malambing kong tanong habang hinahagod ang ulo niya. “I’m very tired. Puwede na ba akong matulog dito? Puwede na ba akong magpahinga?” Tila naumid ang dila ko sa tanong niya. But I still managed to be calm and answered her kahit ba tila naninikip na ang dibdib ko. “You must be really tired, love. Sige na, matulog ka na. Nandito lang ako sa tabi mo.” “Thank you, pangga. I love you so much. Kantahin mo ’yong favorite song ko bago ako tuluyang makatulog,” anas niya, pero ang mga mata'y nakapikit na. Umupo ako sa tabi niya at isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat. Then I started singing the song she loved me to sing. “Just say you won’t let go.” Kasabay ng huling liriko ng kanta ay ang pagbagsak ng kamay niyang nakayakap sa akin at ang tuluyang pagpikit ng kaniyang mga mata. Five seconds. Five seconds na lang sana ay papatak na ang ikalawang anibersaryo namin simula nang sagutin niya ako. Pero hindi umabot ang natitirang segundo at tuluyan na siyang nagpahinga. Inihanda ko na ang sarili sa pagdating ng araw na ito. Pero sobrang sakit pa rin pala. * * * Pagkatapos ng anim na buwan ay bumalik ako rito kung saan kami unang nagkakilala at kung saan siya nalagutan ng huling hininga. It felt like it was only yesterday when I saw her sweet smile for the first time here. Parang naririnig ko pa nga ang malulutong niyang pagtawa at ang mga sigaw niya. Napangiti na lamang ako habang inaalala siya sa isipan ko. I closed my eyes for five seconds. Nang magmulat ulit ako ng mga mata’y huminga ako nang malalim saka binuksan ang jar kung nasaan ang mga abo niya. “Lord, ipinauubaya ko na po sa inyo ang asawa ko.” Isinaboy ko ang abo niya kung saan kami unang nagkakilala. ‘Magkakasama rin tayong muli. But for now, ipinauubaya muna kita sa Maykapal. You will stay forever in my heart, love. I love you, my Ava.’

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected

read
145.9K
bc

Just Got Lucky

read
142.3K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
11.6K
bc

The Lone Alpha

read
36.3K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
94.0K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.3K
bc

Cruel Love

read
775.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook