Chapter 16

1392 Words
Unti- unting nagmulat ng mata si Jorgina. Nagtataka siya dahil hindi pamilyar ang lugar na iyon sa kanya. Ang alam niya lang ay nasa loob siya ng isang napakalaki at magarang kwarto. Maging ang kamang kinalalagyan niya ay sobrang lambot at napakasarap higaan. Maya- maya ay bumukas ang isang pinto at niluwa niyon ang among si Jay! Naka cotton shorts lang ito at walang suot na pang itaas habang tumutulo pa ang tubig sa kanyang buhok. Mapapansin mong bagong ligo ito dahil mamasa masa din ang katawan nito. Bigla siyang napasilip sa ilalim ng kanyang kumot at nahawakan ang dib- dib. "You're awake?" Tanong nito habang tinitingnan ang reaksyon niya. Natataranta naman siya at hindi alam ang gagawin. "May nangyari po ba? " Garalgal niyang tanong na halos hindi makatingin sa binata. "What do you mean?" Nagtatakang tanong ng binata. Maya- maya naman ay sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito. "Oh..yes" napatingala naman agad ang babae na pulang pula ang muka. "I've seen everything Miss Reyes," nakakalokong tugon nito habang palapit sa dalaga. Hindi namanagkanda tuto ang dalaga sa isasagot. Unti unting nilapit ni Jay ang muka sa kanyang muka. Dahilan kung bakit lalong namula ang kanyang pisngi. "I've seen the worst part of you" sabi pa nito. Hindi natiis ni Jorgina ang titig nito. Agad niyang ibinaling sa iba ang kanyang ulo. Natatawa namang umayos sa pagkakatayo si Jay at pinisil ang kanyang ilong. "You're cute!" Sabay halakhak. Ngayon lang napagtanto ni Jorgina na pinaglalaruan nanaman siya ng amo niya. "Ang babaw ng kaligayahan mo!" Sabi niya sabay ayos ng upo sa gilid ng kama. "Let's go, mom is waiting. Nagpahanda na siya ng food para satin" yun lang at nag suot na ito ng isang fit na white t-shirt. Bakat na bakat parin ito sa kanyang katawan. Agad naman siyang sumunod dito nang lumabas ito ng kwarto. Sobrang namangha siya sa kanyang nakita. Napakalaki ng bahay na iyon. Halos lahat din ng gamit ay mukang mamahalin. Dahan dahan siyang bumaba sa hagdan at sinundan ang binata papuntang dining area. Grabe! Pati dining area parang dinoble na bahay namin! Naibulong nalamang niya sa sarili. "Hi baby!" Bati ng isang ginang na mukang nasa early fifty's palang. Nakita niyang hinalikan ito sa pisngi ng binata. Sosyal din ito tingnan, kahit nasa loob ng bahay ay mamahalin ang suot na dami at punong puno ng alahas sa katawan. . "Hi mom" narinig niyang bati dito ni Jay. "Oh, kumusta naman ang pakiramdam mo hija? Nag panic talaga ako kanina ng makita kong may karga karga itong anak ko" sabi ng ginang. Ngayon niya lang naalala , nawalan pala siya ng malay dahil sa sobrang takot sa heights. "Pasensya na po, naabala pa po kayo." Paumanhin niya dito. Iginiya naman siya ng binata sa upuan niya. Tila maginoo ito sa harap ng ina. "Thank you" bulong niya sabay upo. "No worries, at least binisita ako ng anak ko. Nakakapagtaka lang kasi this is the first time he brought a girl!" Nakangiting sabi nito habang naglalagay ng pagkain sa pinggan ng anak. Natahimik naman siya, hindi niya alam ngunit may parte sa kanyang puso ang nagsasaya sa kanyang narinig. "Let's just eat mom" sita ni Jay sa ina. "There you go again son," natatawang saway ng ina dito. Natawa naman si Jorgina. Dahilan para tingnan siya ng masama ng binata. "Ganyan po talaga siya maam, kanino po ba siya nagmana ? Muka naman pong mabait kayo" walang kagatol gatol na sabi niya. Tuluyan namang napahalakhak ang ina nito. "I like you ha! No one dares to speak that way sa anak ko" sabi pa nito habang natatawa. " Mom, I'm your son! Bat parang sya yung anak niyo" sabi nito sa natural na boses. Hindi naman ito galit ngunit hindi mo rin makikitaang masaya. Patuloy lang ito sa pag nguya sa pagkain. Natatawa naman ang ina nito sa kilos niya. Pansin niyang may kakaiba sa kanyang anak, ina siya kung kaya't ramdam niya iyon. Kanina pa lang ay nagtaka na siya. Sa halip na dalhin sa guest room ang bisita ay diretso ito sa kanyang kwarto. Something's special about this girl! Sa isip- isip ng ginang. Naging magiliw naman ang ina nito sa kanya. Napaka down to earth nito hindi katulad ng kanyang boss. Iniisip niya tuloy kung ampon lang ba ito o kaugali ito ng ama niya? Akala niya ay ipagpapatuloy nila ang trabaho doon pero hindi naman pumayag ang ina nito na puro trabaho ang kanilang gagawin. Sa halip ay niyaya siya nitong mamasyal sa hasyenda nila. Sa edad na singkwenta ay di mo aakalain na magaling mangabayo ang ginang. Kung sa bagay ay halos hindi mo nga masasabi na matanda na ito. Banat na banat padin ang muka ng ginang at parang labanos ang kutis. "Hindi pwedeng hindi mo ako sasamahan Jay. Halos mag da dalawang buwan mo ko hindi pinasyalan dito" nagtatampong banat nito sa anak. "You know how busy I am" tanging sagot ng anak. Sa isip- isip ni Jorgina ay grabe naman ang binata sa ina. Kung siya nga ay hindi niya kayang hindi makita ang pamilya ng ilang araw eh. Nasa gitna sila ng malaking lupain habang sakay- sakay siya ni Jay sa kabayo nito. Pakiramdam nga niya ay tila may kung anong kuryente ang dumadaloy sa kanyang katawan sa twing tatama ang hininga nito sa kanyang batok. Nakataas kasi ang kanyang buhok habang may suot na cap. Suot- suot niya rin ang binigay ng mommy nito na pantalon at long sleeves para hindi daw siya mahirapan. Nag paalam na din sila sa mommy nitong ng hapong iyon. Gusto man nito na doon na sila mag dinner ay hindi nito napilit ang anak. Malayo layo pa kasi ang magiging byahe nila. Napag desisyunan na kasi ng binata na gamitin nalang ang isang sasakyan kesa mag chopper para hindi na mahilo ang dalaga. Ngunit sa minalas malas nga naman ay bigla nalang tumirik ang sasakyan nila! "Bakit po kayo huminto?" Tanong ni Jorgina habang nakaupo sa malapit sa drivers seat. "Wait, let me check" pagkasabi ay walang anu- anong bumaba ng sasakyan upang i check kung anong nangyare. Maya maya ay napansin niyang aburido na ang kanyang boss! "Nasiraan tayo" sabi pa nito. Sa tingin niya ay hindi simpleng problema ang nangyare sa sasakyan nila. Kunin mo na mga gamit mo, mag ta- taxi nalang tayo" utos pa nito. Walang anu- anong sinunod na lang niya ito. Pag ganitong mainit ang ulo ng boss ay di na siya masyadong nagtatanong pa. Ngunit ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin silang nakikitang taxi. Nasa malayong probinsya kasi sila at sa tingin niya ay wala namang taxi doon. Ilang sandali pa ay namataan ni Jorgina ang palapit na bus. "Tara boss mag bus na tayo" walang anu anong hinatak ang kamay ng binata. Nabigla naman ito kaya't hindi na nakapag react at sumakay na sa ordinaryong bus. Nang makasakay naman ay noon lang nila napansing wala ng maupuan. Marami na din ang nakatayo at kabilang na sila doon. What the heck! Naibulong nalang ni jay sa sarili. Humawak siya sa barandilyas habang nakahawak naman sa damit niya ang dalaga. Mahigpit din nitong hawak hawak ang dalang bag. "Mag ingat ka, maraming mandurukot pag gnitong siksikan" bulong ni Jorgina sa kanya. Kinabahan naman si Jay sa narinig at naging mapag matyag. Natatawa naman si Jorgina sa reaksyon ng boss . Halatang unang beses lang nitong nag commute. Nandidiri pa ito kapag nadidikit sa balat ng ibang nakasakay. Mabuti nalamang at maya maya ay may mag asawang tumayo malapit sa kinaroroonan nila kung kaya't nakaupo sila agad. "I should have waited for a taxi" naiinis na sabi ng binata. "Kelan kaya yun?" Sarkastikong tanong nito. "Pasalamat ka nalang at nakasakay tayo, huwag ka na mag inarte" dugtong pa. Di naman ito pinansin ni Jay. Tama din nman ang dalaga . Halos isang oras din silang naghintay doon. Napansin niyang tahimik na ang dalaga kung kaya't nilingon niya ito. Hindi rin siya nagkamali. Tulog na ito at parang manok ba lulugo lugo ang ulo. Napapangiti na lamang siya. Kahit anong sitwasyon ay mabilis itong makatulog! Inayos na lamang niya ito sa kanyang balikat para hindi na ito mahirapan. Napatigil pa siya ng bigla itong humawak sa braso niya. Hindi niya alam pero iba ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD