Chapter 15

1167 Words
Maagang pumasok si Jay nang Lunes na iyon. Tinititigan niya ang paper bag na may lamang phone sa ibabaw ng kanyang mesa habang nagkakape siya. Naalala niya, wala naman siyang intensyong sundan ang dalaga ngunit hindi niya maintindihan kung bakit natutuwa siyang tingnan ito at ang kanyang pamilya. Hanggang sa di niya napigilang pumasok sa phone store pinag bilhan nito ng bagong cellphone. "Hi, miss. Ask ko lang kung ano'ng brand yung binili ng babae kanina?" Tanong niya. Nagtataka namang napatingin ang saleslady dito. "Ahh.. kasi girlfriend ko yun, reregaluhan ko sana ng phone kaya lang parang nakabili na siya" pagsisinungaling niya. "Ay! Talaga po? Ang swerte naman pala ni ma'am ang gwapo niyo po " di mapgilang sambit nito. "Kumuha po siya ng installment para sa dalawang phone, pero ang dinig ko po eh para sa mga kapatid niya iyon" mahabang paliwanag nito. "Ganun ba? Sige. . Pakikuha naman ako ng bagong stocks ng high end samsung phone" sabi niya. "Ay naku, pag sini swerte nga naman talaga! " Bulalas ng tindera habang kumukuha ng stocks. "Wag niyo na i- unbox, pang gift kasi yan." Utos niya. Natataranta namang isinilid ito ng babae sa paper bag na may nakasulat na samsung. "How much?" Tanong ng binata. "24,999 po." Yun lang at agad na niyang inabot ang debit card dito. Nang lumabas siya ay hindi na niya nakita ang dalaga, ngunit ng mapadaan siya sa isang fast food chain ay nakita niyang naroon ito at ang pamilya! Napansin niya ding napatingin ito sa kanya kung kaya't dali- dali na siyang umalis doon. Napapangiti si Jay sa sarili, hindi niya rin maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang ginawa. Napapailing na lamang siya . Maya- maya ay may kumatok sa kanyang pinto. Iniluwa niyon ang ulo ng dalagang si Jorgina. "Good morning sir!" Malapad ang ngiting bati nito sa kanya. "Good morning" sagot niya ngunit hindi manlang gumanti ng ngiti sa dalaga. Napanguso naman ang dalaga at bumalik sa desk niya. Ang aga aga ang sungit! Bulong niya sa sarili. Maya-maya naman ay narinig niya ang pag ingit ng pinto sa office nito. Nakita niyang lumabas doon ang binata. May kung ano'ng inilapag ito sa kanyang mesa at walang sabi- sabing bumalik sa loob ng opisina. Nang tingnan niya muli ang bagay na iyon ay nanlaki ang kanyang mga mata! Binuksan niya ang paper bag at tama ang kanyang hinala. Isang mamahiling phone ang laman noon. Dali- dali siyang tumayo at dinala ang phone sa kanyang amo. "Ano po to?" Tanong niya sabay lapag ng cellphone sa desk nito. "Phone" sarkastikong sagot ng kanyang boss. Bahagya siyang natawa ng mapakla. "Syempre alam ko yon , I mean para saan to? " Mataray niyang tanong. "That's yours" sabi nito sabay tuon ng pansin sa computer nito. "I'm sorry hindi ko matatanggap yan" sagot niya. "This is not for you, this is for me." Tiim bagang nitong sabi habang nakatingin sa kanya. Iniwas naman ni Jorgina ang paningin sa binata. "Napakahirap mo ikontak, you dont even have social media accounts, alam mo bang mas madali mag transfer ng files don in case I need it urgently?" Seryosong tugon nito. Napa- ismid naman ang dalaga. Totoo naman din kasi ang sinasabi ng binata. "You're working as my personal secretary and yet you are using a useless keypad phone!?!" Tumaas na ang timbre ng binata. "Bibili naman ako,," "When?" Nakakaloko ang tingin nito sa kanya. Feeling nya ay down na down siya sa mga sandaling iyon. "You had your pay but still you're still using that stupid phone!" "Ang sakit niyo naman magsalita sir!? Pasensya na po, hindi naman po ako kasing yaman niyo. I have my priorities. . Kung sainyo madali lang ang mag lustay ng pera , pwes huwag niyo po'ng lahatin" nangingilid ang luhang wika ng dalaga. Nahimasmasan naman si Jay lalo na ng makitang halos maiyak na ang dalaga. "I'm sorry, just take it. It's not free. . Pay it with your hard work" walang emosyong utos ng binata. Ayaw na ring makipag diskusyon ni Jorge kung kaya't padabog niyang dinampot ang cellphone at bumalik na sa desk niya. Nilagay niya muna sa loob ng drawer ang phone at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa. Samantala, panaka naka namang sinusulyapan ni Jay ang dalaga. Naiinis din siya sa sarili kung bakit kasi napakasakit niya talaga mag salita. Nature na din talaga niya yon, wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao basta nasabi niya ang gusto niyang sabihin. Napapa buntong hininga naman siya at iniisip kung paano babawi sa dalaga. Totoo naman kasi ang sinabi nito, hindi niya maiintindihan ang sitwasyon nito dahil para sa kanya lahat ng bagay ay kaya niyang bilhin. Maya- maya ay nag dial siya sa intercom niya. "Hello sir?" Halatang walang ganang sagot ng nasa kabilang linya. "Prepare the files needed for today, were going somewhere" yun lang at agad na binaba ng binata ang telepono. Nagtataka man ay sinunod na lamang ni Jorgina ang big boss. Maya- maya ay naka ready na siya. Isinilid na din niya sa kanyang shoulder bag ang bagong phone na binili nito para sa kanya. Nagtaka siya dahil sa halip na sa parking mag punta ay doon sila sa rooftop nag tungo. Napagtanto naman niya kung bakit nang mamataan niya ang personal chopper nito. Nauna nang sumakay ang binata habang siya ay parang tuod na nakatayo lamang. "Miss Reyes? Let's go!" Sigaw nito. Malakas man ang pagaspas ng helicopter ay dinig niya parin ito sa lakas ng boses. Dali- dali naman siyang sumakay sa chopper. Nang umandar ang chopper ay biglang namutla si Jorgina. Pakiramdam niya ay babaligtad ang kanyang sikmura. Nalulula din siya sa taas ng kinalalagyan. "Are you okey?" Malakas na tanong ni Jay. "Takot ako sa heights sir!! First time ko po sumakay ng helicopter" pasigaw na sagot ni Jorgina. Natataranta naman si Jay ng makitang tila naduduwal ito. "Oh my God wag kang susuka dito! " Ngunit huli na! Tuluyan ng nailabas ni Jorgina ang kinain niya kaninang umaga. "f**k! " Tanging nasambit ni Jay. "Sorry talaga sir" nanghihinang sambit ni Jorgina. Nakita naman niyang nakatakip ng ilong ang binata dahil nangangamoy ang suka niya sa carpet ng chopper nito. "That's fine!" Nangingiwing sagot nito sa kanya. "Diego, pakilinisan to later at siguraduhin mong matatanggal yung amoy. Change the carpet if you can" baling niya sa piloto. "Opo sir" sagot naman nito na nangingiti na lang. Ito kasi ang unang beses na may isinakay na babae ang kanyang boss sa chopper nito. At unang pagkakataon din na nangyari ang ganitong insidente. Nang lingunin naman ni Jay ang dalaga ay nakita niyang nahihimbing na ito. Napangiti na lamang siya. Kahit sa pagtulog ay napaka among tingnan , kabaligtaran pag gising. Hindi na niya ito ginising pa ng dumating sa mansion nila. Binuhat na lamang niya ang dalaga papasok ng mansion habang nagtataka naman ang mga kasambahay kung sino ang babaeng buhat- buhat niya. Maging ang kanyang ina ay laking gulat ng makitang may karga siyang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD