"Alam mo , feeling ko bet ka ni boss" nakapangalumbabang wika ni Kat.
Kasalukuyan silang nasa loob ng isang unlimited samgyupsal. Ngayon kasi ang unang sahod niya. Tinawagan niya ito para mai- treat manlang. Hindi muna niya sinama ang pamilya dahil may pasok pa ang mga bata. Bukas nalang siguro tutal ay sabado na. Tyaka gabi na din, kagagaling lang nila sa trabaho.
"Pinagsasabi mo?" Taas kilay niyang sagot. "Baka bet na bwisitin araw- araw?" Dugtong pa niya sa inis na boses.
"Ano ka ba! Kung ganun naman ka gwapo kahit araw- araw niya akong bwisitin, keri lang!" Tila kinikilig pang wika nito.
Napapailing na lamang si Jorge sa kaibigan ,
"Pero sa totoo lang. . Balita ko ikaw lang daw ang bumabara diyan sa boss natin?" Curious nitong tanong.
"Eh, hindi naman siya uubra sakin no! Yang pagka spoiled brat niya ? Naku, supalpal talaga sakin pag mag iinarte. " Natatawa niyang sagot.
Totoo naman , simula ng last na argumento nila nung nakaraang linggo ay hindi na ito masyado pang nag tataray sa kanya.
"Takot niya lang maghanap ng kapalit ko" sabi pa niya habang kumakain.
"Ibang klase ka talaga , hahaha" natatawang sabi ni Katrina.
"Hay naku, pwede ba enjoyin muna natin tong pagkain," anya.
"Oh, eto" abot ni Katrina sa chopsticks.
"Ano naman gagawin ko diyan? "
"Gamitin mo, mas sosyal tingnan pag naka chopsticks. Pang IG natin!" Sabi pa nito.
"Wala kong IG, tyaka papahirapan mo lang ako di naman ako marunong gumamit niyan. Di ko pa mae enjoy tong pagkain" walang ka arte arte niyang sabi.
Ang totoo kasi ay ngayon lang siya nakakain dito. Wala naman talaga siyang hilig at wala din siyang sobra noon para makapunta sa ganitong mga lugar. Masaya na siya sa turo- turo o tuhog- tuhog na pagkain sa gilid ng kalsada.
Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain at ng mabusog ay bahagya silang nag ikot - ikot sa loob ng mall.
Saglit din silang dumaan sa jollibee para bumili ng bucket meal. Naalala niya kasi ito ang request ng mga kapatid niya.
Mabuti nalang talaga at wala ngayon ang kanyang boss kaya maaga siyang nakauwi.
"Hindi ka ba mag sa shopping para sa mga kapatid mo?" Nai- tanong ni Katrina.
"Bukas na" masaya niyang tugon.
"Isa- sama ko sila para naman ma experience nila mag shopping sa mall" nangingiting sabi niya.
Ngayon palang kasi ay nai- imagine na niya ang magiging reaksyon ng mga kapatid.
Kinabukasan...
Hindi nga siya nagkamali. Kagabi ay halos hindi na makatulog ang mga bata sa sobrang excitement.
Sobra- sobra din ang saya nila sa pasalubong niyang bucket meal galing sa Jollibee. Panay papuri ang dalawang kapatid sa kanya. Yun lang naman ang kasiyahan niya, ang makitang masaya ang lola at mga kapatid!
Nag- bihis na ang dalawa niyang kapatid. Kahit paano naman ay hindi mo masasabing gusgusin ang mga ito. Dahil noong nag ta tricycle naman siya ay i- binibili niya ang mga ito ng mga gamit sa Divisoria.
Pinasadahan muna niya ng tingin ang sarili sa salamin. Pansin niya ang pamumusyaw ng kanyang balat. Sa isip isip niya ay malakas talaga maka puti ang aircon. Dahil sa totoo lang ay safe guard lang naman ang sabon nila sa bahay.
Suot- suot niya ang isang itim na loose shirt at maong na shorts. Pinaresan niya ng tennis na puti, yung nabili niya sa bangketa.
"Ate! Tara na! " Sigaw ni Joy habang nasa loob ng tricycle.
"Naku tong mga batang to, sobrang nagmamadali akala mo naman aalis yung mall" natatawang sambit ng lola niya.
Nilapitan niya ang lola saka nag abot ng limang libong piso sa palad nito.
"Naku, ang laki naman nito Jorgina?," Baka naman wala ng matira sayo diyan. " nag aalangang wika ng matanda.
"Huwag niyo po akong alalahanin lola, kaya ko pong umekstra sa pag ta- tricycle"mahinahon niyang sabi sa matanda.
Napayakap naman ang matanda sa kanya.
"Ate naman ang tagal tagal!" Nababagot na sigaw ni Jef- jef.
Nakapwesto na ang dalawa sa loob ng gagamitin na tricycle.
Natatawa namang lumabas na ang mag lola sa bahay. Ini- lock muna ng maayos ang bahay saka umalis.
Samantala...
Nag pa park ng sasakyan si Jay ng may mamataan siya sa di kalayuan.
Pamilyar sa kanya ang tricycle na iyon at ang driver non.
Maya maya ay nag dial siya ng kontak sa kanyang iphone. Bungangera ang pangalan ng recipient.
"Hello?" Sagot ng nasa kabilang linya.
Nakita naman niyang may sinagot na tawag ang driver ng tricycle habang pababa nito.
"Where are you?" Tanong niya.
"Sir? Day- off ko ngayon" tugon ni Jorge.
"Oh, I'm sorry . . I forgot wala kasi ako kahapon. Sige, see you on monday" yun lang at agad ng binaba ang tawag.
Nagtataka namang ibinaba ni Jorgina ang hawak na cellphone.
"Sino yun apo?" Tanong ng lola niya.
"Wala po lola, tara na?" Excited naman at nauuna pang pumasok ang mga kapatid.
Una nilang pinuntahan ay ang eye clinic. Pina- tignan niya ang mga mata ng lola niya at binilhan ito ng eye glasses. Mabuti nalamang at walang problema ang mga mata nito. Sadya lang mataas ang grado at kailangan nang mag salamin.
Pagkatapos naman doon ay dumaan sila sa department store. Binilhan niya ng tig iisang pares ang mga kapatid at maging ang lola niya. Hindi na rin niya nagawang bumili ng damit dahil bina- budget niya ang kanyang pera. Gusto niya rin kasi sanang bumili ng bagong phone para kay Jef- jef. At mag gu- grocery pa sila.
Lingid sa kaalaman niya ay may lihim na sumusunod sa kanila. Nagmamatyag at tila tuwang tuwa sa kanyang nasasaksihan.
Maya- maya ay may nadaanan sila phone store. Iba't ibang brand ng phone ang naroon. Isa isa niyang tiningnan ang mga presyo ng mga iyon.
"Ate, ito oh. Katulad sa classmate ko , " ani Jef.
Nang tignan ni Jorgina ay nasa mahigit anim na libo ang presyo nito.
"Sus maryosep! Ang mahal niyan Jef- jef! Si ate mo nga walang maayos na telepono" saway ng lola niya dito.
Sumabat naman ang saleslady sa kanila.
"Pwede po ninyo i- installment maam, Valid ID lang need" sabi nito.
Napatingin naman si Jorgina at napaisip.
"Pag installment ba pwedeng dalawa ang kunin ko?" Tanong niya.
"Pwedeng pwede po, kahit tatlo mag down lang po kayo ng 25%" nakangiting sagot nito.
"Sige itong tig six thousand at yung isa na apat na libo." Sabi niya.
"Para kanino yung isa ate?" Tanong ni Joy.
"Siyempre para sa cute kong bunsoy" aniya sabay pisil sa pisngi nito. "Pwede bang si kuya lang ang meron?"
"Naku Jorgina wag mong i spoil yang mga yan at hindi tayo mayaman" saway ng lola niya.
"Alam naman po nila yon lola. Gusto ko lang ma appreciate nila na lahat gagawin ko para lang sa kanila" nakangiting sagot niya.
"Ang sweet nyo naman sa family niyo maam," sabat ng saleslady.
Napangiti na lamang siya.
Matapos i testing ay lumabas na sila doon dahil nagugutom na daw ang dalawang bata.
Pagkalabas ay may pumasok namang isang gwapong lalaki sa phone store na iyon.
Mabuti nalang at may installment basis pala kahit walang credit card. At dahil wala pa naman siyang record ng utang ay na approve siya agad sa ni-loan niyang cellphone.
Tuwang tuwa naman ang mga kapatid habang naghahanap sila ng upuan . Nasa loob sila ng Mang Inasal nang mga sandaling iyon.
Umorder na din siya ng unlimited rice para sa kanilang lahat at nag add din siya ng dalawang crema de leche.
Hinihintay nila ang order ng may mamataan siyang pamilyar na lalaki sa labas ng fastfood. Hindi naman siya nakakasigurado kung kaya't hindi na niya pinansin. Wala na din naman ito ng muli niyang lingunin.
Samantalang , tuwang- tuwa naman ang dalawang kapatid sa mga pinamili nila. Sobrang saya ng kanyang puso. Mas lalo niyang pag iigihin ang trabaho para sa mga mahal niya sa buhay!