Wala ng nagawa pa si Jay ng umalis Ang dalaga. Pasalampak siyang naupo sa executives chair niya.
Kanina ng dumating si Jorgina sa parking lot ay Hindi niya maiwasang mapamangha sa itsura ng dalaga. Kung tutuusin ay simple lang damit na iyon kumpara sa ibang mga babae na nagsusuot ng malalaswang damit, ngunit dahil sa Ganda ng hubog ng katawan nito ay Hindi maiwasang masyadong nagiging seductive Ang damit sa kanya.
Iba Ang dating na karisma ng dalaga sa kanya ngunit sa halip na purihin ito ay kabaliktaran Ang kanyang ginawa. Hindi niya nagustuhan Ang malagkit na titig ng Mr. Lee na iyon sa dalaga na pakiwari Naman niya ay gustong gusto nito. Naiinis siya at Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang Ang naramdaman.
Hindi Naman niya gustong saktan Ang damdamin nito ngunit hindi niya napigilang gumawa ng ganoong Bagay. Nung Nakita niya itong umiiyak Kanina ay lumambot Ang kanyang puso. Parang gusto niya itong yakapin at humingi ng tawad. Ngunit nangibabaw parin sa kanya Ang pride Lalo na at nakaharap Ang ilan sa mga empleyado niya kung kaya't Wala na siyang nagawa ng lumisan Ang dalaga.
Napapahilot siya sa kanyang sintido. Aminado Naman siya na Mali Ang kanyang ginawa. Ngunit Ang Hindi niya maintindihan ay kung bakit Ganon Nalang Ang inis niya ng mapansin Ang pagka interes ni Mr. Lee kay Jorgina.
Lalo siyang naiinis pag naaalala niya kung pano nito tingnan Mula ulo Hanggang paa Ang dalaga.
Siguro ay kung Hindi niya lang kailangang kailangan Ang lote nito pra sa bagong project na gagawin ay inundayan na niya ito ng suntok sa Mukha.
Muli siyang napatingin sa ID card ng dalaga na iniwan nito sa mesa. Mataman siyang nagiisip habang pinagmamasdan Ang muka nito roon.
Ilang Oras na din simula ng mag walk out Ang dalaga at naiinis siya dahil Hindi manlang niya ito napigilan. Jorgina is an asset sa company. Hindi man ito nakapagtapos ng college ay matalino ito at napaka sipag pag dating sa trabaho. Yun Naman Ang nagustuhan niya sa dalaga. Hindi katulad ng mga dati niyang secretary na kung Hindi palpak ay tulala Minsan. Mabilis mag rattle pag umiinit Ang ulo niya. Unlike Jorgina , kahit anong init ng ulo niya ay business as usual pa Rin ito. Ngayon lang talaga siguro ito Hindi nakatiis . Kung sabagay ay lumampas na din Naman Kasi siya sa limitations niya
Hindi na siya nakatiis pa. Dinampot niya
Ang ID nito at Ang susi ng kanyang sasakyan.
Nagmamadali siyang umalis ng opisina at dinaanan Ang Isa sa mga staff.
"Cynthia pag may naghanap sakin please tell them I have an emergency!"
Yun lang at agad na itong umalis. Dumiretso na siya sa parking lot upang Kunin Ang sasakyan.
Samantala,
Inis na inis si Jorgina sa boss niya. Kulang Nalang ay sabihan siyang pokpok ito . Nag pupuyos Ang kanyang damdamin dahil talagang nakakapan liit Naman Ang ginawa nito sa kanya. Napansin Naman ng Lola niya Ang pag aaburido niya kung kaya't nilapitan siya nito upang kumustahin.
" Bakit Naman ganyan Ang itsura mo? Ano ba talaga Ang nangyari bakit ganyan ang itsura mo?" nagtatakang tanong nito.
Umismid Naman Ang dalaga saka humarap sa kanya.
"Wala Po Lola, huwag niyo na Po akong intindihin dahil may nakasagutan lang Po Ako sa trabaho" medyo iritable niyang sagot.
"Hindi na Ako magtataka apo. Lagi ka Naman may nakakaalitan " napangiti pa Ang matanda ng sinabi iyon.
Lalo namang kumunot Ang noo ng dalaga.
"Lola Naman para namang sinasabi niyong basagulera Ako"
"Hindi Naman sa Ganon Jorgina. Sadyang alam ko lang na mapangatwiran ka at Hindi ka namimili ng taong sasagutin pag alam mong nasa Tama ka " Anya sabay tawa ng mahina.
"Hay naku Lola, hindi ko alam kung kakampi ko ba kayo o ano " sagot niya na Tila nagtatampo Ang boses .
Ngunit may Punto Naman Ang Lola niya. Hindi siya nawawalan ng katwiran. Lagi siyang may baon nun. At Hindi siya Basta nagpapatalo Lalo kung nasa Tama siya. Unless eh kung Mali siya talagang natatameme siya pag ganoon.
Naalala nga niya noon pinagsabihan siya ng teacher niya dahil nalaman nito na may sinapak siyang kaklase at lalaki pa. Hindi talaga siya nagpapigil at pilit na nangatwiran sa ginawa.
Napapangiti siya ng maalala Ang Bagay na Yun. Sabi nga ng tatay niya noong nabubuhay pa ay nakuha niya Ang ganoong ugali sa Ina. Palaban daw iyon at walang takot.
Gumuhit muli Ang lungkot sa kanyang Mukha ng maalala Ang Ina. Ayaw man niyang Aminin ngunit nangungulila siya dito. Lagi niyang iniisip kung ano na Ang Buhay nito Ngayon.
Napalis Ang lungkot sa kanyang muka ng marinig Ang kapatid na si Jeff na sumisigaw at tinatawag siya. Nagmamadali pa itong pumasok sa Bahay nila.
"Ate!! ate!! " parang natatarantang wika nito.
"Bakit ba para ka namang hinahabol ng multo" natatawa niyang wika.
"May naghahanap Sayo ate! Artistahin! Ang gara ng tsekot ate! " wika nito na Tila manghang mangha.
Napatayo Naman agad siya at may pagtataka sa muka na tumingin sa Lola nila. Napakunot pa Ang kanyang noo dahil Wala Naman siyang inaasahan na pwedeng pumunta sa kanya.
"Baka Naman Mali lang ng napuntahan Yan" Anya.
"Labasin mo na apo, baka kung sino" utos ng Lola niya.
Wala Naman siyang nagawa kundi sundin Ang Lola nya pero nagtataka talaga siya kung sino Ang naghahanap sa kanya. Wala Naman siyang alam na magaaksaya ng panahong bisitahin siya sa eskwater na tinitirhan niya.
Bago lumabas ay ipinusod niya Ang mahabang buhok medyo gulo gulo lamang iyon dahil kamay lamang niya Ang ginamit na pang suklay.
Inayos din niya Ang shot na t- shirt at Saka lumabas ng Bahay.
Pamilyar sa kanya Ang kotseng nakaparada sa harap ng Bahay nila. kung Hindi siya nagkakamali ay Yun Ang sasakyan ng boss niyang si Jay!
Hindi nga siya nagkamali dahil nakatalikod man itong nakasandal sa sasakyan ay kilalang kilala niya Ang tindig nito.
Bahagyang kumunot Ang noo niya Lalo na ng humarap ito. May bitbit itong boquet ng white roses. Nang namataan Naman siya ng binata ay inalis nito Ang suot na sun glasses at lumapit sa kanya.
"Miss Reyes" bungad nito sa kanya.
Pagkatapos ay inabot nito Ang dalang mga bulaklak.
Tinaasan Naman ng kilay ng dalaga Ang binata.
"Para saan ho ito?" sarkastikong tanong ni Joerge.
"I'm sorry " Ani Jay.
"I know your mad because of what I said, I apologize " wika nito sa kanya.
"Hindi ko Po kailangan ng suhol sir " Anya.
"No it isn't" muli nitong inabot sa dalaga Ang mga bulaklak.
" This is my peace offering. And please, don't leave the company " pagka wika ay dinukot nito sa bulsa Ang ID nito at inabot sa dalaga.
"We need you. I need you "
Di makapaniwala si Jorgina sa narinig. Hindi niya Inexpect na ibababa nito Ang pride para lang bumalik siya sa kumpanya nito. Marahil dahil sa Wala ng nagtyatyagang magtrabaho para dito.
"Apo! Papasukin mo yang bisita mo at napakainit diyan! Aba'y pinagtitinginan pa kayo ng mga chismosa diyan oh" sigaw ng Lola niya habang palapit sa kanila.
Napaismid Ang dalaga. Bakit Kasi Narito ito, sa isip isip niya ay Hindi Naman ito nababagay sa ganitong Lugar.
"Halika hijo pumasok ka Muna at pag pasensyahan mo na din tong maliit na Bahay namin" wika ng matanda. At pagkasabi ay siya ng Ang tumanggap sa mga bulaklak na Kanina pa inaabot ng binata Kay Jorgina.
"Naku kay gagandang mga bulaklak! Mabuti naman at mayroon ng nag abot ng bulaklak sa dalaga ko " natutuwang wika nito.
"halina kayo Jorgina papasukin mo Ang bisita mo! " pagka Sabi ay pumasok na din ito sa loob ng Bahay.
"Hindi mo na kailangan mag abala pa" Ani Jorge.
"Ok lang sakin" Ani Jay na pumasok na din sa loob ng Bahay.
Doon ay pinaupo siya ng matanda sa Isang kahoy na upuan. Napakapayak ng pamumuhay ng pamilya nila Jorge. Pansin niya ay Wala Rin Silang mga appliances sa loob ng Bahay Maliban sa Isang elise at lumang TV. Iginala niya Ang tingin sa kabuuan ng Bahay. Maliit lamang iyon , Nakita Rin niya Ang mga medalya at certificate na naka dikit sa ding ding. Karamihan Doon ay sa dalaga nakapangalan. Lihim siyang nangingiti Ang Hindi niya alam ay kanina pa siya pinagmamasdan ni Jorgina.
"Maliit lang Po itong Bahay namin sir at maraming ipis at daga dito kaya kung Hindi nyu Po matitiis eh pwede na ho kayo bumalik sa condo nyo" pang uuyam niya dito.
"Hindi talaga Ako magtatagal , pumunta lang Ako dito para ibalik to Sayo" nilapag nito Ang dalang ID ng dalaga sa mesa. "Take a day off tomorrow and pumasok ka the next day "
"Bakit Naman Ako babalik? After nyo ko bastusin ng Ganon sasabihin nyo sakin bumalik Ako?" taas kilay niyang wika.
Lihim na napapahanga Ang binata sa kaharap na dalaga. Ito lang Ang Kaisa Isang sumusuway sa kanya.
"You see .. I'm sorry, I didn't mean to offend you earlier. I was just expecting na ma close ko Yung deal Kanina siguro I was just overwhelmed and Sayo ko nabunton " paliwanag Nita dito.
"Then maybe you should avoid doing that" diretsahang sagot ni Jorgina sa boss.
Naputol Ang paguusap bilang dalawa ng dumating Ang lola niya na may dalang soft drinks at bibingka. Inilagay nito iyon sa pinggan at baso at Saka inihain sa mesa.
"Pagpasensyahan niyo na Po itong meryenda na nakayanan namin sir " wika ng matanda.
"Lola Hindi Po siya kumakain ng ganyan baka masira Ang tiyan niyan" Ani Jorgina.
"Naku maraming salamat Po Lola" sagot Naman ni Jay. Kumuha siya ng Isang bibingka at kumagat. Muka Namang nasarapan Ang binata Kung kayat nakaubos siya ng Isang buo.
"Not bad at all " naka ngiting wika nito.
At nasarapan pa talaga Ang mokong bulong ni Jorgina sa sarili.
"Oh wait! I have something for you" pagkasabi ay lumabas ito ng Bahay at may kinuha sa loob ng sasakyan.
Nang bumalik ito sa loob ay may Dala itong mga shopping bags ng mga signature brands.
Nanlaki Naman Ang mata ni Jorgina ng maagtanto Ang laman ng mga iyon.
"Here, this is for you"
Mas excited pang tinignan ng kanyang Lola Ang mga laman ng shopping bags na yon.
"Aba sir andame Naman nito! Mukang mamahalin pa lahat!" wika ng matanda.
"Hindi ko matatanggap Yan" wika ng dalaga.
"No, this is for you" tinignan siya nito sa mata . Agad Naman siyang bumitiw ng tingin dahil iba Ang hatid na sensasyong niyon sa kanyang katawan.
"Please you don't need to do this sir, babalik Ako sa trabaho but this is too much" Anya.
" If this is too much,.. then just pay for it " wika nito sabay ngisi. Pagkatapos ay tumayo na at nagpaalam.
"I should be going babalik pa Ako ng opisina, Thank you Po sa snack Lola bawe Po Ako next time " baking niya sa matanda.
Wala ng nagawa si Jorgina ng tuluyan ng lumabas ng pinto Ang binata. Napabuntong hininga na lamang siya ng tinignan Ang mga gamit na pinamili nito para sa kanya.
Agad Namang kinalkal ng mga kapatid niya Ang mga laman noon ng Maka Alis Ang binata.
."Wow ate Ang ganda nito oh! " wika ni Joy.
Napailing na lamang siya.