Gabi na ng natapos Ang meeting ni Jay sa mga kliyente nito. Kasama niya Ang sekretaryang si Jorgina. Mabuti na lamang at nakausap niya Ang mga ito dahil balak na talagang mag back out sa kanilang deal.
Nauna ng nagsialis Ang mga kliyente nila . Inayos ni Jorgina Ang mga gamit niya at niligpit na din Ang ginamit nilang mesa.
"We're not yet going home" wika ng binata.
"Po? pero sir hinihintay na Po Ako ng Lola ko" pagtutol niya sa binata.
"How old are you miss Reyes? " kunot noong tanong ni Jay sa sekretarya.
"Ano Po twenty Po " nagugulumihang sagot nito.
"You're twenty and yet you still act like a child" pagkasabi ay kinuha na nito Ang laptop sa mesa.
"Umorder ka ng dinner natin marami tayong kailangang tapusin na papers tonight" Yun lang at agad na itong lumabas ng conference room.
Napa buntong hininga na lamang Ang dalaga at hinugot Ang cellphone sa bag.
Gamit niya parin Ang lumang cellphone na key pad. Hindi pa Kasi siya sumasahod at kung sakali man ay marami ng nakalaan Doon.
"Hello Lola?"
"Oh apo , pauwe ka na ba?" tanong ng Lola niya.
"Hindi pa ho. Huwag niyo na Po Ako hintayin marami Po kami kailangang tapusin sa opisina. Alam nyo Naman ilang araw din akong nawala" pagpapaalam niya sa matanda.
"Ganun ba? oh sya Sige . magingat sa pag uwe ha" sagot nito.
Nagpaalam na siya sa matanda at Binaba Ang telepono.
Kinuha na niya Ang mga gamit at nag tungo na sa office ng kanyang boss. Nag order na din siya ng pagkain nila sa Isang kilalang restaurant.
Nilagay niya sa ibabaw ng desk ng boss niya Ang mga Dala dalang documents. Malapit na Kasing simulan ang Don Ramon Heights kaya puspusan Ang trabaho nila Ngayon.
Buong mag hapon ay magka Sama Sila ng boss niya. Parang stress na stress na ito laging naka kunot Ang noo. Ni Hindi marunong bumati sa mga empleyado niya. Kung Maka utos pa ito ay wagas.
Siguro dahil lumaki ito sa marangyang Buhay.
Napasulyap siya sa kanyang boss. Gwapo Naman ito , Ang mapupungay nitong mga mata at matangos na ilong. Napaka pula at nipis pa ng labi nito.
Biglang gumuhit sa kanyang balintataw Ang matipuno nitong katawan na Nakita niya kaninang Umaga. Tila Kay sarap damhin ng mga iyon. kung Ano ano Ang Naglaro sa kanyang utak .
"What?!" naka maang na tanong ni Jay sa kanya.
"Huh?" napa pitlag siya ng matauhan.
Biglang nag init Ang mga pisngi niya at kahit di niya Makita ay alam niyang namumula iyon.
"Why are you staring at me?" taas kilay na tanong ng binata habang nakaupo sa swivel chair.
"Huh? A-ako? Hindi ah.. Napa sulyap lang Ako at tiyaka bat Naman kita tititigan? " natataranta niyang sagot dito. Halos di na siya makatingin dito ng diretso .
Tumayo si Jay at dahan dahang lumapit sa kanya. Lalong nataranta Ang dalaga ng Isang dangkal na lamang Ang agwat nila ng binata. Dahil matangkad ito sa height na 6 foot ay talagang napa tingala siya dito habang nakayuko ito sa kanya.
Lumakas Ang kabog ng dibdib niya Lalo na't Amoy na Amoy niya Ang nakakaakit na halimuyak ng pabango nito. Pakiramdam niya ay Lalong nag i init Ang kanyang pisngi.
" Huwag mong sabihin na may gusto ka sakin? " seryosong wika nito.
Titig na titig si Jay sa kanya , pakiramdam niya ay malulusaw siya sa init ng titig nito.
Natauhan siya ng maramdamang lumalapit na Ang muka nito. Agad siyang umiwas sa binata at tumalikod dito.
" Sir , wag Po kayong assumero . Hindi Po kayo Ang type ko " nakangiti niyang wika dito na naging dahilan upang kumunot Ang noo ng binata.
Hindi na nagawang sumagot pa ng binata dahil biglang nag ring Ang phone ni Jorgina.
"Hello?" bungad ng dalaga.
"Hello ma'am food delivery Po saang floor Po ito? "
"27th , Sige Po aabangan ko na Po kayo sa elevator " pagkasabi ay di na siya nag abalang tingnan Ang binata. Dali Dali niyang tinungo Ang elevator.
Napasandal siya sa dingding at nasapo Ang dibdib . Aminin man niya sa Hindi , iba Ang naging epekto ng binata sa kanya . Pakiramdam niya ay nanghina Ang kanyang tuhod dahil sa ginawa nito.
Dahil ayaw na niyang maulit Ang nangyare ay inihiwalay na niya Ang kanyang pagkain. Iniwan na niya iyon sa table niya . Hindi niya gustong makasalo Ang binata. Pumasok na siya sa opisina nito at nilapag Ang dalang pagkain sa table nito. Tatalikod na sana siya ng magsalita ito.
"Wheres your food? " nagtatakang tanong ng binata.
" Hindi pa Ako gutom sir , mamaya Nalang Po Ako kakain kaya iniwan ko na Muna sa table ko Yung food "
Tiningnan lamang siya ng binata ngunit Wala na itong sinabi pa. Binuksan na nito Ang pagkaing nasa harap at nauna ng kumain sa dalaga.
Sumusulyap sulyap si Jorgina sa opisina ni Jay sa pamamagitan ng transparent wall Doon. Sarap na sarap ito sa pagkain TILA gutom na gutom ito. Napahawak siya sa tiyan , nagugutom na din Kasi siya pero kailangan niya Kasing pangatawanan Ang sinabing di siya nagugutom. Inasikaso na lamang niya Ang mga schedule nito para bukas.
Nang mapansin niyang tapos na Ang binata ay Saka Naman siya kumain.
Sarap na sarap siya sa pagsubo ng bumukas Ang pinto ng opisina nito. Nagulat tuloy sya lalot lumolobo Ang kanyang pisngi dahil sa dami ng isinubo.
Natigilan siya at napatingin sa lumabas na binata.
"Nasan Yung mga documents na need ng pirma ko" tanong nito habang nakatingin sa kanya.
Pinilit Muna niyang lunukin Ang kinakain Bago sumagot.
"Nandito Po sir " sagot niya.
" Pakidala sa table ko "
" pero sir kumakain pa Po Ako " tutol ni Jorgina.
"Then you should have thaught about that earlier " kunot noong wika nito.
"You know how busy we are pero ano ginawa mo? Nagpahuli ka pang kumain " pagkasabi ay bumalik na ito sa upuan.
Walang nagawa si Jorgina. Ikinuyom niya Ang mga kamay sa inis.
bwiset ka talagang jay villa real ka!! Bulong niya sa sarili.
Sumubo pa siya ng mga ilang subo at nilunok Nalang basta Ang kinakain niya Saka uminom ng maraming tubig.
Pagkatapos ay pinunasan Ang bibig . Kinuha na niya Ang mga documents at dinala sa opisina nito. Nilapag niya iyon sa table ng binata at ng akmang Aalis na ay nagsalita ito muli.
" Miss Reyes? "
Muli niyang nilingon Ang binata.
"Yes sir? " wika niya sa asar na Tono.
" paki revise nito parang may Mali eh " wika nito sabay hagis ng Isang envelope. Ngunit sa halip na sa dulo ng mesa ito lumapag ay dumiretso iyon sa sahig.
Napatingin si Jorgina ng matalim sa binata. Nangaasar ba ito?
"Oops, , sorry . I didn't mean it " natatawang wika nito.
Yumuko si Jorgina upang abutin ng envelope na nalaglag.
"Miss Reyes? "
Napatingala Ang dalaga habang naka dukwang paibaba Ang katawan nito .
" Are you seducing me? " diretsahang tanong ng binata sa kanya na ipinagtaka Naman niya.
Inginuso ng binata Ang dibdib niya dahil don ay napatayo Naman siya ng tuwid at tiningnan Ang blusa. bahagya palang nakabukas Ang unang butones ng kanyang damit. Kung kaya't litaw Ang mapuputi niyang dibdib.
Namula Ang pisngi ni Jorgina sa hiya .
" Will you stop humiliating me? " tanging na isambit niya.
Natawa na man Ang binata sa narinig.
" Excuse me , I'm not Ikaw itong nagpapakita ng motibo sakin " sagot ni Jay.
" Hindi ko Po alam " Anya habang hawak hawak Ang dibdib.
" At tyaka Isa pa Mali Yata Kasi Ako Ang na humiliate sa ginawa mong pag trespass sa Bahay Kanina "
" Hindi ko sinasadya sir.. Hindi kayo makontak at inutusan Ako ng vice na puntahan ka and nagkataon na nakabukas Yung door nyo dahil Hindi Po Yata uso sainyo Ang mag lock ng pinto , tyaka Malay ko bang may ginagawa pala kayong kamilagruhan "
Napangiti Naman ng nakakaloko si Jay.
" So you saw it? Maganda ba Yung view Kanina ? " pang aasar nitong tanong.
alam niya kung ano Ang tinutukoy nito at ayaw na niyang isipin pa ulit.
" Pwede ba sir, if you're done balik na ko sa table ko tatapusin ko lang Yung food ko if you don't mind " dire diretso niyang wika sabay talikod upang lumabas ng office nito.
Halo halong emosyon Ang naraRamdaman niya. Naroon Ang pag kainis at hiya. Naiinis siya sa lalaking yon. Marahil kung Hindi niya lang boss Yun ay nasapak na niya sa muka iyon.
Naupo na siya sa harap ng kanyang mesa at tiningnan Ang natirang pagkain Doon. Nawalan na siya ng gana kumain pero dahil bawal magkasakit ay pinilit Nalang niyang ubusin iyon. Ayaw na niyang lumingon sa opisina ng binata dahil baka nakatingin ito sa kanya. Kung pwede nga lang I fast forward Ang Oras ay ginawa na niya upang makauwe na agad .