Panay Ang tingin ni Jorgina sa suot na relo habang naksakay sa elevator . Hindi siya mapakali dahil Anong Oras na din. Kung bakit Naman kailangan pa niyang pumunta sa lugar na ito.
Maya Maya pa ay bumukas na ito sa 16th floor. Isa ito sa mga pg aari ng kumpanyang pinapasukan niya Ang Don Ramon Heights!
Binaybay niya Ang corridor at ng mahanap Ang Numero ng unit na dapat puntahan ay napabuntong hininga siya. Nanahimik na siya sa opisina at gumagawa ng trabaho bakit kailangan pa siyang utusan na mag punta sa lugar na ito.
Ilang ulit niyang pinindot Ang doorbell ngunit walang sumasagot. Sinubukan niyang pinihit Ang siradura ng pinto at nagulat pa siya ng bumukas iyon.
nasan kaya Ang tao dito? bulong niya sa sarili.
Tuluyan na siyang pumasok ,napansin niya Ang mga nakakalat na bote ng alak at upos ng sigarilyo sa sahig. Dahan dahan siyang naglakad at siniyasat Ang paligid.
Nakakapag taka na Walang sumasagot sa kanya. Bahagya na siya nag alala kung kaya't sinubukan niyang ikutin Ang buong pad. Nagtungo siya sa kusina ngunit walang tao. Nakita niya Ang kwarto at Pansin niyang bahagyang naka awang Ang pinto nito.
Lumapit siya don at pumasok sa loob. Nanluluwa Ang mga mata niyang napasigaw.
"Ay bastos!!" Anya na Tila Isang tuod na nanigas sa kinatatayuan.
Nagulat Naman at nagising Ang mga nakahiga sa kama. Nagtakip pa ng kumot Ang babae na naroon.
"Bullshit! What are you doing here??" galit na tugon ng binatang si Jay.
kapwa walang suot na saplot Ang dalawa. Napanganga Naman si Jorgina na di malaman Ang gagawin. Nagpapanic Ang kanyang kalooban sa nasaksihan.
Nang mahinasmasan ay bahagya siyang nagbabad ng tingin.
"What the hell? Who is she Jay?" maarteng tanong Naman ng babaeng Kasama nito. Sabog sabog pa Ang buhok nito . Nakatakip Ang gray na kumot sa malalaki nitong dibdib.
"I- I'm s-sorry sir " di magkandatuto si Jorgina sa sasabihin.
"Tell me! why are you here? " naiinis na sigaw ng binata.
"Sir Hindi Po Kasi kayo sumasagot sa tawag ko. You have Ang urgent meeting with your client Po eh. Parang may planong mag back out sa deal nyo para sa ipapatayong villa ,eh Sabi Po ni Mr. Dela Rosa puntahan ko kayo" Ani Jorgina na Ang tinutukoy ay Ang vice president ng kumpanya.
"s**t" nasapo ni Jay Ang noo ng Makita Ang Oras .
Almost lunch na Pala. Naparami Ang inom niya kagabi at napagod pa siya ng husto kaya't Hindi na niya namalayan na Umaga na Pala.
"You can go back to work! Susunod na Ako " Anya sabay kilos at tumayo sa higaan.
"Arent you going to send me home?" maarteng tanong ng babae.
"No, I have an important client. I'll just let my driver send you home" sagot ni Jay dito.
Dahil sa hiya sa sarili ay nagmamadaling umalis si Jorgina ngunit natigilan siya ng tinawag siya ni Jay.
"Miss Reyes tumawag ka sa front desk ng condo. Ipatawag kamo si manong amboy para ipag drive si Heidi pauwe" sigaw nito.
" Ok Po" pagkasabi ay nilapitan na niya agad Ang landline at dinial Ang Numero na nasa contacts.
Napansin Naman niya Ang naglabas nung Heidi sa kwarto. Nakadamit na ito ngunit TILA Hindi na nagawang mag suklay.
Napaka sexy nito at sobrang nipis ng balat. Ito kaya Ang girlfriend ng boss niya?
"I'll just go. Tinawagan ko na driver ko so no need " wika nito na dire diretso ng lumabas ng condo.
"Miss. Reyes! are you still there?" sigaw ni Jay habang nasa loob ng CR.
Dinig na dinig ni Jorgina Ang lagaslas ng tubig.
"Opo andito pa Ako" sagot niya.
"Ipaghanda mo ko ng almusal . Nagugutom na Ako and I think Hindi na ko makapag lunch if we start the meeting" pasigaw ulit nitong wika.
"Ok sir!"
Napaismid siya , ano ba Ang Akala ng lalaking ito ? Katulong siya ? Secretary siya pero Hindi siya Yaya.
Binuksan niya Ang ref at tumingin kung ano Ang maihahandang pagkain para dito. Wala Naman masyadong food Doon at kailangan na nila makabalik sa opisina agad. kaya sa halip na mag luto ay gumawa Nalang siya ng tuna sandwich. Nilagyan niya iyon ng kamatis at lettuce.
Pinagtumplahan niya din ito ng brewed coffee Yung walang asukal dahil alam niyang Hindi ito nag aasukal. Kaya siguro walang sweetness sa katawan.
Nakita pa niyang lumabas ng kwarto Ang binata. Tanging tuwalya lang na nakatapis sa bewang Ang nakatakip sa katawan nito. Tumutulo pa Ang tubig sa buhok ng binata.
Inihagis nito Ang Dala dalang powdered blue polo sa kanya.
"Plantsahin mo" wika nito sabay upo sa sa dining area para kumain
"Excuse me sir, Hindi na Po ata saklaw ng trabaho ko to?" mataray niyang wika.
Marahas siyang tinitigan ng binata.
"Hindi ko Rin trabaho Ang mag take over sa mga trabaho mo ! ? Because of your stupidity I suffered for how many days dumoble Ang workload ko" naiinis nitong sagot sa kanya.
Hindi Naman nakapagsalita si Jorgina. Alam niya Ang tinutumbok ng boss .Hindi Naman siya Ganon ka bobo. Hindi na siya umimik, hinanap na lang niya Ang plantsa ay ginawa Ang inuutos ng binata.
Maya't Maya Rin siyang napapasulyap dito dahil talaga namang agaw Pansin ng mga muscles nito sa katawan. Para itong Korean hunk sa hitsura. Napapa lunok ng sariling laway si Jorgina sa panaka nakang pagsulyap dito habang kinakain nito Ang hinanda niyang sandwich.
"Hindi pa ba tapos Yan?" naiinis nitong tanong.
"Sandali Nalang Po sir" wika niya dito.
Naaasar na din siya sa totoo lang. Kung Hindi niya lang kailangan ng trabaho talaga ay nag martsa na siya palabas ng condo nito.
Pagkatapos niyang plantsahin Ang polo nito ay agad na niyang inabot sa binata.
"Eto sir" may pagka inis niyang wika.
"Hugasan mo tong pinagkainan ko" sagot nito at kinuha na Ang inaabot niyang polo.
Talaga namang napataas Ang kilay ni Jorgina.
"Excuse me Mr. Villa Real kakaplantsa ko lang?" nakapa mewang niyang salita.
"So?" kunot noo nitong tanong.
"Hindi ko pwedeng basain Ang kamay ko at baka mapasma ko" walang kagatol gatol niyang wika.
Napatawa Naman Ang binata sa tinuran niya.
"I did not expect you believe that. You need to wash that if you still love your job" nang aasar na kinindatan niya Ang dalaga saka pumasok na sa loob ng kwarto para magbihis.
"Grrrrr!! Nakakainis talaga Ang aroganteng spoiled brat na yon! Panget ng ugali!!! " galit na sigaw ni Jorgina.
Tila Naman narinig ito ng binata Kaya dumungaw Ang ulo nito sa pinto.
"Are you saying something??" matalim siyang tinitigan ng binata.
"Ay Wala sir. Sabi ko nga Po hugasan ko na Kasi baka di kayo marunong mag hugas ng pinggan" sarkastikong sagot niya.
Naiiling namang pumasok sa loob Ang binata. Habang siya ay kinuha na Ang pinagkainan nito. Gusto na niya agad Maka Alis sa Lugar na iyon dahil pakiramdam niya ay Isa siyang bulkan na anytime ay puputok na dahil sa sobrang init.
Matapos mag hugas ay kinuha na niya Ang bag na Kanina ay nilapag niya sa sofa upang makaalis na. Ayaw na niyang maabutan siya ng bwiset niyang amo.
Ngunit pipihitin pa lamang niya Ang seradura ng pinto ng marinig niya Ang pagbukas ng kwarto nito.
"Where are you going?" tanong nito.
"Mauuna na sir para makasakay agad ng jeep" Anya sabay talikod at akmang lalabas.
"Did I told you to leave already?"
Hayan na Naman siya . Napalingon ulit siya dito. Hindi niya alam kung nambibwiset ito o sadyang bwiset talaga Ang pagkatao nito.
" do you know how to drive car? " tanong nito habang nagsusuot ng leather shoes.
Tumango na lang siya bilang pag sagot.
Marunong Naman talaga siya dahil dati ay sumasampa siya sa jeep. May mga kaibigan din Kasi siyang jeepney at taxi driver. Minsan ay nagpaturo siya mag drive.
"Good. Oh!" Anya sabay itsa ng hawak na susi sa dalaga.
"Ipag drive mo Ako" Anya at tuluyan ng lumabas ng pad.
"pero sir? "
Wala na siyang nagawa dahil Hindi na siya nito pinakinggan. Dire diretso na itong nagtungo sa elevator.
Tahimik na lamang siya sa loob ng elevator at pinakikiramdaman Ang boss na nasa likuran niya.
Hindi niya alam na hinahagod siya ng tingin ni Jay sa kanyang likuran.
"Hows your feet?" tanong nito habang nakatingin sa paa niya.
Kapansin Pansin na nakasuot lamang Ang dalaga ng flat shoes.
"ok na Po salamat" Wala sa loob na sagot ni Jorgina.
"Good" Yun lang at inantay na lamang nila na makarating sa lower ground . Doon Kasi Ang parking ng condominium.
Naiinis man ay walang nagawa si Jorgina. Tinungo na nila Ang sasakyan nito. Isang sports car na Toyota mazda latest model Ang nasa harapan niya. Kulay pula ito at sa tingin niya ay Bagong bili lang ito ng binata.
Nang pindutin ng binata Ang remote ng sasakyan ay biglang bumukas paitaas Ang pinto ng kotse nito.
Nanlaki Ang mga mata ni Jorgina. Matagal na siyang fan ng mga sasakyan mahilig Kasi siya tumingin sa mga magazine. Kung kaya't ginusto niya talagang matuto mag drive kahit sa simpleng paraan.
"What are you waiting for?" tanong ng binata.
"Ah s-sir Kasi baka Hindi ko kaya I drive to mamaya mabangga ko pa Wala Ako ipambabayad " nakanguso niya wika.
"are you kidding? pag marunong ka mag drive any model of car nada drive mo. So wag ka na mag inarte " pagkasabi ay sumakay na ito sa backseat.
Napapailing na lamang si Jorgina. Iba talaga ugali nitong boss niya. Lahat Nalang ng gusto dapat masunod.
Naupo na siya sa drivers seat at nilingon Ang amo Bago i start Ang sasakyan. Nakasandal na ito at nakapikit.
Napabuntong hininga na lamang Ang dalaga.
Nag sign of cross Muna siya Saka binuhay Ang makina. Aminin niya sa Hindi na e excite din siyang imaneho Ang sasakyang ito. Kahit paano ay ma e experience niya Ang mag drive ng sikat na sasakyan.