Chapter 8

1755 Words
Napa buntong hininga na lamang si Jay ng ma sulyapan si Jorgina sa desk nito sa labas ng kanyang office. Busy ito sa computer na nasa harapan niya. Kahapon ay Hindi niya talaga inaasahan na muli itong Makikita sa building niya. As usual, napaka tapang nito. Para itong tigre kung umasta na animoy ayaw mag pa apak sa kahit na sino. Agaw Pansin din Ang kaseksihan nito sa suot na skirt at spaghetti strap na pang itaas na pinatungan ng coat. Kung titignan ay napaka simple nito dahil halos Wala itong make up. Sadyang mapang akit Ang malalantik nitong pilik mata na binagayan ng makapal at perpektong kilay. Natatawa Naman siya ng maalala Ang reaksyon nito ng malamang siya ang CEO ng kumpanyang pinapasukan nito. Noong una ay talagang nainis siya sa babae Lalo na't Hindi siya nito nagawang irespeto sa ilang beses na pag ku krus ng knilang landas. Ngunit ng tumulo Ang mga luha nito ay parang may kumurot sa kanyang puso. Hindi Rin niya alam kung bakit ito Ang ipinalit niya sa sekretaryang nang iwan sa kanya sa ere. Naguguluhan din siya. Aminado siyang naasar siya ng Makita niyang magkasama ito at ni Patrick. Hindi niya nagustuhan Ang nakitang closeness ng dalawa. Pag katapos niyang I review Ang ilang proposals at mapirmahan ay napatingin siya sa suot na relo. Mag a alas 10 na Pala ng Gabi. Kaya Pala Panay Ang hijab ng dalaga sa labas. Kinuha niya Ang telepono at dinial iyon. Nagulat Naman si Jorgina ng tumunog Ang phone sa kanyang harapan. Saglit niyang nilingon Ang boss, at Tama nga Ang hinala niya ito Ang tumatawag. "Sir?" tanong niya sa malamig na Tono. "You can go home" direktang sagot nito. "Pano Po kayo sir? " tanong niya dahil inaalala niya na baka may kailanganin pa ito sa kanya. "Uuwe na din Ako after this. Mauna ka na and please don't be late tomorrow" pagkasabi ng binata ay binaba na nito Ang hawak na telepono. Sinulyapan niya muli Ang dalaga . Kumuha ito ng panali sa kanyang bag at pinusod Ang mahabang buhok. Bahagya Rin itong nag inat Bago pa tumayo. Nagulat pa siya ng tumingin pa ito sa kanyang direksyon at mag Tama Ang kanilang mga mata. Agad Naman siyang nag bawi ng tingin. Napansin Naman iyon ni Jorgina at tahimik na ngumiti. Pakiramdam niya ay minamatyagan siya ng aroganteng boss niya. Kinuha na niya Ang bag at kumatok Muna sa office ni Jay at dahan dahang binuksan ito. "Sir , Mauna na Po Ako" Sabi niya habang naka dungaw Ang ulo sa pintuan nito. Tango lamang Ang naging sagot ng binata kaya't isinarado na niya Ang pintuan at mabilis na umalis Doon. Napatingin siya sa orasan. Almost ten thirty na Pala. Siguradong hinihintay na siya ng Lola niya Ngayon. Ang pagkaka alam Kasi nito ay Hanggang alas otso lamang Ang kanyang trabaho. At panigurado tulog na Ang dalawang makulit niyang kapatid. Nang makalabas siya ng building ay dismayado pa siya dahil sa lakas ng ulan. Wala pa mandin siyang dalang payong at nasa bandang unahan pa Ang sakayan ng jeep. Napapailing na lamang siya habang nakatayo sa labas. "Naku ma'am, Kanina pa Po umuulan mga alas sais . Ang lakas nga Po eh Wala namang anunsyo ng bagyo" wika ng guwardiya na naka post Doon . "Ganun Po ba? Baka may payong Po kayo diyan kuya" tanong niya. "Naku ma'am Hindi ko Rin Po nadala Yung payong ko pasensya na Po" sagot ng guard sa kanya. "ok lang Po kuya" aniya sabay tingin uli sa malakas na ulan. Napapailing na lamang siya. Kung dito siya naghihintay ay paniguradong Wala siyang masasakyan. Kailangan na din niyang umuwe dahil lumalalim na din Ang Gabi. "Kuya baka may trash bag kayo diyan" tanong niya ulit sa guard. "Ano Naman Po Ang gagawin nyo sa trash bag ma'am?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ipangtatakip ko Po sa ulo ko . Di Naman Po kalayuan Ang sakayan panigurado pagdating Doon ay may masisilungan Naman Ako" Anya. "Sige Po maam titingin Po Ako sa utility room" pagka wika ay saglit na umalis sa pwesto Ang lalaki. At ng bumalik ay may Dala Dala itong itim na trash bag. Napangiti Naman siya. Sa isip isip niya ay pwede na iyon. Ang importante lang Naman ay Hindi mabasa Ang ulo at likuran niya para Hindi siya magkasakit. Tinanggal Muna niya Ang suot na high heels dahil baka madulas siya sa daanan. naisip niya na Sa susunod ay mag dadala na siya ng extra na tsinelas para may pamalit siya. Isinuot niya sa ulo Ang trash bag na parang rain coat at tinakbo Ang kalsada papunta sa sakayan. Hindi niya alintana Ang pagkabasa ng kanyang damit . Gusto na niyang makauwe baka nag aalala na Ang kanyang Lola Wala pa Naman siyang load para matawagan Ang kapatid. Nagulat pa siya ng may bumusina sa kanyang likuran. Nasa gilid Naman siya ng kalsada kaya Hindi niya iyon pinansin. Dire diretso lamang siya na patakbong naglalakad. Napatigil siya at Napa aray ng may kung Anong tumusok sa kanyang paa. Napaupo pa siya sa sakit. "What do you think you're doing?" kunot noong tanong ng lalaking nasa harapan niya. Pinatungan ni Jay Ang dalaga at inalalayan sa pagtayo ngunit nagulat na lamang siya ng bigla itong nawalan ng Malay. Mabuti na lamang at naging maagap siya sa pagsalo dito. Natataranta niya itong binuhat at ipinasok sa loob ng kotse. Nabitawan na din niya Ang hawak hawak niyang payong at tinapon Ang naka saklob na plastic sa ulo nito. Nagulat din siya ng Makita Ang dumudugo nitong paa. Dahil sa pagka taranta ay nagmamadali niyang pinaandar Ang sasakyan. Dinala niya sa pinaka malapit na ospital Ang dalaga. Nakita pa niya nung tinahi ng doctor Ang hiwa nito sa paa tinurukan nila ito ng anesthesia para Hindi maramdaman ng dalaga Ang sakit. Pinalitan na din ng hospital gown Ang suot nitong damit dahil nabasa iyon ng ulan. Naiinis din siya sa ginawa ng babae . Hindi manlang nag isip na maari itong madisgrasya sa ginawa. Katulad na Lang ng nangyare naka apak ito ng bubog at nahiwa Ang paa. so careless ! bulong niya sa sarili. Naupo Muna siya sa sofa na malapit sa higaan nito. Hindi niya magawang iwan Ang babae dahil walang magbabantay dito. Maayos Naman daw Ang kalagayan nito . Marahil ay na shock lamang Ang dalaga ng Makakita ng dugo kung kaya't nawalan ng Malay. Pati tuloy siya ay nabasa ng ulan, mabuti na Lang at lagi siyang may baon na damit sa kanyang sasakyan kung kaya't nakapag palit din siya agad. Maya Maya ay kumibot kibot Ang mga daliri ng dalaga. Unti unti itong nag dilat ng mata at napakunot Ang noo dahil Hindi pamilyar sa kanya Ang Lugar na kinaroroonan. Hanggang Makita niyang may naka kabit na suwero sa kanyang kamay. Doon na niya napag tanto na nasa hospital siya. "How are you?" tanong ng Isang baritonong boses. Nagulat pa siya ng Makita Ang boss niya. "Sir?" tanging sambit niya. "Ano ba Ang pumasok sa isip mo at sinugod mo Ang malakas na ulan?" mataray nitong tanong. "Pasensya na sir gusto ko na Po Kasi makauwe . Mag aalala Ang Lola ko sa kin baka Hindi makatulog Yun" malungkot niyang wika. "Kahit na that is such a careless move! look what happened to your feet!" naiinis na sambit ni Jay. Hindi niya alam kung naiinis siya dahil sa katangahan nito o dahil nasaktan ito. "Pwede na Po kaya Ako makauwe sir? For sure nagaalala na si Lola sakin" "Malakas pa Ang ulan..but I can take you home if you want" Napatingin siya sa kanyang boss. In fairness may concern din Pala ito sa kanya. "Mag ta taxi Nalang Po Ako sir" Anya habang dahan dahang tumatayo sa higaan. Natataranta namang inalalayan ni Jay Ang dalaga. "Are you sure kaya mo na?" tanong nito. Napatingin Naman siya dito pero agad itong nag bawi ng tingin na Tila iniiwasan siyang makatitigan. "I'm going to send you home. No more but's . I'm still you're boss at ayoko madawit pag may nangyari Sayo sa kalsada" wika nito sa malamig na Tono. Wala na siyang nagawa pa. Binayaran Muna ng binata lahat ng bills niya sa hospital at Saka Sila umalis. Habang nasa loob ng sasakyan ay Hindi Naman mapakali Ang dalaga. Tahimik lang na nag da drive Ang kanyang boss. Tumikhim Ang binata at nagsalita. "Sa susunod magdala ka na ng payong at tsinelas para di mo na Gawin Yung ginawa mo Kanina. Wala ka talaga Makikita sa dinadaanan mo Kasi nagsaklob ka ng trash bag! " may halong inis Ang boses nito. Napaismid Naman Ang dalaga. Kanina lang ay parang Ang bait bait nito Ngayon Naman any biglang nagbago Ang mood ng binata. "Paano kung Hindi lang iyan Ang inabot mo? Kasalanan ko pa Kasi late na kita pinauwe?" dugtong pa nito. Tahimik lamang siya. Alam Naman niyang may Punto ito. Ngunit Ang nakakasama ng loob ay sariling reputasyon lang Pala Ang iniisip nito kaya siya tinulungan. Maya Maya pa ay narating na nila Ang Lugar ng dalaga. Hindi Naman naging mahirap sa kanya na matunton iyon dahil itinuturo din ng babae Ang Daan. Kung susuriin ay nasa eskwater Sila. Ang mga Bahay na naroon ay pinagtagpi tagpi at barung barong. Huminto Sila sa tapat ng Isang maliit na Bahay. Inalalayan niya sa pagbaba Ang dalaga habang pinapayungan ito. Tila nakaramdam Naman Ang Lola niya dahil agad itong nag bukas ng pinto. "Apo! Anong nangyare Sayo?!" nagaalalang tanong ng matanda ng Makita siyang iika ika. "Wala to Lola simpleng sugar lang" wika ni Jorgina. "Maraming salamat Po sa pag asikaso sa apo ko sir" pasasalamat ng matanda sa boss ng dalaga. "Ok lang Po Lola, sige Po tutuloy na Po Ako. By the way miss Reyes, wag ka Munang pumasok bukas . Pagalingin mo Muna Ang paa mo" Ani jay sa dalaga. " pero sir. ." naudlot na Ang kanyang sasabihin dahil agad itong nagsalita. "that's an order, take your leave. Don't worry it will be paid. Sige Po Lola Alis na Po Ako" wika nito sabay paalam sa matanda. Napatingin na lamang si Jorgina sa kanyang boss. Tuluyan na itong tumalikod at sumakay ng sasakyan para umalis. Samantala nag aalala namang inalalayan siya ng kanyang Lola para makapanhik sa loob ng Bahay. "Ang bait Pala ng boss mo apo . Mabuti Naman at Hindi ka niya pinabayaan " wika nito. Hindi na siya umimik pa. Kahit sabihing pansarili ang dahilan ng pagtulong nito ay nagpapasalamat parin siya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD