Chapter 7

1371 Words
Hindi mapakali si Jorgina sa table niya. Hindi niya alam kung bakit naisipan ng lalaking Yun na Alison siya sa sales department at Kunin bilang personal secretary. Balak kaya nitong pahirapan siya? Dapat na ba siyang kabahan? Hindi niya alam pero Isa lang Ang alam niya kailangan niyang tatagan Ang sarili para sa pamilya niya. Kanina pa siya nakaupo dito dahil Ang Sabi ng arogante niyang boss e may magtuturo sa kanya ng mga dapat niyang Gawin. Pero Kanina pa siya nag hihintay dito ngunit Wala Naman may dumarating. Kumakalam na Ang sikmura niya mag a alas dos na Kasi Hindi pa siya nakapag tanghalian. Napahawak siya sa kanyang sikmura. naraRamdaman na niya Ang hapdi nito. Napapailing na lamang siya dahil Hindi Naman niya makausap ng matino Ang boss niya. Hayun at tanaw niya sa opisina nito sa papamagitan ng salamin na ding ding na siyang namamagitan sa Kanila. Napahawak siya sa kanyang batok na Tila naiinis. Nagulat siya ng biglang mag ring Ang phone sa harap niya. Nagpa linga linga siya dahil Hindi pa talaga niya alam Ang gagawin. Ngunit tuloy tuloy Ang pag ring nito kaya napilitan na siyang sagutin . "H-hello?" sagot niya. "Why aren't you picking up!" Tila nabingi siya dahil sa pagsigaw ng lalaki sa kabilang linya. Ang sakit sa Tainga ng boses nito. Bahagya niyang inilayo Ang telepono sa kanyang tainga. Nabosesan Naman niya Ang kausap at tinapunan niya ng tingin Ang boss na nasa loob ng office nito. "I'm sorry sir. Hindi ko Po Kasi alam.." pangangatwiran niya. "Take your lunch! Be sure to be back after one hour" wika nito. "Ayy salamat Akala ko walang kainan to" Wala sa loob na nasambit niya. "What?" naulinigan nanaman niya Ang mataas na boses nito. "Ay Wala Po sir, I said I will be back after an hour" pinalambing niya Ang kanyang boses at nilingon ito. Hindi Naman sinasadyang magtama Ang kanilang mga mata. Nakatingin Pala ito sa kanya na Tila nanunuri. Agad Naman siyang nagbawi ng tingin, ramdam niya Ang paginit ng pisngi. "Ok" Yun lang at binaba na nito Ang telepono. Napa ismid siya. pogi nga bugnutin Naman!  bulong niya sa sarili. Kinuha niya Muna Ang shoulder bag Saka tumayo. Tinungo niya Ang elevator at pinindot Ang third floor. Naroon Ang pantry ng kumpanya. Muli siyang napahawak sa sikmura , naririnig na niya Ang pagkalam nito. Bumukas Ang elevator sa 12th floor at di niya inaasahang makita si sir patrick . Ngumiti ito ng ubod tamis sakanya. "Hi" bungad nito. "Hello sir" matipid niyang sagot. Hindi niya alam pero kinikilig siya tuwing nakikita Ang binata. "Kakain ka palang ba?" tanong nito na naka kunot Ang noo. "Opo" "Hayst. Pasensya ka na , kinailangan mo pa mapunta Kay Mr. Villa Real, Hindi nakakatagal Ang mga secretary niyan dahil sa ganyang treatment niya." wika nito. "Ok lang Po" "Masanay ka na sa lunch time mo. Ganitong Oras Kasi siya kumakain subsob sa trabaho Yun kaya damay secretary niya" Sabi nito sabay tingin sa suot na relo. "Saan ka mag lunch niyan? " tanong pa nito. "Ahy diyan lang Po sa pantry sir titingin Ako ng makakain" nakangiting sagot ng dalaga. "Sumabay ka na sa akin katapos lang Kasi ng ginawa kong report kaya Ngayon lang din Ako kakain" "Po?" nanlalaki Ang matang tanong ni Jorgina. " Sabi ko sumabay ka na sa akin may alam akong masarap kainan sa labas" nangingiting wika nito. Hindi na naka imik pa si Jorgina dahil pagkabukas ng elevator sa 3rd floor ay agad niyang isinarado. Tahimik na lamang ito at nakikiramdam. "Are you sure ok lang Sayo na maging secretary miss Reyes? " tanong ulit nito. "Ok lang sir. kahit anong work Naman Po Basta legal" pagkasabi nito ay ngumiti siya ng napaka tamis. Ang Hindi alam ni Jorgina ay Hindi Rin malaman ni Patrick kung bakit gustong gusto siya nitong makasabay. Pumunta Sila sa Isang restaurant sa harap ng building. Napatigil din saglit si Jorgina Bago pa man pumasok sa loob ng restaurant. Iginiya Sila ng waiter sa Isang bakanteng lamesa na pang dalawahan. Inayos Muna ni Patrick Ang upuan para sa kanya. Na siya namang ikina kilig ni Jorgina dahil sa palabas lang niya nakikita Ang ganitong eksena. "Thank you" wika ng dalaga. Ngiti lang Ang naging sagot nito sabay upo sa harapan niya. Lumapit Naman Ang waiter para I abot Ang menu. "What do you want to eat?" tanong ni Patrick sa kanya. Nang tingnan ni Jorgina Ang menu ay nanlaki Ang kanyang mga mata. "Naku sir, Ang mahal Pala dito . . Wala Po Ako ipangbabayad dito " walang kagatol gatol niyang salita. Bahagya namang natawa Ang binata sa kanyang tinuran. "Don't worry treat ko na to Sayo, pumili ka na" "Sure ka sir? Baka singilin nyu Po ko 150 lang laman ng wallet ko" walang ka arte arte niyang Sabi. "ha ha bakit Naman kita singilin? Alam mo Ang cute mo , umorder ka na para makakain na Tayo " natatawang Sabi ng binata. Kanina pa na aaliw si Patrick Kay Jorgina. She is not like the typical girl Kasi. Napaka inosente nito at walang halong ka artehan sa katawan. pinaubaya Naman nito sakanya ang pagpili ng makakain. Umorder Nalang siya ng stake para sa kanilang dalawa at mango shake. Nag dagdag din siya ng chicken pasta. Tuwang tuwa Ang binata sa kanya habang kumakain. Naroon at nagkwentuhan Sila ng kaunti tungkol sa Buhay nila. Nalaman din niya na bread winner Pala si Jorgina at nag ta tricycle ito. Lalo siyang na amaze sa babae. Hindi mo akalain na sa Ganda at sexy nito ay nag da drive ito ng pampasadang tricycle. Ang bilis naka gaanan ng loob ni Jorgina si sir Patrick. Napakabait nito at down to earth kahit na may posisyon ito sa kumpanya Hindi katulad ng boss niya . Napaka sama ng ugali! Naalala niya na Naman Ang ginawa nito sa kanya. Alam niyang pahirapan siya nito dahil sa paulit ulit na engkwentro nilang dalawa. Napapailing nalamang siya sa kanyang naiisip. Matapos kumain ay sabay na din Ang dalawang bumalik sa loob ng building. Habang naghihintay ng elevator ay nagulat si Jorgina ng Makita Ang kanyang boss na palabas Doon! "Hi Mr Villa Real " bati dito ni Patrick. Ngunit imbes na sumagot ay nakasimangot lang ito habang nagsasalubong Ang kilay. Hindi Sila nito pinansin. Narinig niya Ang bahagyang pag tawa ni Patrick. "Hindi talaga nabibili ng Pera Ang manners no sir? " tanong ni Jorgina Kay Patrick ng makasakay sa elevator. "ganun talaga Yun suplado" nakangiting wika ni Patrick. "Napaka patient nyu no sir? After niya kayo baliwalain naka smile parin kayo?" nagtatakang wika ni Jorgina. "Miss Reyes sanay na lahat ng tao dito sa kanya. Tyaka we need to show respect parin since he's our big boss" sagot nito. "Hay naku, kung di ko lang talaga need ng trabaho Hindi Po Ako mag tyatyaga sa ganyang attitude " bahagyang tumaas Ang timbre ng boses ni Jorgina sa inis. "Calm down, wag mong hayaang ma apektuhan ka niya. masisira lang Ang mood mo" Sabi ni Patrick. Napatingin Naman si Jorgina sa binata. Ang bait talaga ng lalaking ito sa isip isip niya. "Alam nyu sir Patrick, sana lahat ng tao kagaya nyo no" nangingiti niyang wika. " kung nagkataon Meron talagang peace on earth " Anya sabay ngiti. Bigla namang bumukas Ang elevator sa 12th floor "Oh pano? Diretso ka na sa office nyu at baka ma late ka pa. Pinaka ayaw non Ang nale late." wika nito. "Ok sir. Maraming salamat ulit sa libreng lunch" nakangiti niyang wika dito. Tuluyan Naman ng sumara Ang elevator. Dumiretso na siya sa 27th floor. May babaeng naghihintay Doon sa pang isahang sofa. "Hi! Are you Jorgina Reyes? " bungad ng babae sa kanya. Sa kanyang tingin ay nasa early 50's na Ang edad nito. "yes Po" matipid niyang sagot. "Ok I'm Nancy. Personal assistant ni don Ramon, Ang mayari ng kumpanya. Andito Ako para I train ka sa mga dapat mong Gawin sa trabahong ito." Tumango tango na lamang siya dito sa babae. Muka Naman itong mabait at magiliw. Sinimulan na nila Ang training. Nakinig siya ng mabuti dahil ayaw niya na magkamali ng kahit Isang beses sa harap ng lalaking ito .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD