Chapter 6

1761 Words
Halo halong emosyon Ang naraRamdaman ni Jorgina sa araw na ito. First day niya at kailangan niyang mag report sa office para orientation niya. Hindi siya mapakali habang naglalakad papuntang elevator. Paliko na siya sa kaliwang bahagi ng mag ring Ang cellphone niya kung kaya't naglalakad niyang hinalungkat Ang Dala dalang bag para Kunin Ang telepono. Ngunit sa minalas mala's ay bumangga siya sa Isang malaking bulto ng katawan. Malapad Ang dibdib ng lalaking naka banggaan niya. Matangkad iyon at halos Hanggang balikat lang siya kahit pa naka suot na siya ng heels. Nasa 5"3' Naman siya ngunit sadyang matangkad Ang nsa harapan niya Ngayon. "Oh God! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? " galit na wika ng lalaki. "Sorry p-" Hindi na niya natuloy pa Ang dapat sabihin ng iangat niya Ang kanyang ulo. Kung mamalasin nga Naman ay nasa harapan niya ulit Yung aroganteng lalaking ilang beses na niyang naka bangayan. Parehong nangunot Ang kanilang noo ng magka kilanlan. " Ikaw nanaman!?! " halos magkasabay nilang wika. Napangiti ng ngiting aso Ang lalaking kaharap. "Don't tell me ini stalk mo Ako?" tanong nito na bahagyang naka taas Ang makapal na kilay. "Excuse me? Bakit Naman kita I stalkin!? Artista ka ba? " pagkawika ay pinasadahan niya ng tingin Ang binata Mula ulo Hanggang paa. "So? What are you doing here? Huh? " pang uuyam ni Jay sa dalaga. "Bakit? Ikaw ba may Ari ng building na to at tanong ka ng tanong ? it's none of your business! " pagtataray naman ni Jorgina. Oo nga at gwapo Ang nasa harap niya. Kung tutuusin ay makalaglag panty Ang kagwapuhan nito. Ngunit walang effect iyon sa dalaga. Hindi niya gusto Ang datingan nito para sa kanya na ubod ng yabang. Nakakaloko namang tumawa Ang kaharap. " What if I say yes? Lalabas ka ba ng building na to? " "Eh di patunayan mo! Muka ka lang mayaman pero hindi ka Naman mukang may Ari ng kumpanya " asar niyang wika. Muka Kasing pinagti tripan na siya nito. "Really? " natatawang sambit ni Jay. Napaka bungangera talaga ng babaeng kanyang kaharap. " yes Po , actually muka Kang aroganteng spoiled brat na Walang respeto sa kapwa ! Diyan ka na nga! " pagka Sabi ay agad ng tumalikod Ang dalaga. Naalala niya Kasi Ang orientation . Ayaw niyang ma late sa unang araw ng dahil lang sa bwiset na lalaking Yun. Hindi na Rin niya nasagot pa Ang tawag Kanina kaya tiningnan niya ulit Ang kanyang cell phone. nakarating ka na ba ng office? SI Katrina Pala Ang magtext sakanya. Agad Naman siyang nag type ng irereply dito. oo , sorry di ko nasagot. May bwiset Kasing mayabang na nakabangga sa akin Sagot niya sa kaibigan. Sumakay na din siya sa elevator at pinindot Ang 12th floor sa office ng manager na may hawak sa kanya. Pagka rating Doon ay nagtanong siya sa guard kung naroon na Ang sadya. Mabuti Naman at Wala pa iyon Doon atleast Nauna siya at Hindi siya late. Pinaupo Muna siya ng guard sa Isang sofa Doon habang naghihintay. Naka upo na siya ng bigla uling nag ring Ang phone niya. SI Katrina ulit Ang tumatawag, sinagot na niya iyon. "Kat?" Anya. "Ano Yung sinasabi mo?" tanong nito sa kabilang linya. "Hay naku, may mayabang lang Naman na lalaking nang bangga sakin sa baba" wika niya sa mahinang boses. "Huy wag ka makipag away diyan first day mo ngayon remember" sagot Naman ni Katrina. " hay naku ibang klase Yun . bastos! " naiinis niyang sagot. Tinatawanan Naman siya ng kaibigan sa kabilang linya. "Ikaw talaga napaka init ng dugo mo sa mga lalaki . Okey lang Naman mabangga kung gwapo Naman Ang babangga sayo " dinig niya pa Ang tawa nito. Minsan talaga ay may kalandian din sa katawan itong kaibigan niya. " Wala akong paki kahit gwapo pa Yun bsta arogante siya! " "So gwapo nga?" curious na tanong ni Katrina sa kanya. "Ewan ko Sayo. Sige na babye na at nandito na si sir Patrick " wika niya na Ang tinutukoy ay Ang manager nila. Nagmamadali na niyang pinatay Ang phone at inayos Ang medyo na nagusot na damit. Bahagya nya ring inayos Ang buhok na nakalaylay sa muka. Maayos Naman Ang pustura niya Ngayon. Sinuot niya Ang damit na binigay ni Katrina sa kanya. Kahit naaasiwa ay Tama Ang dalaga, kailangan na niyang masanay magsuot ng ganung klaseng damit. Suot suot niya Ang black skirt na Hanggang kalahati ng kanyang hita na tinernuhan ng red silk sleeveless na panloob na pinatungan ng black coat. Suot suot din niya Ang 4 inches na stilleto sandals. Ilang araw din niyang pinag praktisan gamitin Ang sandals na Yun para Hindi Naman siya mg mukang kahiya hiya pag ginamit na iyon. Sa kabuuan ay napaka sexy niyang tingnan. Bahagya pang nakalabas Ang kanyang cleavage. Bigla niya tuloy naalala Kanina ay nakatingin sa bandang dibdib niya Ang lalaking nakabangga . bastos! sigaw ng isip niya. Tumayo na siya ng ipatawag sa secretary ni sir Patrick Ang pangalan niya. Lumapit na siya sa kanyang boss. Mataman niyang tinitigan Ang lalaki habang nag ta type ito sa laptop. Mukang nasa early 30's palang ito. Gwapo din at singkit Ang mga mata. Sa tantiya niya ay nsa 5'8" Ang height nito. Natigilan siya sa pagtitig sa lalaki ng mapansin na siya nito. Bahagya Naman itong natigilan ng Makita siya. " Good morning sir! I'm Jorgina Reyes , I believe your sir Patrick?" mabuti Nalang talaga at best in English sya kaya't pagdating sa inglesan ay Hindi siya papahuli. Inabot Naman ng lalaki Ang kanyang kamay . "Hi. Yes I'm Patrick Vergara , you will be working under my management " Sabi nito. Pati boses nito ay napaka guwapo. Hindi malaman ni Jorgina pero nakaka hipnotismo itong mag salita. Diniscuss nito Ang mga rules and regulations ng kumpanya pati Ang nature of work niya. Totoo nga Ang sinabi ni Katrina. Napaka hands on nito sa mga empleyado lalung Lalo na sa mga baguhan kaya Pala talagang magaling ito. Kahit sa pag uusap nila ay halata niyang masipag at magaling Ang binata. Gustong gusto niyang tinitingnan Ang singkit nitong mata habang nagsasalita at tuwing napapa ngiti. Napaka cute Kasi nito sa kanyang paningin. Tumagal lamang ng Isang Oras Ang meeting nila ng kanyang boss. Nagpaalam na din siya dahil kailangan na niyang mag punta sa pwesto nila sa Isang sikat na mall. Excited na siya, sisiguraduhin niyang bebenta siya ng maraming unit ng condo para makalipat na sila ng Bahay. Natutuwa din siya dahil si Katrina Ang magiging supervisor niya. Kahit paano ay Hindi siya maiilang dito at makaka hingi din siya ng tips sa mg dapat Gawin. Pumara na siya ng jeep at mabilis na sumakay. Hinihintay na siya ng kanyang kaibigan mag area visit daw Kasi Ngayon Ang acting CEO ng company. Sakto Naman sa kanyang pagdating ay Til may kinakausap si Katrina Ang Ang ibang staff na naruon.Marahil ay iyon na nga Ang anak ng may Ari ng kumpanya. Nakatalikod Ang lalaki kaya't Hindi niya maaninag Ang muka nito.Nahiya din siyang mag interrupt kung kaya't na stock na lamang siya sa kinatatayuan. Agad Naman siyang napansin ng kaibigan at tinawag Ang kanyang pangalan. "Andito ka na Pala Jorge!" nilapitan siya nito at hinawakan sa kamay. Iginiya palapit sa big boss nila. "By the way boss this is our newly hired sales agent, Jorgina Reyes ! " magiliw na pagpapa kilala sa kanya ng kaibigan. Nagulat Naman siya ng mag Tama Ang kanilang paningin ng lalaki. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at Hindi niya maigalaw Ang katawan. Napanganga na lamang siya ng mapag tanto kung sino Ang kaharap! SI Jay Villa Real ! Ang lalaking sinermunan niya ng ilang ulit. Hindi niya alam Ang sasabihin pagkatapos ng mga pinagsasabi niya Kanina at nung mga nagdaang araw! Kung maaari lang sana ay bumuka Ang lupa g kinatatayuan at lamunin siya nito ay Kanina pa niya hiniling. Nakakaloko namang ngumisi Ang binatang kaharap. "So? Jorgina Pala Ang pangalan mo "tanong nito na may halong pang uuyam. "y-yes s-sir!" tangi niyang tugon. Naiyuko niya Ang kanyang ulo at nagdasal na sana ay huwag nito gagawin Ang sinabi niya Kanina. "Bat parang umatras Ang dila mo Ngayon miss Reyes? Samantalang Kanina eh Ang tapang tapang mo " yumukod pa ito sa kanyang harapan. Lalo siyang kinabahan. Amoy na Amoy niya Ang pabangong gamit nito na parang nang aakit. "Magkakilala na kayo ni boss? ikaw Naman Jorge, Hindi mo manlang sinabi! " singit ni Katrina. "We just bumped with each other earlier" sagot ni Jay. Natutop Ang bibig na pinandilatan ni Katrina Ang kaibigan. Marahil ay naalala nito Ang kinekwenta niya Kanina. "Sorry sir. . Hindi ko Po sinasadya " nahihiyang wika ni Jorgina. Pumasok sa isip niya lahat ng pinag gagawa niya dito pati na sa sasakyan nito. Samantalang nag eenjoy si Jay sa reaksyon ng dalaga. Kanina ng mabangga niya ito ay talagang naattract siya babae. Simple lang siya kung tutuusin pero dahil sa hubog ng katawan nito parang halos lahat ng klase ng damit ay binibigyan niya ng hustisya. Napaka amo pa ng muka nito ngunit kung mag bunganga ay kabaliktaran sa kanyang hitsura. "So, what if I fire you today?" Parehong nagulantang si Katrina at Jorgina sa kanyang sinabi. Nagkatinginan pa Ang dalawa sabay balik ng tingin sa kanya. "Sir baka pwede nyo Naman Po bigyan ng pagkakataon Ang kaibigan ko. Magaling Po yan" pakiusap ni Katrina sa boss. "You don't know how much trouble she caused!na late ako sa dinner meeting with clients because of what she did to my car the other night! " bulalas ng binata. kunot noo namang napatingin si Katrina sa kaibigan na parang nagtatanong. "Hindi ko alam" Sabi ni Jorgina sa kaibigan na Tila alam na Ang tinatanong nito. "Sir please. . pagbigyan nyo na Yung friend ko ng Isa pang chance. Kailangan niya ng work para sa family niya na naka depende sa kanya" pagsusumamo ni Katrina. "No! I want her out of this department right away." matigas na wika ni JAy. Napayuko na lamang si Jorgina at tuluyan ng pumatak Ang luha sa kanyang mga mata. Paano na Ang mga binuo niyang pangarap? Paano niya sasabihin sa Lola at mga kapatid na Wala na agad siyang trabaho? Kapag mamalasin ka nga Naman talaga. Hindi Naman Kasi niya akalain na ito Ang magiging boss niya. Eh di sana Hindi niya ito inaway. Ang Tadhana nga Naman talaga masyadong mapag laro... First day pero last day din agad , Ang saklap ng Buhay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD