Nakapila si Jorgina sa paradahan ng tricycle ng gabing iyon habang kumakain ng binili niyang isaw sa ihawan. Nakaupo siya sa kanyang motor ng biglang may dumaan na sasakyan sa harapan niya.
Napamura siya dahil Hindi nakapag ingat Ang driver ng kotse. Naging mabilis Ang pagdaan nito sa lubak na may tubig at putik. Dahil doon ay tumalsik Ang putik sa kanya . Hindi lang iyon sapagkat umabot ito sa kanyang muka.
"Ay pucha ! Bastos ! " nagmamadali siyang tumayo at pahabol na binato Ang hawak hawak na bote ng mineral sa sasakyang iyon .
Umatras Naman Ang sasakyan sa kanyang kinaroroonan. Ilang Segundo pa ay bumaba Ang driver nito.
Kumunot Ang kanyang noo ng Makita Ang driver. Ito na Naman Yung driver na naka iringan niya noong nakaraang araw!
"Hey! what's your problem!?!" asar na tanong nito. Halos duruin na din siya nito.
Nag init Naman Ang ulo ni Jorgina sa panduduro nito. Dahil don ay naituro niya Ang hawak na stick ng isaw sa binata.
"Hoy! Huwag mo ko ma what's your problem problem diyan! bastos ka tignan mo nga ginawa mo sakin! Marunong ka ba talaga mag drive? o baka Naman Malabo na yang mga mata mo kaya di mo na nakikita ang dinadaanan mo!!" walang prenong salita ng dalaga. Pinunasan pa nito ng kamay Ang dumikit na putik sa kanyang muka .
"Oh. . so it's you again?? Kulang pa ba Ang binigay Kong Pera Sayo kaya Ngayon gumagawa ka nanaman ng eksena?" tanong nito sakanya na Lalong ikina kulo ng dugo ni Jorgina .
"Aba! Talaga namang makapal Ang muka nito! " asar niyang tugon.
"Tell me! How much do you want? Ha? ten thousand? twenty? Come on, give me your price! " ngumiti pa ito ng nakakaloko habang sinasabi iyon sa dalaga.
Sa bwiset ng dalaga ay Hindi na siya nakapag Pigil pa. Walang ka arte arteng dumakot siya ng putik sa kalsada at Saka ipinahid sa katawan ng kotse nito. Inulit pa niya iyon at ikinalat Doon.
"Hey! Hey ! What are you doing!?! " sigaw nito sa dalaga.
"Stop it!" nilapitan niya si Jorgina at hinawakan ng mahigpit sa braso. "I said stop it!!"
"Oh Ngayon nagagalit ka? Samantalang sa muka ko napunta Yung putik nung tinalsikan mo Ako! " galit na wika ni Jorgina .
Maya Maya ay Isa Isang nagsilapit Ang mga driver na naroon Lalo ng Makita nilang hawak ni Jay Ang braso ng dalaga .
"Jorge Anong problema? " tanong ni Kanor Isa sa mga kasamahan ni Jorgina sa toda. Kung tingnan ay muka itong gangster ngunit Ang totoo ay mabait ito. Ayaw lang nito na Makita ng taong na a agrabyado.
"Sinasaktan ka ba nitong si pogi?" dag dag Naman ni Cesar Ang binatang matagal na ding pumu porma Kay Jorgina ngunit lagi niyang ni re reject.
Napa atras si Jay sabay bitaw sa dalaga. Sa pakiwari niya ay pagtutulungan siya ng mga ito upang bugbugin.
"Wala Naman Mang Kanor , pinagsasabihan ko lang to si pogi namatuto tumingin sa dinadaanan! " pagkasabi ay kinindatan niya Ang binata upang makisakay na lamang sa kanya.
"Ahh Akala namin may problema eh. Sabihin mo lang , alam mo Naman Ikaw Ang prinsesa ng TODA. Hindi kami papayag na may aagrabyado Sayo" pag ka wika ay bumalik na Ang mga ito sa kani kanilang tricycle na nakaparada din Doon.
"oh ano? Takot ka? " natatawang bulong ni Jorgina sa binata.
"Pasalamat ka lang may back up ka" ganting bulong ni jay.
"Ay ! oo! salamat! " pangaasar ni Jorge dito. "Siya nga Pala, huwag mo masyado namnamin Yung salitang pogi. Ganun kami dito kahit pangit tinatawag kaming pogi . Huwag Kang assumero" natatawang wika ni Jorgina sabay talikod.
Lalong nag ngitngit si Jay sa tinuran ng dalaga. Halos pag kiskisin na niya Ang mga ngipin.
"Magdasal ka na Hindi na Tayo magkita dahil gagawin Kong miserable Buhay mo!" madiin na wika ni jay sa dalaga.
Ngunit sa halip na sumagot ay nag f**k you sign pa ito sa kanya. Lalo siyang na asar dito. Tiim bagang na pumasok sa loob ng sasakyan Ang binata at napahampas sa manibela.
"Ibang klase Ang bastos" naisambit ni jay sa sarili.
Saglit niyang nilingon Ang dalaga na ngayoy tumatawa habang nakikipag apir sa mga driver Doon. Pakiramdam niya ay siya Ang pinagtatawanan ng mga ito.
Lalong uminit ang ulo niya sa babaeng iyon.
Sayang Ang Ganda nito , Wala namang manners. Huwag lang talagang magtatagpo ulit Ang kanilang landas dahil nasisiguro niyang ihihiling nito na sana ay Hindi Nalang siya isinilang!
Samantala. .
"Ayos ka Jorge ha!" natatawang wika ni Mang Kanor. " Hindi mo inurungan Yung aroganteng lalaki na iyon" dugtong pa.
"Swerte Naman niya sino ba siya" may halong inis Ang Tono ng boses ni Jorgina.
"Yan Naman Ang nagustuhan ko Sayo Jorge eh. . Kaya mahal Kita Kasi palaban ka " pabirong wika ni Cesar ngunit may halong katotohanan.
Inirapan lang ito ng dalaga.
"Wag ka ng umasa diyan Bata. Hindi ka magugustuhan nitong prinsesa ng TODA sa Ganda niyan" Ani Mang Oscar sabay tapik sa balikat ni Cesar.
Nagtawanan Naman Ang iba pang katulad nilang driver na naroon .
"Wala sa isip ko yang Bagay na Yan. Ang gusto ko lang Po Ngayon ay Ang mailipat ng Bahay Sila Lola" determinating sabi niya sa mga ito.
"Ang swerte ng Lola mo Sayo Jorge . Napaka mapag mahal na Bata" wika ni Mang kanor.
Napangiti Naman Ang dalaga
"Mali Po kayo Mang Kanor , dahil Ako Po talaga Ang ma swerte . Sapagkat inalagaan kami ni Lola simula ng mawala mga magulang namin" wika niya. Hindi maikukubli Ang lungkot sa kanyang boses.
Naalala nanaman niya Kasi Ang mga magulang . Ano nga kaya Ang naging Buhay nila kung Hindi umalis Ang mama niya papuntang Taiwan. Masaya kaya Sila katulad ng ibang kabataan? Alam niyang dapat na niyang tanggapin kung anuman Ang Meron siya Ngayon ngunit Hindi Naman siguro kalabisan kung mangangarap siya paminsan Minsan. Lalo na kung para Naman sa ikabubuti ng kanyang pamilya.
"Oh Jorge, may pasahero ka na" Ani Mang Oscar. Siya na Kasi Ang nasa unahan ng pila kung kaya't siya Ang nakalaan para sa susunod na pasahero.
Napangiti Naman siya dahil si Katrina iyon.
"Ay naku Jorgina! Akala ko ba na tanggap ka na samin? bat Naman nag ta tricycle ka pa" maarteng wika nito habang pumapasok sa loob ng tricycle.
"Sayang Naman Kasi Ang kikitain ko kat, tiyaka Isa pa Wala Naman aq ginagawa Ngayon no" Aniya habang nag I start ng motor. Pagka tapos ay Pina andar na niya iyon .
"Oh eh may mga masusuot ka na ba para sa first day mo? "
"Wala pa nga pero titingin tingin Ako sa palengke. Baka may mahanap akong maganda Ganda sa ukay ukay. Lalabhan ko Nalang" sagot niya.
"Naku, wag na! Tutal Naman ay sa Bahay na din Ang tungo mo pumasok ka Muna sa loob , marami Ako don Yung mga Hindi ko nasusuot. Maayos pa yon sayang Naman sadya lang kc medyo tumaba Ako Ngayon Kaya Hindi na magkasya sa akin . May mga sandals din Ako don" wika nito habang nag scroll ng cp niya.
"Naku, sobra sobra na nga na itulong mo sakin kat ! Nakakahiya Naman" Ang totoo ay nahihiya na talaga siya dahil pati Ang sinuot na damit Kaninang umaga ay galing dito.
"Sus nahiya ka pa! Sabi ko nga Sayo babayaran mo Yan manglilibre ka sakin sa sahod mo " Anya sabay tawa .
Ilang minuto lang din ay nasa tapat na sila ng karinderya nila Katrina. Pumanhik Sila sa taas ng Bahay at pinaupo Muna siya ng dalaga habang ito ay ng tungo sa silid upang mag bihis.
Nang lumabas ito ay naka suot na ito ng puting sando at maikling shorts. May Dala Dala din itong eco bag na punong Puno at ilang kahon ng sapatos.
Nilapag niya iyon sa harapan ng dalaga.
"Oh Ayan! Sabi ko Naman Sayo madami akong naka stock lang diyan" wika nito sabay labas ng mga damit Mula sa loob ng eco bag.
Binuklat pa nito iyon sa harapan ni Jorgina at inilapat sa dibdib nito.
"Oh Diba! kasya Sayo to . Ang sexy mo dito promise" natutuwang wika ni Katrina.
"Hindi ba masyadong maiksi tong mga dress at itong saya? " nag aalangan niyang tanong.
"Ano ka ba? Pinanganak ka ba nung panahon ng kastila? Ganito Ang tinatawag na corporate attire ok?" natatawang sagot ng kaibigan. " eto oh maganda tong sandals na to, matagal ko na to di nasusuot sa dami ba Naman ng sandals ko. oh! I-try mo to Dali" excited nitong wika sabay abot ng stiletto heels na black at Isang white.
Napangiwi naman siya ng Makita Yun.
Napakataas Kasi ng heels ng mga iyon.
"Makalakad pa kaya Ako niyan?"tanong niya.
"Ano ka ba Jorgina! Huwag Kang manang no. Libre na to no..Ikaw baka magbago Ang isip ko Bahala ka" wika nito sa nagtatampong himig.
Isinilid Naman ni Jorgina lahat ng iyon sa ecobag at kinuha.
"Ay naku, Hindi na ko mag iinarte pa! Malaking Tulong din to sakin , maraming salamat talaga!" pag ka Sabi ay agad na yumakap SI Jorge Kay Katrina.
Mabuti na lamang talaga at nandiyan Ang kaibigan. Maliban sa tinulungan na siyang makahanap ng trabaho ay halos sa kanya pa galing lahat ng gamit niya.
Sisiguraduhin niyang makakabawi din siya sa dalaga.
Ilang sandali pa ay nagpa alam na siya dito upang makauwe na din. Lalabhan pa niya Ang mga damit na ibibigay nito para ma plantsa na niya.
Excited na siya sa unang araw niya!
Sana ay maging maayos pag pasok niya sa kumpanyang pinag applyan.