Naiwan ni Jay Ang cellphone sa opisina kung kaya't binalikan niya ito agad. Mabuti na lamang at di pa siya nakalayo ng mapansin niyang Wala sa bag niya Ang telepono.
Papunta na siya ng parking lot upang I park Ang sasakyan dahil Wala roon Ang tiga park ng kotse niya at naka lunch kung kaya't siya na Ang nag kusa ng mamataan niya Ang Isang babae naglalakad. Halos nasa gitna na ito ng Daan.
Bumusina siya dito para tumabi ito. Nakita niya Naman Ang pagyukod nito na Tila nanghihingi ng paumanhin kaya't dumiretso na siya para ma I park Ang kotse.
Pero may Isang Bagay Ang naka agaw ng kanyang atensyon. Pamilyar sa kanya Ang tricycle na iyon.
Maya Maya pa ay Nakita niya Ang paglapit ng babae sa tricycle. Nagtanggal pa ito ng sandals at Tila nagpalit ng sapatos.
Naalala na niya kung sino Ang babaeng iyon. Siya Yung naka sagutan niya nung nakaraang mga araw. Siya din Pala Ang nakasabay niya Kanina sa elevator. Tama, kaya Pala Kanina ay parang pamilyar sa kanya Ang hitsura nito Hindi niya lang ma alala. Yun Pala ay dahil iba Ang hitsura nito Ngayon kesa noon. Nang muli niyang sulyapan Ang dalaga ay nag sstart na ito ng motor at tuluyan ng pinaandar iyon.
Nangingiti siya sa hitsura nito. Naka corporate attire pero nag da drive ng tricycle. Naiiling siya habang sinusundan iyon ng tingin Hanggang sa makalayo.
ibang klase! naibulong niya sa sarili.
Aminado siyang maganda Ang dalaga. Agad niya iyong napansin Kanina ng makasabay niya ito sa elevator..
Tiyak konting ayos lang ay may laban na ito sa mga babaeng naghahabol sa kanya.
authentic Ang beauty nito para itong mistisa na Arabian ganun Ang hitsura nito dahil maputi at makapal Ang kilay at buhok. Mapula Rin Ang labi na Tila Kay lambot at sarap halikan.
Bigla siyang natauhan sa iniisip na iyon at sinaway Ang sarili.
my God Jay? don't you dare. . Hindi siya Ang tipo mo bulong niya. Napakamot siya sa sariling batok at bumaba na din ng sasakyan. Naiiling siya habang naglalakad papuntang building.
Hindi niya akalain na magkikita ulit Sila ng babaeng iyon. At bakit nga ba Narito sa building niya Ang dalaga . Naitanong din niya sa sarili .
Kinuha niya Ang phone sa office niya at nagmamadaling umalis na Rin ng kumpanya.
Samantala. .
"Anong Meron?" nagtatakang tanong ng Lola ni Jorgina.
Maaga Kasing naka uwe Ang apo at pusturang pustura pa ito. May Dala itong 1.5 soft drinks at buy 1 take 1 na ham burger.
"Oo nga naman ate, para Kang office girl sa suot mo ahh" puna Naman ni Joy sa kanya.
"Talaga ba? Muka ba akong office girl?" Masaya niyang tanong.
Kumuha siya nag apat na Baso at Isa Isa itong sinalinan ng soft drinks
"SI ate may pa suspense pa! Nanalo ka ba sa lotto?" natatawang tanong ni Jeff.
"Sira! kung nanalo Ako sa lotto e di sana Hindi lang Yan Ang Dala ko no!" sagot niya sa nakababatang kapatid. " May work na Ako! Hulaan niyo? Sa Don Ramon Realty!!" Masaya niyang pagbabalita.
"talaga ate? Yun ba Yung sikat na mga subdivision dito sa San Ildefonso?" nanlalaki Ang matang tanong ni Jeff sakanya.
Tumango lang siya bilang pagtugon.
"Ay wow! Eh d Malaki Ang sahod mo diyan ate Kasi sikat Sila?" wika Naman ni Joy.
"Hayy kayo talaga Hindi pa nakapag simula SI ate nyo kinekwenta nyo na Ang sasagutin niya!" sabat Naman ng Lola niya.
"Eh pano Yan ate ibig sabihin Hindi ka na mamasada? " Ani Jeff.
"Syempre papasada parin Ako sa Gabi no! Mas marami kayang pasahero sa Gabi" sagot Naman niya.
"baka Naman magkasakit ka na niyan Jorgina?" nagaalalang tanong ng Lola niya .
Tumayo Naman siya at lumapit sa matanda Saka mahigpit itong niyakap .
" Wag Kang mag alala Lola... easy lang Ang trabaho ko, yakang yaka!" sagot niya sa matanda.
Lumapit na din Ang dalawang Bata para makisali sa yakapan nila.
"Uy bat parang Ang sweet nyo din? Kinabahan ako bigla ah" pagbibiro niya sa dalawa.
"Syempre ate para bilhan mo Ako ng Bagong cellphone" sagot ni Jeff . pabiro lang Naman ngunit alam niyang kailangan na talaga nito ng cp dahil sira na Yung second hand na binili niya para dito.
"hoy maawa Naman kayo Kay ate niyo" saway ng Lola niya." siya Ang nagtatrabaho pero kayo Ang may maayos na gamit! Apo, unahin mo Muna Ang mga pangangailangan mo para Naman Hindi ka mag mukang kawawa sa trabaho mo" dugtong ng Lola niya. Na touch Naman siya sa sinabi nito kung kaya't niyakap niya Ang matanda ng mahigpit.
"Ginagawa ko to lahat Lola para sainyo. Wala nang ibang dahilan okey?" aniya.
"Wag Kang mag alala ate pag nakapag tapos na Ako at Isa ng pulis, Hindi ka na mag ta trabaho . ibibigay ko lahat ng pangangailangan mo " mayabang na sambit ni Jeff.
Ginulo Naman ni Jorgina Ang buhok ng binatilyo.
"Naku, baka mag Asawa ka na non at sakanya mo na Gawin yang pinapangako mo sakin" natatawa niyang wika.
"Hindi ate no. dapat Mauna ka Muna mag Asawa para alam namin na may mag alaga Sayo " sagot Naman nito.
Sa halip na sumagot ay iniba na lamang niya Ang usapan .
Wala sa isip niya Ang pag a Asawa .
Simula ng iniwan Sila ng nanay nila ay Hindi na siya naniwala pa sa true love.
Namumuhay siya sa reyalidad at Hindi sa Isang pantaserye. Alam niyang Hindi totoo Ang pagibig. Panandaliang kaligayahan lamang Ang dulot nito ngunit mas masalimuot na Buhay Ang mararanasan mo. Alam niya iyon dahil sa ilang taong pighati ng ama niya simula ng Iniwan Sila ng nanay niya.
Ginugol ng tatay niya Ang lahat ng Oras sa pag ta trabaho dahil ayaw nito Ang nagiisa at walang ginagawa at alam niyang ginagawa iyon ng ama upang Hindi maalala Ang kanyang Ina. Madalas pag umuuwi itong lasing naririnig niya itong umiiyak habang tinatawag Ang pangalan ng kanyang nanay Elvira .
"Oh Sige na kumain na Tayo at Hindi Ako nakapag tanghalian Kanina " wika niya.
"Ang da drama nyo!" natatawa niyang sambit sa mga ito.
Kumuha na ng Tig iisang hamburger Ang mga kapatid at kanyang Lola.
Masaya niyang pinagmasdan Ang mga ito.
"Sa susunod Jollibee na pasalubong ni ate sa atin " Ani Joy.
"Oo tyaka Greenwich" dugtong Naman ni Jeff.
"oo ba basta ayusin nyu Ang pag aaral nyo. Lahat Naman gagawin ko para mabigyan kayo ng maayos na Buhay. wag na Yung marangyang Buhay di ko talaga kaya yon " pagbibiro pa niya.
"Bat d ka Nalang mag Asawa ng Amerikano ate? Yung kaklase ko , Yung ate niya nag Asawa ng Amerikano kaya lang matanda na pero mayaman!" Sabi ni Joy sa kanya.
"Ano ka ba , Ang pag aasawa Hindi dapat dahil sa Pera. tandaan nyo, kung Hindi nyo kaya gampanan Ang tungkulin nyo bilang Asawa wag Nalang kayo mag aasawa ok?" sagot niya dito sabay kagat sa ham burger na hawak. "At tiyaka Hindi lahat ng Amerikano mayaman no,"dugtong niya sabay tawa.
Pasasaan ba alam niyang sipag at tiyaga lang ay maiaalis niya sa barung barong na ito Ang pamilya.
Lilipat Sila sa mas maayos na apartment. Siguro nga Yun Muna Ang dapat niyang isipin dahil alam Naman niyang mahirap bumili ng lupa sa panahon Ngayon unless may instant cash ka on hand. Uunti untiin lang niya Hanggang sa ma I provide niya ng maayos Ang pangangailan ng pamilya. Di bale ng mahirapan siya, malaking Bagay na para sakanya Ang Nakitang Masaya Ang mga kapatid at Ang Lola niya.
Sa Ngayon pagbubutihin Muna niya Ang trabaho. Alam Naman niyang kaya niya, Wala siyang inaatrasan . Yun Ang Bagay na Namana daw niya sa nanay niya Sabi ng tatay niya noon. Matapang daw ito at mataas Ang pangarap sa Buhay.
Ngunit Hindi siya tutulad dito na tinalikuran Ang responsibilidad at nag Buhay dalaga sa ibang Bansa.
Simula ng umalis ito ay nagkanda letse letse na Ang Buhay nila.
Hindi Naman Sila dito nakatira noon. Maayos Ang Bahay na tinitirhan nila. Ngunit naibenta iyon Dala ng Malaki Ang pag kaka utang ng Ina dahil sa pinambayad nito sa pang placement fee nito ng pumuntang Taiwan.
Iniwan niyang baon sa utang Ang kanyang ama. Tatlong taong gulang pa lamang noon si Jeff habang siya ay sampu at si Joy ay Wala pang Isang taon.
Napapailing siya habang na aalala Ang mga pinagdaanang hirap. Maaga siyang naging Ina sa dalawa niyang kapatid.
Ni Hindi niya na namimiss Ang nanay niya. Poot at galit Ang nasa kanyang puso. Mas mabuti na para sa kanya Ang Hindi nila Makita ang Ina. Dahil Hindi niya alam kung kaya pa niya itong irespeto at baka sa pagkakataong iyon ay kung ano Ang nagawa niya.
Pilit niyang winaksi Ang masamang isipin na iyon. Kaya bigla namang sumagi sa utak niya Ang gwapong lalaking nakasabay niya Kanina sa elevator. Pakiwari niya ay Nakita na niya ito noon ngunit Hindi niya lamang maalala.
artista ba yun? San ko kaya napanuod?
naitanong niya sa sarili . Tila iyon din ata Ang lalaking bumusina sa kanya sa parking lot . Masyado Kasi siyang na overwhelmed Kanina kaya't d niya napansin na nasa gitna siya ng Daan.
"Sige na Po Lola magpapalit lang Ako ng pampasada ko , sayang Naman Ang kita pang dagdag din " pagkasabi ay kumuha na siya ng damit sa dura box na medyo sira sira na din. At nagpalit sa loob ng CR. Ayaw niyang sayangin Ang bawat Oras kaya babyahe sya ngayong Gabi.