Chapter 3

1748 Words
Ngayon Ang interview ni Jorgina sa kumpanyang pinag applyan sa kanya ng Kaibigang si Katrina. Maaga siya nakarating Doon. Ginamit na din niya Ang tricycle na pang service para mabilis ang byahe niya. Pagkatapos niyang I park sa parking lot Ang tricycle ay nagtungo na siya sa building. Sa entrance palang ay binati na siya ng guard at chineck Ang laman ng bag niya. "Good morning ma'am, saan Po Tayo?" tanong ng guwardiya. "Interview Po sa HR" sagot Naman niya. "ahh sige Po maam diretso Po Muna Tayo sa information desk para kumuha ng visitor's pass , pakilabas na Lang din Po ng Valid I'd ma'am " Sabi ng guard sakanya. "Sige Po sir , maraming salamat" nakangiti niyang tugon. Tinungo niya Ang information desk at nag abot ng ID. "Ma'am pakisulat lang Po ng pangalan tapos pirma Po dito. " wika ng babaeng nag assist sa kanya. Kinuha niya Ang ballpen at nagsulat ng pangalan. Pagkatapos non ay inabot na ng babae Ang visitor's pass sakanya. "Maraming salamat" Sabi niya dito. "Nasaan Po Pala Ang CR nyo?" tanong niya . " Sa third floor Po maam tanong nyo Po sa guard Doon kung saan Banda" "Salamat" nag tungo na siya sa kinaroroonan ng elevator at pinindot Ang button up. May mga naghihintay din don siguro ay mga empleyado din ng kumpanya. Ngunit Isang bulto ng lalaki Ang naka agaw ng atensyon niya. Bigla namang bumukas Ang elevator papasok na sana siya ng sumingit Ang lalaki. ka gwapo gwapo Ang bastos naibulong niya sa sarili . Hindi na niya pinansin pa at tumuloy na din siya sa loob. Nakita niyang pinindot nito Ang number 27. siya Naman ay pinindot Ang 3rd floor. Tahimik lamang siya ngunit pasimpleng tinitingnan Ang katabi. Ang tangkad nito siguro ay six footer Ang lalaki. Pamilyar sa kanya Ang datingan nito ngunit Hindi niya masiguro dahil naka suot ito ng sun glasses. Mukha din itong yayamanin dahil sa kasuotan nito. Napailing nalamang siya sa kanyang isipin. Maya Maya ay bumukas na Rin Ang elevator sa third floor at agad na siyang lumabas. Agad niyang nabungaran Ang guard Doon kaya't minabuti na niyang itanong kung nasaan Ang CR nila. "Sir, San Po Yung cr nyo dito?" tanong niya. "ay ma'am diyan Po sa bandang kaliwa Makikita nyu din Po agad " sagot Naman ng guard sakanya. " Sige Po Maraming salamat" nakangiti niyang tugon dito. Nag tungo na siya ng CR dahil Kanina pa talaga siya ihing ihi. Nakaupo siya sa toilet bowl ng maulinigan Ang usapan ng ilang kababaihan Doon. Marahil ay mga empleyado Yun ng kumpanya. "My God ! Nakasalubong ko kanina si sir Jay! Napaka gwapo niya talaga " wika ng Isang babae. "Balita ko maraming babaeng pinaiyak Yan SI sir" sagot Naman ng Isa. "May karapatan Naman siya mag pa iyak , Ako papayag Ako kahit paiyakin niya Ako ng paulit ulit " malanding wika ng Isa. "Sa gwapo ba Naman at yaman ni sir ! Makalaglag panty talaga" parehong kinikilig Ang dalawa habang nag aayos ng make up. Nag flash na siya ng toilet at naghugas ng kamay. Pinatuyo din niya Ang kamay gamit Ang hand dryer na nakasabit roon. Mataman niyang tiningnan Ang repleksyon sa salamin. Muli niyang sinuklay Ang buhok at itinali pataas. Naglagay muli siya ng face powder sa kanyang pisngi upang mawala Ang pangingintab nito. Nagpahid din siya ng lip balm sa labi. Maayos Naman Ang hitsura niya sa kanyang palagay. Mabuti Nalang at may mga nagkasya sakanya sa mga damit ni Katrina at Hindi na niya kinailangang bumili pa ng Bago. Suot suot niya Ang itim na slacks, fitted ito na tinernuhan Naman niya ng puting long sleeve polo na nakatupi Ang manggas. Dala Dala din niya Ang itim na shoulder bag na binili niya noon nung siya ay nag aaral. maayos pa Naman ito dahil Hindi niya nagamit. Muli niyang pinadalahan ng tingin Ang sarili. Natutuwa siya sa nakikita, di hamak na maganda Ang hugis ng kanyang katawan. Bumabakat iyon sa kanyang suot na pantalon. Kinuha na niya Ang dalang paper bag at inilabas Ang dalang wedge sandals. Naka flat shoes lang Kasi siya ng dumating dahil nga Hindi siya sanay sa ganoong kasuotan. Ngunit dahil nga Sabi ni Katrina ay mas mukang professional kung Yun Ang susuotin niya ay Wala na siyang nagawa. Malaking Bagay din Kasi Ang maitutulong sa kanya ng kumpanya kapag natanggap siya. Sa allowance pa lamang ay bawing bawi na paano pa kaya pag naka benta sya ng unit o Bahay? Ngayon pa lamang ay marami ng nabubuong Plano sa kanyang isipan. Nais niyang makalipat ng Bahay para sa mga kapatid at sa Lola niya. Hindi Rin Kasi maayos Ang Bahay na inuupahan nila. Bukod sa maliit ay halos bumaha na sa Kanila kapag umuulan. Hindi lamang iyon dahil napaka mahal ng upa nila roon na tatlong libong Piso. Samantala ay siksikan lamang Sila sa iisang kwarto. Mainit at malamok, mabuti na lamang at kahit paano mayroon silang bentilador. Gusto niya din na maipa gamot Ang mga mata ng Lola niya. Matagal na Kasi nitong iniinda Ang mata sadya lang na sapat lang at Minsan ay kulang pa Ang kita niya sa pamamasada. Inalis na niya Ang suot na flat shoes at ipinalit Ang wedge sandals. Muli niyang sinipat Ang sarili sa salamin. Lalong gumanda Ang kanyang tindig dahil dito. Biglang nag ring Ang de key pad niyang cellphone at agad niya itong sinagot. SI Katrina Ang tumatawag ! "Hello?" Sabi niya. "Hello Jorgina! Wag ka male late ha alas diyes dapat nasa HR office ka na" paalala ng kaibigan. "Wag Kang mag alala dahil Kanina pa Ako Narito, dumaan Muna Ako ng CR para isuot Yung sandals na binigay mo" nakangiti niyang tugon. "Uy ! Thank you Pala dito ha" dugtong pa. "Naku Hindi libre Yan may bayad Yan pag sumahod ka na! Ililibre mo Ako ng sangyup" natatawang wika ng dalaga. "oh siya Sige na at malapit na mag alas diyes! umakyat ka na sa 9th floor, Doon Ang office ng HR" paalala sakanya ng kaibigan. "Sige Sige maraming salamat uli" pagkasabi ay pinindot na niya Ang end call. Isinilid na niya sa paper bag Ang flat shoes at lumabas na ng CR. Nang marating niya Ang 9th floor ay pinaiwan ng guard Ang mga gamit niya dahil bawal daw magdala ng gamit sa loob maliban sa mga documents na kailangan sa pag a apply. Naghintay Muna siya saglit sa lobby dahil busy pa Ang HR manager na mag i interview sakanya. Kung Kanina ay kalmado siya at malakas Ang loob, Ngayon Naman ay halos mangatog Ang kanyang tuhod. Hindi niya malamang kung dahil ito sa air condition o dahil sa Kaba. Ilang saglit pa ay pinapasok na siya sa loob. "Good morning ma'am" nakangiti niyang bati sa babae, mukang nasa late 40's na ito. "Hi Good morning! You're Jorgina Reyes right?" " Yes ma'am " sagot niya. Pilit niyang pinakakalma Ang sarili. "Have a seat" "Thank you " wika niya sabay upo sa harapan ng babae. "By the way I am Mrs. Aleah Mendez , HR manager I'll be the one to conduct the interview" tanging pagtango Ang kanyang naitugon dahil nagsalita agad ito ulit. "So tell me? Can you tell me something about yourself?" diretsahang tanong ng babae. "Yes ma'am, I am Jorgina Reyes ! My family used to call me Jorge" napangiti pa sya ng diniinan niya Ang salitang Jorge at Saka nagpatuloy. "I am 20 years old, residing at brgy pembo San Ildefonso. Studied business and management but was unable to complete my four years course." "Okey" wika ng babae habang nakatingin sa resume niya. " So .. you only completed two years course? Do you have plans of pursuing your studies? Your just twenty right? " tanong nito. "Well . . I actually think about it as well, but for now my main focus are my siblings. Since I am the only one they have. My main goal is to help them finish their studies but if I will be given a chance for myself. . I am not closing my doors for that opportunity" mahaba niyang sagot. Napa pa tango tango Naman Ang kaharap . "Why would you like to apply here in our company? Do you think you will be able to do the job well?" dag dag tanong nito. "I would like to be part of this company. We all know here that Don Ramon Realty is one of the most popular and the best when it comes to this kind of industry. I want to be part of its history. I admit, I don't have an experience when it comes to selling but I have dealed with different kind of person. Different attitudes as well. My current job right now, I am a tricycle driver so I know how to deal with different type of person" walang kagatol gatol niyang salita. "Really? You're a tricycle driver?" tila na a amaze na wika ng nag interview sakanya. "Yes ma'am" naisagot niya "That's amazing ! You don't look like one" naisambit nito sakanya. Tanging ngiti lamang Ang naitugon niya. Marami pa itong naging katanungan sakanya ngunit naideliver Naman niya ng maayos Ang mga sagot. Bandang huli ay masayang inanunsyo nito na tanggap na siya at maari na siyang mag simula next week. Tuwang tuwa siya at walang pagsidlan Ang kanyang pasasalamat. Nakipag kamay siya sa HR manager at lumabas na ng silid. Masayang Masaya niyang ibinalita iyon Kay Katrina habang kinukuha Ang mga iniwan niyang gamit. First time niya mag apply kaya Hindi niya inaasahan na matatanggap siya agad . Napakasaya nya ngayong araw. Dumiretso na siya ng parking lot para Kunin Ang tricycle. Nagulat siya ng bigla na lamang may bumusina sa likuran niya. Alam Naman niyang Mali niya dahil nasa gitna siya ng Daan kung kaya't yumukod siya ng ilang beses upang ipakita Ang pag hingi ng paumanhin. Dumiretso Naman Ang kotse sa Isang bakanteng parking area na malapit lamang sa kinaroroonan ng tricycle niya. Malapit na siya sa tricycle ng mapansin niyang naka wedge sandals parin Pala siya. Dahil sa sobrang excitement at saya ay nawala sa isip niya Ang magpalit ng sapatos kung kaya't Doon na lamang niya ito tinanggal sa parking lot. Kinuha niya Ang flat shoes sa paper bag at sinuot iyon. Sumakay na siya sa motor at nag sign of cross Saka ito Pina andar. Hindi na siya makapag hintay na I kwento sa Lola at mga kapatid Ang karanasan niya ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD