ANGEL LOUISA NESS POV
4DAYS FAST
Apat na araw ang lumipas ay nagsimula na ang paglilitis,nandito kami ngayun ni boss sa korte nakaupo sa bakanteng upuan,kitang kita ko si Mr Velasquez at papa niya na nakatingin sa gawi namin kaya medyo kinalibutan ako sa mga malamig nilang titig.
"Boss nakakatakot naman ng tingin nila"mahinang bulong ko sa kanyang tenga na ikinailing nalang nito na nakipagtitiga sa mag ama na nakatingin sa gawi namin.
"Don't worry secretary,Hindi sila makakalapit dito"malamig na usal nito saakin kaya napabuntong hininga nalang ako,nakasout sila ngayun ng damit pangbilangguan at nakaposas ang kanilang mga kamay.
"Let's begin!" Rinig kong sabi ng judge ng dumating ito ngayun ngayun lang kaya umayos naako ng upo,habang katabi ang boss ko na seryuso lang na nakatingin kung saan maglilitis.
"Taong 2002 ng Agusto ay namatay si Mrs Leonora Monteverde, pagkatapus ng hindi pagkaunawaan sa pamilya ng mga Velasquez kaya ako ngayun si attorney Xalvenge Vouganville ay hinihiling na buksan muli ang kaso ni Mrs Leonora Monteverde at pati narin si Kimberly Frey na namatay 6 years ago sa kompanya ng mga Monteverde" rinig kung anunsyo ng attorney.
"Pahihintulutan kita order!!!" Usal ng mga judges kaya nagsimula na ang paglilitis.
Nakatingin lang ako kung paano kausapin ng attorney ang mga witness,Kita ko sa kanilang mga mata na kinakabahan ito o natatakot kung ano man ang kanilang sasabihin ngayun sa korte.
"Nasaan ka nung nangyari ang krimen bago pinatay si Mrs Leonora Monteverde?"tanong ng attorney sa ilang mga kasambahay sa mansyon ng boss ko.
"Nung gabing namatay si senorita Leonora ay inutusan niya akong bantayan mona si senorito Ezikiel sa kanyang kwarto nung gabing din yun ay dumating si Mr Monteverde at kinausap si Senorita Leonora sa isang kwarto" usal ng matandang na may takot sa kanyang mga mata,Kita kung paano tignan ng mag ama ang matandang babae.
"Sa nakita mo si Mr Velasquez na kinakausap si Mrs Monteverde?" Tanong ng attorney.
"Opo nakita ko kung paano nagalit si Mr Velasquez na kinausap niya si Senorita Leonora" sagot naman nito,kaya napatingin nalang ako sa mag ama na ngayun ay walang bahid ng takot o pagsisisi sa kanilang ginawa.
"Your honor ito po ang mga ibidensya na nagpapatunay na hindi succide ang ikinamatay ni Mrs Leonora Monteverde kung hindi ay pinatay ito" sambit ng attorney na nakita ko naman na ibinigay ito sa judge na ngayun ay tinignan.
"Ang liham nayan ay galing kay Mrs Leonora Monteverde bago ito namatay,Alam niyang mamatay siya ng gabing yun kaya sinulat niya ang liham upang balaan ang kanyang asawa at anak sa maaaring gawin ni Mr Monteverde" sambit ng attorney na inilahad ang tamang detalye kung paano.
"Sa pagkamatay ni Mrs Leonora Monteverde ay pinunit ang gawa niyang liham na kinuha naman iyon ni Mr Monteverde ang kalahati at ang isang kalahati naman ay nasa kamay ni Mrs Leonora Monteverde bago ito binawian ng buhay,at ang lalaking pumatay sa nasasakdal ay si Mr Velasquez" rinig ko sa loob ng korte.
"Objection you honor!!" Pagtayu ng prosecutor
"You may continue attorney Xalvenge" usal ng judge na ikinatango naman ito ni attorney na nagsimula ang kanyang paglalahad.
"Sa kalahati na natagpuan sa kamay ng biktima ay tinago iyon ng kanyang anak, ang Isa naman ay nakuha ang kalahati dahil kay Kimberly Frey na pinatay ng anak ni Mr Velasquez na naging nobyo ng dalawang taon" tingin ni attorney sa mag ama na ngayun ay pinagpawisan.
"Boss okay kalang ba Jan?" Bulong ko nito sa kanya, seryuso kasi siya sa pakikinig,si attorney Xalvenge kasi ay isang sikat na attorney kaya siya ang pinili ni boss.
"Ng malaman iyon ng mag ama na Isa si Miss Kimberly Frey ang nag iimbistiga ay pinatay nila ito sa kompanya ng Monteverde para lalong bumagsak ang kanilang kompanya,Ang Hindi nila alam na plinagplanohan na pala iyon ng biktima na itago ang ibedinsyang nasagap niya sa pamilyang Velasquez at tinago iyon ng ilang taon na walang makakita" ngisi ng attorney na ngayun ay nginitian lang ang prosecutor na pinindot na isang botton bago pinakita ang isang litrato na may kaakbay si Kim,sa nakita ko may tatoo itong tigre.
"Hindi man kita ang mukha ng lalaki ay malalaman mo talaga na sino ang kasama ni Miss Kim sa oras nayun,dahil sa kanyang palatandaan na tattong tigre sa kanyang kamay at meron iyon sa anak ni Mr Velasquez" turo ni attorney na lumapit sa dalawa at kinuha ang kamay at dun bumungad saamin ang tatto ng tigre sa kamay nito.
"Objection you honor masyado na siyang sumubra" salita ng prosecutor na pinagpatuloy lamang ito.
"Ang ibidensya ito ang magpapatunay kung sino talaga ang pumatay Kay Mrs Leonora Monteverde at Miss Kimberly Frey" bigay na naman ng attorney ang isang file na tinignan naman iyon ng mga judge,kahit ang prosecutor ay hindi nakapagsalita,dahil sa madaming ibidensyang inilabas.
Lalo nasa pagnanakaw ng pera sa kompanya ng Monteverde ay sila rin ang gumawa at higit sa lahat sila rin pakana nung muntik ng mamatay si boss.
Napayuko yuko ang mga judge ng tignan nila ang mga ang ibinigay na ibidensya ni Attorney Xalvenge.
"Ang aking paglalahad ay haggang dito nalang po your honor" Yuko ng attorney na ngayun ay umupo sa kanyang upuan na nakita ko naman ang pagtaas ng kilay nito sa mag amang nakatingin sa kanya.
"Prosecutor may sasabihin kaba? O ibidensya? Na maipawalang sala sila.." Tanong ng judge na ikinayuko naman ng prosecutor.
"No your honor" sagot ng prosecutor na nakita ko naman ang pagtayu ng dalawa na tumingin sa prosecutor na ngayun ay yumoko.
"Wala ka manlang gagawin prosecutor,listen binayaran kita para gawin ang trabaho mo" galit na sigaw ng ama ni Mr Velasquez na ngayun masamang tinignan ang prosecutor habang pinipigilan sila ng police.
"Maghintay ng ilang sandali sa pagpapasya ng ating hukuman" rinig na anunsyo ko sa isang babae, anong mangyayari? Mananalo ba kami?
"Don't worry secretary we gonna be win this cases"malamig na pagpapahinahon saakin ni boss kaya pabuntong hininga akong naghintay sa maging pasya ng hukom,kinakabahan ako subra! Yung tipong lalabas yung puso mo sa subrang kaba kung ano?
"Sana nga boss" hinang Sabi ko sa kawalan haggang sa dumating ang mga judge ang nagsiupuan nah at may binigay sa babaeng tagabasa.
SA PAGKAMATAY NI MRS LEONORA MONTEVERDE AT MISS KIMBERLY FREY NG ILANG TAON NA HINDI NABIGYAN NG HUSTISYA.
IKAW SANTIAGO VELASQUEZ AT ANG ANAK MONG SI REY JHON VELASQUEZ AY HINAHATULAN NG KORTENG ITO NA PANGHABANG BUHAY NA PAGKAKAKULONG,SA ISANG KRIMEN..
THATS IN ORDER.......
Sa narinig ko ay napatayu ako saaking pagkakaupo sa subrang saya,panalo!! Panalo kami!!!!
"Boss panalo tayu!!!" Masayang sabi ko sa kanya na ngayun ay tinulungan siyang makatayu at hinila upang puntahan si attorney.
"Attorney Xalvenge!"tawag ko sa kanya,alam Kong masaya si boss,dahil ramdam ko ang saya sa kanyang mga mata.
"Congratulations!"sabay na saad naming dalawa kaya napangiti nalang kami ng biglang humila saakin na siyang ikinagulat ko.
"Hindi ako papayag na magiging masaya kayu,kaya papatayin ko nalang ang secretary ito" sambit ni Mr Rey Jhon na ngayun ay nakatutuk saaking leeg ang ballpen,really nakakamatay pala ang ballpen.
"Akala niyo ba na nanalo na kayu!! So pwes nagsisimula pa ang totoong Laban"baliw na tawa na hawak ko kaya kita ko ang pag alala ni boss saakin.
'ibaba moyan!'
'ibaba mo ang ballpen Nayan!'
"Mr Rey Jhon ibaba mo ang hawak mo!"
Rinig kung sambit ng mga pulis na lalong siniksik saakin ang ballpen kaya ramdam ko ang sakit at daloy ng mga dugo ko saaking leeg.
"Fvcking b***h you Rey!!" Rinig na sigaw ko kay boss na ngayun ay inunahan ng sipa ang mukha nito na siyang ikinatalapon ito.
Kaya agad akong nawalan ng lakas buti nalang may sumalo saakin.
Ako ang dyosa pero ngayun lang ako nakakita na niligtas ako.
"Secretary!! Are you okay?"Kita ko sa kanyang mga mata ang pag alala haggang sa tanging narinig ko nalang ang boses na:
"Hindi pa tayu tapus babalik ako at papatayin ko kayung lahat"huling rinig ko bago ako nawalan ng malay sa braso ng boss ko.
Kakaiba ito!! Hindi ko makakalimutan ang pagligtas niya saakin ngayun ay okay na ang lahat ay pwede na ba akong bumalik...
FAST FORWARD
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar,nasa langit naba ako ulit? Kaya agad akong napatayu saaking pagkakahiga na maramdaman ko ang malambot na Kama.
May nakatabon din saaking leeg na hindi ko alam,ng may pumasok sa pinto,Hindi pala! Nandito parin ako..
"Gising kana pala ma'am,tawagin kulang po si sir" wika Ng isang babaeng nakaputi ang kasoutan bago ito lumabas kaya palinga linga ako sa kapaligiran ng ilang segundo din ay pumasok si boss.
"Your awake!" malambing na pagkakasambit nito saakin na ngayun ay pumunta sa harapan ko.
"Let me see your wound"tingin nito sa leeg ko,naninibaguhan ako sa kanya ngayun huh,Kita mo talaga ang pag alala sa mukha niya,sinapian ba ito?
"Boss ayus lang ako!" Sambit ko ng biglang uminit yung pisnge ko sa ginawa niya.
"I'm just want to see your wound" inis na bulyaw nito saakin kaya wala naakong nagawa kundi ipatingin sa kanya,Isa Lang naman akong secretary at siya ang boss ko.
"Boss anong nangyari kanina?" Tanong ko ng bumitaw ito sa paghawak sa batok ko na tumingin ulit saakin ng pagkaseryuso.
"Nawalan ka ng malay kanina kaya dinala Kita agad sa hospital" usal nito saakin na ikinatango ko nalang,so ibig sabihin siya ang nagbuhat saakin papunta dito.
"The cases of my mom and kim was finished so I want to say thank you Louisa" ngayun niya lang ako tinawag sa pangalan ko as in napakasaya sa pakiramdam na tawagin ka sa pangalan ko at Hindi secretary.
"Boss ang bait mo naman yata ngayun?"takang tanong ko sa kanya na ikinangiti niya pero bigla rin naman iyon nawala kaya naman halos atakihin ako sa puso sa subrang saya ng nararamdaman ko.
"Boss ngumiti ka!" Hindi mapaniwalang bigkas ko sa kanya na nakita ko naman ang pag iling nito.
"No I'm not!" Malamig na tugon nito na may halong paglalambing Naman ito sa kanyang Boses.
"Kita ko boss ngumiti ka! Kitang Kita ng dalawa kung mata na ngumiti ka! Boss patingin ako ulit" sambit ko nito sa kanya,ewan ko bakit ang saya ko na nakita ko siyang ngumiti kahit saglit lang yun ay ngiti parin iyon saakin.
"Secretary Hindi ako ngumiti okay baka guni guni mulang iyon" malamig na saad nito saakin kaya yumuko nalang ako,baka nga guni guni kulang talaga yun.
"Ahh mukha nga! Kasi sa itsura mo ay Hindi ka talaga ngumingiti napakaseryuso mo kasi"sambit ko na nakita ko naman ang pag iling nito.
"If you are okay pwede na tayung lumabas sa hospital" malamig nitong sambit saakin, bumalik naman siya sa pagiging malamig hahay ano paba aasahan ko sa kanya,ang hirap niya talagang pasayahin matatagalan talaga ako subra as in sa kanya.
"Okay naako boss malayu naman ito sa bituka"usal ko na tumayo sa pagkakaupo sa hospital bed na hinintay sanang may umalalay saakin pero bigo ako,ano paba ang maaasahan ko sa lalaking toh.
"Follow me!" Malamig na sambit nito saakin na ikinatango ko naman na bago sinundan siya palabas ng pintoan.
'ackk girl ang gwapo ni Mr Monteverde'
'girl si crush'
'girl ang gwapo'
'sino kasama niya,Hindi sila bagay'
'pangit naman ng kasama niya'
Rinig ko palabas ng hospital Kung makalait akala mo naman kagandahan kung manglait saakin.
"Inggit lang kayu kasi ako kasama" hina na wika ko ng huminto ako sa paglalakad ng huminto si boss at takang tumingin sa kanya.
"Boss bakit ka huminto?" Takang tanong sa kanya na nakita ko naman ang pagtaas nito ng Kilay at pagkunot nito ng noo,lagi nalang bah Yan ang habit niya pero gwapo parin kahit anong espresyon ng mukha niya.
"Secretary if you hear something don't mind them" inis na bulyaw nito saakin na ngayun ay nakapamulsa na tumingin saakin ng masama.
"Wala naman akong sinabi huh" usal ko na nakita ko naman ang pag alis nito,kahit itong lalaking toh pa iba iba ng mood,kanina mabait ngayun ay nagiging yelo na naman.
Paiba iba ng ugali hindi ko alam kong ano ang ugaling meron siya nakakabadtrip kung ganitong boss ang makakaharap ko boung mag araw wag nalang!.
Akala ko naman okay na kami hindi pa pala!!!
Kainis.....