PROLOGUE
"Bathaluman naman ehhh,huli nayung ginawa kong mission sa mga tao" pangungumbinsi ko na wag akong itapun ulit sa mundo ng mga tao, dahil lang para magbago ang pananaw nila.
"Diyos ng kaligayahan ka diba? Louisa?"sabi ng aming kataas taasang diyos ng bathala kaya napatango ako sa pagtanong nito saakin.
"Pero bathaluman sabi niyo huli nayun,ang hirap ang magpaligaya ng mga tao lalot sasambihin karin naman kapag kailangan ka!" punto ko sa sinasabi niya pero tinignan niya lang ako ng napakaseryuso.
"Diyosa ng kaligayahan sa huling mission mo ay ipapatapun ka ulit sa mundo ng mga tao,may kailangan kang baguhin sa lalaking toh" pag kumpas nito sa kamay niya kaya lumabas ang isang sinag na naglalabas na anino ng isang lalaking nakatalikod.
"Ano gagawin ko sa kanya bathaluman?" Usisa na tanong ko na Ikinatingin niya saakin ng seryuso na tumingin muna sa lalaking nakatalikod bago saakin.
"Malalaman mo ang kasagutan kong makikita mo siya" sagot nito sa tanong ko kaya napailing nalang ako sa bagong misyon na gagawin ko sa mundo ng mga tao.
Ako ang dyosa ng kaligayahan kaya lahat saaming mga dyosa ay may kanya kanyang misyon na nakalaan para saaming lahat,para sa mga tao ay hindi sila naniniwala sa ganyan kaya nga isinawalang bahala ko nalang sila,sinasamba lang kami kapag may kailangan pagkatapus ay kakalimutan ulit,para bang naalala Lang kami kapag kailangan nila ng tulong para saamin.
Ako si Angel Louisa Ness ang diyosa ng kaligayahan na nabubuhay na walang kamatayan, misyon namin na maging maayus ang mundo ng mga tao kaya bawat saamin ay may kanya kanyang misyon na dapat ay sulusyonan ng mga dyosa.
"Aalis ka ate?"tanong ng kapatid ko,si Lousina ang dyosa ng pag ibig kaya napatango ako nakatingin sa kapatid ko na ngayun ay nakaupo na nakatingin saakin.
"Oo bunso aalis ako may bagong misyon na binigay saakin si bathaluman" sagot ko sa tanong nito,,oo may kapatid ako at Wala na kaming mga magulang simula ng mangyari ang delubyo ng mga diyos at diyosa sa mga halimaw na naninirahan sa mundong ibaba ay nawala ang aming mga magulang.
"Mag iingat ka ate" pagtayu nito at niyakap ako ng mahigpit kaya tumugon nalang ako na pagyakap sa kanya,laging ganito wala kaming magagawa,dahil isa ito saaming mga patakaran na dapat sundin na tulungan ang mga tao.
"Mag iingat ka dito huh"pagpa alala na wika ko nito sa kanya na ikinatango tango niya naman ito,kaya humugot muna ako ng buntong hininga bago kumawalas sa pagkakayakap sa kapatid ko.
"Ohh siya alis naako,pupunta paako kay bathaluman!" wika ko na ikinawalas namin sa pagkakayakap kaya umalis akong nakatingin saaking kapatid na ngayun ay nakatingin saakin pagka alis.
Kailangan kong matapus agad ang misyon na ito para makapagpahinga naako,,pagod naakong tumulong sa mga tao na hindi naman kailangan ang tulong namin,bakit pa kasi may ganito pa? binigyan nga kami ng buhay na walang kamatayan pero may kapalit naman ito?
____________________________________________
"Siya si Ezikiel James Monteverde siya ang dapat mong baguhin" pagpakilala nito saaking bagong misyon kaya pagbuntong hininga akong nakatingin sa lalaking napaka seryoso.
"Bago ako umalis bathaluman,may kailangan akong itanong?" Tanong ko sa kanya,may kailangan akong dapat na kasagutan.
"Sabihin mo!?"sagot nito saakin kaya humigit muna ako ng malalim na hininga syaka tumingin saakin.
"Bakit kailangan natin tulungan ang mga tao? Bakit kailangan natin silang baguhin? Bakit kailangan natin silang tulungan sa kanilang problema?" Tanong ko sa kanya na binigyan niya lang ako na nakaguhit na ngiti ang kanyang labi.
"Malalaman mo ang totoong sagot sa tamang panahon,huling misyon na ito na ibibigay ko sayu Louisa" sagot nito sa mahaba kung tanong kaya tuluyan naakong naglaho at hindi alam kong bakit? Kaya nakaramdam ako ng antok sa gitna ng paglalaho ko o sinadya lang ito ng bathaluman ano ba ang plano niya saakin?
--THEN EVERYTHING WAS BLACK--