ANGEL LOUISA NESS POV
Naalimpungatan ako ng may narinig akong ilang mga busina ng mga kakaibang mga tunog kaya agad akong napamulat saaking mga Mata,,kakaibang sasakyan ito? Hindi ko alam kung saang panahon naako.Ang alam kulang ay kakaiba ang mga kapaligiran napapaligiran ako ng maraming kakaibang mga nilalang.
Beep!!! Beepp!!!!
"Miss magpapakamatay kaba?!" inis na sigaw nito saakin, nandito ako sa harap ng lalaking nakasakay sa isang nilalang na hindi ko alam kung ano ito?
"Mawalang galang na nasaan ba ako?" tanong ko nito sa kanya na palinga linga sa kapaligiran,sa huling misyon ko ay hindi ko naabutan ang mga bagay na ito,bakit ba ito ganito? Ano bang nangyayari sa mundo?
"Pwede ba miss umalis ka sa harap baka makapatay paako na di oras sayu!!!" Rinig kong may tunog na nagmumula sa isang kakaibang nilalang na sinasakyan niya.
"Saan ako makakasakay ng kabesera?" tanong ko nito sa kanya na nakita ko naman ang pagbaba nito ng sasakyan na inis na tinignan ako mula ulo haggang paa.
"Miss ano bang problema mo? ang hinahanap mo ay wala dito? Bakit kaba paharang harang sa daanan?"pag paalis niya saakin na pilit akong hinihila sa gilid kaya napabuntong hininga nalang akong tumingin sa kanya na ngayun ay nakatingin saakin ng masama.
"What kind of clothes of that?"rinig kong pandidiri nito sa sout ko, alam Kong kasoutan niya ang sinasabi ko kasi nakatingin ito saakin, kaya napatingin ako sa kanyang kasoutan na kakaiba kaysa saakin, kailangan ko ng matapus ang misyon ko dito?
"Ano sabi mo?" Hindi ko naiintindihan ang kanyang sinasabi kaya rinig ko ang mga tunog na nagmumula sa kakaibang bagay subrang sakit sa tenga ang ingay na iyon para akong mamatay sa sakit...
'ipaalis monga yung kotse mo! Nagmamadali kami'
'paalisin mo nga yung kotse mo mister!"
'umalis nga kayung dalawa sa harap!'
Rinig ko sa mga sigawan ng mga tao kaya agad akong tinignan ang lalaki na ngayun ay pumasok na sa kakaibang nilalang at naiwan akong nasa gilid ng kakaibang bagay na hindi ko alam? nasaan naba ako? ano klasing lugar ito?.
Palakad lakad ako habang nakatingin sa mga tumatakbo na kakaibang nilalang,bakit ba ako nandito? Hindi ko manlang alam kung nasaan ako?.
Bathaluman bakit nandito ako? Hindi mo manlang sinabi saakin na nagbago na pala ang mundo ng mga tao!
"Saan ako paroroon ngayun? Kailangan kupang hanapin ang sinasabi saakin ng bathaluman nayun!" inis na wika ko saaking sarili na ngayun ay nakatingin sa mga ulap na ngayun ay parang uulan, tiyak na umiiyak na naman yung dyosa ng ulan ngayun!
"Wag ka munang uulan!!"pagsisigaw ko sa kalangitan,ayaw Kong mabasa hindi korin magamit ang kapangyarihan ko ngayun para bang pinaparusahan ako sa uri ng misyon na ito.
'baliw ba yan!?'
'bhe nababaliw na ang babaeng Yan!'
'anong klasing damit yan!? Parang sinaunang panahon pa ang damit Nayan!'
"Bakit kayu nakatingin saakin? may dumi ba Ang aking mukha para tignan niyo ako?" Mahinhin kung usal sa mga nakatingin saakin kaya napailing nalang sila na umalis saakin,kakaiba nga ang kasoutan nila kaysa saakin kailangan kong magpalit para hindi magmukhang kung ano sa kanila...
"Miss saan kaba nanggaling?" tanong ng babaeng hindi ko alam kaya napangiti nalang akong tumingin sa kanya na kita ko naman ang takot sa mukha nito.
"Sa langit" sagot ko sa tanong nito na siyang ikinahalakhak niya ng tawa saakin kaya labis akong naguguluhan kung bakit siya natawa sa binigkas ko.
"Hahahahahahaha baliw ka nga!" tawa nito na umalis,hindi paako tapus sa pakikipag usap sa kanya,lapastangan ang lakas ng loob niya para umalis na Hindi paako natatapus saaking sasabihin.
Palakad lakad nalang ako haggang sa mapunta ako sa isang mga malalaking mga palasyu,ang daming palasyu?nasaan ang mga Hari dito? Ang reyna? Ang mga kawal? Saan sila nagbabantay? Ang daming mga alipin na nagkalat?
Oo sa huling misyon ko noon ay hindi ganito ang nadatnan ko, kakaiba ang mga bagay? ang laki ng mga palasyu? ang dami? subrang laki talaga! hindi ko alam kong totoo ba ang aking nakikita na may ganito sa mundo?
Beeppp!!! Beep!!! Beep!!!!
"Wag kanga paharang harang!!!! tumingin ka sa mga kotse baliw!!!" rinig kong sigaw nito saakin na ikinaalis ko agad sa gitna na parang daan ibig sabihin ang kakaibang nilalang na iyan ay isang 'kalesa'.
Beep!!! Beep!!! Beep!!! Beep!!!
"Hoy ano ba!! Problema mo? Baliw ka!!" sigaw na naririnig ko,hindi ko alam kung ano ang kanilang sinasabi na 'baliw'.
Ano ba ang ibig sabihin ng baliw?
"Mawalang gala---beep!! Beep!!" gulat na napatalon ako na may tunog na naman akong narinig kaya nagulat ako na may humawak saakin na labis kong ikinagulat, kakaibang pananamit?
"Miss nakakadisturbo ka na ng mga tao!police ako! sumama ka muna saakin sa Police station"hawak nito sa kamay ko na hinila ako,napakalapastangan niyang hawakan ako na wala Ang aking sinasabi?
"Sino kaba? bitawan mo ako! Lapastangan Kang hawakan ako! Alam mong ako Ang dyosa ng kaligayahan"pilit na pag papaalis ko sa kanyang nakahawak sa kamay ko.
"Miss police ako! Kaya inaaresto kita sa pagiging esturbo mo sa mga tao dito sa traffic light" hila nito saakin kaya wala sa oras akong napahila sa kanya,police? kakaibang pangalan?.
Ano ba ang police?
FAST FORWARD
"Sino ang pamilya mo?" tanong ng humila saakin kanina,nandito ako sa kakaibang lugar na hindi ko alam,,marami akong nakikitang mga taong nagpupumiglas o naglalaban nakikipagdigmaan ang iba naman.
"Anong klasing kagamitan iyan?" tanong ko na may nakita kasi akong kakaibang kagamitan na hindi ko alam,para bang may pinapindot siya na hindi ko alam kung ano?
"Computer" sagot nito saakin na may pagtataka sa kanyang mukha kaya tumingin ako kung paano niya ginagawa.
"Kawili wiling bagay" pindot ko sa isa ng may pumigil saakin at pinaupo ulit ako sa isang malambot na upuan pero umiikot ito ehh kamangha mangha talaga ito!!
"Tatanungin Kita miss Sino ang magulang mo?saan ka nakatira?" tanong nito saakin,kahit papaano ay may alam ako ng kaunti sa mga lingguwahe nila na ang iba ay hindi ko alam.
"Wala naakong magulang! Nanggaling ako sa langit may misyon akong dapat gawin dito sa mundo ninyo!" seryusong saad ko sa kanya na nakita ko naman ang pagtawa nito saaking sinabi.
Pinagtatawanan niya ang aking sinabi?
"Pinagtatawanan mo ang aking sinabi? hindi mo ba alam kung sino ako?! ako ang dyosa ng kaligayahan kaya itikom mo ang bibig mo!" inis na bigkas ko sa kanya na kita ko naman ang pagsenyas niya sa kanyang kasama na ngayun ay palapit saakin.
"Ikulong mona yan!! baka hahanapin yan ng mga kamag anakk niyang mga baliw!!" wika niya na nagdala saakin dito kaya pahila niya akong nilagay sa isang kakaibang kulungan na subrang tigas ay hindi ko manlang masira sa subrang lakas na bagay na ito..
"Palabasin niyo ako dito!! mga lapastangan kayu?!" pagsisigaw ko sa loob ng kulungan na ito pero hindi manlang nila ako pinansin mga lapastangan talaga sila!!!
"Quite!" sigaw kong narinig kaya napatahimik ako hindi ko alam kong anong salita ang lumabas sa kakaibang lalaking ito!
Napaupo nalang ako sa isang malamig na sahig habang nakatingin sa mga tao na nagkulong saakin ngayun na parang walang pakialam saakin,bakit ba nandito ako?bakit pa kasi hindi gumagana ang mahika ko dito?.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan na kaninang tinitignan kulang kanina sa labas,umiiyak na naman ang dyosa ng ulan ng dahil sa pag ibig.
Kawawang nilalang.
Saaking paghihintay na may magbubukas saakin ay napatigil ako saaking palinga linga at nakita ang pamilyar na mukha,na nandun sa kakaibang bagay na ngayun ay pinapanood ko.
"Mawalang galang na ginang, anong klasing kagamitan ang iyan?" turo ko na na may nagsasalita na isa ring tao pero ang liit niya bakit nagkasya siya sa kakaibang kagamitan nayan?
"Diyos ko ija,hindi mo alam yan?!" gulat na kita ko sa mukha nito na siyang ikinailing ko,dahil nga hindi ko alam ang kagamitan na iyan,ngayun lang ako na nakarating sa kakaibang panahon?
"Isa yang telebisyon ija,Kung saan nakikita natin ang mga balita" sagot nito saaking katanungan,balita? Anong balita?
"Anong balita ba ginang?" tanong ko pero hindi na niya ako pinansin at pailing na tumingin saakin na para bang nadismaya sa tanong ko sa kanya.
"Jhon Monteverde ay pumanaw na isang sikat na negosyante sa boung mundo,kaya sabi ng lahat ang papalit sa kanya ay kundi ang kanyang anak nasi Ezikiel James Monteverde na tagapagmana ng kompanya"rinig ko sa telebisyon na sinasabi nila....oo siya yung lalaki na kailangan kung baguhin?
"Siya yung lalaki para matapus ang misyon ko!!" pagtuturo ko,,ikaw yun!! saan kita makikita? kailangan kunang tapusin ang misyon ko dito sa lupa?!
"Kailangan ko ng makaalis dito!!" wika ko saaking isip na ngayun ay nakatingin saaking sarili kung paano? walang tutulong saakin dito?
Kailangan kitang makita ngayun!!!
"Hoy police na sinasabi mo!! palabasin mona ako!! Uuwi mo naako saamin!!"pagsisigaw ko sa kanya na nakita ko naman ang pag iling nito saakin syaka pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
"Bathaluman palabasin mo naman ako dito kahit ngayun lang" isip ko sana naman ay marinig niya ang aking hiling,wala talagang tutulong saakin pagkatapus ng misyon na ito ay makakahinga narin ako ng maluwag..
"Bathaluman tulungan mo ako dito!!" Pagmamakaawa na hiling ko sa kanya,sana naman bathaluman tulungan mo akong makaalis dito,nakita ko na ang hinahanap ko!
Maawa ka!!