Kabanata 06: Trashed

1509 Words
Kabanata 06: Trashed ‘Ma, natapos ko na po yung projects ni Ate. Can I have a reward too?’ ‘No. Hindi iyan sapat para maging number one ang ate mo! Ulitin mo yan!' ‘Dad, natapos ko na po yung mga tasks na pinapagawa niyo sa'kin. I've already sorted it out sa kung ano po iyong gusto niyo.' ‘That's it? Ito lang ba ang kaya mo? It's not enough! Ulitin mo!' ‘Ate, can you help me with my looks? G-Gusto ko sanang—’ ‘But Reina, why help with your looks? Sa tingin ko maayos ka na naman. You're already pretty good for just the way you are.' ‘R-Really? Pero kasi sabi nila—’ 'Maniniwala ka ba sa iba kaysa sa ate mo?' 'No, of course not. Talaga bang maganda ako?' ‘You're even way more beautiful than me.’ ‘P-Pero bakit ayaw nilang makipag-kaibigan sa'kin? I—’ ‘I thought you don't want anything else aside from me? I thought I am enough as a friend and a sister to you, Reina. Bakit ka pa naghahanap ng iba?’ ‘N-No, of course you're the best. Kaya lang kasi’ ‘Gusto mo bang lumayo din ako sa'yo katulad ng ginagawa nila—’ ‘No! I-I will listen to you! Hinding hindi ako maghahanap ng iba. You will never be replaced, Ate.’ ‘That's good. Then you're not trying to fix anymore?’ '....' ‘Bakit hindi ka makasagot? Kung gusto mong mag-iba ay ibig sabihin ay hindi ka naniniwala sa'kin. Iyan ba ang sinasabi mong magiging good sister ka? Since ayaw mo—' ‘No!’ ‘Then promise me.’ ‘O-Okay. I promise!’ She devoted her whole life to them. She gave her almost everything then why don't they appreciate her? Binigay niya naman ang lahat lahat para sa kanila— kahit maubos siya. Pero bakit ang hirap hirap para sa kanila na tanggapin siya? Nanatili siya sa kung ano man ang gusto nila at sinunod niya ang lahat ng gusto nilang mangyari sa kaniya pero bakit hindi pa rin sapat? Bakit hindi nila matanggap ang isang katulad niya bilang kasapi ng pamilya? O kahit bilang isang taong man lang? Naging sunod-sunuran siya. Naging parang aso, naging parang isang alipin— hindi, mas masahol pa doon. They didn't seem to consider her as a human. Why? Does it because of her ugliness again? Kung sana ba hindi siya naging pangit, hindi siya tratratuhin ng kahit sino ng ganito? Pero sinubukan naman niyang mag-ayos para sa kanila. She studied hard how to 'fix' the ugliness that they kept on pointing at her. Nag-aral siyang mabuti para makita ng lahat na may ipagmamalaki din siya pero nang araw na iyon, Reina remembered how her elder sister Silvia went livid. Bigla na lang itong sumabog na parang bulkan at imbes na purihin siya ay parang nawala ito sa sarili dahil sa galit. That was the first time nang makita niya itong sumigaw at maging parang ibang tao nang makita siya. Sinasabi nitong hindi bagay sa kaniya ang ginawa at mas lalo lamang siyang lalaitin ng ibang tao. At kung ayaw niyang mas ibully pa ng ibang tao ay kailangan niyang manatili sa kung dati at hindi mapansin. At that time, Reina wondered why. Bakit parang sobrang taranta nito at mukhang gustong gusto talagang itago ang pagbabago na pinakita niya? Pero noon akala niya totoo ang mga sinasabi nito. When she said na mas lalo lang siyang pag-iinitan, agad siyang natakot at binalik ang sarili sa pagiging losyang at hindi palaayos. Hindi rin naman siya nagtaka dahil simula noon ay wala nang kumukutsa sa kaniya maliban sa iniiwasan siya ng lahat. At that time, akala niya totoo nga ang sinabi ni Silvia na dapat manatili siyang tago. But now she realized that it was because of her selfishness. How funny that that single fixed on herself truly made her sister look at her as a threat. Kung sana ba hindi siya nagpa-uto, anong mangyayari? Mamahalin niya siguro ako. isip niya nang maalala si Reim pero napatawa na lang ng mapait. If he really loves me, then he'll accept whatever appearance that I have. She looks at everyone who's staring with insults at her. I'm tired at all of this. Sana matapos na. Sana maging malaya na'ko kasi ayoko na. Pagod na pagod na'ko. Lolo… mas lalo siyang nakaramdam ng pagdadalamhati sa puso. Right. Her Father said that her beloved grandfather is already dead. Ngayong wala na ito, ano pang silbi ng buhay niya para magpatuloy? Ano bang gagawin niya kapag ilababan niya pa ito kung wala namang nandito sa tabi niya? She has no one. Kata wala na siyang paki-alam. Ubos na ubos na siya. Unti-unti namang nawala ang nanatiling sigla sa mga mata niya hanggang sa tuluyan na itong nawala. Tumigil na rin siya sa pagpupumiglas at hinayaan si Silvia sa pananakit nito. Hindi siya dumadaing sa pisikal na sakit but her heart wasn't. It continue aching and clenching deeper and deeper. "Ano ang gagawin sa kaniya, Papa?" rinig niyang tanong ni Silvia. "Do whatever you want to satisfy yourself. Then, let our men dispose her. Make sure to hide her body or better burn her later." Walang paki-alam nitong ani na parang hindi niya anak ang biktima. Para naman siyang binuhusan ng isang malamig na tubig sa narinig. Balak nilang patayin siya ngayon? That would scare her but in her situation right now, mas gugustuhin niya na lang mamatay na ora mismo. "Start satisfying yourself now. It disgust me seeing that face anymore," anito bago hinayaan ang tatlong lumapit sa kaniya. Silvia's face shouts mockery and excitement. Halatang gustong gusto nito ang mga nangyayari sa kaniya. Then she raise her hand and start slapping each of her cheeks very very hard. At dahil bagong manicure at nagpakabit pa ng matulis na kuko ay bumaon ito sa mukha niya kaya mas naging malala ang epekto nito. She can literally feel the blood flowing down on her cheeks pero wala siyang paki-alam dito at hindi man lang dumaing o maski kumurap nang matanggap ang mabibigat na sampal. Mas lalo namang nagalit si Silvia sa nakita kaya mas lalo nitong nilakasan ang sampal at kalmot sa kaniya. At hindi pa rin tumigil dahil sinumulan pa siyang sabunutan at tadyakan ng ilang beses dahilan para matumba ang upuan kasama siya dahil sa pagkakagapos ng katawan. Nagpatuloy ito sa pagsipa ng malakas sa kaniya habang kaswal na nakatingin lang ang Ina. Makikita sa mukha nito ang matinding saya habang pinapanood ang paghihirap niya. "Silvia, that's enough. We need to go to your grandfather now," pagpigil ng Ina. Sumimangot ito. "But Mom! I'm not finished yet!" "Silvia Romina!" "Fine!" inis nitong ani at lumayo na. "Reim, I want you to clean this mess. Prove again that you're worthy for my daughter by cleanly disposing of the trash so no one will know about this," pahayag ng Ama. "Dad—” "You'll go with us, Sil. Hayaan mo si Reim dito." Pagputol nito. Silvia pouted pero lumapit na si Reim saka hinalikan ito ng masuyo sa mga labi at nginitian ang dalaga. "I'll make it up to you later, okay?" Reim sweetly coax her. Halatang ayaw pa sana ni Silvia pero dahil sa masamang tingin ng ama ay wala na itong nagawa. Muli nitong tinadyakan si Reina sa tiyan ng malakas saka ngumisi dahil sa pagwawagi. "See you later, then." “Hmm... later, Honey." Pagkaalis naman ng tatlo ay naiwan silang dalawa. Lumapit si Reim at hinila ang upuan niya kung kaya't bumalik siya sa pwesto kanina. "Sweetheart." Gusto niyang sumuka sa pangalan na tinawag nito sa kaniya. Nakakasuka ng pakinggan ang tawag nito sa kaniya pero hindi siya tumugon sa tawag nito at nanatiling nakayuko. "I-I'm sorry." What? Wala sa sariling umangat ang tingin niya at nagitla nang makita ang awa sa mga mata nito. His gaze went soft as he gently move the strands of her hair that disheveled her face. "I don't want this to happen to you, Reina." His eyes were pleading as his face looked very worried. What the hell is he doing? naguguluhang aniya sa isipan sa biglaang pagbabago nito. "Sweetheart, I didn't cheat." She sneered in her heart. Ano? Role play lang ginawa niyo sa loob ng kwarto ko?! "I didn't mean to do all of this to you Reina. Mahal kita," pag-aamin nito pero nang mapansing matigas pa rin ang mukha niya ay nagpatuloy ito gamit ang nagmamakaawang boses. "They blackmailed me. They threatened me that they'll hurt my family and you. Alam mo na siguro kung gaano ka-importante sa'kin ang pamilya ko." His words brought a huge shock to her kaya naman mas lalo siyang natigilan. Tinaas nito ang palad saka mahinang hinaplos ang sugat sa mukha niya dahil sa ginawa ni Silvia kanina. Ang mga mata nito ay sumisigaw ng pag-maakaawa sa kaniya. Maya-maya ay biglang naging determinado ang titig nito at muling nagsalita na mas ikinagulat niya. "Let's escape this mess. Will you run away with me?” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD