Kabanata 7: Last Breathe
"Let's escape this mess. Will you run away with me?"
Napatitig si Reina sa lalaking kaharap. Ang lalaking ito ang unang una niyang minahal sa buong buhay niya. Ito ang unang sayaw niya, ang unang yakap at ang unang halik kahit sa noo lang nangyari iyon. Pero kahit hindi man siya nito halikan sa mga labi niya ay wala talaga siyang paki-alam dahil akala niya ay dahil nirerespeto lamang siya.
Pero sino nga ba ang mag-aakalang kasinungalingan lang pala ang lahat ng pinapakita nito?
Simula noong nasaksihan niya mismo ng mga mata niya ang kababuyan at marinig niya ang mga sinabi nito, naging sarado na ang puso niya para sa binata.
Even if he was blackmailed, how could he touch her sister in her own room?
“Reim, tapos na akong maging tanga sa'yo," mapait niyang ani. Kita niya kung paano ito manigas at napatulala lang sa kaniya.
"Reim—" Naputol naman bigla ang sasabihin pa niya sana dahil sa sumunod na kilos nito. Tumawa ito ng pagkalakas-lakas na ikinatitig niya ito. Gulat niyang tinignan ang lalaki. Anong ginagawa nito?
Gulat lamang siyang nakatitig rito habang patuloy pa rin itong tumatawa hanggang sa maya-maya ay bigla na naman itong tumigil at mas gumawa pa ng aksyon na mas ikinagulat niya.
Bigla bigla na lamang lumuhod ang lalaki sa harapan niya habang nakayuko. Hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha nito pero mukha itong nawalan ng pag-asa.
Mas lalong walang naiintindihan si Reina sa nangyayari. Anong ginagawa nito? Bakit bigla bigla na lamang nag-iba ang kinikilos nito?
"R-Reim—"
"Reina…”
She stiffened. Why does his voice sound different?
“Reina… my sweet," Biglang umangat ang ulo nito para salubungin ang tingin niya sanhi kung bakit siya napasinghap.
He's crying.
Reim, ano ba talagang binabalak mo?!
"You don't believe me?"
Her heart went cold. "You have an affair, Reim. How could you?"
Unti-unti ring nawawala ang emosyon sa mukha at mata nito pero tuloy lang ang pag-agos ng luha.
"You believe them?"
She grit her teeth. "It's not just them. Gising ako noong gabing iyon at rinig na rinig ko kayo." mapait niyang sagot.
"Pinagbantaan nila ako."
"Pero nakipag relasyon ka pa rin kay Silvia!"
"I don't love her."
She snorted, "You don't but you enjoyed being with her! Reim, kahit anong rason pa ang ginawa mo ganun pa rin yun! Nagtaksil ka sa'kin. Kahit kailan hindi mo'ko minahal!"
"Mahal kita, Reina!"
"Mahal?! Sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo? Reim, tapos na ako sa pagpapakatanga sa'yo! Sawang sawa na'ko sa mga panloloko niyo!" sigaw niya. Pagod na pagod na ang buong pagkatao niya sa nangyayari ngayon. Hanggang saan ba matatapos ito?
Pakiramdam niya ay wala ng silbe pa ang nangyayari. Namatay na ang taong nagmamahal sa kaniya, tinalikuran na siya ng sariling pamilya at ngayon naman ay mukhang pinaglalaruan siya ng dating kasintahan.
Hindi pa ba sapat ang ginawa nila? Bakit hindi pa ito tumitigil? Ano pa bang gustong makuha nito sa kaniya?!
Habang mas lalo pa niyang nararamdaman ang matinding pagod, bigla namang natahimik si Reim sandali.
"Hindi ka sasama sa'king umalis?" mahinang tanong nito matapos ang ilang segundong katahimikan.
"Hindi," mariin niyang sagot.
Tumango tango naman ito at tumayo na saka umatras sa kaniya. Ang pagmamakaawa sa mukha nito ay bigla na namang mabura na para bang panaginip lang ang ginawa nitong pagmamakaawa kanina.
The look on his eyes also made her heart chills.
"Reina…" Tumitig ito sa kaniya. "I've loved you but you chose to reject me. Now that you've made a choice, then don't regret it."
His face void any emotion and his tears stop from falling. Matigas ang mukha nitong tinitigan siya sa kahuli-hulihang pagkakataon bago tumalikod.
"Since you are of no use, then trash like you need to be disposed of."
And he left.
Saka naman biglang may pumasok na limang lalaki at pinalibutan siya. May mga ngisi sa mukha nitong biglang mas nagparamdam sa kaniya ng matinding kilabot.
"Ang sabi ng Boss tayo na daw ang bahala kung ano ang gagawin sa kaniya," ani ng isa sa kanila at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Mapapakinabangan pa'to bago dispatsahin."
Nakuha naman ng ibang mga kasama ang ibig nitong sabihin. At kahit siya!
Ramdam niya ang matinding kilabot na dumapo sa buong pagkatao niya lalo na ng makita ang halimaw at apoy sa mga mata nila.
"Kaso nakakawalang gana tignan ang pagmumukha niya, pare," ngiwi ng isa at binigyan siya bigla ng isang malakas na sampal.
"A-Ah! " malakas siyang napaigik sa sakit dahil sa ginawa nitong pananakit. Lumapit naman ito at hinablot ang panga niya saka ngumisi.
"Heh, magagawa yan ng paraan," nakangising ani ng isa at may kinuhang black trash bag. Lumapit naman ito at binuka ang dala, bago pa siya makahuma ay malakas siyang napasinghap nang bigla nitong isuot ang trashbag sa mukha niya.
Kaagad nitong tinali ang plastik at nagsimula siyang mapasinghap ng ilang beses. Nahihirapan siyang huminga!
"Oh, ayan, wala ng panget. Simulan na na'tin ang kasiyahan!"
And the next thing that happened completely ruined her as a human being.
She can feel their rough touches, their heavy breathes and their disgusting kisses all around her body. Sinubukan niyang mas lalong pumiglas pero sa higpit ng pagkakatali sa kaniya ay wala siyang magawa.
Wala siyang nagawa para protektahan ang sarili niya sa kahit na huling pagkakataon. Ngayong wala na ang dignidad niya't lahat lahat, ano pa nga bang saysay ng lahat.
Konting-konting hangin na lang ang nalalahanghap niya at kung magtatagal pa ay mawawalan na siya ng hininga. She felt like there's a very big lump on her throat and she was drowning.
She couldn't breathe while her body was assaulted like a useless toy.
Gusto niyang umiyak ng pagka lakas lakas kasi sirang sira na siya. Gusto niyang humagulhol para ilabas ang nararamdaman. Ramdam na ramdam pa niya ang paghawak nito at kahit hindi niya ito nakikita ay hindi iyon mababawasan ang disgusto at simpatya niya para sa sarili.
Pero ano nga ba ang magagawa niya? Wala.
Kaya naman sobrang diin ang kagat niya sa mga labi na nalalasahan na niya ang dugo sa bibig. Tuluyan nang nanghina ang buong katawan niya at hindi makakilos habang mukhang natapos na din ang mga ito sa paggamit sa kaniya.
"Anong susunod na gagawin?"
Someone laugh. "Ano pa ba edi dispatsyahin. Tapos naman na tayong maglaro. Wala ng silbe ang babaeng'to."
Bilisan niyo. Tapusin niyo na'ko. piping hiling niya.
Gusto na niyang mawala para matapos na. Ayaw na niya.
Until suddenly, she felt an excruciating pain engulf her body.
"A-Ah!" daing niya sa sobrang sakit. Ramdam niya ang matalim at malamig na bagay na bigla na lamang sumuot sa kaniya.
Someone stab her. Hanggang sa paulit-ulit siya nitong sinaksak sa iba't ibang klase ng katawan niya at ang pinakahulihan… ay sa puso niya.
Bigla din siya nitong sinipa kaya muli siyang natumba kasama ang upuan.
There was a moment of silent until she felt a hand on the trash bag at pagkatapos ay marahas nitong inalis sa mukha niya.
Kaagad naman siyang huminga ng malalim ng ilang beses para habulin ang nawalang hangin pero mas lalo lamang siyang nagalit. Bakit nito inalis? Sana hinayaan na lang siya nitong mawalan ng hininga para mamatay na lang siya!
Pinilit niyang hindi sumigaw sa sobrang sakit at ramdam na niya ang unti-unting pagbaba ng talukap ng mga mata.
Pakiramdam niya ay may kung anong pwersa ang unti-unting humihila sa kaniya so she can't help but to wonder if it's the death who finally came for her.
Ito na ba ang katapusan? Kung ganun… tatanggapin ko. Ayoko na. Ayoko na sa buhay na'to.
Sunod sunod na pumasok sa isipan niya ang nakaraan at hindi niya mapigilang punuin ng galit ang puso. Pero anong magagawa ng galit niya kung mamamatay na siya ngayon? Walang silbe.
Talo siya.
K-Kung sana... kung sana hindi lang ako nabuhay sa ganitong klaseng mundo. Kung sana hindi lang ako panget. Kung sana hindi lang ako nagpakatanga at nagbulag-bulagan sa pekeng pagmamahal na pinakita kita. Kung sana... kung sana hindi sila dumating sa buhay ko... siguro hindi mangyayari'to.
Bago niya tuluyang hayaan ang sarili na mawala na, wala sa sariling dumako ang tingin niya sa pintuan at nakita ang isang taong nakatayo doon.
Walang emosyon ang mukha nito na para bang wala silang pinagsamahan at hindi nitong sinabing mahal siya.
Reim, I thought you loved me even for a bit pero hinayaan mong gawin nila sa akin to.
Their eyes meet for the last time before she finally closes her eyes and surrenders her life.
Kung magkakaroon man uli ako ng buhay... magbabayad kayong lahat.
****