Kabanata 10: Reika and Reina

1543 Words
Kabanata 10: Reika And Reina Reika Montefalco, that's the name of the original's body. Hindi man kapani-paniwala pero mukhang unti-unti nang natatanggap ng isip niya ang nangyayari. Isang milagro pero mukhang muli siyang nabuhay sa katawan ng ibang tao. Is this what they call as reincarnation? Hindi man talaga kapani-paniwala pero ito lang ang rason niya sa lahat ng tanong sa nasa isip niya. Hindi lamang niya inakalang mangyayari iyon sa buhay niya. Dahil ba sa sobra-sobrang pagdurusang dinanas niya kaya pinagkalooban siyang mabuhay ulit? Bakit? Bakit sa lahat ng tao ay siya pa? At bakit sa babaeng ito? Bakit kay Reika? Sino siya? Anong naging dahilan? Sa totoo lang ay bukod doon ay inaalala niya rin kung paano mabuhay sa katawang ito. Kung iisipin ay nakakabahala rin ang sitwasyon niya dahil hindi niya alam kung paano mamuhay bilang ibang tao. Isa pa, maya-maya rin ay pumasok sa utak niya ang lahat ng alaala ng totoong Reika at isa lang ang masasabi niya. Chaos. Reika Montefalco is clearly a wild woman just like her name sounds like. A black sheep of the family. Nag-iisang babae sa isang mayaman at ma-impluwensiyang pamilya pero siya pa ang nawala sa matinong landas at kung saan saan gumagawa ng kalokohan. Palagi itong sakit sa ulo hindi lang dahil sa mga kalokohan kundi pati na rin sa pag-aaral. Reika is very lazy to study. Wala sa pagiging babae nito ang tumino kaya kung saan saan na lamang nagwawaldas ng pera. Pero kahit sa lahat ng gulong ginagawa nito ay nakakalusot pa rin. Sa simula ay akala niya ay dahil sa maimpluwensyang pamilya ito. Maraming koneksyon ang pamilya nila at isa pa ay may-ari din ng isang sikat na kompanya ang kapatid kaya kahit anong gawin ni Reika ay spoiled siya ng pamilya lalo na't siya lang ang babae sa magkakapatid. Pero nang pumasok sa kaniya ang lahat ng alaala ng dalaga ay doon niya nakita ang totoong sitwasyon nito sa loob ng bahay. Hindi siya tinuturing na kasapi ng pamilya sa loob ng bahay. All the things that Reika did... ay para lang makuha ang atensyon ng pamilya niya. Since Reika isn't outstanding ever since she was a child, aside sa pagiging maganda ay kahit kailan ay hindi man lang ito nag excell sa pag-aaral o sa talent. Ayos lang sana kung sa simpleng pamilya lamang ang kinabibilangan niya pero hindi. Montefalco is a wealthy family. Masyadong strikto ang pamilya nila at dahil hindi nakukuha ni Reika ang expectations ng pamilya ay hindi siya nito pinagtutuonan ng pansin. Palagi na lamang pang-iinsulto at away ang naranasan niya sa kamay ng sariling pamilya. Until such time, her family learned to isolate her. Wala na itong hinihingi na kahit na anong excellence sa kaniya pero ang kapalit naman nito ay ang hindi nila pagtuon ng pansin sa kahiya. Sa nakita niyang memorya ay wala pa siyang nakikitang oras sa buhay nito na binigyan siya ng pagmamahal galing sa sariling pamilya. Maski ang sariling ina ay wala ring pakialam sa kung ano man ang nangyayari sa kaniya. So Reika learned to be the black sheep. Sa isip niya na sana sa kahit man lang sa pagiging bastarda ng pamilya ay paglaanan siya ng pansin nila. Nagkatotoo naman. Napapansin siya ngunit mas lalo lang lumalala ang pagtrato sa kanya. Mas lalong lumalayo ang pamilya dahil sa ginagawa niyang gulo imbes na ayusin na lamang ang sarili. Parang pinaplastik lang din sa panlabas katulad ng sa kaniya noonsarilig Reina pero ang kaso nga lang ay alam nito ang sitwasyon. Unlike her who was fooled until the very last time. Reika… her total opposite. She can recall in her memories that she was a very very bad and wild girl. So as Reina, paano siya mabubuhay bilang isang babaeng complete opposite niya? Anong gagawin niya para mabuhay bilang isang Reika? Wala silang pagkakatulad at hindi niya alam kung paano mabuhay sa ganitong paraan. Anong gagawin niya? Anxiety crept inside her as multiple thoughts crossed her mind. Paano kapag nalaman nilang hindi na pala siya ang totoong Reika? Matatakot ba sila? Ituturing ba nila siyang isang halimaw o kaya nama'y isang masamang esperitung nagnakaw ng katawan ng iba?! Ilang beses naman siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Relax. Kaya mo 'yan. Walang makakahuli sa'yo, Reina. Kayang kaya mo 'yan," pagpapakalma niya sa sarili at huminga ng malalim. Paunti-unti naman siyang bumangon sa higaan at pumunta sa banyo. Tumingin siyang muli ng matiim sa bagong mukhang nakikita niya sa repleksyon. Ngayong nasa ibang buhay at katawan na siya, siguro naman, magbabago na ang kapalaran niya, diba? Reika looks very stunning and even she can't help but to look very closely at her. Kung sa ganitong ganda, siguro ay wala nang mang-aasar sa kaniyang pangit siya, hindi ba? May tatanggap na siguro sa kanya, hindi ba? Siguro naman ay hindi na siya mag-iisa. Kumuyom naman ang mga kamao niya. Her eyes turn very cold as she reminisce about her miserable life as Reina. "Now that I am her, pinapangako ko sa sarili kong babaguhin ko ang lahat ng naging takbo ng buhay ko noon. I'll live the life that I wanted the most... without those people." This time. She promised herself to not be fooled by anyone. That's it, Reina— ah, no. Reika. I am Reika. Huminga siya ng ilang beses muna bago tinungo ang shower saka hinayaan ang sarili na mabasa. Hindi naman niya maiwasang hindi usisain ang nangyari kanina. Hindi niya masyadong makita ang mukha ng lalaking yun kaya hindi niya talaga ito nakikilala. But base on his voice and how he treated her, it seems that that guy has a grudge on Reika. Pinapalayo nito si Reika. Ibig sabihin ay si Reika ang humahabol sa lalaki? Then it's okay. Hindi na siya magpapadala sa lalaki ngayon. She had enough already. Itong bagay na ito na siguro ay unang una na hindi niya susundin bilang si Reika. Hindi na siya interesado sa pag-ibig. Tama na ang kataksilang naranasan niya dahil sa ginawa ng dalawa. Besides, gayung magpla-plano siyang umiwas ay siguro naman ay magiging masaya na ang lalaking iyon, hindi ba? Hindi na niya ito guguluhin kagaya ng gusto nito. Pasensya ka na, Reika pero mukhang hindi ko kayang sundin muna ang puso mo ngayon. *** "Reika! Where have you been last night?!" iyon kaagad ang pambungad sa kaniya nang makapasok siya sa loob ng bahay. Bungad na bungad agad sa kanya ang mga magulang na nasa living room na mukhang hinihintay ang pagdating niya. Agad siyang natigilan. Anong gagawin niya? If she's still Reina, she will just let her head down low and say countless sorrys. But now that she's Reika… What will she say? Bago pa siya maka-isip ng isasagot ay may nauna na bigla. "Mom, why are you even questioning her where she was? Paniguradong nasa bar lang yan buong magdamag." napalingon naman siya sa nagsalita at nakita ang isang lalaking pababa sa hagdan. Raver Montefalco, Reika's second older brother. He's 22 years old and already in his 3rd year college— Engineering. Meanwhile, Reika's in her last year in high school. Magkaaway ang turingan ng dalawang magkapatid kaya agad na umakto na hindi nagulat sa ugali nito. Kailangan niyang panindigan ang pagiging bagong siya. Base sa nakikita niya, hindi naman niya talaga din masisisi iyon kung ganito ba naman ang ugali ni Reika. Walang tumuturing na pamilya sa kaniya sa loob ng pamamahay na'to. Huminga naman siya ng malalim. Teka, ano nga bang dapat niyang sabihin o iakto? Napatingin siya sa tatlong nakatingin sa kaniya ng masama. She's starting to feel uncomfortable especially when they keep on staring at her like that. The annoyance and disgust on their faces makes her remember her past life. Agad siyang nakaramdam matinding kirot ng puso. Wala pa rin palang magbabago. Marahas siyang napailing para waksiin iyon at agad na sumakit ang ulo. Kung kaya't walang sali-salita siyang tumakbo papunta sa taas nang hindi pinapansin ang tatlo. Mabilis siyang pumasok sa kwarto at agad na binagsak ang sarili sa malapad na kama. She groaned in annoyance as the beat of her heart starts to calm. She still can't stand those stares. She can't still help but to reminisce about her past self when those eyes are staring at her. Mga matang punong-puno ng panghuhusga at disgusto. Ang mga klaseng mga matang iyon ang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan. Bakit ba hindi niya pa rin matakasan iyon? Nakawala na nga siya biglang isang Reina. Isang Reina na palaging hinuhusgahan dahil sa panlabas na anyo. Pero ngayong si Reika naman siya, ganun parin. Hinuhusgahan parin siya dahil ito parin siya. Walang kwenta sa paningin nila. "Gusto ko ng umalis rito. Ayoko ng maranasan ulit ang buhay na yun," aniya. She will never let anyone control her like a robot again. She has her worth at papatunayan niya iyon bilang isang Reika. Kumuyom naman ang mga kamao niya. "Don't worry, Reika. We'll help each other grow together as one," pangako niya sa dating may-ari ng katawan. Sa gabing iyon ay doon niya tuluyang pinag-aralan ang mga memorya ng dalaga at nag-isip ng mga plano para sa future niya mismo. Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin niyang mas magiging matatag at malakas siya sa lahat ng bagay. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD