Kabanata 11: First Step
"I want to move out."
Yan kaagad ang pambungad niya sa mga magulang at ni Raver nang maka-upo siya sa hapagkainan kinabukasan para mag-almusal.
Napatigil naman ito at napatingin sa kaniya pero pagkakunwa'y napaismid ang kapatid.
"Stop talking nonsense, Reika."
"I really want to," seryoso niyang ani na muling nagpatigil sa kanila.
"Reason?" tanong ng ama at bago pa siya makasagot ay sumingit na naman ang kapatid.
"She just want to para wala ng kokontrol sa kanyang pumunta sa bar."
She shook her head. "No. I want to be independent—”
Natigil siya sa pagsasalita nang bigla itong tumawa ng malakas. He's looking at her like she said something so hilarious.
"Independent? You can't even cook or clean. How could you?"
Hindi niya lang ito pinansin at bumaling sa mga magulang. Reika's Mom is looking at her silently then she turn to her husband.
"I'll give you what you want."
"Dad!" singhal ni Raver.
"Really?" Para siyang nakaginhawa ng maluwag doon. She can't live with people anymore. Hangga't may kasama siyang laging tinitignan ang kilos niya ay bumabalik lang sa isipan niya ang tungkol sa ginawa ng mga dating magulang.
"But I have a condition."
"What?"
"About your grades, Reika. You're graduating. I'm not expecting that you can ace it but you have to improve it. Halos lahat bagsak. Nakakahiya," anito na kaagad niyang sinang-ayunan. That's fine.
But Raver interfered again. "She'll find a way to cheat."
"Oh don't dare. Or I'll cut off your allowance and even forbid you to go to bars." Tumingin naman siya sa iba pa na halata sa mukha ang sarkastiko at pang-iinsulto dahil alam nilang wala siyang kakayahan.
If it was the original Reika then she'll probably lash out in anger but she's not. Kaya niyang patunayan iyon at trabahuin iyon kung sakali man.
It's just that seeing their distraught and mockery, doon lamang niya mas napatunayan na halos wala rin palang pagkakaiba ang pamilya nila ni Reika.
Mga parehong hindi kayang tumanggap ng isang flaw dahil lang nasanay silang nasa itaas at perpekto ang nakikita. All of them are arrogant people who thought that the world would bow just for them. Mga walang konsiderasyon sa pagkakamali and would never enjoy simple things in life as they love extravagance and luxury.
Hindi na nakapagtatakang ganito ang ugali ni Reika. If they really cared for her, they would never let her become this way. Kung talagang may pakialam sila sa sariling kadugo ay hinding hindi nila hahayaang maging ganito si Reika.
Noon ang naging kulang sa kanya ay ang pisikal na nais nila, ngayon naman ay utak.
However, this time Reina didn't want to use her brain to get along with them. She won't believe to a love that came from a purpose dahil alam niyang mawawala lamang iyon kapag nawala din sa kanya ang mga bagay na gusto nila.
Right now, ang gusto lamang niya ay mamuhay ng bago at matiwasay.
She nodded. "Okay. I'll accept."
Kimi lang itong tumango at nagtuloy na sa pagkain.
"I have to go," aniya at tumayo. Sandali siyang napatigil dahil hindi niya alam kung paano magpaalam pero base sa kilos at ugali ni Reika, hindi niya ugaling gawin iyon kung kaya't walang lingon-lingon siyang umalis na.
"Ma'am, yung susi niyo po." Bigay sa kanya ng isang bodyguard. Wala sa sarili naman siyang napatitig sa susi na nasa kamay. Reika knows how to drive but she doesn't. Kahit pa alam ng katawan niya ay hindi pa rin siya komportable. At wala pa siyang kompyansa sa sarili dun.
"Drive for me," aniya sa papaalis na sanang bodyguard.
Napakurap naman ito. "Ma'am?"
"Drive. Tinatamad akong magmaneho," rason niya na lang. Kita paring naguguluhan ito pero sumunod na lang. Of course he will. Recalling from the host's memory, she loves to drive kung kaya ay hindi na ito nagpapahatid. Para na din walang magsusumbong rito kung saan man siya pumunta.
Speaking off, kailangan ba niyang pumunta sa bar mamaya? Siguro? Baka magtaka sila kung hindi.
Napabuga na lang siya ng hangin at pumasok na sa kotse nang pumarada ito sa harapan.
"Tara na," aniya habang hindi tumitingin rito. Nakatingin lang siya sa tanawin sa labas pero kumunot ang noo niya nang makita ang bodyguard sa labas.
Wait what? kaagad siyang bumaling sa driver's seat at bago pa siya makahuma ay umandar na ito ng mabilis paalis.
"Hey! Stop!" sigaw niya sa kung sino man. Hindi naman ito tumigil at nagtuloy-tuloy lang hanggang sa makarating sila sa isang traffic area.
"Don't bother to escape." Isang malalim na boses ang pumukaw sa kaniya nang tangkain niyang buksan ang pinto. Agad siyang natigilan at napaawang ang labi nang maalala ang boses na yun.
That voice is from the man last night.
Muli siyang bumaling sa harapan at sinalubong siya ng mga matatalim na mata sa rear view mirror ng kotse.
"Sino ka?" tanong niya at umismid ito. Lumingon naman ito sa kaniya sanhi na makita niya ng tuluyan ang buong mukha nito dahilan para mas lalo siyang mapasinghap.
"Seems like you forgot me already? We had a night last time, didn't we?" sarkastikong ani nito sa kaniya.
Trouble. naiusal niya na lang sa isipan.
"Anong kailangan mo?"
"Let's talk."
"About what?" Pero hindi na ito sumagot at nagpatuloy na lang sa pagdrive. Wala naman siyang nagawa kundi ang mapabuga ng hangin at tumingin na lang sa labas.
This man... he's actually the man that Reika fell in love with. Kitang kita niya mula sa alaala ng dalaga kung paano ito palaging hinahabol ang lalaki. Even if Reika kas countless ex boyfriends, palagi pa rin itong gumagawa ng paraan para makuha ang atensyon ng lalaki. Deliberately and intentionally do some things just to attract his attention. Ang kaso ay dahil sa pagiging arogante nito at sa hindi magandang pag-uugali ay kahit kailanman ay hindi siya pinagbigyan ng binata.
As much as she likes him is also how much he dislike her. Wala itong preno kung magsalita at walang pakialam kung mapahiya man siya.
And last night... Reika pretended to get drunk and intentionally went to him. Ang balak sanang gawin ng dalaga ay ang lumapit lang sa binata pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay lasing pala ito. He was drugged with aphrodisiac kaya nang bigla itong naging maingat ay kahit alam niyang wala sa wisyo ang binata ay pinatulan pa rin ito ni Reika.
And halfway on that, doon siya biglang pumasok sa katawan ni Reika.
Reina isn't interested on him. Kotang kota na siya sa nangyari sa kaniya sa kamay ni Lhoreim at wala siyang balak na ipagpatuloy ang paghahabol na ginagawa ni Reika. She doesn't want to dwell in love this time.
Pero dahil mukhang hindi niya makatasan ngayon ang lalaki, she has no choice but to let him lead her to nowhere pero hindi ibig sabihin nun ay hahayaan na niya itong gawin ang gusto nito.
She doesn't trust anyone so she must stay guarded at all times.
Tahimik ang lumukob sa kanila hanggang sa napansin niyang huminto sila sa parking lot ng isang bar.
Dammit. I have to go to school. Kailangan na niyang simulang magtino sa pagpasok para payagan siyang bumukod pero dahil sa lalaking ito ay mapupurnada pa ang plano niya. Wala siyang nagawa kundi ang buksan na lang ang pintuan at lumabas pero bago pa siya makakilos ng susunod na gagawin ay muli siyang napasinghap ng malakas nang itulak siya nito sa kotse.
Nanlaki agad ang mga mata niya nang bigla itong lumapit at hinawakan ang magkabila niyang balikat. Sinubukan naman niyang pumalag dahil sa sobrang lapit nito pero muli lang siya nitong tinulak sa kotse.
"Ano ba?!" galit niyang sigaw dahil sa lakas ng tulak nito.
"Stop wriggling!" singhal nito na mas ikina-inis niya.
"Then stop pinning me!" balik niyang sigaw rito dahil sa rahas ng kilos nito sa kaniya.
"I said stop moving, woman!" Wala naman siyang magawa kundi ang tumigil na lang at kunot noo itong tinignan.
"I have a name," reklamo niya pero sa mahinahon niyang boses.
"Really?" Bigla bigla itong ngumisi at nilapit ang bibig sa tenga niya saka bumulong.
"Then who are you?"
Parang bigla namang binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig si Reika sa narinig.
Alam niyang imposibleng malaman nito na may ibang tao na sa katawan ni Reika pero bakit bigla siyang kinilabutan sa tanong nito? Nagdududa ba ito sa kaniya?
But isn't it right? Noon ay halos maging aso na si Reika kakahabol sa binata at hindi talaga nito tinatantanan kahit pa anong pag-papaalis ng binata pero ngayon ay bigla bigla na lamang umiba ang ihip ng hangin.
Dahil ba sa ginawa niya kaya nagduda ito? Dapat ba hindi niya sinunod ang gusto at nagpatuloy na lang sa pagsunod sa binata kagaya ng ginagawa ni Reika?
Anong gagawin niya?
He doesn't know anything, does he? Isang gabi pa lang naman ang lumipas at isa pa, ayaw na ayaw nito kay Reika, hindi ba? Kaya paanong mapapansin agad ito ang pag-iiba niya?
Reina, Reina, what to do? Walang pwedeng makaalam ng totoong pagkatao mo.
****