Kabanata 12: Act As Reika

1583 Words
Kabanata 12: Act As Reika Inipon naman niya ang lakas ng sarili saka umakto sa harap ng lalaki na para bang walang nerbyos na nararamdaman. “I am who I am.” She plainly said to him pero umismid ito. “Wala ka na bang kailangan sa akin? Dammit, I wasted my time,” inis niyang ani at aakmang aalis pero nagsalita ito. “Wait up.” Hindi naman niya ito hinarap. “Let's go inside. We need to talk.” at hindi man lang siya nito hinintay na pumayag at nauna nang pumasok. She scoff. She's not Reina anymore nor the Reika na habol ng habol sa binata. Tsaka isa pa, hindi ba't ito na lang rin ang nagsabing lumayo na siya? Ginawa naman niya ang gusto nito pero bakit parang ito na ang kumukulit sa kanya? Kaya naman imbes na sundan ito sa loob ay mabilis siyang kumaripas patakbo palayo sa bar at agad na pumara ng taxi para umalis. Bago makalayo ang sasakyan ay muli siyang lumingon sa bar at nakita itong nakatayo sa may pintuan. Even if there's a distance and the glass window in front of them, she can still feel his glares on her. Ngumisi lang siya rito at inirapan bago tinalikuran. Buti nga sa'yo. .... The moment Reika step inside the room, everyone went in silence as they look at her as if they had seen a ghost. Hindi naman niya iyon pinansin at agad na lumakad papunta sa likod at tahimik na umupo. Umakto naman siyang hindi niya ito nakikita ay dumiretso na lamang sa upuan. Binuksan niya ang dalang libro at napaisip sa planong gusto niyang gawin. Kagabi nang maisip niyang 'magtino' para payagan siyang umalis sa bahay ay agad niyang kinuha ang mga nakatambak lang na libro sa kwarto ni Reika. She found out na history and culture pa talaga ang kunuha nitong kurso kahit pa halata namang hindi interesado si Reika rito. Kaya naman para masimulan na ang plano ay agad niyang ni review ang mga libro para mas mabilis na makahuma. She died when she was still a senior high at ngayon ay isa na siyang 2md year college student. Mabuti na lamang ay nasanay na siyang mag-aral ng mga mas mataas na baitang kaya hindi na siya nahirapan pa. Kaya naman sa araw na ito ay sisimulan na niya ang panibagong sarili. Gustong gusto niyang umalis sa bahay kaya sisiguraduhin niyang mas do-doblehen pa niya ang pagseseryoso sa pag-aaral. And besides, everything's feels unreal to her. When she was walking on the hallway, she felt the gazes of the students around her— just like her past pero ang kaibahan nga lang nito ay ang mga emosyong nakikita niya. When she was still Reina, puno ng disgusto ang mga matang tumitingin sa kaniya. Ngayong siya na si Reika, ramdam niya ang mga manghang tinginan ng ibang tao sa ganda niya. Kahit pa alam ng lahat kung gaano kapangit ang ugali niya ay hindi pa rin nun maiiwasang mamangha sa kagandahan niyang taglay. Kahit alam niyang hindi naman talaga para sa kanya yun kundi sa totoong Reika, hindi niya parin maiwasang makaramdam ng tuwa sa puso niya. All her life, she received countless of displeasure from everyone even though she's always trying her best to satisfy them. Kaso wala, kahit anong gawin niya, hindi parin siya kayang tanggapin ng lahat. Her hands clench as she remembered her past life. Hindi siya nagsisising napunta siya sa bagong buhay na'to. Nagpapasalamat siya't binigyan pa siya ng isang pagkakataon. Isa lang ang gusto niya mula sa unang buhay, her grandfather. Totoo nga kayang wala na ito? Totoo kayang dahil sa kaniya kaya namatay ito? Gusto niyang hanapin sila— ang lolo niya. Pero wala siyang lakas ng loob. Hindi niya kaya. Hindi pa. Naiisip pa lang niya na muli niyang makikita ang mga halimaw na yun ay unti-unti na naman siyang nilalamon ng galit at puot. At yun ang iniiwasan niya sa ngayon. She might do something impulsive so she has to stay away as possible first. Hindi pa siya malakas. Wala pa siyang laban kaya magtitiis muna siya. I'll surely be back soon. aniya sa isipan. Ilang minuto pa ay tumunog na ang bell at maya-maya'y pumasok ang isang babae. Their professor perhaps. She was about to greet her students when her gaze landed on her that made her stupefied. “Ms. Montefalco?” tawag nito na halatang hindi makapaniwalang makita siya. She just nod at her. Sandali lang na nagulat ang guro at pagkatapos ng gulat ay bumaladha sa mga mata nito ang inis at disgusto. Bigla itong pumewang bago nagsalita; “So, you finally had the guts to come here?” There was a mockery on her voice dahilan para muling tumahimik ang klase. The atmosphere became heavy but she could see the provocation in everyone's eyes. They are clearly enjoying the upcoming show. “Did the sun rose at west today? Naging puti na ba ang uwak? Montefalco, stand up!” utos nito at tahimik nga siyang tumayo. “Heh!” bigla itong napa-ismid sa katahimikan niya. “You're not making a fuss? Na-untog na ba ang ulo mo at hindi ka makapagsalita?” Agad namang nagtawanan ang klase saka nagsimulang mag-ingay. “Maybe her family can't tolerate her anymore that's why they gave her a punishment,” anito. “Talaga? Sa ugali niyang 'yan impossibleng pumayag siya. But look at her temperament, nagpapa-good girl.” Another female student laughed in ridicule. “Good girl? Shocks. She's very far from that. More like a trashy devil.” Mas lalo atang sumingkit ang mga mata niya nang makitang hindi man lang nito sinaway ang mga estudyante na nang-insulto sa kanya. “So, Montefalco, care to tell us what happened?” tanong nito. Pinakalma naman niya agad ang sarili at sumagot kagaya ng pag-uugali ni Reikam “Why do I'll waste my time and breathe to explain it to you?” sarkastiko niyang ani dahilan para mamula sa galit ang mukha ng guro. “Y-You!” hindi makapaniwalang ani nito. Ngumisi siya. “Don't bother with my business. Just do yours.” “I'm your Professor, Ms. Montefalco!” galit nitong sigaw. Tumaas ang kilay niya. “And so? You are only required to teach and write grades. Wala kang karapatan na manghimasok sa personal na buhay ng mga estudyante unless you have permission to do so," mas lalo siyang umaktong sarkastiko. “Moreover, imbes na i-encourage ang student dahil pumasok na ay ininsulto mo pa. Iyan ba ang trabaho mo?" “Montefalco!” Pulang-pula na ito sa matinding inis. “Have some respect! Hindi mo ako dapat tinatrato ng ganito!" “I shouldn't? Respect?” mahina siyang tumawa. "Bakit ko bibigyan ng respeto ang taong hindi naman kayang respetuhin ako? I only give respect to those people who can be humans, not for monkeys like you." “I'm your Prof!” “Oh, you are." Tumango tango si Reika. "Of course I knew. Pero dahil ba guro ka ay may karapatan ka nang mang-insulto ng mga estudyante mo? It's not the 'proper' way of being a teacher." Tumingin siya sa ibang mga kaklase. “Also, you let them mocked me. Ganyan ba ang maging isang guro? Letting your student being bullied kung wala naman itong ginawa kundi ang manahimik lang sa tabi?" Sobrang tahimik ang buong classroom habang pinapakinggan nila ang mga sinasabi niya. Tumingin ulit si Reika sa prof na pulang pula na sa galit “Since you want to be treated as a student edi umakto ka nang parang estudyante! Bakit hindi ka sumali ka debate competition? Nang sa gayon ay maging estudyante rin ang mga grades mo, Montefalco!" sigaw nito. Dahil sa sinabi nito ay ang kaninang hiya na nararamdaman ng iba dahil sa mga sinabi niya ay biglang nawala at agad siyang tinignan na may halong pang-aasar. Halata ang pang-iinsulto sa mga mukha nila dahil alam nilang hindi iyon kaya ni 'Reika’. Pero paano kung ibang 'Reika’ na siya? Reika inwardly smirk. Do they think she'll back down? After all, this is actually a great opportunity para mas patunayan ang sarili niyang kaya niya. Kaya naman imbes na magalit ay tumango siya agad sa suhestyon ng guro. "Sure." Hindi niya na pinansin ang gulat at bulong-bulongang pang-iinsulto nila at muli na lamang binalik ang sarili sa pagtanaw ng paligid sa labas. And when the bell rings again, rinig parin niya ang mga bulong bulongan nila na hindi niya pinagtuonan ng pansin. Agad siyang lumabas ng room para sana pumunta sa susunod na klase nang naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone. She took it from her bag and saw a message from the original's friend— Mitch. From Mitch: Hey, I heard you're in school? s**t, anong na-inom mo?! Nasobrahan ka ba sa alak kagabi?! Let's meet up! She frown. Isa pa pala ito sa problema niya. Halos lahat ng kaibigan ni Reika ay bumalkbol din kagaya niya. Kailangan niyang dumistansiya para na rin sa pagpaplano niyang ‘tumino’. Hindi na siya nag-abala pang mag-reply at aakma na sanang hahakbang nang mapansin niya ang isang pares ng sapatos sa harapan niya. Someone's in front of her. Agad siyang tumingala at sumalubong sa kaniya ang isang taong nakatingin sa kanya na may bahid ng matinding pagka-irita. Wala sa sarili siyang napaatras pero mabilis pa sa alas kwatrong kinuha nito ang braso niya para hindi na siya makawala. Lumapit ng bahagya ang mukha nito at bumulong, “Gotcha.” ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD