Kabanata 13: Levian

1597 Words
Kabanata 13: Levian Wala sa sarili namang napaatras si Reina at nang makitang napataas ang kilay nito ay agad niyang pinilit ang sarili na ikalma. Napabuga siya ng hangin sa inis. “What do you want?” May halong inis niyang ani. “Just follow me,” anito at aakmang aalis na pero nagsalita siya. “I have classes.” Napatigil ito sa sinabi niya at nakita niya ang pag-angat ng sulok ng labi nito. “Really? As far as I know you don't do classes.” Gustong irapan ni Reika ang binata sa inis. “Ano ba kasi talagang kailangan mo?" "Sumama ka muna." May topak ba ang lalaking 'to? Gustong gusto mapamura ni Reika sa isipan. Hindi na niya ito maintindihan. Hindi ba't sa pagkatatanda niya ay ayaw ng lalaki sa kaniya? Kaya bakit siya nito kinakausap at parang umaarteng hindi siya nito pinagtabuyan ng husto? “Can you just stay here and say what you want? Hindi iyong kung saan saan mo pa'ko dadalhin. Sabihin mo na lang kung ano ang pakay mo nang matapos na," aniya. Masyado itong sagabal para sa kaniya lalo na't marami pa siyang gagawin. She needs to perfectly played as a good student para maka-alis na siya agad sa bahay. At kung sisingit pa'tong taong'to ay baka bumilyaso pa ang mga plano niya. “Montefalco, you need to come with me. You must come with me," pagdidiin nito. “Where? Doon sa bar? Tsk. Can you just find another woman to play with? Isa pa, hindi ba't kakasabi mo pa lang na ayaw mo na akong makita? Anong nangyari?” Pagkasabi niya nun ay naglakad na siya paalis bago pa ito makahuma. Nang makaabot siya sa susunod na classroom ay muli siyang nakahinga ng maluwag at napa-iling. Ano bang problema ng lalaking'yon at laging nambwi-bwisit? Hindi ba dapat ay magsasaya na ito ngayon kasi hindi na ako humahabol sa kaniya? aniya sa isipan at pumasok na. She choose to sit again at the last row beside the window at sumubsub sa desk. Gusto niya sanang magpahinga muna sandali nang matigilan siya nang makaramdam ng kirot sa puso. Wala sa sariling sinapo ni Reika ang dibdib at bahagyang napakunot ang noo nang makompirmang sumasakit nga ang puso niya sa hindi malamang dahilan. Anong nangyayari sa kaniya? May sakit ba si Reika na hindi niya nalalaman? Agad na inalala niya ang mga alaala ng totoong Reika pero wala naman itong sakit lalo na sa puso. Kung hindi ay paano ito maglalakas loob na sumabak sa mga car racing at gulo? Siguro ay pagod lang siya at dahil masyadong maraming iniisip. Iyon na lamang ay rason na kayang ibigay niya sa sarili at mabuti na lamang at maya-maya ay tumigil na ang pagsakit ng puso niya. Napahinga siya ng malalim at bigla namang nag-vibrate ang phone niya. Kaagad niyang kinuha iyon at tinignan ang text na dumating. From: France ➢ Hey! Sikat ka na naman, girl! Haha. Look at the school forum! Mygad! Is it true na sasali ka sa isang debate competition? Pambihira. Nakahithit ka ba? Anong pumasok sa'yo?! Look! Totoo ba'to?! [link] Kaagad kumunot ang noo niya at kaagad pinindot ang link. Kaagad na bumulagta sa kaniya ang post tungkol sa pagsali niya sa research competition. ✎ Campus Face Reika Montefalco wants to join the debate competition! [-insert picture-] The picture of hers was in the classroom. Standing confidently as her gaze was stuck on their Professor with slight determination. Halata mong gusto nitong makakuha ng atensyon lalo na sa caption na nilagay ng post nito sa forum. Alam ng lahat na hindi siya palaaral kaya mas lalo na kung sasali pa sa school activities kaya nang lumabas ang balita ay agad itong dinumog ng sandamakmak na comments mula sa ibang estudyante. ➢ Oh, f**k! Haha! This is hilarious. Mas matatanggap ko pa sanang sasali siya sa pageant or modeling pero debate competition? Seriously? Anong akala niya magchichikahan lang duyan? ➢ I really wanted to know where she got that over confidence on her face. Masyadong arrogante na akala mo naman sa kanya ang buong mundo. I hope hindi siya tanggapin ng committee. ➢ Baka pwedeng i-advance ang competition? For sure everyone is willing to take time watching this. Haha! There will definitely be a show! Comedy show of beauty! ➢ Lol! She only has a face, she doesn't have the brain! Nakapasok lang naman yan dito dahil sa authority ng mga magulang niya. Kung hindi siya isang Montefalco, ewan ko na lang saan siya pupulutin. ➢ I heard that even her brothers are ashamed to be with her. Haha! Hindi na nakapagtataka. ➢ What's going on her mind? Was she drunk when she said that she'll join? Pfft! ➢ As part of the debate community, talagang nakakahiya ang gusto niyang mangyari. Pero we'll see kung hanggang saan aabot ang kakapalan ng mukha niya. Agad siyang nakaramdam ng galit para kay Reika sa mga nabasa. Ganun ba talaga kababa ang tingin ng tao sa kanya na kahit respeto man lang ay hindi nila kayang ibigay sa kaniya? Pero hindi. Nagkakamali silang lahat. Iisa na sila ni Reika ngayon. Tutulungan niya itong bumangon at ipakita sa lahat na kaya nilang tumayo at lumaban. Isa pa ay debate competition lang ito. Kahit hindi sumasali si Reina noon ay siya ang gumagawa ng manuscript ng explanation ni Silvia sa mga ganitong bagay kaya alam niya kung ano ang daloy. So she can do this, right? Ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili at tipid na napangiti. This life is giving her another opportunity to become a better person. So she will do her best to change her miserable fate. *** Hours had passed and it's almost night when her classes end. Sa buong araw ay maraming taong nakatingin sa kaniya. She can see the ridicule and laughter on their faces but she discarded it off. Sanay naman na siyang matignan ng ganun kaya wala na siyang paki-alam sa kung anong iisipin nila. Mas malala pa ang mga narasanan niya noon kaya wala na siyang paki-alam pa. Naglalakad siya palabas para umuwi na sana nang matanaw niya ang isang pamilyar na tao. Nang makilala ang taong iyon ay agad lumukot ang mukha niya sa inis. It's Levian again. Gustuhin man niyang umiwas sana rito ay wala na siyang nagawa nang magtama ang mga mata nila at naglakad ito agad palapit sa kaniya. She sigh. Pakiramdam niya't ang malas malas talaga't palagi siyang ginagambala ng lalaking'to. “What do you want?” She sounds annoyed at his presence. Para naman itong bato at hindi pinansin ang inis sa boses niya. “Come with me?” She sigh again. “Fine! Nang matapos na'to!” Nang makasakay na ay humarap siya sa bintana ng kotse at hindi pinansin ang tingin nito sa kaniya. Katahimikan ang umani sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sila sa kinaroroonan. And as expected, it's that bar again. She put her books in her bag at the store to follow him. “Sarado ata?” patanong niyang ani nang makitang tahimik ang lugar. “Yes. But it doesn't matter," sagot nito. Kumunot ang noo niya. “Bakit?” “Ako ang nagpasarado nito.” She raises her brow. “You're the owner?” “No.” “Kaya bakit nga?" Hindi muna ito sumagot at iginaya siya sa isang pwesto para umupo. He mentioned a bartender to bring her a drink before he settled on the other side. “What do you want?” kaagad niyang tanong. A trace of amusement flash on his eyes. Sa totoo lang ay talagang nahihiwagaan siya sa biglaang pagbabago ng kinikilos at pag-uugali nito. Levian know Reika for a few years dahil sa pagiging makulit nito para lang makuha siya. She did so many things just to catch his attention and finally something happened last night between them. Bigla namang siyang nakaramdam ng galit nang maalala ang nangyari kagabi. Someone drugged him with aphrodisiac! Kung alam lang ng lahat kung paano niya iniiwasan ang ganitong bagay lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Pero nangyari na nga, kaya ngayon ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Muli siyang tumingin kay Reika at bahagyang nagulat dahil sa ordinaryong ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Wala na ang pamilyar na obsession sa mga mata nito at may halo pa talagang inis at inip sa mga mata nito na ngayon lang niya nakita kay Reika. Hindi iyo ganiyan sa kaniya. Sa loob ng ilang taong paghahabol nito ay kahit kailan ay hindi pa siya nito pinapakitaan ng inis o inip. Kahit nga man lang magkita sila saglit ay sigurado siyang nakikita niyang masaya ang dalaga. Anong nagbago? Talaga bang wala na itong balak na guluhin siya? If it were in the past, talagang makagiginhawa siya ng maluwag. He really hates someone like her. Hindi sa talagang kinasusuklaman niya ang dalaga dahil kahit sobrang clingy nito ay hindi naman siya masamang tao. But apparently, Levian hates someone being pretentious and who's acting like mad in love. Pakiramdam niya ay nakakasakal na pagmamahal iyon at hindi niya gusto. Isa pa, kapag nakikita niya ang mga emosyong kagaya nito ay hindi niya maiwasang maalala ang taong kinasusuklaman niya kung kaya't mas lalo lang nadadagdagan ang galit niya kay Reika. Pero sa ngayon ay iyon nga sana ang kailangan niya. They are in deep trouble right now. Kailangan niya ang dalaga ngayon— nila ang isa't-isa lalo na dahil sa nangyaring init kagabi. Sumeryoso ang ekspresyon ni Levian at nagsalita na kalaunan. "Do you know something about gu worms?" ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD