Ikatlong Kabanata

2471 Words
Pagdating ko sa may dining area ay nakita ko si Zeus na nakaupo sa wheel chair niya. Siguro ay mauuna na siyang kumain. Pinuntahan ko na lang muna sila tita sa may kitchen. " Ano pong maitutulong ko?" " Ano bang sinasabi mo diyan Thea eh nurse ka ni Zeus. Kung nasaan si Zeus ay dapat andon ka. 'yon ang trabaho mo." sabi ni manang habang naghahain. " Tama si manang Myrna, Thea. Hindi mo naman kailangang tulongan kami. We can handle other things. Si Zeus lang ang alalahanin mo." sabi naman ni tita. " Eh wala namang pinapagawa si sir Zeus sa akin eh. Kaya hayaan niyo na lang po akong tumulong dito. Ang laki pa naman ng mansyon—I mean bahay." Lumapit naman si Chona sa akin at inakbayan ako. " Girl, 'wag ka nang mag abala. Kaya ko lahat ng ito 'no. Tsaka who says I'm weakened?" weakened? Anong weakened? Diba dapat who says I'm weak? Nevermind. " 'wag mo nang isipin ang sinabi ni Chona, Thea. Sasakit lang ang ulo mo. Mahilig kasi 'yang mag ingles hindi naman marunong." napatawa naman kaming lahat sa sinabi ni manang. " There's no harm in trying naman. Kaya go lang!" sabi ko. " Kaya nga eh! Si manang kasi eh, panira. Parehas kayo ng sinabi ni sir Zeus sa akin noon." napabuntong hininga na lang si tita. Siguro naalala na niya naman ang Zeus 'noon'. " Mabuti pa Thea, ay ibigay mo na kay Zeus ang pagkain niya. Nauuna kasi siyang kumain. Kunin mo na lang ang sa 'yo at pagkatapos ay sabay na kayo." sabi ni manang. " P-po? Sabay na lang po ako sa inyo ngayon tita. Mukhang ayaw pa rin kasi akong nasa gilid niya eh." pagpipilit ko. Paano naman ako makakain kung kasama ko si Zeus? I mean—sir Zeus. Ang awkward kaya! Tsaka baka mapanis talaga ang laway ko dahil hindi naman 'yon nagsasalita. Maliban na lang noong natanong ko kung si Ulyses ba siya. Nagtataka siguro siya kung bakit ko alam ang pangalan niya. " Okay. Pero bukas official na first day mo na talaga. You should be wherever Zeus is." tumango na lang ako. Dinala na namin ni Chona ang pagkain ni Zeus. Pagkalapag ni Chona ay agad naman siyang umalis. Pinanlakihan ko pa siya ng mata kung bakit iiwan niya ako. Ningitian lang naman ako ng bruha! Kainis! Hindi naman ako awkward kay Zeus kanina eh. Ngayon lang talaga ng nalaman ko na siya 'yong crush ko sa high school. My gosh! Nakakahiya 'yong mga pinaggagawa ko noon! Pero past is past na naman eh. Tsaka patient o alaga ko siya. Be professional Thea. " Uhm, hello sir! Here's your lunch po."pagbati ko sa kaniya. Nakatingin lang naman siya sa ilalim. Napatingin tuloy ako sa ilalim din. " Ano po bang meron sa ilalim sir?" tanong ko. Wala naman kasi akong nakikitang kakaiba. O baka naman nakikita niya ang mga alikabok. Hindi pala 'weakened' Chona ah. As usual, wala pa rin siyang response. Parang walang naririnig. Kaya sinimulan ko na lang na iserve ang pagkain niya. " Alam niyo po, sir. Nagulat ako kanina. School mate kita noon sa NOHS! Grabe what a small word." pagkwekwento ko. Siguro naman na bo-bored din siya kapag walang kumakausap sa kaniya. Nandito na ako, kaya at least may mapapakingggan siya. Sinimulan ko nang paghimayin ang pagkain niya. Isda kasi. Tsaka gumagamit naman ako ng utensils. Susubuan ko ba siya? 'yan kasi hindi naman nagsasalita 'to. Bahala na nga. " Hindi tayo mag ka batch pero kilala kita kasi syempre, famous ka kaya sa school noon. Ganoon talaga kapag basketball player tapos gwa—" " What are you doing?" Napahinto ako sa pagsasalita dahil nagsalita siya. T-teka, nagsalita na naman siya! " Papakainin ka po sir! Lunch na kasi hehe." sabi ko. Alangan naman na paliguan diba? Char joke lang. Ang sarcastic na tuloy ng naiisip ko. " My hands are fine. I can feed myself." sabi niya sa monotone na boses na naman. At ayan na naman siya sa mga titig niya na akala mo lumalagpas. " Ay. Ganon po ba? Pero ay sige." sabi ko na lang. Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsara at tinidor. Umupo naman ako sa harapan niya. " Ano po bang madalas niyong gawin sir? Naglalaro po ba kayo ng video games? O chess? Marunong naman ako sa board games!" Lumipas ang ilang segundo at hindi na naman siya sumagot sa tanong ko. Okay, mukhang may schedule siya sa pagsasalita. Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Binabantayan ko na lang siya habang kumakain kasi mahirap na. Baka mabulunan. Nakita ko namang paubos na ang tubig niya kaya nagsalin ako sa baso ulit. Nakatitig na lang ako kay Zeus habang kumakain siya. Okay lang naman kasi hindi pa naman ako talaga gutom. Parang ang tahimik. Nakaka frustrate naman ng katahimikan kaya binasag ko ito. " Sir Zeus, dahil ako na po ang personal nurse niyo starting today, ay ibig ko pong sabihin ay bukas, dapat sigurong may alam tayo sa isa't-isa po diba?" sabi ko sa masayahing tono at ng mahawa naman siya. " Salitan tayo okay po? Ako na ang mauuna. Okay heto na, I'm Thea, and I'm 26 years old. How about you sir?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Pero lumipas na ang ilang segundo, hindi pa rin siya nagsasalita. " Kru kru kru~ nako sir, nakalimutan niyo po ang pangalan niyo?" pagjojoke ko kaso hindi pa rin siya nadadala. Pero okay lang. Kaya ko 'to! " Ngayon, mga bagay na naman tungkol sa atin. Hmm may high school bestfriends ako since uhm—high school hahaha!" natatawa na lang ako sa sarili ko. Kasi highschool bestfriends, high school nga naman eh. Tsaka nakaka(t)awa talaga ang sitwasyon ko. Hindi ba naman pansinin ang kagandahan ko? Pero syempre, totoo 'yan. Maganda talaga ako. Tiningnan ko naman si Zeus at nakita kong tapos na siyang kumain. Nakatitig na naman siya sa akin. Charot lang. Nakatitig talaga siya sa akin kasi nasa harap niya naman ako. Diretso lang talaga ang tingin niya. Nice naman. Bagay siguro siyang tumakbo sa gobyerno. Hindi kasi nababaluktot. Tuwid lang...char na naman. Wala naman siyang reaksiyon kaya nagpatuloy ako sa pagkwento. " Tatlo po kami tapos tawag namin sa sarili namin PPG. Ay hindi pala kami. Si Sixto po. 'yong childhood friend ni J1 na may HD sa kaniya. Tapos si J3—si Suzanna baka kilala mo siya kasi kasali sa student government 'yon noon eh. Si J1 o Lucy naman ay kasali sa Literary club noon. Nananalo 'yon bilang pambato natin! Tapos ako naman kasali sa Red Cross Youth hindi mo ako nakikita kasi hindi naman ako famous noon sa high school pero nasa bawat game mo ako kasi syempre RCY" pagkwekwento ko. Totoo naman. Tinake for granted ko talaga na RCY ako para makita siyang maglaro noon. Na lagyan ko nga rin siya ng first aid noon eh. " Tapos alam mo ba sir, nalagyan kita ng first aid noon. Iyon 'yong kalaban niyo 'yong taga FU. Nanggigil talaga ako sa tumulak sa 'yo!" napatampal naman ako ng bibig. Baka akalain niya crush na crush ko siya noon! Which is totoo naman. " Ah, eh syempre school mate kita tapos school natin 'yong nirerepresent mo kaya nanggigil ako. Hehe." Ano ba 'yan Thea! Baka mahalata ka! " Naalala ko pa nga noon sir, sabay kami nila J1 lage mag lunch sa Cups and Mugs tapos sumasabay sa amin si Sixto, 'yong irregular namin na si J4—" Napatigil naman ako sa mga sinasabi ko. Naalala ko tuloy sila J1. Iba na kasi siya. Nagbago siya simula no'ng nawala si J4. Tapos si J3 wala na dito. Hindi na talaga siya bumalik. Si Sixto naman, ganoon pa din. Kami na nga lang yata ang 'normal'. Ginagawa niya pa rin ang lahat para kay Lucy. Nakakamiss din si Gwendi. Natahimik tuloy ako. Sumikip ang dibdib ko at nagbabadya ang mga luha na tumulo. Sino ba kasing mag-aakala na ganito ang kahihinatnan namin? Umiinit na din ang sulok ng mga mata ko. Naiiyak ako. " What's with the J and numbers?" Napaangat naman ang ulo ko at napatingin kay Zeus. Nagsalita na naman siya! Siguro naka timer ang dila nito. Ngumiti naman ako at dahan-dahang pinahid ang mga mata ko. Nakatitig naman siya sa akin. Walang nagbago. " Kasi Jane kami eh. J1 si Lucy kasi Luciandy Jane. Tapos J2 ako kasi may Jane din. J3 si Suzanna. J4 naman si Gwendi..." napapangiti kong sagot. Ang galing kasi nagkakilala kaming tatlo tapos si Gwendi rin..." naalala ko tuloy iyong mga pinaggagawa namin sa birthday ni Gwendi, sa festival, kahit nga sa pang araw-araw namin na gawain eh. Hindi na naman nagsalita si Zeus. Pero okay lang 'yon. First day ko pa naman ngayon tsaka, improvement na iyong nagsalita siya kahit dalawang beses lang. " Sige sir, ihatid ko na lang muna itong pinagkainan mo." Kinuha ko muna ang mga pinggan niya at hinatid sa may kusina. Pag-angat ko ng tingin, nakatingin pala sa amin sila tita. Kita ko kasi sila sa may glass. " Thea!" agad naman na lumapit si tita at hinawakan ang mga kamay ko. " I knew you're the one!" "Huh? Bakit po?" naguguluhan kong tanong. Lumapit naman si Chona at inalog ako. " Kasi naman, ikaw lang ang nakakapagsalita kay sir bukod kay ma'am Alaine!" Napatingin tuloy ako kay tita. " I'm so proud of you Thea. First day at may nakikita na akong improvement. Thank you." sincere na sabi ni tita. Napakamot na lang ako sa ulo. "Ay wala po 'yon. Pero baka coincidence lang ho." umiling naman si tita. " Hindi iba talaga. Nagsasalita lang naman siya kapag may iuutos siya sa akin o kaya may ipapagawa...hindi 'yon nagsasalita para magtanong ng nakakakuha sa interes niya." " Ganoon po ba?" "Mabuti pa dalhin mo na siya sa may living room. Para naman may magawa na naman siya." sabi ni manang. " Itutulak ko po? Wala po ba siyang 'yong automatic na wheel chair? Hindi po sa nagrereklamo po ha? Nagtataka lang." kasi syempre ang yaman nila tapos mano-mano pa ang wheel chair eh afford naman nila iyong ipre press niya lang ang button. Napabuntong hininga muna si tita bago nagkatinginan silang tatlo. " Meron naman. But the last time we let him, he almost got into an accident again. Muntik na siyang masagasaan....I don't think na hindi niya alam na may sasakyan." " Parang tiniming niya..." pagpapatuloy ni manang. A-ano? Then if that's the case hindi ko talaga siya palalapitin sa ganon! Suicidal na ba talaga siya? " Kaya mas mabuti na na ganyan ang gamit niya kasi at least hindi magiging madali sa kaniya. We warned the guard in the subdivion too na 'wag siyang hahayaang makalabas papunta sa high way kung sakali." sabi ni tita. " Papanuorin mo na lang siya ng tv sa living room Thea at ng makakain na tayo." tumango na lang ako kay manang. Bumalik naman ako doon kay Zeus. " Sir, dadalhin na kita sa living room ha? Tapos manood na lang tayo ng movie." sabi ko habang tinutulak ang wheel chair niya. Kumuha naman ako ng throw pillow para ilagay sa likod niya. Baka kasi nangalay na ito. I turned the tv on tapos nag scan ng channels. "Ano po bang gusto niyong panuorin sir?" tanong ko. Pero dahil naka off na naman ang dila niya, hindi na naman niya ako sinagot. " Ay eto na lang sir. Maganda po 'to. Tsaka nakakakilig din." pagngiti ko sa kaniya habang tinuturo ang tv screen. Me before you kasi ang susunod na palabas. Hindi naman siya nagsalita pero alam ko gusto niya din 'yon. Romance kasi eh. Syempre hindi ko pinahalata na alam ko na mahilig siya sa romance story. " Kakain po muna kami sir ha?" paalam ko sa kaniya bago bumalik sa dining area. Nag set na pala sila Chona ng table. Kaya naupo na lang ako sa tabi niya. Nagsimula na kami sa pagkain ng naisipan kong magtanong. " Paano niyo po nalilinis itong bahay? Eh ang laki na." tanong ko kay manang. " Madali lang naman Thea. Kayang-kaya na namin ni Chona ito." " Yes it is right." segunda ni Chona. Hindi na lang ako nagcomment sa english niya kasi we don't judge people here. " Sinabihan ko na si manang na kumuha kami ng additional kaso ayaw niya." sabi ni tita. " Kaya ko pa naman. Eto na rin ang trabaho ko mula noon. Alam na alam ko na ang pasikot-sikot at mga lugar dito sa bahay na mabilis madumihan o matagal madumihan." " Eh sa labas po? Kayo lang din?" tanong ko. " May pumupunta dito sa umaga at hapon para maglinis at mag dilig sa mga halaman. May kinukuha din akong landscape personnel ng isang company para sa maintenance." sabi ni tita. Kung sabagay, hindi na talaga madali sa kanila ito. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Nang matapos, ay pinapunta na nila ako kay Zeus. " Mukha namang ayaw niyo akong kasama." pagtatampo ko pero syempre acting lang. " Si Zeus lang dapat ang alalahanin mo." natatawang sabi ni tita. Napailing na lang ako bago pumunta sa living room. Nagsimula na pala ang palabas. Matamang nakatitig lamang si Zeus dito. Wala pa ring reaksiyong makikita sa mukha. Nanuod na lang kami. Umupo ako sa couch na nasa gilid niya. " Hala grabe! Nakakakilig naman 'yon!" impit na sigaw ko. Napatingin ako kay Zeus na walang ka reareaksiyon. Paano kaya siya kiligin? Mahilig pa naman daw siya sa romance. Eh mukha namang hindi siya tinatablan. " Hala, nakita niyo 'yon sir? Amg genuine ni Luisa talaga!" sabi ko. Tapos nakakatouch din at inspiring ang character niya. Sa buong movie, nagsalita at nagkwento lang ako kay Zeus. Hindi ko alam kung naiinis siya o nabibingi na pero hindi naman siya nagrereklamo eh. " Basta sir, kapag nabibingi na kayo sa akin o gusto niyo ng katahimikan, sabihin niyo lang po. Okay?" ayan. Sinabi ko na. Bahala na siya kung hindi pa rin siya magsasalita. " Grabe talaga sir no? Ang cute nong part na binigyan siya ng bumble bee leggings na paborito niya noong bata siya. Wala lang. I find it genuine at honest tapos ang cute lang na nakakatouch kasi diba gu—" napatingin ako sa kaniya at napatigil sa pagsasalita. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. Ang galing eh. Tinulogan ako. Naiiling na napangiti na lang ako habang inayos ang unan sa may likod niya. Grabe kahit sa pagtulog, ganoon pa rin siya. Nakaupo pa rin ng maayos. " Thea—" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si tita pala. " Nakatulog?" mahina niyang sabi sa akin. Tumango naman ako at ngumiti. Lumapit si tita sa amin at pinagmasdan ang natutulog niyang anak. Habang tinitignan ni tita si Zeus, nakatitig ako sa kaniya. Gaano kaya ito kahirap sa kaniya bilang nanay ang makitang ganito ang anak? Siguro mahirap. Pero bilib din ako sa kaniya. Nakakaya niya eh. Come to think of it, hindi ko pa nakikita ang asawa niya. Asan kaya ang tatay ni Zeus?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD