Ikalawang Kabanata

2771 Words
Agad-agad akong yumuko at pinulot ang nabasag na cup. Narinig siguro ni tita ang pagkabasag dahil agad-agad siyang lumapit sa amin. " Thea, are you okay? Just leave it there. 'wag mong hahawakan baka masugatan ka!" but her warning's late when I felt something pricked my finger. Napahawak na ako sa bubog pero maliit lang naman ang sugat. " Chona! pakiligpit muna dito!" pagtawag ni tita kay Chona. Pinatayo ako ni tita at binalot ng panyo ang kamay ko. Nakita ko pang lumapit si manang at Chona sa amin. " Anong nangyari? Diyos ko, mahabagin!" Lumapit naman si Chona sa akin habang may dalang walis at dust pan. " Nako nakakagulat naman kasi ang kagwapohan ni Zeus." bulong niya bago pa sinimulang linisin ang kalat ko. Narinig ko pa si manang na nagsalita tungkol sa mga bagay-bagay. Mga pamahiin ganon. Si tita naman ay iniinstruct si Chona. Pero wala sa kanila ang atensyon ko...na kay Ulyses. I mean Zeus. Siya pala 'yon?! Kaya pala nasabi ko kanina na may naaalala ako sa pangalan niyang 'Zeus'. Nakatitig lang siya sa akin at ganoon din ako...pero habang tinititigan ko siya, mas nakikita ko ang walang buhay niyang mga mata. Walang kahit na anong emosyon na makikita o kung ano pa man. Na realize ko na, nakatitig lang pala siya ng diretso. Hindi sa akin. Nagkataon lang siguro na nasa harap niya ako at kung umalis man ako sa pwesto ko ngayon, tiyak na nakatitig pa rin siya ng diretso. Lumalampas lang ang titig niya sa akin. Napabalik ako sa senses ko ng tawagin ako ni tita. " Thea, linisin na muna natin 'yang sugat mo do'n sa loob." iginaya ako ni tita papasok sa bahay. Nakalingon pa rin ako kay Zeus at tama nga ako. Nakatitig pa rin siya ng diretso kahit pa umalis na ako. Hindi naman kasi ako ang tinititigan niya. Medyo assuming ako sa part na 'yon. Nakakapagtataka naman. Bakit siya nagkaganon? Ano na ang nangyari sa kaniya? " Tita, pasensya na po talaga sa nangyari. Mukhang mahal pa naman po ang tea cup na iyon...ibawas niyo na lang po sa sweldo ko." nahihiya kong tugon kay tita Alaine. First day na first day at palpak ako kaagad. " No worries Thea. 'wag mong isipin 'yon. We should just be thankful na hindi ganon kalalim ang sugat mo." naglakad ako papalapit sa may faucet at kinuha ang panyo na nakabalot sa kamay ko. Hinugasan ko ng mabuti ang daliri ko na nasugatan. Lumapit na din si tita habang bitbit ang emergency kit nila. Nilagyan ko muna ito ng alcohol para ma disinfect ulit at pagkatapos ay nilagyan ko ng betadine bago binalot sa band aid. " Sorry po talaga. Bawasan niyo na po tita. Nakasira po ako eh." pagpipilit ko. Sumakit naman siguro ang ulo ni tita sa pagpipilit ko kaya napahilot na lang siya sa sentido niya at iwinaksi ang kamay. " Oo na. Ibabawas ko na. But it's really okay for me Thea. Hindi naman kailangan." ngumiti lang ako kay tita. Ang bait niya talaga. Hinugasan ko ang panyo na binalot sa kamay ko kanina. Teka, ito 'yong panyo na nilagay ni tita sa tray ni Zeus ah? May naalala naman akong gustong itanong kay tita. "Tita?" pagtawag ko sa atensyon niya. May kinuha kasi siya mula sa cabinet. " Yes? Ano 'yon?" nagdadalawang isip naman ako kung itatanong ko pa. Baka kasi hindi ko na business iyon. Tsaka ayoko namang masabihan na feeling close na sa kanila no. Pero curiousity kills the cat kaya itatanong ko na lang. " Uh, bakit po ganon ang mga mata....ni Zeus?Para pong walang buhay..." my voice trailed off as I asked her. Napakagat ako ng labi dahil baka akalain ni tita na chismosa ako. Napatanong lang naman eh...tsaka hindi siya ganon noon. Dahil kaya sa nangyari sa kaniya? Pero mukha namang walang nawala sa kaniya...yata? Tahimik lamang kaming dalawa sa loob ng ilang segundo. Sabi ko na eh, dapat hindi ko na itinanong. " Ay nako, kalimutan niyo na lang po. Kung ano-ano ng iniisip ko hehe." napakamot na lang ako ng ulo. Napabuntong hininga si tita bago nagsalita. "He was in an accident a year ago. My son—Zeus, he's not the same anymore.Malaki ang ipinagbago niya Thea, at ngayon ay hindi ko na alam kung paano siya ibabalik sa dati." lumapit ako kay tita at dahan-dahang tinapik at hinagod ang likod niya. Nararamdaman ko at nakikitang naiiyak na siya. It's part of my job to comfort people. Well, para sa akin. " Namimiss ko na kasi ang anak ko. He's not the Zeus I know and love. I just want to see my son smile again. Gusto ko lang na bumalik ang will niya para sa buhay. Na hindi sa aksidente na iyon nagtatapos ang lahat." kinuha ni tita ang mga kamay ko at hinawakan. Napatingin na lang ako sa namumula at maluha-luha niyang mga mata. " He's like living but dead inside." pagpapatuloy niya. Tuluyan na nga si tita na naiyak. I just stayed silent at hinayaan ko na lang siya na umiyak. Alam ko kasi ang nararamdaman niya. I have encountered patients like Zeus. Those precious ones who have lost the will to live. 'yong tipong buhay pa pero umaakto ng patay. At iyon ang dapat ko na maayos. Ayokong lamunin na si Zeus ng kalungkutan. Ayokong matulad siya sa isang tao. Isang taong akala ko ginawa ko na ang lahat para matulongan. As a nurse, gusto kong makita ang mga pasyente na masaya. I want them to feel and love being alive. Gusto ko silang mapatawa, mapangiti, mabigyan ng will para ipagpatuloy ang buhay. " I just want my son back. Kaya please, help me bring his smile back, Thea." tita squeezed my hand habang nagmamakaawa ang boses. Gusto ko. Gusto kong tulongan siya. Gusto kong makaahon si Zeus. So I squeezed her hand back to let her know, that I'm in. " Pero bakit ako?" tanong ko. Bakit ako? Sa dinami-daming nurse, bakit ako? Ngumiti lamang si tita sa akin bago nagsalita. " Alam ko lang na ikaw, Thea." hindi na nagsalita si tita matapos iyon. Kaya I promise to do everything I can. Mahirap pakisamahan si Zeus pero gagawin ko ang lahat even if it means breaking his walls. Tila nakabawi na naman si tita dahil agad niyang pinunasan ang mga luha niya at huminga ng malalim bago ibinaling ang tingin pabalik sa akin. Nagpakwento na lang ako kay tita sa mga dapat ko pang malaman mula kay Zeus. Kaya nagsimula na si tita na magkwento tungkol sa kalagayan ni Zeus. " Wala namang masyadong iniinom na gamot si Zeus. He only have one prescibed medicine which he takes two times a day. Morning and night. For his lower body." kinuha ko ang phone ko at nagsimulang isulat sa notes. Nasa kotse ko pa kasi ang note pad ko. " Iyon lang ang prescribed meds niya. Pero may tinitake din siyang vitamins." "Tablet, capsule, or through shots po ba?" " Through tablet lang, pero sometimes when he gets irritated hindi niya iniinom, kaya minsan dinadaan namin sa shots." I took note about Zeus being irritated sometimes. Sometimes pa? Eh mukhang araw-araw naman siyang wala sa mood. Well, oo nga. Blank space or poker face lang ang pinapakita niya. Pero syempre, alam naman natin na may ibang taong neutral lamang ang mukha kapag galit o kung ano pa man. " May naka ready din na pain killers para sa kaniya, dahil minsan sumasakit ang mga paa niya." pagpapatuloy ni tita. "Sumasakit po? Pero akala ko po ba paralyzed ito? It's usually numb kapag ganon." sabi ko. Nakakapagtaka lang. Minsan, sa iba kasi kapag paralyzed, completely numb ito at wala kang mararamdaman kaya walang lakas para ikilos o tumayo. Napabuntong hininga si tita. " May physical therapist na pupunta sa kaniya three times a week. And so far, nakakakilos naman ang mga paa niya, pero minimal lang. Normal lang naman daw na sumakit ito minsan sabi ng PT." napakunot naman ang noo ko sa narinig. " Isang taon na po mula ng naaksidente siya po diba? Kailan po nagsimula ang physical therapy niya?" tanong ko pa kay tita. May kailangan lang kasi akong linawin. " After a month ng pagkakaconfine niya sa hospital, agad na nagsimula kami sa sessions." " At wala po talagang progress? Ay three times a week pa rin?" dagdag ko pa. Napakurap naman si tita. Ang dami ko na kasing tanong tungkol lay Zeus. " Ay 'wag niyo na pong sagutin tita. Napaptanong lang talaga ako hehe." awkward akong tumawa sa kaniya. Tumango na lang si tita at ngumiti. Nakakapagtaka lang kasi. Karamihan sa mga pasyenteng kilala ko na nag-undergo ng PT, may minimal improvements na after a month. Kahit nga sa mga dumaan ng stroke eh after 3 months ay nakakalakad na kahit papaano. Nababawasan na din ang therapy sessions. Kung sa simula ay three times a week, nagiging two times hanggang sa isang beses na lang. Pero syempre, depende ito sa pasyente at sa kalagayan niya. Tututukan ko na lang ng mabuti si Zeus for his fast recovery. " May hypertension po ba siya? Diabetes? Or any allergy po? Promise last na tita." napatawa naman si tita sa huling sinabi ko. " Wala naman siya ng mga nabanggit mo. He's very healthy kasi he's really fit before. Athlete kasi siya and he indulge himself in physical activities." oo nga pala basketball player siya noong high school. Syempre taga cheer niya ako noon. "As far as I can remember, hindi naman siya allergic sa kung ano. At, walang problema sa'kin ang pagtatanong mo Thea. Namamangha nga rin ako eh. You're very keen sa details. I can say that you're really a good nurse." I wrote all the information na sinabi ni tita tungkol sa Zeus. Nahiya naman ako don sa part na good nurse. " It's my job po, tsaka asahan niyo po na tutok na tutok ako kay Zeus." " It's good to hear that, so paano? Ihatid na kita sa kwarto mo?" " Sige po." habang naglalakad kami ni tita, nagtanong ako tungkol kay Zeus. Pero this time mas personal at hindi pure business. Para naman magkaroon ako mg idea kung paano ko siya pakikisamahan. " Ano pong mga hilig ni Zeus tita?" " Hmm. Mahilig siyang mag basketball." kita niyo na? Tama ako. Admirer nga kasi niya ako noon. Pero paano ko nga naman siya maaayang maglaro kung hindi nga siya nakakatayo diba? " Mahilig din siyang magbasa ng romance novels Thea." nagulat naman ako sa sinabi ni tita at napahinto sa pag-akyat sa hagdan. "Po? T-talaga?" napatawa naman si tita sa reaksiyon ko. Bakit hindi ko 'yon nalaman noong high school? Tsaka ang greek statue na iyon, na walang ka emo-emosyon ay mahilig sa romance? Parang napakaimposible naman. " He loves reading Nicolas Sparks' and Jane Austen's. Halos meron siya ng lahat ng romance novels nila." sabi ni tita habang nakangiti. Napangiti na lang din ako. I think I know how to start a conversation with him. Nasa harap na kami ni tita ng magiging kwarto ko. And yes, stay in ako dito. Kung tutuusin hindi naman ako lugi. Malaki ang sweldo, at libre pa lahat. Kaso, mamimiss ko ang hospital talaga. Kung para sa iba, ayaw nila sa hospital kasi syempre, grim ang feeling. Tsaka malungkot din para sa kanila. Pero 'wag naman nating kalimutan na ang hospital ay pinagumpisahan din ng buhay. Kagaya na lang ng mga sinisilang doon. Nagbibigay din ng pag-asa para sa mga taong gustong gumaling. At meron din namang gumagaling. Tiwala lang talaga. Masakit sa puso ang pag-iwan ko sa hospital. Lalo na sa mga long-term patients doon na nag-uundergo ng medicationas. Pero nagpaalam naman ako ng maayos sa kanila at nangakong bibisitahin sila. Binuksan ni tita ang pinto at nakakamangha! Para talaga akong nasa 18th century. Lahat ng bagay sa kwarto, ang kama, bintana, may veranda pa nga eh. May chandelier din! " Kay Zeus ang kwarto na nasa kabila Thea. 'yong adjacent dito. Okay ka lang ba dito? Guest room namin ito. If you want, you can pick any room you want." " Nako, hindi po. Ang ganda po dito. Nakakahiya naman po." saad ko. Nakakahiya naman talaga. Mas maganda pa nga ito sa kwarto ko eh. " Don't be Thea. You're part of the family now. Lahat ng nasa bahay na ito ay pamilya. Make yourself comfortable." sabi ni tita ng may ngiti sa labi. Napangiti na lang din ako. Nakaka touch kasi na marinig na welcome ka sa isang tahanan. " Teka, paano po nakakapunta si Zeus dito?" kasi nasa second floor kami at gumamit kami ng hagdan kanina. " May elevator sa gilid. Hindi mo ba napansin?" umiling naman ako. Saan ba banda ang elevator na iyon? " Kunin ko na lang po muna ang gamit ko sa kotse. Ipapakuha ko din po 'yon sa kapatid ko bukas." sabi ko. Naiwan ko pa kasi ang mga gamit ko sa kotse kanina. " About that, pwede kitang tulongan. Madami ba?" pago-offer ni tita pero agad naman akong umiling sa kaniya. " Ako na po ang kukuha. Nakakahiya naman po tsaka hindi naman ganoon ka rami iyon." " Okay, you can use the elevator Thea para mapadali ka. Tsaka, that closet is for you. Basically, everything in this room ay sa 'yo. If you need anything, don't be shy to ask me. Okay?" " Okay po. Thank you tita." " Iwan na muna kita ha? Tsaka you can arrange your things and rest. Bukas ka na magsimula. Ipapaintindi ko pa kay Zeus ang sitwasyon." binigyan niya ako ng makahulugang tingin ng binaggit niya si Zeus. Napatango na lang ako. Naiintindihan ko din naman. Kailangang maintindihan ni Zeus na ako na ang mag-aalaga sa kaniya. Paglabas ni tita, ay nilibot ko pa muna ang kwarto. May bathroom na pala dito. Lumabas muna ako sa veranda. Pagtingin ko sa baba, nakita ko si Zeus sa may garden pa rin. Napatingin ako sa kamay ko. Oo nga pala nasa akin pa ang panyo niya. Pumasok ako sa banyo at nilabhan ang panyo. Kompleto na kasi ito sa toiletries. Sinampay ko na muna ito sa towel rack. Umupo muna ako sa kama ko. Amazing talaga. Queen size ang bed! Para talagang iyong nakikita natin sa Tv na room ng royalties. May parang silk na nakasabit, na parang kurtina. Grabe naman ang guest room na 'to. Lumabas muna ako sa kwarto para kunin ang gamit sa kotse. Paglabas dito sa kwarto, parang naka circle ang whole second floor, tsaka makikita mo ang mga pinto at living room number 2 din. May parang harang na pa circle din para hindi mahulog. Dalawa din ang hagdanan nila. Magkabilaan. Nasa gilid ng right stairs ang elevator pala na kulay rose gold. Kapag nasa living room ka sa ilalim, kapag tumingin ka sa taas, ang makikita mo ay ang parang harang na metal steel pero napakagdanda ng pagkakadesign. Parang corona ito dahil paikot. Hindi mo makikita ang ibang nasa second floor. Makikita mo rin ang ceiling, na sobrang taas dahil ceiling na din ito ng second floor. May malaking chandelier na hugis bilog na nakasabit din. Pagkababa ko, dumaan ako sa front door papunta ng garage. Kinuha ko mula sa kotse ang luggage ko at isang handbag. Paakyat ng kwarto, ginamit ko na ang elevator kasi hindi naman pwede na na dumaan ako sa hagdan habang dala ang maleta ko. Nakasalubong ko pa nga si tita eh. " Thea, tulongan na kita." " Nako, kaya ko na po tita. Salamat po." " Okay. Basta when you're done, bumaba ka na for our lunch." " Okay po. Uh, tita? May tanong po sana ako." " Sige. What isi it?" " Mag-uuniform po ba ako?" napatawa naman si tita sa narinig. " Silly. You can wear anything you want Thea. As long as you're comfortable." kahit na bikini? Pero syempre hindi ko itinanong iyon. Pagdating ko sa kwarto ay agad kong nilipat ang mga damit at gamit ko sa closet. Nilagay ko din sa side table ang picture frame na lima ang compartment. Gusto ko kasing tignan ito dahil naiinspire ako sa buhay dahil sa mga taong importante sa akin. Sa isang compartment, nandoon kami ng family ko, sa isa naman ay kaming limang magkakaibigan, kami ng workmates ko, ng mga pasyente sa ward na assigned ako, at panghuli ay kami ng isang pasyente na inalagaan ko noon. " Thea, halika na. Lunch na tayo." pagtawag ni Chona. " Okay. Palabas na." Napabuntong hininga muna ako bago pinihit ang knob palabas. Makikita ko na naman si Zeus. Hindi ko alam pero naeexcite ako. Grabe pa ang mga galawan ko noong high school para lang mapalapit sa kaniya...samantalang ngayon.... Hay life. You really work in different ways.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD