Ayradel's Side Napalunok ako bago dali-daling bumaba ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil ay alam kong iba na ang tingin sa akin ni Mama ngayon. Alam kong iba na rin ang iniisip niya ngayon. "Ma." Sambit ko pagkalapit. Istrikto ang mukha niya at di man lang natinag sa pagkakrus ng bisig niya. Palipat-lipat sa amin ni Richard ang tingin niya. Dahil d'on ay napayuko ako, lalo na n'ong maramdaman ko ang presensya ni Richard sa likuran ko. Somehow, naramdaman kong meron akong kakampi. "Anong nangyari dyan sa ulo mo?" Napahawak ako sa band aid na nilagay ulit ng doctor para daw hindi mainfect yung sugat. "Wala po, n-nabagsakan lang p-pero okay na." Muling tumahimik. At sa palagay ko ay na kay Richard na ang atensyon ni Mama. "Hinatid ko lang po si Ayradel

