Ayradel's Side ''I-ikaw ba?' Ang gumawa nito sa akin, Lui?'' Agad na nagtubig ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Para akong pinipiga sa mga nakikita ko. Parang gusto ko na lang ilihim lahat ng nakita ko bago ako mawalan ng malay. Sana pala, sinarili ko na lang ito. Nilunok ko ang bikig. Umawang ang bibig ni besty at napalayo ng kaonti. Gan'on din si Suho na napaayos ng upo. "Naniwala ka kina Jully, kaysa sa mga pinagsamahan natin?'' Hindi ko namalayang humahagulgol na pala ako, gano'n din si Besty. Agad na dumalo sa kanya si Suho para hawakan siya sa balikat. Kahit nahihilo ay pinilit kong bumangon. Gusto kong hawakan si Lui, ngunit pinalis niya lang ang kamay ko. Gusto ko rin siyang yakapin. Siguro, masiyado siyang nasaktan sa mga sinabi ko. ''Tanggap ko e! Wala akong pakialam na

