Luisa's Side Mataas ang naging grade namin ni Ayra sa ipinasa naming Investigatory Project. Isa rin iyon sa naging representative ng Tirona High sa event na Science Faire, kung saan nagtatapat-tapat ang representative ng public and private school sa distrito namin. My mommy was so happy. First time kasi na may sinalihan akong competition sa school. Simula na rin noon ay naging malapit na ako kay Ayra. "Psh, kapit sa matalino." Narinig kong may nag-uusap habang nagla-lunch kami ni Ayra sa pwesto niya. Matalas ang pandinig ko samantalang tahimik lang na kumakain si Ayra "Swerte, napasali sa Science Faire." "Oo nga, sigurado ako, si Ayra lang gumawa ng Investigatory Project na 'yon." Uminit ang dugo ko kaya nailapag ko ng di oras ang kutsara ko. Lilingunin ko sana 'yong mga kaklase nami

