Ayradel's Side Bawat araw tuloy kinakabahan na akong pumasok. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko nang makarating ako ng room. Hinanap ng mga mata ko sina Besty o Jayvee, pero wala. Kaya naman agad na nadako ang tingin ko sa likuran na part ng room kung nasaan si Richard Lee--- nakahawak siya sa labi niya noong oras na iyon at malalim ang iniisip pero agad rin siyang napalingon sa direksyon ko pagkapasok, gan'on na din sina Jully, Zhien at Jecel; na nakapaligid sa kanya ngayon. "Goodmorning Ayra!" anila na hindi ko pinansin. Hindi ko sila pinansin at nilagay ko na lang ang bag ko sa upuan. Umupo ako pero---- Napaawang ang bibig ko sa sakit, habang nakahawak sa armrest ng nasira kong armchair. Napahawak ako sa hita at balakang ko, bago umalingawngaw ang halakhak nina Jully, Zhien

