Ayradel's Side Umaga, at hindi ko alam kung bakit sobrang kinakabahan ako habang tinatahak ang pasilyo patungong room. Nakakainis, bakit ba kasi katabi ko yung kumag na 'yon! Ang awkward panigurado mamaya. Magkaaway pa naman kami ngayon, literal. Hindi 'yong away na azaran lang. Nagtama ang paningin namin ni Lee-ntik pagkarating na pagkarating niya sa room, kaya naman agad akong umiwas. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko, pati na rin ang tahimik na paglapag niya ng bag. Naririnig ko rin ang paghinga niya pero hindi niya ako kinausap. Buong oras ay nakatingin lang siya sa phone niya para maglaro ng kung ano. Eh ano naman? Mabuti nga 'yon e? Psh. Hindi rin e. Ano bang dapat kong sabihin? Ni hindi ko nga siya kayang tignan kahit sa peripheral view ko lang. TCH. Kainis! Bakit ba ak

