Richard's Side Napahigpit ang hawak ko sa paper bag at sa Zesto ko, nang tignan ko ang room na nakaassign kay Baichi mula sa dulo ng hallway. Madami nang tao na nanonood kaya naisip kong baka pagkaguluhan ako kapag nakita ako ng mga 'to. Ang gwapo ko pa naman. "Jones," lumapit sa'kin ang isa sa Pilipinong MIB mula sa likod, na medyo nasa 20 years old lang. Inabot ko sa kanya ang paper bag. "Kilala mo na si Ayradel diba? Nand'on siya sa room D07, ibigay mo 'to." Hinawakan niya naman yung paper bag, pero tinignan niya ako ng parang naga-alangan. "Sir, kakasabi niyo lang po kanina na kahit anong mangyari kayo ang mag-aabot niyan." Tumingin lang ako sa kanya, at tinigil ang pagsipsip sa Zesto. Mabuti naman at nakuha siya sa tingin. "S-sige, Sir. Ibibigay ko na po." Sinundan ko ng tingi

