Ayradel's Side Agad na dinala si Jayvee sa Infirmary ng Lee University. Hindi naman sobrang lala ng pagkakasuntok sa kanya ni Richard pero nakatamo pa rin siya ng mga pasa sa pisngi at cut sa ibabang labi. "Ano bang nangyari, bakit kayo nagbugbugan doon ni Richard, ha Jayvee?" sabi ni besty habang nakatayo siya't nakacross arms sa harap ni Jayvee na nakahiga ngayon sa clinic's bed. Nilingon ko si Jayvee, habang nakaupo naman ako sa tabi ng kama niya. "Di ko alam." Simple niyang sagot na nakapagpakunot sa noo naming dalawa ni besty. "Paanong hindi mo alam? Ano yon, bigla ka na lang niyang sinuntok?! Trip niya lang?!" ayan na naman ang tono ng pagmamaldita ni besty. Kaming dalawa lang ang nanatili dito sa Infirmary kasama si Jayvee, dahil si Ella ay kanina pang may klase. Busy rin ang i

