CHAPTER 1: BUSINA
Ayradel's Side
To Lui ♥: Saan ka na? Darating ka pa ba? O uuwi na ako?
Napabuntong-hininga ako nang i-send ko 'yong message na 'yon kay Lui, 'yong kaisa-isang kaibigan/bestfriend ko sa school. Mukhang iindian-in na naman ako ng babaitang ito. Today was Sunday, and naisip naming mag-mall sana para lang makapaglibang. Ang tagal kong wala sa klase dahil buong buwan akong nasa library para mag-handa para sa darating na Science Camp, habang siya naman e, busy sa mga extra-curricular activities na sinasalihan niya.
I sip on my coffee while waiting for a reply, nang mapaling ang paningin ko sa glass wall nitong cafe na inuupuan ko. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko rin ang tatlong pamilyar na lalaking umiwas ng tingin noong tignan ko sila.
Gumapang tuloy ang kaba sa buong katawan ko, at nagsimulang tumindig ang balahibo. Or nagooverreact lang ako? Hindi ko kasi sila kilala, pero parang kanina ko pa silang napapansing sumusunod sa akin, simula sa Food court pa lang. Doon kasi ako unang tumambay para maghintay kay besty.
To Lui ♥: Huy, darating ka pa ba? Kasi uuwi na ako. May creepy na parang sumusunod-sunod sa akin dito!
Napatingin ulit ako sa banda nila at nataranta nang wala na sila sa dati nilang pwesto. Napabuntong-hininga ako nang makitang paakyat na sila sa elevator ng mall.
Shems, nag-overreact lang nga siguro ako. Ang assuming ko naman!
I just shrugged and look at my phone. Mukhang busy nga si besty. Hindi na nagrereply.
I took my one last sip of my coffee saka kinuha na 'yong sling bag ko. Naisipan ko na sanang umuwi dahil hindi naman talaga ako mahilig gumala mag-isa. I wasn't really the going out type, magkaibang-magkaiba kami ng bestfriend ko. She's an active student pagdating sa mga orgs, while I'm academically active. Kung busy ako ay mas busy siya dahil ang dami niyang sinasalihan. Theater orgs, dancing troup, choir, name it! Napaka-multi talented. Samantalang ako, wala kahit isa... maliban sa pagmememorize!
Naglalakad na sana ako pauwi at palabas ng mall, nang madaanan ko ang arcade section nitong mall at mapaling ang mata ko sa grab machine na nasa b****a lang. Halos manlaki ang mata ko nang makita ang isang Peter Pan na stuff toy!
Without looking on my way, naramdaman ko na lang ang pagbunggo ko sa kung saang pader.
"Aw!" napaatras ako sa gulat dahil sa tumapong likido sa pink na jacket ko. Mabuti na lang at hindi mainit! Naiwagwag ko ang kamay ko as if naman maaalis nito 'yong mantsa sa damit ko, saka ako napaangat ng tingin sa mga lalaking sanhi nitong aksidenteng ito.
Sila 'yong mga lalaking kanina pa sumusunod-sunod sa akin! Nakumpirma ko 'yon dahil sa mga suot nila. What the hell? Sinasadya ba nila 'to?
"I don't think you're blind, Miss." Sabi bigla ng lalaking nasa harapan, 'yong nakatapon sa akin ng kape. Medyo mahaba ang brown na buhok niya at mukhang masungit dahil ang cold ng tingin niya sa akin.
Hindi ako nakasagot dahil naagaw ang atensyon ko ng dalawang kasama niya sa likuran na nagpipigil ng tawa. Rinig na rinig ko pa talaga. 'Yong isa mukhang happy-go-lucky dahil ang lawak ng ngisi, habang 'yong isa naman ay seryoso pa rin habang may nakasabit na headset sa leeg.
"And I don't think you're silent, too." Napatalon ako sa gulat nang magsalita na naman 'yong nasa harapan. Nagpanic tuloy ako at napakurap. Ilang beses nagbukas-sara ang bibig ko sa kaba. Hindi ko na naisip pa kung anong isasagot ko.
"Uhm, s-Sorry. Sorry. H-hindi ko kayo napansin." sambit ko habang nakayuko ng kaonti habang nagso-sorry.
Wait...
bakit ako ang nagsorry?
I saw him blinked na para bang nagulat siya sa pagso-sorry ko. Nagulat rin ako. Siguro dahil habit ko na 'yon, para matapos na. Para hindi na hassle, ako na lang ang magpapakumbaba.
I bit my lower lip saka muling tumungo bago tuluyang umalis at laglag panga silang iniwan doon. Napapikit ako sa kahihiyan habang patuloy na naglalakad ng mabilisan papasok ng arcade. Hindi ko na naiisip kung saan ba ako pupunta, basta nalaman ko na lang nasa loob na ako ng arcade.
Nakakainis naman! Bakit ako 'yong nag-sorry? Dapat magalit ako e?
Sige, okay na 'yon. Para hindi na humaba pa.
Nang makarecover ay hinubad ko yung jacket na may mantsa at itinali iyon sa bewang ko. Mas lalong guminaw dahil white fitted sando na lang ang suot ko ngayon, mabuti na lang at pants ang naisipan kong suotin imbes na shorts. Hindi ko na lang pinansin ang lamig at agad na dumiretso sa target ko sana kanina.
SA PETER PAN GRAB MACHINE!
I really love Peter Pan! I love the color green. Actually ang buong kwarto ko sa bahay ay puro color green at may mga printed lines from peter pan na nakadikit sa walls ko. May mga peter pan stuff toys na rin ako na bigay ni Mama at Papa, pero gusto ko rin kasi itong stuff toy na nasa Grab Machine... wala naman akong mahanap na nagbebenta nito.
Pero ayun, as usual... nakaubos na ako ng limang token pero wala pa rin akong napapala!
Tumigil muna ako para i-check ang cellphone ko. Hindi pa rin nagrereply si besty, hindi ko tuloy alam kung aalis na ba ako o kung ano, kasi baka mamaya biglang dumating 'yon.
Kasalukuyang inaayos ko yung pagkakapusod ng buhok ko nang muntik na akong mapatalon sa gulat dahil may biglang nagsalita.
"Hi," ngumisi siya, lumapit at saka sumandal sa machine na malapit sa akin. "I'm Santi. Santi Fermin." inilahad niya yung kamay niya.
Tinitigan ko lang iyon dahil hindi ko alam ang dapat kong i-react. 'Matapos mo akong sungitan at tapunan ng kape kanina, magpapakilala ka?' Tumawa lang siya nang mabasa siguro yung nasa utak ko.
Maganda siyang lalaki, nice eyes and nose. May kahabaan rin ang brown na buhok niya na umaabot sa balikat na lalong nag-enhance ng pagiging pretty boy niya. He's wearing a striped long sleeve shirt na pinartneran ng black pants. May nakapatong na black leather jacket sa kanan niyang balikat. Kahit anong gawin niya, halata pa rin yung pagkapakla ng boses niya at ang kalamigan ng mata. Yung tipong parang napipilitan lang?
"U-uhm,"
"Here," napaatras ako nang bigla niyang ipinatong sa balikat ko ang isang itim na leather jacket. Naamoy ko naman kaagad ang kabanguhan nito. "Take it, please. Sorry for my rudeness earlier. Baka magkasakit ka dahil malamig. I admitted it, that was my fault. I should be the one who should say sorry."
Hindi ko mabasa. Mukhang napipilitan lang siya pero on the other side, tunog sincere naman siya sa mga sinabi niya.
"Uhm, okay, t-thank you." I smiled awkwardly. Ginapangan rin ako ng kaba. Hindi naman kasi talaga ako sanay makipag-usap sa ibang tao. Tanggapin ko na lang 'tong offer niya nang matapos na.
Tumango siya, "Okay then, see you again somewhere."
Pagkatapos ay umalis na siya at bumalik sa mga kaibigan niya. Saglit ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa makalapit na siya sa mga kaibigan niya. Umapir siya sa isang lalaking naka-jacket at naka-mask, with matching sunglasses pa... mataas ba araw dito sa loob ng mall?
Napaiwas ako ng tingin noong lumingon sa akin 'yong taong 'yon. I mean, hindi ko sure kung sa akin ba talaga tumingin or sa direksyon lang.
I checked my phone na lang ulit for my other social media accounts. May mga nababasa akong tweets ng mga kaklase ko na hindi ako maka-relate... pero pare-pareho sila ng sinasabi.
----
mikeetoleds: Excited na ba kayo next week? Waaaaaaaaah!
pretty_jully: can't wait to see him!
zhien_: can't wait sis! sana maging jowa mo siya! so proud of you!
jeceeel: share mo naman sa mga pinsan mo jully sissy hihihi!
mikeetoleds: hoy jully! akala ko ba si jayvee gusto mo ha?
pretty_jully: i can like them both naman ah?
----
ANO DAW?
Inis na isinara ko na ang phone ko dahil nabanggit na ang pangalan ni Jayvee, 'yong long time seatmate at crush ko. Hays, gwapo kasi siya at matalino kaya naman maraming nagkakagusto sa kanya sa school. Kaya eto, hindi ko naman sila pwedeng pagbawalan dahil wala namang kami ni Jayvee.
Ouch.
Nasira ang pag-iisip ko nang magkaroon ng ingay dahil sa impit na tilian ng mga babae at beki. I think sa bandang basketball machine. Ginawa nilang court itong Tom's world, lol. Napalingon ako at nakitang isa 'yong Santi sa apat na naglalaro doon sa machine. Nakilala ko rin yung dalawang kasama ni Santi kanina, 'yong happy-go-lucky at 'yong may headphones... tapos 'yong isa naman ay 'yong naka-facemask at naka-sunglass. Batay sa bilis at minsang pagtitinginan nila sa isa't isa, mukhang nagpapalakihan ng score yung apat.
Hindi ko na lang pinansin at bumili na lang ulit ng Tokens. Last ko na 'to tapos kapag hindi pa nagreply si besty, uwi na ako.
"Ate, limang token pa nga po..." sabi ko sa teller, pero hindi ako pinansin. Nakangiti siya habang may tinitignan sa likuran ko. Nilingon ko iyon at mukhang pinapanood niya rin 'yong apat na lalaking nagbabasketball.
"Ang po-pogi talaga," wala sa sariling aniya.
"Ate?" kumaway ako sa harap niya.
"Ah! Yes, Ma'am? How many tokens po?"
"Lima po."
"Here's your 5 tokens, Ma'am... Enjoy!" aniya na nagmamadali sabay nood ulit doon sa nagbabasketball.
Kunot noong bumalik ako sa Grab Machine habang tinitignan pa rin 'yong apat... Medyo marami na ring nagkukumpulan sa paligid nila para lang panoorin sila. Gan'on ba kalakas ang hatak nila sa tao? Hanggang sa humiyaw na 'yong magkakaibigan dahil meron na yatang nanalo.
I just shrugged.
I tried the machine again. First, second, third, fourth tries... Frustrated na pinipindot at minamassage ko pa rin ang controller habang nakatingin kina Peter, kahit tapos na yung time ko. Malapit ko na nga yatang hampasin to eh? Great. Just great! Sabi na nga ba, madaya 'tong machine na 'to e! Huhuhu. Sa tagal kong tinatarget 'to hindi ko pa rin makuha.
"You need help?" halos mapatalon na naman ako nang may nagsalita na naman bigla-bigla. Napatingin ako doon sa nagsalita na nasa tabi ko.
Huh? Siya 'yong kaibigan n'ong Santi na naka-mask at sunglass...
Pinagti-trip-an ba nila ako?
"Heh." tumaas ang balahibo ko sa halakhak niya. "Miss, 'wag mo naman masiyadong ipahalata.." Aniya kaya napataas ang kilay ko na para bang nagtatanong.
Huh?
"Naka-sunglass na nga ako, may facemask pa! Para nga hindi na makita ang mukha ko, tapos may natutulala pa rin?" sabi niya. "Mga babae talaga, masyado kayong obvious."
HUH?
I made a disgusted face noong umiwas ako ng tingin. Lakas ng hangin ha? He was tall, at amoy na amoy ko ang bango niya. Bagay rin sa kanya ang gray na jacket niya, pero 'yong kayabangan? Hindi ko yata kinaya.
"You know, I'm an expert on everything that I do, even on this. You want my help?"
Psh. Sa buong existence ko, ngayon lang talaga ako nakatagpo ng Naglalakad na Kayabangan.
"Share mo lang?" bulong ko.
"Ha?" he asked, smirking. Hindi yata naintindihan yung sinabi ko.
"Hatdog." sagot ko, while laughing on my head. Kaya ko lang sabihin 'yan ng pabulong. Kung sasabihin ko outloud, ay baka awayin ako nito. "Wala po. Salamat. Hindi ko kailangan ng tulong,"
I rolled my eyes at saka pinag-isipan kung ihuhulog ko pa ba 'tong last token o lalayas na. Aish. I can't stand this guy! Hindi ko na lang tuloy hinulog at nagpasyang umalis na lang. Bakit ba nila ako kinakausap?
Hindi ko na lang pinansin at naglakad na nga ako palayo. Napabagal ang lakad ko nang mag-beep ang cellphone ko. Nagtext na ang bruhang si Lui.
From LuiHuh? Anong sumusunod? Huhuhu sorry bestyyyy, hindi ako makakapunta! HUHUHU May biglaang dress rehearsal kasi sa Teatro ngayon. Hindi pwedeng wala ako. Akala ko saglit lang 'to kaya hindi na ako nagtext sa'yo, tapos ang tagal pala, at hindi na ako nakaalis.... kaya hindi ako nakasagot kasi nasa gitna ako ng rehearsal kanina. HUHUHUHU
Nabasa kong text ni besty. Napailing ako at nag-type.
To Lui Oo na! Hindi naman ako galit, no! Sanay na ako sayo. Lol. And about sa mga creeps na sinusundan ako, false alarm lang pala. Hehe
Wait, false alarm nga ba? O baka pati pagkabangga nila sa akin, hindi aksidente lang?
Napailing ako ng mabilis para mawala 'yon sa isip ko. Ang advance ko talaga mag-isip. As if naman gan'on nga ang nangyari. Baka nagkataon lang!
From Lui Mga pogi ba? Nag-assume ka na naman, no?
To Lui Ah gan'on? Galit na pala ako sa 'yo.
From Lui Joke lang hehe. Sabi ko nga si Jayvee lang laman ng puso mo e.
I giggled noong mabasa ang pangalan ng crush ko.
To Lui Speaking of Jayvee, nabasa mo ba mga tweets nila Jully? Hays! Inaagawan ka talaga kay Jayvee.
"MISS!"
Hindi pa ako masyadong nakakalayo mula sa Arcade nang mayroon lalaking sumigaw. Lahat yata ng 'miss', maging ako e, napatingin sa tumawag. Hindi nga ako nagkamali dahil sa direksyon ko nakatingin si kuyang Kayabangan with sunglass and mask. Naglakad siya palapit at may hinagis na kung ano sa 'kin na nasalo ko naman kaagad.
Kunot noong tinignan ko kung ano yon at ilang segundo bago nag-sink in sa 'kin ang nakita ko.
Peter Pan stufftoy.
Nanlaki at kuminang ang mga mata ko sa tuwa at agad na napatingin sa direksyon ni kuya. Nakatalikod na siya sa akin.
''THANK YOU!'' sigaw ko kay kuyang KAYABANGAN na tinubuan ng mukha. Kahit papaano ay natuwa naman ako sa bigay niya na 'to. Pwede na rin kahit puro kayabangan lumalabas sa bibig niya.
Lumingon siya saglit at di ko mabasa ang mukha niya dahil nga sa sunglass and mask. Ini-form niya ang kamay niya na parang telepono, at itinapat iyon sa tainga niya.
Huh?
Umuwi akong kunot ang noo doon at nagiisip. Inilapag ko 'yong stuff toy sa study table ko sa kwarto at napangiti. Nagcocompliment ang kulay nito sa buong kwarto ko na puro color green.
Hinubad ko na rin 'yong black leather jacket na binigay sa akin ni... Santi ba 'yon? Ibabalik ko na lang ulit ito kung sakaling magkita ulit kami... 'Yon ay kung magkikita ulit kami?
Mabilis pang lumipas ang araw at Friday na. Ilang linggo na rin simula noong magsimula akong tumambay sa library para paghandaan ang mga Quiz Bees na sasalihan ko para irepresent ang Tirona High. Ngayon na lang ulit ako sa classroom namin didiretso...
Excited na akong makita ulit ang seatmate ko!
"Kutsara mo," sambit ni mama sa akin isang umaga habang nagaalmusal, nang hindi sinasadyang mapatunog ko ang kutsarang sumanggi sa plato ko,
"Uh, sorry po, Ma." Umayos ako ng upo at mas lalong hininhinan ang pagkain. Iinom sana ako ng kape ko nang kunin iyon ni mama at inalis sa harapan ko.
"Kape? Ayra, sinabi ko naman sa 'yong wag kang magkakape. Masama ang sobrang kape sa utak, mahihirapan kang magmemorize niyan. Dapat alam mo yan. Ako na ang iinom nito. Ayan ang gatas."
Tumango na lang ako at muling nagtimpla. Pagkatapos kumain ng almusal ay pinagtabi at inayos ko ang kutsarang ginamit ko.
Hindi naman kami mayaman.
My father is working in Korea as a waiter, samantalang home-based seller naman si Mama ng mga product like lotion, sabon, at fabcons--- pero tinuro sa 'kin ni mama ang mga proper etiquettes. Mula sa kilos, pananalita at iba pa. Marami siyang mga "dapat" na itinuro sa akin. She was strict, sometimes sweet. And I would say, moody. Minsan ay maluwag siya sa ginagawa ko pero minsan lahat na lang din e, napapansin.
Sa harap ni Mama ako pinaka-maingat gumalaw. Pangalawa ay sa harap ng mga teachers at estudyante. Pinaka-malaya lang siguro ako kapag walang tao o kaya tuwing kasama ko si Lui, ang bestfriend ko sa school at si Ella na bestfriend ko dito sa neighborhood namin. Malaya rin ako kapag nandyan si Papa, kaya lang nasa ibang bansa siya para magtrabaho.
"Okay naman ba sa school?" 'yan yung palaging tinatanong niya sa akin.
"Hmm." I nodded and smile a little.
"Eh ang Science Camp?"
I simply nod. "Representative po ako ng Quiz Bee."
She nodded a little habang humihigop ng kape. ''Dapat lang dahil ikaw ang Rank 1.''
''Dapat lang dahil ikaw ang Rank 1.''
''Dapat lang dahil ikaw ang Rank 1.''
''Dapat lang dahil ikaw ang Rank 1.''
Matabang akong ngumiti, sanay na dapat ako sa mga "dapat" ni Mama pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Kahit maintained ko ang pagiging Rank 1 sa school ay never niya pa akong pinuri, ni hindi pa nga siya umattend ng card released sa school, madalas ay si Papa. Umattend lang siya noong nagtrabaho na sa Korea si Papa at wala na siyang choice kundi ang umattend, kaso nga lang ay saglit lang.
Nagpaalam na ako kay Mama pagkatapos kumain.
It was 6:45am, 15 minutes bago mag-flag ceremony sa school.
Prente akong naglalakad sa gilid ng kalsada papuntang Tirona High nang biglang may bumusinang kung anong sasakyan sa likuran ko. I'm pretty sure they're not some important people like the principal or school's visitor. Maybe some rich kid o spoiled brat na pinili akong pagtrip-an.
Akala ko yung lalaking bumaba na ang boss nila. I even insulted him na hindi na nga gwapo ay hindi pa maganda pati ang uagali... at ngayon ay halos manlumo ako habang inaalala ko ang sinabi ko. Maybe my predictions isn't right, right now?
"Anong sinabi mo?" sabi muli ng tinig.
Awang ang bibig na pinagmasdan ko ang pagbukas ng pintuan ng back seat. Iniluwa nito ang isang makisig, matangkad, matikas, at... sobrang gwapong nilalang.
Hindi ako mahilig tumingin sa mga lalaki, but I can say na ang lakas talaga ng dating ng isang 'to.
Matipunong naglakad siya palapit sa akin. Awtomatikong napatingala rin ako sa kaniya dahil hanggang leeg niya lang yata ako.
"Sino ulit?'' aniya. Sobrang kabog naman ng dibdib ko. ''Yung sinasabi mong panget kanina?"