CHAPTER 2: JAE ANNE
Ayradel's Side
Isa lang ang basehan ko ng "gwapo" noon... si Jayvee Gamboa lang na seatmate at long-time crush ko.
Sa tuwing hindi niya kasing gwapo ang isang lalaki ay taob na iyon sa paningin ko. Ngunit ang isang 'to ay medyo hawig ni Jayvee sa unang tingin. Malalaman mo lang na magkaiba pala once na nginisian ka na niya.
Itim at medyo magulo ang buhok. Maputi, matangos na ilong, pulang labi, magandang pangangatawan... Mas matangkad siya sa akin pero alam kong magkalapit lang ang edad naming dalawa because he's wearing a dark blue uniform na sa tingin ko'y uniform ng isang private school.
Sobrang ganda rin ng inosente niyang mga mata niya, sobrang simple lang. Maitim pero hindi malamig. Alam mo yung parang ang approachable, at sobrang bait niya?
"Ano?"
Napapikit ako sa gulat dahil para siyang nanghahamon ng away. Kalimutan niyo na yung sinabi kong mukha siyang mabait.
''Heh.'' Tumawa pa siya ng sarcastic, medyo napakunot ang noo ko dahil parang narinig ko na ang boses niya somewhere. Pero hindi ko alam kung saan. "Miss, huwag ka kasing basta-bastang magsasabi ng 'Ang panget ng boss niyo' tapos tatawa na lang bigla... alam mo kung bakit?"
Ngisi niya ang pinaka-highlight ng kagwapuhan niya. Kapag nginisian ka niya ay parang mahi-hypnotize ka ng wala sa oras, at hindi ako nakaligtas doon. Parang tangang umiling-iling lamang ako sa sinabi niya.
Lalo tuloy siyang ngumisi, kaya mas lalo akong nahypnotize. Namalayan ko na lang na itinaas niya ang kamay niya patungo sa baba ko saka ko naramdaman ang pagsara ng sarili kong bibig.
OMAYGAD?
NAKANGANGA AKO?
"Ngayon, alam mo na, ha." Aniya kaya napatingin ulit ako sa kanya, "Kasi mukha kang tanga." hindi pa ako nakapagsalita matapos n'on kaya tumawa ulit siya. "Tss."
saka siya umalis sa harapan ko at iniwan ako doong laglag na naman ang panga. Ilang segundo ang nakalipas bago ako nagreact...
Ano raw?
Hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili ko. Lumingon ako sa papalayong letchugas na lalaking 'yon nang makarecover ako mula sa kahihiyan.
Napapikit ako upang pigilan ang sarili ko. Pero ako, tanga? Mukhang nagpanting yata ang tenga ko at hindi ko matatanggap yon. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nasabihan n'on! Teachers ko nga ay hindi pa ako sinasabihan n'on kaya hindi ko 'yon matatanggap!
Walang ingay akong tumakbo para maabutan siya. Mula sa likod e, hinarang ko ang kanang paa ko sa paa niya at dahil nga naglalakad siya, syempre na-out of balance siya at sumalampak sa lupa!
"OH s**t!" aniya.
Kumaripas agad ako ng takbo papunta sa nakasaradong Main Gate ng school pagkadapang-pagkadapa niya. Hindi ko alam kung bakit ang sarap sa feeling! Napahalakhak ako ng wala sa oras.
''HOY! BUMALIK KA DITO!''
Hindi ko na mapigilang tumawa ng malakas, at kabahan siyempre. Hahahahahaha! Hindi ko na siya nilingon pa, dahil una sa lahat wala na akong time para sa kanya. Diretso lang ang takbo ko hanggang sa makalapit ako sa gate ng school. Nakasarado ang main gate, at tanaw na ako ng guard ng school namin.
" Ano pang tinatanga-tanga niyo dyan?! HABULIN NIYO!"
Nanlaki ang mga mata ko pagkarinig n'on. Slowmo na lumingon ulit ako sa kanila at nakitang nagsisitakbuhan na mga palapit sa akin yung mga MIB!
OH. MY. GHAD?
IS THIS REALLY HAPPENING?! HAHABULIN TALAGA NILA AKO?
WTH!
Halos madapa na ako sa pagmamadali makapasok lang ng school. Pagpasok ko ay napakaraming teachers at estudyante ang nasa harap ng Flag pole na nakaharap ngayon sa direksyon ko. Halos mamula ang pisngi ko sa kahihiyan, dahil buong atensyon nila ay nasa akin.
Sinubukan kong bagalan ang kilos ko pero agad akong nagpanic nang makitang papasok pa yata sa loob ng school namin 'yong mga Men in Black?
"Tsk, si Ayra lang pala," rinig kong sabi ng isa sa school mates ko. Bakit ba maraming tao ngayon dito sa harap ng school? Huh?
Confused na napatingin tuloy ako sa mga banner na hawak nila... "Welcome to Tirona High Mr. Richard!"
I thought ligtas na ako sa kamay ng mga humahabol but I was wrong. When I looked back, nakita ko pa kung paano hinayaan ng mga guards na pumasok sa mini gate yung mga Men In Black! Binuksan pa ang main gate ng school para papasukin 'yong black ang shining car nila.
Shocks! Bakit sila hinayaang makapasok sa school na 'to?!
ANONG MERON?
"Aaaaahck!" And there I felt someone grabs my arm. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila sa braso ko. Gusto kong takpan ang mukha ko dahil ayokong makita ako ng mga ka-schoolmates ko sa ganitong kalagayan. Para akong kriminal na hinuhuli ng mga itim na police! "Bitawan niyo po ako! Sorry na! Hindi ko po sinasadya yung ginawa ko!" I pleaded. "Please po para niyo nang awa!"
Medyo binawasan ko na ang pagpupumiglas dahil masiyado na yata akong nakakahakot ng atensyon. Napansin ko kasi ang unti-unting pagtitipon-tipon ng mga estudyante at guro sa harapan ng gate. Marami na rin ang tumitingin sa akin pero 'yong ibang mga estudyante ay tumitingin lang.
Nagkaroon lang ako ng pag-asa noong lapitan kami ng Adviser ko, si Ma'am Reyes. OMG, thank you Lord!
"Excuse me? What are you doing to my student? Why are you holding her like that?" anito.
"E, Ma'am pasensya na po!" sabi n'ong isang may hawak sa akin. Siya 'yong pinagkamalan kong boss kanina. Jusko, Pilipino pala 'to? "Pinapahabol po siya ni Sir--"
Hanggang sa matigil kami nang magsimula ang malakas na tugtog mula sa sound system nitong school tuwing may Flag Ceremony. May guro rin na nagsilbing emcee na para bang may malaking bisitang inaabangan.
"WELCOME TO TIRONA HIGH MR. RICHARD LEE!" Sabi ng emcee na may hawak na microphone sa mini-stage kung nasaan ang flag tuwing flag ceremony. May ibinaba pa na tarpauline kung saan naka-flash doon ang mukha ng lalaking TANGA.
Napasinghap ako't napatingin sa gate.
Doon ay nakita ko na yung slow motion na pagpasok ng lalaking tanga, and from this moment... Napalunok ako at agad na ginapangan ng kaba noong makita ko na naman ang magara niyang ngisi.
Oh my gosh? Sino 'tong nakabangga ko?
Bakit hindi ako nag-isip?
Masiyado akong naging careless. Masiyado akong nagpadala sa inis. VIP nga ang isang 'to... Paano na ang pag-aaral ko nito? Baka ma-guidance ako? Bakit ko ba kasi ginawa yon? Ano na lang ang iisipin nila Mama kapag nalaman nila 'to? Na may pinatid akong isang VIP tapos tinawag ko pang TANGA?
Hindi 'yon pwedeng mangyari dahil masisira ang paga-aral ko at ang inaalagaan kong image dito sa eskwelahan na ito!
"OMG! ANG GWAPOOOOOO! AAAAAAAHHHHCK!!! OMG!"
May malakas pang pa-music kaya naman hindi ko na naintindihan pa ang sinisigaw ng mga kapwa ko estudyante. Basta ang alam ko lang, kinuyog nilang lahat 'yong gwapong lalaki na TANGA. Masyadong nadistract ang mga Men In Black sa pagwawala ng mga schoolmates ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para makatakas. Nagdalawang isip pa 'yong mga MIB kung hahabulin ba nila ako o tutulungan 'yong amo nilang TANGA mula sa panghaharass ng mga ka-school mates ko. Maging si Mrs. Reyes ay tumulong na rin sa pag-awat sa mga estudyante.
Agad akong tumakbo at nagtago sa likod ng pinakamalapit na building. Mula sa likod nito ay sinilip ko ulit ang pangyayari. Halos magkanda-lasog lasog na ang damit nung lalaki dahil sa pagkakagulo sa kanya ng mga ka-schoolmates ko. Gan'on na rin yung tatlong men in black para lang maharangan 'yong amo nila.
Napasapo ako sa aking noo, sabay sandal sa pader na pinagtataguan ko ngayon.
Shocks! Pakiramdam ko ay artista pa 'yong nakabungguan ko? Artista kaya 'yon? Hindi ko alam dahil hindi naman ako mahilig manood sa TV at sa mga artistang pogi. Lagot pa rin ako kung sakali mang artista 'yon! Pero hindi niya naman ako kilala 'di ba? Wala siyang picture ko? If ever man, hindi na kami magkikita ulit niyan...
I shrugged at piniling kalimutan na lang ang mga nangyari ngayong umaga. Napahawak ako sa dibdib at kinalma ang aking sarili, at agad ring napa-ngiwi nang maramdaman ang kaonting kirot dahil sa maliit na sugat sa tuhod ko. Medyo pinagpag ko ang alikabok sa paligid n'on, pagkatapos ay inayos ko na ang uniform ko, saka tinalikuran silang lahat at naglakad na papunta sa room ng SECTION 6A-- Ang pinakamataas na section sa buong 6th year ng TIRONA HIGH.
TIRONA HIGH is one of the public school na nagbibigay ng mataas na kaledad ng edukasyon. Madalas kaming manalo pagdating sa mga competitions, kaya naman talagang bumabango ang pangalan ng eskwelahang ito sa buong lugar namin. Kahit public school ay maraming nagaaral na may kaya dito, dahil madaling makahanap ng universities na mapapasukan ang mga Junior at Senior Highschool Students na dito nakapagtapos.
Though, isa pa rin itong typical Public School kung titignan, 'yon nga lang ay may nakadudugong entrance exam bago ka makapasok. Kung ayaw mo naman magexam ay pera pa rin ang kalakaran.
Dumaan ako sa Science Garden-- 'yong short cut papunta sa room namin. Habang naglalakad ako ay naninibago pa ako sa dami ng nagbago. Ang tagal ko kasing nagkulong sa Library nitong nakaraang linggo para mag-review for school competitions kaya naman hindi na ako updated sa mga ganap ngayon. Exempted naman ako sa lahat ng klase.
Ang daming naimprove sa paligid ng TH. Bagong pintura rin ang building kung saan makikita ang room ng 6A. Mukhang bagong pintura rin yata 'yong pinto pati na rin yung nameplate nito na may nakalagay na 'Section 6A'?
Pinihit ko yung doorknob nang nakalapit ako. Nakasara yung pinto at bintana pero may tao naman, kasi naririnig ko pa yung mga mahinang ingay mula sa loob. Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang malamig na hangin.
Aba, pati room namin gumanda. As in, nagkaroon ng bagong kurtina, bagong paint 'yong blackboard, pati yung mga desk at upuan.
Hindi naman first day of classes ngayon ah?
"Ayra! Isara mo 'yung pinto! Baka lumabas yung aircon!" sigaw ng kaklase kong si Mikee.
Huh? Saka ko lang napansing naka-aircon na ang room namin dahil doon. Sinara ko naman agad ang pinto.
Ang alam ko, mapapa-aircon lang ang room niyo dipende sa napagkasunduan ng klase. Wala namang naningil ng contribution para sa aircon na 'to. Ano 'to, libre na ng TH?
"Belle," tawag ko sa kaklase kong malapit sakin. "Anong meron? Bakit-" natigilan ako nang makitang naka-make up siya.
Pati mga kaklase ko nagpapaganda?
Umiling na lang ako at saka hinanap si besty sa row 3, mukhang hindi pa siya dumarating. Umiling ako saka tinungo ang upuan ko sa Row 1. Automatic na napangiti naman ako nang makita ang seatmate ko. Tahimik lang siyang nagbabasa kagaya ng palagi niyang ginagawa. He turned his face to me and smiled too, as I sit on my seat.
"Uy, Ayra, good morning." pagbati niya. Sumingkit ang mata niya dahil sa ngiti. What a good morning, indeed! Nakalimutan ko ang lahat ng masamang karanasan ko kanina dahil sa kanya, hehe.
"Uy! Jayvee..." kinilig agad ako nang banggitin ko pa lang ang pangalan niya. Napansin ko ang black na bonet na palagi niyang suot, minsan naman ay naka-black eyeglass siya lalo na kapag nagbabasa, pero kadalasan ay paborito niyang mag-bonet talaga na tinatanggal niya naman kapag may teacher na. "Ang tagal ko bang nagkulong sa library kaya wala na akong balita? Anong meron, bakit...?"
He shrugged. "Bibisita sa school natin yung DepEd Secretary para mag-observe. 'Yon lang alam ko."
Si Mr. Alfred Lee ang tinutukoy na DepEd Secretary. Mayroon din itong pagmamay-aring Private School malapit dito sa TH, na tinatawag na Lee University.
Nakalaban namin ang school nito once, sa isang Math Quiz Bee. I am the representative of 5th year. Lahat ng representative ng TH ay humakot ng awards kung kaya't nakuha ang atensiyon ng DepEd Secretary.
No wonder kung bakit kami nakakahakot ng bisita. Pero si Mr. Alfred Lee mismo..? I think it's too imposible.
"Ahh, akala ko dahil sa artistang pinagkakaguluhan diyan sa labas." sabi ko sa kanya.
"Oh? Sinong artista?"
"Hindi ko kilala, hindi naman sikat. Haha!" sabi ko. Nakalimutan ko na rin ang pangalan. "Mukhang hindi yata alam ng mga kaklase natin ah? Kung alam nila 'yan susugod 'yan doon."
"First subject rin natin ang Science." aniya. Kinikilig ako dahil ang studious niya! Hihi. Sobrang ideal man niya para sa akin.
"Oo nga pala, bawal mag-skip." natahimik ako dahil hindi na siya sumagot. Dahil doon ay itinaas ko na ng marahan ang palda ko upang makita ang sugat ko sa tuhod. Hindi ko na nagawang dumaan pa ng tindahan o ng clinic para humingi ng band-aid dahil first subject nga namin ang Science... hindi pwedeng um-absent or mag-skip.
"Anong nangyari sa tuhod mo?" bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa tanong ni Jayvee. Ibinaba niya ang libro niya upang tanawin ang tuhod ko.
"Ah, nadapa lang." ngumiwi ako nang maalala kung anong nangyari kanina. Ayoko nang i-kwento pa kay Jayvee ang mga detalye dahil nakakahiya.
"Ito, band-aid." napalingon muli ako kay Jayvee nang ilapag niya sa armrest ko ang isang plain band-aid. Pakiramdam ko napupuno ng paru-paro ngayon ang tiyan ko. "Hugasan mo muna sa CR 'yong sugat. Or para hindi ka na lumabas, gamitin mo na lang 'tong panyo ko tapos basain mo gamit ang baon mong water para atleast malinis muna 'yong wound bago mo lagyan ng band-aid."
Halos mapatulala ako sa way ng pagsasalita niya. Sobrang responsable, sobrang maaasahan... sobrang manly at sobrang nakaka-inlove. Habang nagsasalita siya kanina ay parang wala na akong narinig, nag-slow mo na lang ang buong paligid sa akin.
"Ayra?"
"Ha?" nagising ako sa katotohanan nang tawagin niya ako. Napatingin ako sa in-o-offer niyang panyo naman. "Ah, ayos lang, may panyo rin ako. Ito na lang gagamitin ko."
Tumango-tango naman siya. "Salamat sa band-aid."
"Oo naman. Palagi naman akong may baong first aid kit."
Napangiti ako sa kilig, pero hindi ko iyon pinakita at nilinis na ang sugat ko gamit ang basang panyo.
"Alam mo..." I tried to make conversation again as I put the band-aid on my wound. "... hindi ko alam kung anong espesyal sa school nating 'to bakit yung DepEd Secretary pa mismo yung magoobserve? Pwede namang may representative lang diba?" Sabi ko kay Jayvee.
"Hmm... I think it's possible." aniya. "Our school is special... because of students like you."
Natigilan ako sa sinabi niya... Ano daw? Parang nilulunod ako ng mga mata niya habang tinitignan niya ako. Tapos yung puso ko naman, walang humpay sa pagtibok.
"G-grabe... ba't naman ako magiging special?" napaiwas ako ng tingin saka kinagat ang ibaba kong labi.
"Oo kaya..." ngumiti siya kaya ngumiti na lang rin ako. He didn't really failed to make me feel like this.
"By the way," sabi niya habang hinuhubad yung gray na jacket niya. "Suotin mo 'to. Malamig. Pina-aircon-an itong room natin, e."
Pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa arm rest ko, bago muling nagpatuloy sa pagbabasa. Naiwang nakaawang noon ang bibig ko. Grabe na 'to! Tingin ko iba na 'to! Hindi na ba 'to basta crush lang?
Parang gusto kong tumili sa sobrang saya nang kunin ko ang in-offer niyang jacket. Pinigilan ko iyon sa pamamagitan ng pag-kagat sa ibaba kong labi.
"T-Thank you," nautal pa ako sa kaba. "M-magkano raw p-p-ala ang ang contribution para sa aircon?"
"Wala namang inannounce si Jae Anne." Aniya habang nagbabasa pa rin.
Si Jae Anne ang class president namin. Tumango ako, at pagkalipas ng ilang minuto ay saka lamang dumating yung teacher namin sa Science.
"Goodmorning class!"
"Ma'aaaaaaam!" rinig kong complain ng mga kaklase ko. Ni-cut agad sila ni Ma'am na para bang alam na agad kung ano 'yong nico-complain nila.
"Tumigil kayo! Hay! Kapag gwapo talaga, oo! Anong mas mahalaga, itong Science subject niyo o 'yong gwapo?"
Wala nang umimik pero halata mong luging-lugi ang mga kaklase ko dahil hindi nila nakita 'yong lalaking TANGA na mukhang artista nga yata. Pero wala akong pakialam doon. Buong klase yata e, lutang ako. Hinahawakan ko lang yung jacket na pinahiram niya, tapos napapangiti kapag nakikita ko yung nakaburdang "JV" sa may bandang dibdib. Kahit na hindi maganda ang simula ng araw na ito, ito pa rin ang the best dahil sa seatmate ko.
Jayvee will always be my type. 'Yong tipong tahimik lang, mature, may pagpapahalaga sa pag-aaral, seryoso pero kayang tumawa. Ang swerte ko kasi naging seatmate ko siya, kaya ako yung pinaka-may pagkakataong mapalapit sa kanya.
"Sinong artista ba?" sabi ni Luisa, ang bestfriend kong nang-indian sa akin last weekend, habang hinihigop yung chocolate drink niya. Ngayong hapon lang napagdesisyonan ng babaeng ito na pumasok kaya absent siya ng klase sa umaga. Kinwento ko na rin sa kanya lahat ng pinagdaanan ko kaninang umaga, tungkol doon sa engkwentro ko sa artista.
"Hindi ko na nga maalala 'yung pangalan e! Basta 'yong may banner diyan sa harapan?" sabi ko.
"E tinanggal na 'yata yung banner e. Wala na akong nakita!" Sabi niya.
"Aish, hayaan mo na nga 'yon! Basta hindi naman na kami magkikita n'on e."
"Hmm..." lumukot ang mukha ni besty. "You'll never know, besty. You'll never know..." aniya na nang-aasar. "Malay mo, 'yan pala ang destiny mo."
"Wow ha, nahawa ka na kay Ella sa pag-imagine mo!" sabi ko. "Ngayon pa, na may improvement na kaming dalawa ni Jayvee?" pinagpag ko ng pa-kunwari ang parte ng jacket kung saan naka-burda 'yong JV. Sabi ko kasi kay Jayvee, suotin ko muna. Ayoko naman kasing ibalik 'to nang hindi nalalabhan.
"OMG? Hindi ko napansin! Pinahiram ka ni Jayvee ng jacket niya?! Ano 'to jowa--" tinakpan ko na agad yung bibig niya.
"Besty naman e!" luminga ako sa paligid. "Baka may makarinig!"
"Paranoid mo naman!" inalis niya yung kamay ko. "Pero seriously, may gusto na rin ba si Jayvee sayo? Kasi bakit ka naman niya papahiramin ng jacket niya? Huwag mong sabihing as a friend?"
Nagkaparu-paro yung tiyan ko sa tanong ni Besty. Napatingin ako n'on sa counter nitong canteen habang nag-iisip, at saktong nagbabayad ang kaklase naming si Jae Anne. Unti-unting nawala 'yong paru-paro at ang ngiti ko.
"M-malay mo kasi as a friend nga lang, tapos mabait lang talaga siya." sabi ko at tumungo.
"Tignan mo 'tong si gaga, kanina lang ang lakas mag-flex, tapos ngayon naman biglang nawalan ng lakas ng loob. Cheer up, best friend! Ikaw ang Rank 1, oh!" Umikot ang mata ni Lui kaya naman I made faces na lang.
Nilingon ko ulit si Jae Anne Galvez na may kasamang mga kaibigan sa likuran.
She's our Class President, as well as ang Rank 2.
Tuwing nakikita ko siya, palagi akong nawawalan ng confidence. Palagi akong nagkaka-doubt sa sarili ko. Nalalamangan ko naman siya sa academics pero I think she's always better.
I'm only good at academics. Reading and memorizing books. While she can do singing, dancing and modelling like Besty. She's more confident, talented, beautiful and fashionista. Eh ano ako? Ni hindi nga ako marunong mag-make up ng totoo. Saktong liptint sa labi at sa pisngi, ordinaryo lang kung titignan ang uniform ng TH sa akin, samantalang iba ang dating ng uniform namin kay Jae Anne. Maganda at makurba ang katawan niya, habang 'yong katawan ko naman, sakto lang... ordinaryo lang. Malalim ang dimples niya sa kaliwang pisngi tuwing ngumingiti, samantalang ako? Ni wala akong feature sa mukha na talagang matatandaan.
Kung sa akin ay maraming nakakakilalang teachers, sa kanya naman maraming nakakakilalang estudyante, inside and outside our school. She's known to be the 'Crush ng bayan'. Sikat rin sa f*******: at i********:. Surrounded by many friends, many suitors. Maging ako nga yata ay humahanga rin sa kanya.
I am maybe the 1st in ranking, she's always the one next to me, pero pagdating kay Jayvee, siya yung mas may posibilidad na gusto pala nito. Sila rin kasi kadalasan ang pinagkakamalang mag-boyfriend/girlfriend dahil minsan ay nakikita daw silang magkasama pero wala pang nagko-confirm about doon.
Isa lang rin ang lamang ko... mas malapit lang ako kay Jayvee physically... dahil seatmate ko siya.
...pero other than that, wala na akong ibang pinanghahawakan pa.