CHAPTER 3: DEATH IS COMING
Ayradel's Side
Lumipas ulit ang araw at Lunes na naman.
Tinignan ko ulit 'yong jacket ni Jayvee na pinahiram niya sa akin saka nakangiting inamoy. Grabe, sampung pack yata ng fabcon yung nilagay ko dito para maging sobrang bango 'pag binalik ko kay Jayvee. Ngumiti ulit ako pagkatapos ay inilagay na iyon sa bag.
Masaya at patalon-talon pa akong pumasok sa gate ng TH kasi makikita ko na naman 'yong Jayvs ko. Napatigil ako sa pagtalon talon noong narating ko yung Science Garden. Kumpara noong Friday, may dinagdag muli na designs dito. Mas dumami yung bulaklak, tapos mas tumingkad yung pintura.
Mabagal akong naglakad para tignan yung mga bulaklak na nadagdag nang may napansin akong isang taong nakajacket. Kunot-noong tinignan ko ang suotan niya. Tingin ko ay lalaki siya dahil kahit naka-jacket with hoodie siya, halata sa fit na pantalon at mamahaling Nike shoes na lalaki nga ito. Hindi ba siya naiinitan?
Noong una, kahit weird ay lalagpasan ko lang sana. Kaya lang ay nalaglag ang panga ko noong akmang pipitasin niya ang rose na tanim sa Science Garden na bawal pitasin.
"Wait! Kuya!" pigil ko sa kanya. Napaatras at napatingin siya sa 'kin. Napakunot ang noo ko kasi ma-shady naman dito sa Garden dahil sa mga puno, bakit nakashades at naka-facemask siya? Ang weird kasi parang may kamukha siya kahit wala naman siyang pinapakitang mukha.
Luminga siya sa paligid, pagkatapos ay itinuro ang sarili niya. Tumango ako.
"Uhh, bawal pong pumitas ng bulaklak, e. Nakasulat na po sa tapat mo o." tinuro ko yung signboard.
Akala ko magsosorry siya pero napakunot ang noo ko nang tumawa pa siya, inalis yung eyeglassess niya, pagkatapos ay humakbang ng isa palapit. Napaatras tuloy ako. Ang creepy naman nito, alis na kaya ako?
"Eh bakit? Sino ka ba? Ha?" sabi niya, na para bang pag-ma-may-ari niya ang lugar na 'to. Medyo malabo pa ang boses niya dahil sa facemask.
"Uhh?" nagkunwari akong matapang kahit kabado na ako. Ano ba 'yan dapat pala hinayaan ko na lang. "Ako ang estudyanteng nakaassign sa garden na 'to. Pwedeng-pwede kitang ireport sa Science teacher any time, alam mo ba 'yon? Bagong estudyante ka ba? Anong pangalan mo? Anong year ka na at section?"
Napalunok ako kasi tumawa na naman siya. Jusko, multo ba 'to? Bakit hindi siya natatakot na mapagalitan?!
"Ahuh, okay?" he took another step. I stepped back noong inalis niya yung facemask niya. Agad akong napasinghap at nalaglagan ng panga at mata, lalo na noong pati 'yong hoodie niya ay tinanggal niya na rin. "At ikaw din yung nangtisod sa'kin n'ong byernes 'di ba?"
"H-ha?" Umagos ang kaba sa dibdib ko't hindi ko na yata maiwasang hindi magpanic. Tumingin ako sa buong paligid para maghanap ng matatakbuhan. "H-Hindi po! Saka ano... O-o-okay lang po palang pumitas ng bulaklak! Haha! Late na pala ako! Shocks! Kailangan ko nang umalis! Bye! Hindi kita isusumbong!"
Tumalikod na ako sa kanya. Halos lumalamig na ang bawat patak ng pawis ko habang sinisimulan ko na ang pagbibilang sa utak.
1...
2...
"Hahahaha! At alam mo rin bang ngayon, wala ka nang kawala?" SABI NIYA!!! "MAXIMO!"
3!!!!! AHHHHHHHHHHHH! I shouted inside my head.
Wala na akong pake kung madadapa na naman ba ako o ano, basta ang mahalaga makalayo ako sa halimaw na 'yon! Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mawala na sa paningin ko ang Science Garden. Agad akong napa-sapa sa aking noo nang marating ko ang building namin. Mabuti na lang wala nang estudyante sa paligid. Humawak ako sa isang dingding habang hinihingal.
"Aish! Ano ba 'tong pinasok mo Ayra! Aish!" Sinipa ko ang batong nasa paanan ko sa inis.
Inalala ko ulit yung halimaw na artista na 'yon. Bakit ba nandito na naman 'yon? May fan meeting event ba siya? Huwag mong sabihing dito na maga-aral 'yon? Kainis!
Kahit kinakabahan ako ay mas nangingibabaw ang inis. This is not so me. Buong buhay ko never pa akong nasangkot sa g**o. Never pa akong na-guidance o kung ano. Never napagalitan dahil lahat naman ng utos ng mga teachers sinusunod ko.
In fact, teachers' favorite ako dahil nga ako ang pinaka-masunurin nilang estudyante!
Hingal na hingal at pinagpapawisan nang makarating akong room.
Nakakairita talaga yung taong 'yon. Ayan, yung pabango ko tuloy wala na yata! Katabi ko pa naman si Jayvee! Tumalikod tuloy ako ng upo kay Jayvee at nagpanggap na may hinahanap sa bag para hindi niya makita ang mukha kong parang mantika. Ramdam ko ang titig niya kaya mas lalo akong pinagpapawisan. Sa kakahanap ko, di ko na makita, at talaga namang wala akong hinahanap.
"Eto oh," naapatigil ako sa ginagawa ko nang maramdaman ko ang tapik niya sa balikat ko. Humarap ako at tinignan siya, pero agad ring napayuko kasi baka tuluyan na siyang ma-turn off sa mukha ko. "Panyo. Pawis na pawis ka. Saan ka ba galing?"
I let a shy laugh out. Tapos kinuha ko yung panyo niya.
"H-hinabol kasi ako ng halimaw."
"Ha?" he frowned.
"I mean, may nakasagupa akong halimaw tapos pinahabol nya ako sa mga n***o niyang aso."
Tumawa lang siya at um-oo na lang sa pinagsasabi ko. Ngumiwi ako dahil mukhang tingin niya na siguro sa akin ay nababaliw na.
"S-salamat sa panyo ah? Labhan ko na lang."
Ngumiti lang siya.
Nakaramdaman ako ng ihi at lalabas na sana ako para mag-CR kaya lang ay dumating na ang adviser namin na parang nagmamadali at may iaannounce... naisip ko tuloy na huwag muna umihi para pakinggan ang sasabihin ni Ma'am kasi mukhang importante.
"Ahm, supposedly, I am with someone, pero medyo may dinaanan muna siya bago siya dumiretso sa ating room, kaya naman ay ibang announcement muna ang sasabihin ko,"
tahimik na nakinig lang kaming lahat.
"Since kayo ang Section A at ang pinakamataas na Grade, ang Top 5 students from this class ay magkakaroon ng special task for the sake of our school. Napansin niyo naman siguro sa last result ng tests na bumaba ang scores ng mga nasa lower sections ninyo, diba? Our school reputation is high, so we need your help, Einsteins! Lalo na sa Top Students sa klase niyo... I'll assign someone from you na tumulong sa ilang mga guro upang ipa-intindi ang lessons sa mga lower years and sections. You'll be there to be an inspiration and model to your co-students as well, kaya ipakita niyo ang best ninyo para iyon ang gayahin nila. Naintindihan ba?"
"Opo!" sagot naming lahat.
"To our Rank 5, Mr. Jayvee Gamboa?" dumako ang tingin ni Ma'am kay Jayvee.
"Yes, ma'am?"
"I'll assign you to be a sit-in student sa Section 4J."
What? 4th year at last section? 'Yong malayo yung room dito sa room namin? Parang nasa kabilang ibayo pa 'yong building nila e.
Nakaramdam ako ng lungkot lalo na nung sinabi ni ma'am na ilang weeks sila doon. Ngayon nga lang ako bumalik sa room ulit tapos sila naman ngayon ang aalis. Hindi ko na tuloy naintindihan pa yung iba pang inassign ni ma'am sa iba ko pang mga kaklase.
"Sige na, sa lahat ng tinawag ko, ito na ang starting day niyo. Inaabangan kayo ng adviser ng class na nakaassign sa inyo kaya maaari na kayong pumunta doon ngayon." 'yon na lang ang narinig ko sa mga sumunod na sinabi ni mam.
Naramdaman ko na rin ang pagtayo ng lalaking katabi ko. Tumango siya sa akin bilang paalam. Kasama niya sina Jae Anne at iba pa naming kaklase na kasama sa Rank 5.
I let out a small smile, at unti-unti iyong naging sigh habang tinitignan ko silang apat na palabas ng room. Ano ba naman yan, ilang linggo yata akong walang seatmate. Ilang linggo kong hindi makakatabi, or worst, hindi makikita si Jayvee!
Hay, ang hirap talagang mapabilang sa Rank 5.
Pero, speaking of..? Bakit sa akin walang inassign?
Bago pa ako magtanong ay nagsalita na si Mam. Naiihi na ako pero pinigilan ko na rin dahil para sa akin 'yong sasabihin niya.
"And about you Ms. Bicol, mas espesyal ang binigay naming task sa 'yo." Napalunok naman agad ako sa sinabi ni Ma'am. Nagawi ang tingin ko sa direksyon ni besty saglit at nakita kong kunot na rin ang noo niya sa pagtataka. "And this is no joke. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan naming kayang ma-handle 'to dahil we know na you have a long patience."
Kumunot ang noo ko sa tono ni ma'am. Para siyang nang-wa-warning na ewan.
"Patience, Ms. Bicol. PATIENCE. Alam kong mapagkakatiwalaan ka dito kaya naman sana makaya mo ang task na itㅡ"
"Ehem... Excuse me."
Bago pa maipagpatuloy ni Mrs. Reyes ang sasabihin niya ay napalingon na siya sa taong dumating sa pintuan. Isang naka-formal attire na matanda. Kung susumahin ay mukha siyang butler ng isang Teleserye. Narinig ko ang mahihinang bulung-bulungan at napansin ang pag-iba ng ekspresyon ni Ma'am.
"Oh, patience, there he is!" masiglang sabi ni Ma'am habang nakangiwi. "M-magandang umaga, Ginoong Maximo..."
Agad na nagpanic ang sistema ko nang marinig ko ang pangalang 'Maximo'.
M-Maximo? Sinong Maximo?
Agad na nanlaki at naghabulan ang hininga ko nang maalala ang boses ng halimaw na yon kanina"MAXIMO!"
Ipinilig ko ang aking ulo.
"P-Pasok ho, pasok." ani ni Ma'am.
"Siya na yata 'yan. OMG. So totoo nga 'yong kumalat na balita?" Bulong ng mga kaklase ko. Unti-unting lumakas ang bulungan sa buong room, samantalang napakapit naman ako sa upuan habang tinatanaw kung sino yung mga taong nasa labas.
Automatic na napatungo ako para maitago ang mukha ko sa armrest nang tuluyan nga silang makapasok. Gumapang ang high voltage na kaba sa dibdib ko.
Omaygad? Omaygad?
Wait?
Anong ginagawa ng taong yan dito?!
Omaygad!?
"So class... I would like you to please welcome, si Ginoong Maximo. At siyempre si Mr. Richard Lee..."
Nabingi na yata ako sa sigawan nila pero mas nangibabaw sa pandinig ko ang pangalan ng halimaw na nasa harapan.
Richard Lee?
Pusanggalang Richard... LEE?!
Feeling ko iiyak na ako habang nakatungo sa armrest na 'to!
"Siya ang mago-observe sa school natin in behalf of his father, the DepEd Secretary, Mr. Alfred Lee."
At that moment, alam ko na....
Death is coming.